Saklap

1.5K 70 11
                                    

This is suicide. He's going to die tonight, Leo thought.

"Labas ako dito, bro! Ayoko pang mamatay!"

He winced. Maingay na si Angelo sa likod ng kotse niya. Nakakainis. Lalo tuloy siyang natataranta. Bakit ba kasi kailangan pang sumama?

"Liko mo sa kanan. Bilis!"

He did. Tires screeched as he did a sharp turn. Buti at walang traffic at kaunti lang ang sasakyan. Di niya akalaing magagamit niya ang skills niya noon sa GTA. Ilang taon na rin siyang di nakakalaro. Iba din pala pag totohanan na.

"Diretso lang!"

"Hey you, uso na mag-waze. Why--"

"Manahimik kang kapre ka!"

Hindi niya alam kung bakit siya sumunod sa gusto ng lalaking nasa tabi niya ngayon. Basta ang alam niya Buddy ang pangalan. It sounds stupid like his name.

The f*cker was Car's ex. Yung walang hiyang nagpaiyak at nagpahiya sa babaeng pinakamamahal niya. Dapat kanina pa niya to itinulak papalabas para masagasaan nalang nang ten wheeler sa highway.

But he said something about that Anthony. Noon pa man, alam niyang di mapagkakatiwaan ang taong yon. Lagi nalang umaaligid na parang nagihihintay lang nang pagkakataong malapitan si Car.

Minsan na nga niyang nakitang kausap nito si Yuki. Naghinala na siya noon na may kinalaman ito sa babaeng yon pero wala naman siyang makuhang ibedensya.

D*mmit.

It was really stupid of him to let her be with that man. Nadala lang siya ng sobrang selos at inis kanina. Hindi na siya nakapagisip pa nang maayos. Dapat ay nilapitan na niya ang dalawa at kinuha si Car. Tapos itatanan na niya, dadalhin sa malayo para silang dalawa nalang talaga. Forever.

Crazy yes. Pero sana talaga ginawa na niya.

"P*ta! Wala na bang ibibilis to?!"

He winced again. Bobby or Bucky...whatever his name is, was still drunk, obviously. Nagngingitngit na na parang gusto nang ngatngatin ang seatbelt niya.

"Bro, this is kidnapping. We should-"

"P*tangina, patahimikin mo yang kasama mo. Sasampalin ko na yaan!"

"Gelo, shut up." Mahirap magconcentrate sa pagmamaneho kung maiingay ang mga kasama niya.

"Leo, I'm telling you! This is not a good id--"

"T*ngina manahimik ka nga. P*tangina, pag napahamak si Carrie, lulupuhin ko kayo pareho!"

What? He cared for Car? Anlabo. Matapos iwanan ng ganoon lang? Napailing siya.

May kotseng mabagal na nasa harap nila. Sunod-sunod naman na busina ang ginawa niya.

"F*cker." Nag-over take siya at mabilis na pinatakbo uli. Hell yeah!

"That's it boy. Bilisan mo pa!" Sabi ng lalaki sabay tawa. Nakakademonyo. Kulang nalang yung pitchfork.

How could Car like this guy? Mababa ba talaga standard niya noon?

"Dito na!" Hindi na sila hinintay ng lalaking yon at mabilis na itong lumabas ng sasakyan.

Car's here. Kilala niya yung motor na nakapark doon sa tapat nang building na binabaan nila. Ito yung sinakyan nung Anthony kanina.

Napatingin siya sa taas ng may narinig na malakas na tunog. Hindi niya alam kung ano pero kinabahan siya lalo. Bumaling siya kay Gelo na bumaba na rin.

"Call 911! Now!"

"Bro, 911? We're not--"

"Nasa fifth floor!" sigaw ni Buddy. Tumakbo na to papasok ng building. Wala namang paki ang guard na nandoon. Nakanganga, natutulog. Agad na pinindot ni Buddy ang elevator pero mukhang di gumagana.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon