Challenge

2.4K 112 24
                                    

Typical morning.

Tuloy-tuloy si Car papasok ng gate ng campus.

Wala siyang inaasahang gulo ngayon. Medyo tahimik na ang mundo niya di tulad noong nakaraang lingo. Nagtext pa si Charize sa kanya na magkita sa icecream shop pagtapos ng huling klase nila. Kasama daw si Eric. Libre.

Ngumisi siya dahil doon. Nagkakaigihan na siguro ang dalawa. Mukhang maayos na nga ang lahat.

"Sure ka, yung white lady yan?"

Natigilan siya sa nadinig. White lady?

Siya lang naman ang sinabihan na white lady sa campus matapos ang kalokohan ni Leo.

"T*ngina kinis pala ng legs nun. Ang puti."

"Si Regado yun diba? Vocalist ng Black Rose?"

"Sila pala?"

Sinundan niya ang mga boses na nadinig at nahagip ang panginin niya ang kumpulan sa isang tabi. Sa tapat na naman ng bulletin board. Naglakad siya palapit doon.

Nakita niyang naka-pin ang isang picture. Madilim pero naaninag niya ng mabuti ang pigura. Sigurado siyang siya iyon. At si Regado.

Nakatungo ito sa kanya. At siya naman ay parang nakatingkayad na nakaharap dito. Sa ganoong angulo, para silang naghahalikan.

Ew.

"Tabi!" Sigaw niya. Nagpulasan naman ang mga tsimoso at tsimosa. Agad niyang hinila ang picture at nilamukos.

Sino kaya kumuha nung picture na yun? Sa tapat ng gate nila iyon, natatandaan niya. Kagabi lang.

Sabi na nga, may nakatingin sa kanila.

At kailangan sa bulletin board idikit? Talagang doon? Mas effective kaya kung sa--

Biglang nagring ang phone niya. Si Charize, tumatawag.

"Girl! Nasa facebook page ka ng school! Si Regado ba talaga yon? Congrats girl! Kayo na pala!" Sabi sa kanya nito pagsagot.

"Hindi! Ano bang pinagsasabi mo?"

Agad niyang tiningnan ang fb page na sinasabi nito. Bumungad sa kanya ang katulad na picture na nandoon sa bulletin board.

15 reactions. 13 comments.

Shared iyon galing sa page ng Black Rose. Ngayon-ngayon lang.

Black Rose? Yun yata ang pangalan ng banda ni Regado. Hindi niya kasi naitanong talaga. Bakit kapangalan ng dating banda ng ate niya?

Napatingin siya sa paligid. Unti-unting nagpulasan ang mga estudyanteng nakapalibot sa kanya. Naglakad papalayo pero nakita pa niyang naglabasan na nang cellphone ang mga yon.

103 reactions. 89 comments.

Ang bilis ng mga daliri. P*tsa. Libre kasi wi-fi eh.

Napailing siya. Tiningnan niya kung sino ang original na nag-upload. Si mickey mouse ang profile pic. Mukhang dummy account lang.

Leche. May humahamon sakin ha. Makakatikim yon, malaman ko lang kung sino.

Naramdaman niya ang mahigpit na kapit sa braso niya. Masyado siyang busy sa phone kaya di niya napansin ang paglapit.

"We need to talk." Si Leo. Kinaladkad siya noon papalayo bago siya nakapag-react.

"Ano ba?!" piglas niya. Nakapasok sila sa isang walang taong classroom. Doon na siya binitawan ni Leo.

Namumula ang mukha nito. Naniningkit ang mata sa galit. "What the hell is that, Car?!"

"Ano bang pinagsasabi mo?!" Napapunas siya ng noo. Ang layo na nang inabot nila kaya pinagpawisan na siya.

The Bully and the BeastWhere stories live. Discover now