Pedobear

3.7K 161 19
                                    

SPG: Striktong Patnubay

Kanina pa pabalik-balik sa gym si Car. Hindi niya makita si Leo. Tatlong subjects na niya ang dumaan, kada matapos diretso siya dito.

Praning.

Iyon ang eksaktong term na pwedeng itawag sa sarili ngayon.

Sh*t naman. Bakit ba ako masyadong affected sa napanood ko?

Umupo nalang siya sa bleacher at naghintay. Napapagod na siya pero kailangan niya talagang makita ang taong yon.

Napansin niyang dumaan si Angelo sa di kalayuan. Napaangat siya ng tingin. Kahit na di 20/20 ang mata niya kitang-kita parin niya ang katangkaran nito.

"Pstt HOY!" Butiking palaka! humarap ka dito. "Angelo!!"

Umalingaw sa gym ang sigaw niya. Buti wala gaanong tao.

Lumingon naman ang buti-- si Angelo. Nakangisi pang lumapit sa kanya.

"Yes?" tanong nito ng nakalapit na. Napatingala siya.

Grabe gaano ba katangkad to at hanggang dibdib lang ako?

"Ako na ba ang bagong prospect mo ngayon?"

Prospect? Takte! Pinigilan niya ang sariling masapak ito. Humalukipkip nalang siya at nagtanong.

"Asan si Leo?"

Ngumisi ito bago sumagot. "Sa building A. Second floor. Sa CR ng girls. Pangalawang cubicle."

Aba detalyado!

Teka CR ng girls? Nawalan na naman ba ng tubig ang CR ng boys?

Malamang nagpoopoo pa yun. Eww.
Ngumiwi siya sa naiisip.

"Salamat."

Inaayos na niya ang bag at naglakad na papalayo.

"Car!"

Napalingon siya.

"Kumatok ka muna bago ka pumasok." Pahabol pa ni Angelo.

Kumatok? Bakit naman ako papasok kung may nag-poopoo. Yuck.

Inismiran nalang niya ito at nagmadaling umalis.

Agad niyang pinuntahan ang building na sinabi nung butiki. Di naman kalayuan pero pakiramdam niya parang pinagpapawisan siya.p

Umakyat siya ng building at tinungo ang CR na yin. Walang tao sa buong building. Luma na at first floor nalang ginagamit.

At sa gantong oras, alam niyang tapos ang mga nagklaklase sa baba.

So hintay mode lang ako dito? Sana maghugas naman ng kamay ito pagkatapos, naisip niya.

Sumandal nalang siya sa gilid ng pinto. Nasa utak parin niya ang video na napanood niya kagabi. Parang paulit-ulit na nare-replay. Hindi siya pinatulog noon.

Ano bang nangyari?

Ang lakas ni Leo na mangasar. Mangbully. Pero deep inside pala--

Nakarinig siya nang mahinang ungol galing sa loob ng CR. Babae.

Shit na malagkit! Ano yun?!

Alam niya ang mga kwento sa building na ito. Madaming daw na nag mumulto. Kaya nga di magawang ipa-renovate o ipagiba dahil marami sa mga trabahador na nagtrabaho dito, naaaksidente. Dahil daw sa masamang ispiritu.

Ano ba tatakbo na ba ako?

Tumaas ang lahat ng balahibo niya sa katawan nang makarinig siya ng isa pang ungol.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon