Director's Cut

1.6K 62 12
                                    

Traffic.

Napangiwi si Leo sabay hampas ng manibela. Wala na siyang lulusutan dahil iyon na ang huling daang naisip niya na makaalis sila nang mabilis. Nagshortcut na nga siya sa mga eskinita para makadating sa Makati, wala parin.

Hindi na siya makapag isip pa. Hindi niya alam kung anong oras ang flight o ano pa man. Basta ang importante ngayon ay masundan niya ito agad.

Bukod pa doon ang mga maingay na nagtatalo sa loob ng kotse niya.

"Dalawang buwang nawala, tapos bigla lang susulpot."

"Dude, di mo ba nadinig? His father died."

"Tange, alam ko. Pero noong isang buwan pa yon. Kung talagang seryoso siya kay Car, sana gumawa ka nang paraang makipag-communicate man lang."

Napapikit siya ng mariin. Nakakarindi.

Do they even realize that he's there at kotse niya yon. Siya ang nagdri-drive. Ba't pa kasi nagsisama?

"He tried nga, eh. Wala siya ma-contact niisa sa atin!" Sumabat na si Charity. Lalong umingay dahil masyadong matinis ang boses.

"Hoy babaeng laging gutom! Sino may kasalanan?! Ikaw yung nambuska kina Car na i-block yang g*gong yan."

"Kasi sinabi mong may kausap siya g babae noon! Sinnungaling ka! Akala pa naman namin, mabait ka na! Bad ka! Bad!"

"Aba't ano? Sapakan nalang?"

"Girlfriend ko yan!"

"Isa ka pang kwago ka, ikaw naman yung may pasimuno na ilabas ang scandal nito--"

"Stop. It." Madiing sambit niya. "Papababain ko kayo."

Natigil naman ang ingay dahil doon.

Napailing siya. Ayaw na niyang pag-usapan pa ang mga yon. Nangyari na.

He already talked to Jim's parents about that video. Pumunta ang mga yon noong wake ng Dad niya. Nag-viral kasi at umabot na sa kanila bago pa iyon natanggal.

Napatawad na siya ng mga ito. They knew what he's been through, na inilaban niya ang kaso ng kaibigan niya sa sariling pamilya. Ngayon nga lang siya uli kinausap dahil nagluluksa parin sila.

Nakadinig siya ng buntong-hininga kay Charity. Tumungo at ngumuso.

"Sorry na sa don sa pinost namin, Leo. Nakuha namin yon kay Mike. Ayaw nga ibigay eh kaya hinack nalang namin files niya," sabi nito.

He didn't mind now really. Inaalala lang talaga niya ang parent ni Jim noon kaya ayaw niya yong lumabas. But everything is fixed. Nakahinga na nga siya nang maluwag sa issue na yon.

"Pero malamang sasama talaga loob namin. Niloko mo si Car, tapos napahiya pa nung nilabas unang video niyo." Tuloy ni Charity.

Napatingin siya kay Buddy na napatingin sa labas. Parang natamaan.

He knew that he did it first. Kaya nga sobrang galit si Car sa kanya noong nangyari uli yon. Tapos ngayon, gumawa pa ng paraan para di sila makapag-usap. Sama talaga ng ugali katulad ng mukha. Ba't ba pinatulan ni Car to noon?

"Tapos, she's preggy na pala tapos umalis ka nalang basta nung nakunan siya. Iyak kaya siya ng iyak nung nagising siya. Kami lang kasama niya."

Huminga siya nang malalim. "Look Charity. I'm sorry I wasn't there for Car. God knows that I wanted to be there beside her."

"Kaya nga, di talaga namin alam ang lahat, tapos nakialam kami. Sorry na na trigger lang talaga kami dahil friend namin yon."

"Please, I understand."

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon