Pototoy Scandal

4.2K 187 4
                                    

"Oh my God! Have you seen it?!" tili ng isang estudyanteng nasa canteen kung saan nandoon si Car. Nakita niyang tumakbo sa bandang harapan niya at pumunta sa mga nag-uumpukang mga babae. Tinanggal niya ang headset sa tenga dahil doon.

"Yung video ni Chelsea na sumasayaw?"

Nagkumpulan pa ang iba pang intregerang palaka. Sa gitna nila ang may hawak na cellphone at malamang pinapanood na nito ang kumakalat na video ng Queen Bee ng school.

"My God! It's so mahalay."

"Who's that guy by the way? Yung kasayaw niya?"

"Oh! He's so pangit. Pinatulan ni Chelsea yan?!"

Napangisi lang siya.

Kumalat na pala yung video pinost niya gamit ang anonymous account.

Ibang klase talaga ang mga tao, mahilig sa tsismis, naisip niya. Apparently, si Chelsea na kilala sa pagiging elite at sosyalera ay pumatol sa mayaman at geek guy na mas matanda dito. Thirty one na yung guy ayon sa balita niya. May kwento rin pineperahan lang nito yung lalaking yon para masunod ang luho. At iyon nga. May video pa itong si Chelsea na sumasayaw ng malaswa sa lap noong lalaki.

Huminga siya ng malalim.
Ok na yon para magtanda. Para namang lumevel sa lupa ang mga paa. Hindi naman siya ang may kasalanan non. May mga tao lang gumagawa ng kabulastugan na nag-iiwan ng ebidensya.

Bumalik nalang siya sa pagkain ng popcorn. Wala pang update sa main target niya.

Ilang araw na ang lumipas nang iniwan niya si Leo sa hallway nang nakanganga. Hanggang ngayon, wala parin siyang malinaw na sagot dito. Inaabangan niya ito kapag may practice ang basketball team kaso lagi naman siyang natatakasan. Talagang iniiwasan siya.

Tulad ngayon. Di na naman niya naabutan. Ang sabi ng mga ka-team nito, nauna na itong umalis dahil may klase pa. Nag-isip kung itutuloy pa ba niyang ipakalat ang pototoy nito.

Kulang yata sa push.

Maya-maya pa ay tumunog ang notif ang phone niya. Kinuha niya ito at tinginan.

[Leo: I miss u, hun.]

Miss what?!

Naka Free FB nga pala siya. Naalala din niya na account ng Ate Rose niya ang naka log-in sa phone niya ngayon. Yung may picture ng boobs.

Napangiwi nalang siya. Nanlalandi na naman itong si Leo. Di man lang natinag sa pananakot niya.

May naisip siya.

[Rose: Miss your face! I saw you with that girl! >_

Tutal naman, nilalandi siya sa account na to. Lalandiin niya rin. Sa ibang paraan.

[Leo: We just talked.]

[Leo: Still der?]

[Leo: hun?]

[Leo: Hey]

Nag-send siya ng picture. Ngayon palang natatawa na siya sa magiging reaksyon nito.

[Rose: Someone sent me this.]

[Rose: My friend got dis 2. Is this u, sweetie?]

Yun yung isang picture ni Leo na labas ang tut. Crinop niya para di makita ang mukha.

Maya-maya pa naglog-out ito. Nagkibit-balikat nalang siya. Sayang paglalaruan pa sana niya.

Matagal pa ang susunod na klase niya. Tatlong oras pa. Napaaga lang ang dating niya sa school dahil sa bwisit na kakaabang niya sa Leo na to. Wala tuloy siyang makausap.

Sina Charize at Eric alam niyang busy din. Si Charize, sa club activities nito. Si Eric naman... ano nga bang pinagkakaabalan ni Eric ngayon?

Pinalipas nalang niya ang oras sa pakikinig ng music. Nakatulala lang sa isang tabi. Nagiisip ng mga balakin.

Sa totoo lang, biglaan niya lang naiisip yung sinabi niya kay Leo. Yung ligawan siya nito. Hindi naman kasi niya napaghandaan iyon ng maayos. Isang gabi lang niyang plinano.

Wala na kasing oras. Puri ni Charize ang nakasalalay. Kung di agad kikilos, baka maisipan nga noong makipagbalikan kay Warren.

Pero bahala na. Nasabi na niya.

"Car!"

Who the hell?!

"Car!"

Lumingon siya kung saan galing yon. Si Leo. Nasa may pinto ng canteen at papalapit sa kanya.

"ANO BANG PROBLEMA MO!?" Bigla nitong hinila ang kwelyo ng black polo tee niya. Naitayo siya nito ng walang effort.

Narinig pa niya ang tili ng iba pang estudyante dahil sa komosyon.

"Bitiwan mo nga ako!" Sigaw niya.

At binitawan nga siya. Ang g*go lang, tumama tuloy ang pwetan niya sa bench. Napangiwi siya sa sakit.

Bumagsak ang dalawang kamay ni Leo sa mesa sa harap niya. Halatang galit.

Isang daang porsyentong galit. Daig pa si Taguro!

"Bakit kumalat yung picture?!" Halos pabulong nitong sambit kanya. Kahit mahina, ramdam niya ang gigil noon.

So yun pala ang problema.

"Hindi ka naman nagpaparamdam eh, nainip ako," sagot niya sabay ngiti."Saka naka-crop naman yung mukha doon sa picture na sinend ko sa ilang taong dede mong friends sa facebook ha. Di ka nila makikilala. Hindi pa sa ngayon."

Nakita niya ang pag-igting ng bagang ni Leo.

Ayun kumagat. Uto-uto talaga.

"So you're stalking me?"

"Oo," lalo siyang ngumisi. Humalukipkip siya at sinabayan ng titig si Leo. "Para mapili ko kung sino-sino ang sesendan ko ng pototoy mo hangga't di mo ginagawa ang gusto ko."

Kinuyom nito ang palad sa lamesa. Mukhang mananakit na.

"Sige, gawin mo yan. Nanood sila oh," sabi niya. Alam niyang maraming nakatingin sa kanila ngayon. Uso ang pagiging usi sa campus nila. Maski yung canteen helper nakakanganga na. "Magdala ka ng roses saka chocolates mamaya ha."

Parang isang guhit lang sa noo ang hitsura ng mga kilay ni Leo. Maya-maya pa ay padabog na itong umalis sa harap niya at mabilis na lumabas ng canteen.

"Uy. Nagwalk-out."

"LQ?"

"Baka nabasted."

Natawa nalang siya sa mga bulungan.

Mukhang umuusad na ang plano niya.

The Bully and the BeastWhere stories live. Discover now