Escape

By vkaugust

31.4K 1.5K 725

Ang nakaraan, sabay nating takasan. More

Prologue
1 • Friday
2 • Call
3 • House
4 • Ballpen
5 • Bike
6 • Connection
7 • Bracelet
8 • Away
9 • Help
10 • Set Up
11 • Confess
12 • Third Wheel
13 • Change
14 • Jealous
15 • Basketball
16 • Representatives
17 • Partner
18 • Realizations
19 • Friends
20 • Texts
21 • Option
22 • Practice
23 • Brainwash
24 • Obsession
25 • Bad News
26 • Contest
27 • Date
28 • Picnic
29 • Book
30 • Plans
31 • Tagaytay
32 • Gratitude
33 • Talk
34 • Let Go
35 • Mutual
36 • Heartbreak
37 • Decision
38 • Reunited
39 • Sign
Author's Note
40 • Party
41 • Promise
42 • Last Friday
44 • Christmas Gift
45 • New Year
46 • Rejected
47 • The Dance
48 • Beginning
Epilogue
THANK YOU 💚
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3

43 • Last Call

409 23 8
By vkaugust

Abrianna's POV

"Okay, see you tomorrow!" nakangiting sabi ni Mikee habang kumakaway palayo sa akin.

Tapos na ang practice namin at isa isa na silang umuuwi. Nagpaiwan muna ako dito sa covered court para makapagpahinga. Masyado akong napagod sa practice namin. Marami-rami pa rin naman ang tao dito ngayon sa loob pero wala nang natira na mga kagrupo ko.

"Huy!" panggugulat sa akin ng isang lalaki na nasa aking gilid na ngayon. Nahampas ko siya dahil sa gulat.

"Nagulat siya oh!" sabi niya habang tumatawa.

"Oh sige, tawa pa." sabi ko sabay irap sa kaniya.

"Ay, ang sungit naman. Sorry na po." sabi niya pero natatawa pa rin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko dito.

"Nakaupo dito sa tabi mo." sarkastiko niyang tugon.

"Edi wow." inis kong turan.

"Ba't naman ang seryoso mo?" tanong niya.

"Ba't kasi ang kulit mo?" balik kong tanong dito.

"May problema ba?" seryoso niyang tanong.

"Wala." tipid kong sagot diti sabay tayo.

"Uuwi na ako." pagpapaalam ko dito sabay talikod.

"Hatid na kita." rinig kong sabi niya pero hindi ko na lang ito pinagtuonan ng pansin at napatuloy na lamang sa paglalakad.

Napabuga na lamang ako sa hangin at napahawak sa sintido ko. Masyado ata akong na-i-stress na dahil sa pag-alis ni Darren kaya pati si Dave ay nadamay ko na.

× × ×

"Sige po, Ma. Good night." sabi ko sabay halik sa pisngi nito at tumalikod na. Natigil ang paghakbang ko nang marinig kong ang pagtawag niya sa akin.

"Anak." tawag nito sa akin na ikinalingon ko.

"Bakit po, Ma?" tanong ko dito.

"Okay ka lang ba, anak?" tanong niya sa akin na ikinakunot naman ng noo ko.

"Bakit niyo naman naitanong 'yan, Ma? Okay lang po ako." nagtataka kong turan sabay pilit na ngumiti.

"Alam ko kung nagsisinungaling ka." sabi niya.

"M-Mama naman. Okay lang naman po talaga ako." sagot ko sa kaniya.

"Yung totoo, Abrianna." seryoso niyang sabi.

Napakagat ako sa aking labi sabay yuko. Kilalang kilala talaga ako ni Mama.

"Anong problema?" tanong niya.

Umiling lang ako tsaka lumapit sa kaniya at niyakap siya. Hindi ko magawang magsalita, kusa na lang tumulo ang luha ko.

Mga ilang segundo din kaming nagkayakap. Humarap ako kay Mama habang mahinang humihikbi. Inayos niya ang aking buhok sabay seryosong tumingin sa mga mata ko.

"Sinabi na sa akin ng Ate Cheeng mo. Hinihintay ko lang na ikaw mismo ang magsabi sa akin. Matagal na kitang inoobserbahan at napapansin ko ngang magmula nung nagpunta kayo sa Tagaytay at makauwi dito, nag-iba ang mga kilos mo." sunod sunod niyang turan.

"K-Kailan niyo pa po nalaman, Ma?" gulat kong tanong sa kaniya.

"Bago ka pa makauwi dito, tinawagan na ako ng pinsan mo na kausapin ka kasi sinabi niyang may problema ka. Hindi naman ako makahanap ng tiyempo dahil palagi kang may practice na pinupuntahan at baka makadagdag lang ako sa mga iniisip mo kaya pinagmamasdan lang kita nitong mga nakaraang araw. Hindi mo naman agad sinabi sa akin na may boyfriend ka na pala, at si Darren pa!" nakangiti niyang sabi na parang nang-aasar pa.

"Mama! Hindi ko po boyfriend si Darren!" angal ko.

"Eh bakit hindi? Dahil ba kay Macey?" tanong niya na ikinagulat ko naman.

"Hindi rin po, Ma." sagot ko.

"Ang pagkakaintindi ko sa sinabi ng pinsan mo, nagkaaminan na daw kayo nung sa Tagaytay kaso hindi daw pwedeng maging kayo dahil kay Macey. Kasi si Macey may gusto daw kay Darren and you don't want to hurt Macey, right?" seryoso niyang turan. I just nodded and smiled bitterly.

"Nakapagusap na ba kayo ulit ni Darren?" tanong niya.

"Opo." sagot ko.

"Eh si Macey?" sunod niyang tanong.

"Hindi pa po kami nagkausap ni Macey magmula nung matapos yung Tagaytay escapade namin." sagot ko sa kaniya.

"Talk to her." payo sa akin ni Mama.

"I will, Ma." sabi ko sa kaniya sabay ngiti.

"Mahirap mamili sa kaibigan at taong mahal mo. Kaya alam kong nahihirapan ka ngayon. Malalagpasan mo din 'yan, nak. Bata ka pa, kumabaga sa pagkain, patikim pa lang 'yan. Madami ka pang mapagdadaanan na mas mabigat diya kaya maging handa ka sa mga consequences ng love." paliwanag niya sa akin.

"Eh Ma... Hindi lang po kasi yun yung problema ko." sabi ko at bahagyang nanginig ang labi ko. Naluluha na naman ako. Nagtatakang nakatingin lang sa akin si Mama na parang tinatanong kung ano ito.

"Si Darren po kasi... He's sick." sabi ko.

"Huh?" nagtatakang sabi ni Mama.

"May sakit po sa puso si Darren at aalis po siya para magpagaling. Yun nga lang, hindi ko po alam kung saan at hanggang kailan ako maghihintay sa pagbabalik niya....yun ay kung makakabalik pa siya." paliwanag ko sa kaniya. I bit my lower lip at hindi na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Tragic." mahina niyang sabi.

Niyakap niya ako at hinaplos ang aking likuran. Akala ko ubos na ang luha ko, pero hindi pa pala.

"Napakabata mo pa para mapagdaanan 'to, anak. Ayokong magaya ka sa akin. Maaga tayo iniwan ng papa mo dahil din sa sakit ng puso. Ayokong maramdaman mo yung sakit na naramdaman ko nung nawala ang papa mo." aniya na parang humihikbi na rin. Umiiyak na rin si Mama.

"Magpakatatag ka lang, Anna ha? Kakayanin mo 'to. Gagaling si Darren. Babalik siya. Babalikan ka niya. Mahal mo siya diba? Kaya 'wag kang sumuko. Tibayan mo ang loob mo." payo niya sa akin na mas lalong nakapagpa-iyak pa sa akin.

Hindi ako susuko. Susugal ako. At kailangan kong isipin na mananalo ako kahit may posibilidad na matalo ako. Ang mahalaga, lumaban ako.

× × ×

Mahimbing akong natutulog ngunit nagising ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Dahan dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga habang humihikab pa sa sobrang antok. Nagulat ako nang makita sa wall clock na 1AM na pala. Sino naman ang tatawag nang ganito ka-aga?

Hindi ko na nakita kung sinong tumatawag basta sinagot ko na lang agad ito.

"Sino po sila?" tanong ko.

"Grabe, hindi mo na ako kilala?" tanong ng nasa linya. Biglang lumaki ang aking mata nang mabosesan ko ang lalaking kausap ko ngayon.

Darren...

"Ah.. S-Sorry. Hindi ko na kasi nakita kung sino yung tumawag eh. Bakit ka ba napatawag?" tanong ko sa kaniya.

"Aalis na kami ni Tito ngayon. Gusto ko lang magpaalam sa'yo. Kumbaga...last call, ganun." sagot niya.

"Baliw! Bakit naman last call? Pwede ka pa namang tumawag sa akin pagkatapos nito ah."

"Hmmm... Let's make a deal." sabi niya.

"Fine. What is it?" tanong ko naman.

"Tatawag lang ako ulit kapag okay na ako. Kapag sure na akong wala na akong sakit. Kapag...babalik na ako." sabi niya na ikinabigat naman ng damdamin ko.

"Okay. Willing to wait naman ako." nakangiti kong sabi kahit hindi naman niya ako nakikita.

"Kahit gaano katagal?" tanong niya.

"Kahit gaano katagal." tugon ko.

"Sorry ah, parang naging istorbo pa ata ako sa pagtulog mo." aniya sa mahibang boses.

"Ano ka ba, never ka namang naging istorbo sa akin." natatawa kong turan.

"Thank you." sabi niya.

"Para saan?" nagtataka kong tanong dito.

"Sa lahat lahat. Sa pagbubukan ulit ng puso ko, sa pagpapasaya sa akin... sa pagmamahal. Yung kahit ang sungit sungit ko sa'yo noon, pinagtiyagaan mo pa rin ako. Salamat kasi tinulungan mo ako maka-escape sa nakaraan ko. Thank you for everything, Abrianna." sunod sunod niyang turan na ikinatigil ko.

"Sa dami ng pinagdaanan ko, sa dami ng problemang naranasan ko... You're the best thing that ever happened to me." dagdag pa niyang. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi niya marinig ang hikbi ko. Hindi ko na mapigilan ang pagluha ko.

Damn! Bakit mo sinasabi lahat ng 'to, Darren?

"Hey, gising ka pa ba? Or hindi ka lang makasagot kasi sobra kang kinikilig?" sabi niya sabag tawa. Nagagawa pa talaga niyang magbiro ah?

Huminga ako nang malalim. Pinipigilan ko ang pagragasa ng mga luha mula sa mata ko.

"Bakit ka nagsasalita ng ganyan?" tanong ko dito.

"Last call, remember?" tugon niya.

"Hindi pa 'to ang last call, diba? May deal pa tayo." pag-papaalala ko dito.

Sandaling nanahimik ang kabilang linya at narinig ko ito ang paghinga nito nang malalim.

"Basta 'wag kang magpapalit ng number." sabi niya.

"Opo, boss." tugon ko dito.

"Uhmmm... Abby?" tawag niya sa akin.

"Yes?" tugon ko.

"Can I ask you something?" seryoso niyang turan.

"Ano ba 'yon?" tanong ko.

"Hindi naman sa minamadali kita. I don't wanna rush things din naman. Pero pwede ko bang tanungin kung... ano ba tayo? K-Kung anong meron sa 'tin?" tanong niya na ikinabigla ko naman.

Oo nga pala, ano nga ba tayo? Ano bang meron sa atin? Hindi ko din alam eh. Basta ang alam ko lang, mahal mo at mahal kita.

"H-Hindi ko din alam." tipid kong tugon.

"Sorry kung parang na-pressure ata kita." mahina niyang sabi.

"Hindi ka pa kasi nanliligaw." diresto kong sabi sa kaniya. Mga ilang segundo siyang nanahimik bago magsalita ulit.

"Hindi ko alam kung paano eh. Ayoko din namang iwan ka sa ere. Paano kita liligawan kung aalis ako? Paano kita liligawan kung hindi ako siguradong mabubuhay pa ako?" tugon niya na ikinatahimik ko.

Argh, wrong move Abrianna!

"S-Sorry. Joke lang naman yun eh." nahihiya kong sabi.

"Hindi mo kailangang mag-sorry. Ako nga ang dapat magsorry eh. Ang lakas ng loob kong magtanong kung ano ba tayo eh ako nga 'tong hindi magawang ligawan ka." sabi niya sabay tawa. Pero alam kong pilit lang ang tawa na yun.

"Hindi mo naman na kailangan pang manligaw." sabi ko.

"Ang mahalaga, alam ko ang nararamdaman mo sa akin at babalik ka. Kapag bumalik ka, dun ko na masasabi kung ano bang meron sa atin...kung ano ba tayo." dagdag ko pa.

"So you mean..."

"Yes." agad kong sagot.

"Basta bilisan mo lang yung pagbalik." natatawa kong sabi.

"I love you." sabi niya na ikinangiti ko naman.

Magsasalita na sana ako nang bigla akong napahikab. Sa totoo lang ay kanina pa talaga ako inaantok pero pilit ko lang iwinawaksi yun para kay Darren.

"Matulog ka na." utos nito.

"Good nigh—mornight." natatawa kong sabi.

"Uy teka, bago ka matulog... Wala man lang 'I love you too'?" tanong niya. Napailing na lang ako bahagyang natawa.

"I love you, too. Bumalik ka."

• • •

YOW! Grabe! Ang tagal na pala nung last update ko!? Hahahaha. Sorry, sobrang naging busy lang sa acads at pag-da-Darren. Hahaha. Sana may magbasa pa din kasi malapit nang matapos. 😅 Thank you po!

Twitter/Instagram: @tsinigowden
YouTube: Tsini Gowden

Continue Reading

You'll Also Like

20.3K 1.4K 31
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
133K 4.7K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
20.6M 508K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
325K 5.1K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...