Resbak

1.4K 64 9
                                    

Masakit daw pepe warak na yan!

#SMUscandal

May link pa ba? penge!

Eto [link]

Yak, ang landi!

Wala sira din. link please. pm me

Next!

yan yung tinapunan ng cornstarch noon diba? WTF!

Ilang beses bang na shoot. Hahaha

#wasakpepe

Mabilis na naisara ni Car ang laptop matapos mabasa ang comments. Sabi na nga ba, dapat di na niya tiningnan pa mga yon.

Nagtext sa kanya si Charize na may nag-upload ng scandal nila sa facebook. Buti at mabilis naman iyong naireport at natanggal. Alerto din kasi ang mga kaibigan niya, mabuti nalang. Yun nga lang, may mga nakapanood na. May mga naiwan pa ngang nakapost na screenshot.  Kumalat na, lalo na involved si Leo na kilala ang pamliya.

Ewan. Hanggang ngayon, buhay parin ng issue non sa school kahit ilang linggo na ang lumipas nang maipalabas yon sa auditorium. Topic parin sa twitter. Kaya siguro marami paring interesado.

Tumunog nang malakas ang phone niya sa tabi. Kinuha niya iyon at binasa ang text. Mabuti at may nahiram siyang basic phone, iyon muna na ang ginamit niya. Mapagtyatyagaan naman niya yon.

Girl, don't worry na. Na handle na namin lahat. Punta na kami diyan ni Ric. Dala kami fud. Wag mo kaming pagbugbog.

Saglit siya natawa. Hindi na siya bumalik ng school matapos ang nangyari. Kina Charize nalang tuloy siya humihingi nang balita. Sabi nito, hindi na rin daw pumapasok si Leo. Maski ang mga ka-team nitong involve sa pustahan. May binigay na letter sa kanya ang admin ng school para hingin ang statement niya, ate nalang niya ang pinapunta niya at ang Tito niyang lawyer para mag-represent. Basta nilinaw nalang siyang wala siyang balak magsampa ng kaso o anoman. Sayang lang kasi sa oras.

Nilapag niya ang phone at umupo sa kama. Inubos nalang niya ang lahat ng panahon niya sa pagliligpit. Balak kasi ng lola niya na paupahan nalang itong bahay pagkaalis niya. Wala na rin naman ibang titira pa. Baka di na rin siya bumalik pa dito sa Pilipinas.

Napailing siya. Nakatambak parin sa kama niya ang mga stuffed toy na bigay ni Leo. Yun nalang ang di niya naliligpit.

Ibang klase talaga, talagang gumastos ng ganito ang lalaking yon para mauto siya. Nag-effort talaga. Hindi niya alam kung anong klaseng pustahan ba yon? Ano bang mararating noon para sa kanila? May magagawa ba ang panggagong yon para sa sarili nila?

Nagawa pang magpalusot kahit sa huling sandali. Nag-i love you pa saka lumuhod. Samantalang hindi niya minsang narinig iyon dito.

Sa totoo lang, halos gusto na niyang maniwala. Gusto na niya talaga. Kaso, sa lahat nangyari, hindi niya kaya.

Kinuha niya ang isang teddy bear. Nung una gusto na niyang itapon ang mga yon. Nakakapanghinayang nga lang. Inisip nalang niya na ibigay nalang iyon sa orphanage. May mga batang sasaya pa.

"You're going to miss him. "

Napangiwi siya nang marinig ang boses ng pinsan. Nakasandal si Rose sa may pintuan, nakatingin sa kanya. Sa hawak niya.

"Magtira ka ng isa kaya. Konti lang naman bitbit mo. Para naman may remembrance ng katangahan mo." Tuloy pa nito.

Napairap siya. Minsan ang harsh ang Ate niya. Pero totoo naman. "Enough na."

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon