Sorry Uli

4.3K 167 27
                                    

Badtrip.

Rollercoaster ang pakiramdam ni Car sa nangyari. Halo-halo.

Unang-una. Dahil wasak ang cellphone niya. Ang mahal nun. Hindi niya alam kung makakapagpadala pa ang kuya niya ng pera pambili ng bago. Nagamit na rin niya ng buo ang allowance niya ngayong buwan. Ang natitira nalang yung pambaon niya bukas. Kaso maski yon hindi makakabili ng mumurahing di-pindot na phone.

Pangalawa. Hindi niya alam kung sasaya ba siya dahil sa ginawa niya kay Leo dahil naipaghiganti niya ang kakaguhang ginawa sa kanya at sa bestfriend niya.

A hindi papala, gaganti palang.

At one point kasi, nakakaawa talaga yung hitsura nito sa video. Yung hirap na hirap. Maraming pasa. Tulo pa laway. Pati uhog. Umiiyak na parang bata.

Nagdadalawang isip siya tuloy kung ikakalat ba niya talaga.

Pangatlo. Kahit naman sabihin pang justified ang galit nito kanina. Hindi nito dapat ginawa yung kababuyang yun.

Ngayon-ngayo nag-sink in sa kanya ang lahat.

Walanghiya siya! Hinalikan niya ako! Kahit naman hindi ko first pero... YUCK! EWW!!! Baka may laway-laway pa yung bibig nun ni Yuki! Ew talaga. Nang hawak pa ng dibdib! ARRRRRRRRRRGHHHHHH!

Sa gitna ng klase umaandar sa utak niya ang katarantaduhang iyon. Wala tuloy siyang naintidihan sa Trigo. Buset talaga.

Natapos ang klase at alam niyang lalagapak siya sa next quiz nila. Wala talaga siyang na gets kahit ano. Kailangan niya ng tulong ni Eric dito. Magaling iyon sa math.

Tumayo nalang ng marahan at nanghihina matapos umalis ang matandang prof nila.

"Car!"

Si Regado. Ano na naman bang kailangan nito? Mangungulit na naman--Ay shet may usapan pala sila.

Lumipad sa utak niya yon. Ang dami niya kasing iniisip.

Kalma muna. Hinga nang malalim.

"Umangkas ka nalang sakin." Sabi ni Regado habang inaayos ang bag. May dala itong helmet at inaabot sa kanya. Mukhang ready talaga.

"Huh?" Aangkas?

"Nagtext ako kanina, sabi ko didiretso na tayo doon..."

Text?

Wasak nga pala ang cellphone niya. Badtrip talaga.

Teka bat may dalang extra helmet to? Pinagplanuhan? Tumaas nalang kilay niya.

"Nasira phone ko eh." Sabi niya rito. Kumunot ang noo nito at tiningnan siya nang mabuti.

"Sige, ok lang naman talaga kung ayaw mo," anito sabay buntong-hininga. "Di naman sapilitan."

"Ah, hindi. Sasama ako. Malapit lang yon di ba?" Alam niyang sa malapit na lang itong bar tumutugog. Medyo nakikilala na ang banda nito kaya nakarating na din sa kanya ang balita.

Naalala niya yung project. Sayang din. Kung mawawala siya grupo nila Mark, paniguradong nganga siya.

"Tara na?"

Ngumiti ito. "Ok. Kahit naman anong suot mo maganda ka."

Napabilog ang bibig niya. Oh. Date pala ito.

Sabagay. Bakit nga naman siya yayain diba?

Nakajacket siyang itim as usual. Kupas iyon dahil sa sobrang paglalaba niya ara matanggal ang cornstarch. Skinny jeans saka converse. Mukhang di talaga pang date.

The Bully and the BeastWhere stories live. Discover now