Chasing Mr. Right [Complete]

By PrincessInJeans

370K 6.7K 1K

Dear Zeke, magkakatuluyan rin tayo. Promise! Itago mo pa sa bato! * * * Join a feisty girl's journey on chas... More

First Chase
Second Chase
Third Chase
Fifth Chase
Sixth Chase
Seventh Chase
Eighth Chase
Ninth Chase
Tenth Chase
Eleventh Chase
Twelfth Chase
Thirteenth Chase
Fourteenth Chase
Fifteenth Chase
Sixteenth Chase
Seventeenth Chase
Eighteenth Chase
Nineteenth Chase
Twentieth Chase
Twenty-first Chase
Twenty-second Chase
Twenty-third Chase
Twenty-fourth Chase
Twenty-fifth Chase
Twenty-sixth Chase
Twenty-seventh Chase
Twenty-eighth Chase
Twenty-ninth Chase
Thirtieth Chase
Thirty-first Chase
Thirty-second Chase
Thirty-third Chase
Thirty-fourth Chase
Thirty-fifth Chase
Thirty-sixth Chase
Thirty-seventh Chase
Thirty-eighth Chase
Thirty-ninth Chase
Fortieth Chase
Forty-first Chase
Forty-second Chase
Forty-third Chase
Forty-fourth Chase
Forty-fifth Chase
Forty-sixth Chase
Forty-seventh Chase
Forty-eighth Chase
Forty-ninth Chase
Fiftieth Chase
Fifty-first Chase
Fifty-second Chase
Fifty-third Chase
Fifty-fourth Chase
Fifty-fifth Chase
Fifty-sixth Chase
Fifty-seventh Chase
Fifty-eighth Chase
Fifty-ninth Chase
Sixtieth Chase

Fourth Chase

9.2K 136 7
By PrincessInJeans

Fourth Chase. 

  

2nd year high school. February.  

"Dali na!" Rinig kong mahinang sabi ng isang lalaki. Mag-isa akong nakaupo sa may hagdanan malapit sa clinic ng school namin. Nagsisimula ng gumabi pero tuloy pa rin ang pagsasaya ng schoolmates ko at iba pang mga bisita ng school namin sa booths at events dito sa school fair namin. Habang ako, eto, nagmumukmok at pinapapak ng lamok katabi yung higanteng panda na bigay sa'kin ni Aaron.

Tumingala ako at nakitang si Dave pala yung nagsalita, tinutulak niya si Maggie na pinanlalakihan siya ng mata.

"Tigilan mo nga yung pagtulak mo sa'kin! Nakakairita ka na ah!" sigaw ni Maggie kay Dave at sinabunutan niya ito.

Sa pag-aray at ngiwi ni Dave, napaisip tuloy ako kung dapat ko na ba silang lapitan at pigilan si Maggie.

"Aray, Maggie!"

Binitawan ni Maggie yung buhok ni Dave. "Ikaw kasi eh, anong akala mo sa'kin? Kailangan mo pa kong itulak para lang lapitan ko yung bestfriend ko? At isa pa, di ba sabi ko naman sa'yo, lumayo layo ka nga sa'kin!" Inirapan ni Maggie si Dave bago siya humarap sa'kin. Nanlaki yung mga mata niya nung makita akong nakatitig sa kanila. "Um, kanina mo pa ba kami napansin, Cha?"

"Sa lakas ba naman ng boses mo, Maggie, syempre." Ngumisi ako kay Maggie kaya ngumiti siya bago tumabi sa'kin. Nakita kong naglakad palayo si Dave.

"Sorry, Cha."

"Sorry saan?"

"Sa mga sinabi ko kanina. I was being a bitch, I know." Pinaglaruan niya yung mga kamay niya.

"Tama ka naman, Maggie eh. Nagpapakatanga at desperada na ko para sa siraulong lalaking 'yun." May konting luha na lumandas sa pisngi ko. Pinunasan ko agad 'yon. Ewan ko ba, naiinis ako sa sarili ko kasi ang engot engot ko pagdating kay Zeke. Pero mas naiinis ako kasi kahit na alam ko nang ang engot ko, tuloy pa rin ako sa ginagawa ko.

Tinignan ako ng malungkot ni Maggie bago niyakap. "Ano? Papaabangan ko na 'yung Zeke na yun sa mga kaibigan kong goons, sabihin mo lang."

Tumawa ako at humiwalay kay Maggie. "Brutal mo talaga kahit kelan. Kinakawawa mo pa si Dave kanina." Ngumisi ako. "Speaking of that, bakit magkasama kayo ha?"

Pabiro akong inirapan ni Maggie. "Wag mo kayang binabago yung usapan! Problema mo yung pinag-uusapan natin dito."

"Sus. Wala na 'yun, Maggie. Sanay naman na ko kay Zeke. Ano pa bang bago sa pananakit niya sa feelings ko ngayon? Yung pagdikit dikit sa'yo ni Dave, bago."

"Grabe! Makapang-issue teh? Wala 'yon. Ewan ko kung anong topak nung lalaking yun at sunod ng sunod. Nakakainis na nga eh! Konti na lang, tatadyakan ko na yun."

Tumawa ako. "Hoy Margarette Bonifacio, hinay hinay sa pagpapaka-hooligan, okay? Kaya takot na takot yung mga lalaking lapitan ka eh. Kahit pa may gusto sila sa'yo. Si Dave lang yung naglakas loob."

"A-ano--Oy Charmaine Felice Caballero! Pinagsasasabi mo dyan? Walang gusto sa'kin yung lampang yun no!"

"Sus. Ewan ko kung denial ka ba o bulag o manhid."

Sasagot pa sana si Maggie kaso natigil kaming dalawa kasi biglang may nagsalita ulit.

"Charmaine..." Lumingon ako at nakita si Aaron na nakangiti sa di kalayuan. "Kanina pa kita hinahanap." Lumapit pa siya sa'min ni Maggie. "Nagyayaya yung mga kaibigan namin sa perya sa may Pulong Buhangin. Sama tayo?" Ewan ko kung bakit pero hindi ko gusto yung tunog nung 'tayo' ni Aaron. Kelan pa nagkaron ng 'kami' at para bang iisa na yung desisyon namin at kung nasan yun isa, dapat nandun rin yung isa?

"May perya na ulit sa Pulong Buhangin?" Nagtatakang tanong ni Maggie.

"Oo, malapit na yung pyesta doon eh." Tinignan ulit ako ni Aaron. "Tara, Cha?"

Wala naman akong gagawin sa bahay at sa totoo lang, mangungulit lang sa'kin yung kapatid kong si Kael, kaya okay lang sa'kin sana na sumama kina Aaron. Kaso kung mga kaibigan niya yung nagyayaya... nandoon rin si Zeke sigurado. At hindi pa ata ako ready na kausapin siya.

"Sorry, Aaron. Ikaw na lang. Uuwi na ko eh."

Mukhang nadisappoint si Aaron sa sinabi ko pero agad naman siyang ngumiti ulit. "Ganon ba? Hatid na kita."

"Di na. Sama ka na dun sa friends mo. Kaya ko namang umuwi mag-isa."

Tumawa si Aaron at di makapaniwalang tumingin sa'kin. "No way, Cha. Nililigawan na kita ngayon at bilang manliligaw mo, kailangan kong siguraduhin na makakauwi ka ng ligtas. Ihahatid kita sa inyo, no buts." Dinampot ni Aaron yung bigay niyang stuff toy sa'kin at kinawayan si Maggie.

"Uhh, sige Maggie, una na kami." Paalam ko kay Maggie. Kumunot yung noo niya at para bang tinatanong niya ko kung sigurado ba ko sa mga ginagawa ko kaya nginitian ko na lang siya.

"Sige, Cha. Bukas na lang."

Habang palabas kami ni Aaron sa school, ilang beses akong nabangga ng kung sinu-sino dahil na rin sa lutang talaga yung pag-iisip ko. Kaya naman hinawakan ni Aaron yung siko para maalalayan ako at maiiiwas kung may makakabangga ulit ako.

Naghintay ako. Konting kilig o konting spark dahil sa pag-aalaga ni Aaron sa'kin ngayon pero kahit konti, wala. Tinitigan ko yung mukha niya. Nakangiti siya ngayon at aaminin kong maganda yung ngiti ni Aaron pero hindi ko mapigilang hanapin yung paglitaw ng dimples sa mga ngiti niya, na wala naman. Hindi ako kinikilig sa ngiti ni Aaron dahil wala siyang dimples, di tulad nung kay Zeke.

Ugh, Zeke na naman!

"Cha, aalis pala ngayong weekend kaya baka di muna ako makapagparamdam sa'yo, sorry." Paalam ni Aaron habang naghihintay kami ng tricycle sa labas ng school. "Kahiya, kakasimula ko pa lang manligaw sa'yo tapos missing in action agad ako."

Mukhang guilty si Aaron sa sinasabi niya sa'kin. Gusto kong sabihin sa kanyang okay lang, wala naman talaga akong pakialam kung umalis siya, pero syempre di naman ako ganun kasama. 

"Ah, ganun ba?" na lang yung sinabi ko.

Tumango si Aaron. "Kasama ko sina Zeke at Dave. Luluwas kami sa Maynila." Napunta kaagad kay Aaron yung buong atensyon ko.

Oo na, narinig ko lang kasi yung pangalan niya! Ugggh, gusto ko nang sabunutan yung sarili ko.

"Bakit? Anong gagawin n'yo dun?"

"Aasikasuhin namin yung enrolment namin sa Xavier. Dun na namin napagdesisyonan na mag-college. Buti nga pumasa kaming lahat doon eh." Ngumisi si Aaron.

Sa Xavier University na pala nagdecide na mag-aral si Zeke. Wala na kasi akong balita sa kanya eh. Bigla ko namang narealize, malapit na nga palang umalis si Zeke dahil gagraduate na siya ng highschool. Sa Manila pa siya mag-aaral. Halos two hours away rin 'yun mula rito sa'min sa Bulacan.

Lalayo na lalo si Zeke sa'kin. Pero ano nga bang mag-iiba? Eh sobrang distant na niya ngayon pa lang.

TEKA NGA. BAKIT BA ZEKE NA NAMAN AKO NG ZEKE? Sabi nang kakalimutan ko na eh!

Nakinig na lang ako ulit sa sinasabi ni Aaron. "---magrerent na lang siguro kami ng bahay tapos housemates kaming tatlo. O kaya sabi ni Dave, pwede daw dun sa condo nung tito niya." 

Maya-maya pa may dumaan na sa wakas na tricycle kaya mabuti naman at hindi ko na kailangan sumagot kay Aaron. Ang awkward talaga ng pakiramdam ko kasama niya.

Nasa loob ako ng tricycle at katabi ko yung higanteng panda na regalo niya sa'kin habang nasa likod ng driver nakaupo si Aaron. Okay lang yun sa'kin, hindi ko kasi alam kung pano siya pakikitunguhan. 

Sa ilang buwan na nagkakasama kami dahil sa kakadikit ko kay Zeke, hindi ko naisip na may gusto pala siya sa'kin at eto ngayon, nanliligaw pa. At kahit papano, naiinis rin ako kay Aaron. Dahil siya yung kasama ko ngayon at hindi si Zeke. Kung hindi sana siya nagkagusto sa'kin at umamin, e di sana magkasabay kaming naglalakad ngayon ni Zeke pauwi. Dadaan kami ulit sa Marketplace tapos magdadrama ako sa kanya dahil hindi niya ko binilhan nung higanteng panda stuff toy na gusto ko tulad ng sinabi ko sa kanya. Oo, habol pa rin ako ng habol kay Zeke at panay pa rin ang pambabasted niya sa'kin pero at least hindi ganitong parang pati pagkakaibigan namin sira na.

"Sa tabi lang po. Saglit lang manong ah, sakay ako ulit sa'yo." Narinig kong sabi ni Aaron sa driver. Maya-maya pa, nakatayo na siya sa labas ng tricycle. Ang laki ng ngiti niya habang inaalalayan ako pababa. "Um, thank you Charmaine, pinayagan mo kong ihatid ka," medyo nahihiya niya pang sabi.

Ang bait ni Aaron at sobrang nakokonsensya ako kasi wala man lang akong maramdamang kahit kaunti para sa kanya habang nakangiti siyang nakatayo sa harapan ko. Walang iba kung hindi hilingin na sana siya na lang si Zeke, sana si Zeke na lang yung nakatayo sa harap ko ngayon.

"Wala yun, Aaron. No big deal." Ngumiti ako ng kaunti sa kanya at nagsimula nang maglakad palayo pero hinawakan niya yung braso kong nakayakap dun sa stuff toy para pigilan ako.

"Um," Mabilis siyang lumapit sa'kin at hinalikan ako sa pisngi. Namumula yung buong mukha niya. "S-salamat din na pinayagan mo kong manligaw. Uh, sige! Una na ko. See you sa Monday!" Naestatwa lang ako habang pumapasok ulit dun sa tricycle si Aaron at hanggang magdrive palayo yung tricycle.

Ang bigat ng pakiramdam ko. Ayokong paasahin si Aaron pero hindi ko siya magawang patigilin sa mga ginagawa niya.

Nung magsimula na kong maglakad papunta sa pinto nung bahay namin, saka ko lang napansin na nakaupo pala si Zeke sa may gutter sa harap ng bahay nila.

"C-Charm.." Tawag niya sa'kin at tumayo siya mula sa pagkakaupo niya. "Mukhang nagiging okay na kayo ni Aaron, iba na yan ah?" Medyo pabiro niyang sabi.


Sinamaan ko siya ng tingin. "Tigilan mo ko, Ezekiel Villaroso. Utang na loob, wag mo munang ipakita sa'kin yung gwapo mong mukha dahil sobrang bad trip ako sa'yo ngayon."

"Teka Charm--" Aamba na ko ulit na maglalakad papunta sa bahay namin pero pinigilan ako ulit ni Zeke.

"Zeke, I said not now!" Naghalo halo na sa'kin yung disappointment, inis at sama ng loob ko kay Zeke kaya ayokong makipag-usap sa kanya. Kasi siguradong aawayin ko lang siya. 

"Gusto ko lang kita makausap saglit, Charm." Ugh, Zeke Villaroso, bakit ba ngayon ka pa sinumpong na kakulitan at ako naman yung ayaw mong tantanan ngayon?!

"Ano?" Naiirita kong sabi sa kanya.

"Iniiwasan mo ba ko?" Medyo kabado niyang tanong sa'kin. "Napansin ko kasi kanina nung school fair--"

"What? You suddenly care? Eh ikaw nga itong ilang linggo na kong iniiwasan ng todo?"

"H-hindi ko naman sinasadya yun, Charm."

Gusto kong matawa sa mga sinasabi ni Zeke. Gago ba siya? Hindi niya sinasadyang dedmahin ako tuwing kinakausap ko siya at hindi rin niya sinasadyang nagmamadali siya laging maglakad palayo tuwing nakikita niya ko? Wow ha.

"Eto naman yung gusto mo, hindi ba? Yung iwasan kita?"

Namutla si Zeke. "Ha? Syempre hindi--"

"E kung ganun, ano bang problema mo? Kung hindi mo ko pinapalayo sa'yo, bakit mo pinagtutulukan kay Aaron? Obvious naman na tinulungan mo siyang ihanda yung lahat ng ginawa niya kanina para sa'kin kasi sa'yo ko lang sinabi yung mga 'yun!"

"T-tinulungan ko lang naman siya dahil sinabi  niyang gusto ka niya---"

"Pero alam mong wala siyang pag-asa sa'kin dahil simula pa lang ikaw na yung gusto ko! Kaya kong tiisin yung hindi mo pagseryoso sa'kin, yung pagtulak mo sa'kin palayo! Pero wag mo naman akong ibigay sa iba! Hindi ako bagay na pwede mong ipasa sa kaibigan mo, Zeke. Kasi may feelings ako at kahit ipagtulukan mo pa ko sa kaibigan mo, hindi nun mababago yung nararamdaman ko." Tahimik lang kami habang pinupunasan ko yung mga luha ko. "Pero wag kang mag-alala, hindi naman ako manhid para hindi makuha yung gusto mong iparating. Hindi na kita guguluhin nang mga nararamdaman ko. Susubukan kong ibaling lahat ng 'to kay Aaron. Kasi alam mo? Narealize ko kung gaano ako kabobo pagdating sa'yo. Ikaw na kahit kelan, hindi mo man lang ako mabalingan ng tingin. Ilang taong paghabol sa'yo, Zeke, at never akong nag-give up. Pero ngayon? Ayoko na."

Naglakad ako palayo habang niyayakap ng mahigpit yung pandang bigay ni Aaron. 

Nakakainis! Ako 'tong nasaktan at ako itong naggive-up na kay Zeke pero bakit sobrang bigat ng mga paa ko habang naglalakad ako palayo sa kanya?

* * *

"Ate! Huuuuuy, ateeeee!" 

"What?!" Inis kong tanong kay Kael na kinukulit ako habang nagbabasa ako ng libro. Pinakaayoko pa man din yun at alam naman niya yun.

"Sungit mo, Ate! Kaya di ka pa sinasagot ni Kuya Zeke eh, kasi ang sungit sungit mo!" At tumawa pa talaga yung magaling kong kapatid. Muntik ko nang ibato sa kanya yung librong hawak ko dahil sa inis ko. Sapul na sapul yung mga banat niya eh!

"Inistorbo mo ba ko sa pagbabasa para lang bwisitin ako?"

"Hindi, ate. Magbihis ka daw sabi ni Mama. Pupunta tayo dun sa perya sa Pulong Buhangin."

"Sabihin mo kay Mama kayo na lang. Ayokong sumama."

Sinimangutan ako ni Kael bago sumigaw ng malakas ng, "MAMA OHHHH! SI ATE AYAW DAW SUMAMA!" 

"CHARMAINE FELICE! MAGBIHIS KA NA! SASAMA KA SA GUSTO MO O SA HINDI. MAHIYA KA NAMAN KINA ZEKE!" Umalingawngaw sa buong bahay yung sigaw pabalik ni Mama.

What? Zeke? Why Zeke?

"Anong meron kay Zeke?"

Ngumisi si Kael. "Kasama natin yung pamilya ni Kuya Zeke, ate. Wag kang masyadong maglalaway ngayong gabi ate ha? Nakakahiya ka eh." Babatukan ko sana si Kael pero mabilis siyang nakaiwas sa'kin at tumakbo palayo.

Wow ha? Bakit ang daming alam nun? Samantalang sobrang inosente ko nung kaedad niya ko at grade 5 pa ko at niligawan ko pa si Zeke!

And speaking of Zeke, what the hell? Bakit kung kelan ako na 'tong lumalayo sa kanya, eh mas lalo kaming naglalapit?

* * *

"What the--you scared me!" Halos atakihin ako sa puso dahil sa gulat nung makita ko si Zeke sa tapat ng kwarto ko.

Tinawanan ako ni Zeke. "Inglisera ka na ngayon ah? Hindi ka naman ganyan dati. Nakuha mo ba yan sa dati mong highschool?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Inaasar niya ba ko? Aba, bakit, close kami? Sa pagkakaalam ko galit ako sa kanya.

"Will you move out of the way, Mr. Ezekiel Villaroso?"

"You're so cold, Charm. Hindi ako sanay." Kahit pa galit ako kay Zeke, hindi ko pa ring maiwasang hindi kiligin dahil sa tawa niya at dahil sa mababa niyang boses na parang nanlalambing.

Unang beses niyang gamitin yung ganung klaseng boses sa'kin. Ano bang ginagawa ni Zeke?

"Masanay ka na kasi ganito na ang magiging trato ko sa'yo simula ngayon. I gave up on you already, remember? At magiging bitter rin ako, Zeke." 

Kumunot yung noo ni Zeke. "Why?"

"Anong why?"

"Why did you give up on me?"  Kita mo 'tong taong 'to. Siya naman ngayon yung english ng english samantalang pinupuna niya ako kanina.

"Eto naman yung gusto mo hindi ba? Na tigilan na kita? Kaya nga lagi mo kong nirereject, di ba?"

Kinagat ni Zeke yung labi at mukha siyang nag-iisip. Lumalabas pa yung dimples niya na lalong nagpapagwapo sa kanya. "Kahit kelan hindi ko sinabing maggive-up ka sa'kin, Charm."

Para akong lalagnatin dahil sa mga sinasabi ni Zeke sa'kin ngayon. At aaminin kong kahit naiinis ako sa kanya ay napapakilig pa rin niya ko ng sobra. Ugh, bakit ba kasi ang lakas lakas ng tama ko sa taong 'to!

"W-why does it matter? P-pwede bang umalis ka na lang sa pagkakaharang mo diyan sa pinto ko?"

Inangat ni Zeke yung tingin niya tapos tinignan niya yung suot kong sleeveless top at shorts bago siya humilig sa door frame ko kaya lalo niyang natakpan yung dadaanan ko. "Ang ikli masyado ng shorts mo. Tsaka malamig sa labas, magdala ka ng jacket."

Kumunot yung noo ko sa mga sinasabi ni Zeke. Inuutusan ba niya kong magpalit pa ng damit? "Walang mali sa damit ko, Zeke. Karamihan ng tao dun, ganito rin sigurado yung suot. Paraanin mo na nga lang ako!"

"Wala akong paki kung ganyan din yung suot ng iba. Pero may paki ako sa suot mo." Tinitigan niya ko sa mata. Para akong malulunod sa titig niyang 'yun. "You should really change, Charm. I don't like your clothes. Hindi kita papalabasin nang ganyan yung suot mo."

Si Zeke lang ata ang kayang magpainis at magpakilig sa'kin ng sobra ng sabay.

"P-pakialam ko ba kung gusto mo o ayaw mo yung suot ko?!" Tama si Maggie,  bakit ko babaguhin yung sarili ko para sa selfish na lalaking 'to?

"Lots of men would be staring at you tonight dahil sa suot mo. Ayoko nun, Charm." sabi niya ulit sa mahina niyang boses na nagpapahina sa tuhod ko at nagpapalambot sa puso ko. "You would be cold, too. Ayokong magkasakit ka. At baka may mambastos sa'yong lalaki dun. Baka mapaaway ako dahil sa'yo, Ms. Caballero.

Napalunok ako. Okay, okay. Aaminin ko na. Wala akong laban pag ganyang ang lambing ng boses niya. Kung nun ngang sinusungitan niya ko eh nagagawa ko pa rin siyang habol-habulin, ngayon pa kaya?

"F-fine, okay? M-magpapalit na ko." Nanginginig yung kamay ko habang sinasarado ko yung pinto ng kwarto ko.

Anong sumapi kay Zeke at parang ibang tao na siya bigla? Parang... parang kahit papano gusto niya ko... Pero ayokong nang umasa at mag-assume pagdating kay Zeke. Hindi ngayong kagagaling ko lang sa disappointment dahil sa pagtulong niya sa kaibigan niyang maligawan ako. Tama, kung gusto niya ko, hindi niya tutulungan si Aaron. Nanlumo ako. Parang pang-kuyang protectiveness lang sigurado yung pinapakita ni Zeke ngayon.

Pinalitan ko yung shorts ko ng pantalon tapos nagjacket na rin ako. Paglabas ko nandun pa rin sa harapan si Zeke at nagtetext. Nung makita niya ko, ngumiti siya at lumapin sa'kin. "That's better."

Tapos hinawakan niya yung siko ko para hilahin ako pagkatapos niya.

Kung nung si Aaron yung gumawa nito, walang kahit konting spark, ngayong si Zeke na, kaya ko na yatang magpailaw ng isang buong barangay dahil sa kuryente at kilig na nararamdaman ko.

* * *

Xavier University Grand Alumni Homecoming. 

Kami na lang nina Maggie at Emma yung natira sa table dahil busy yung mga guys sa pakikipagkamustahan sa mga barkada nila nung college.

Lumapit si Aaron sa table namin at uminom ng konting beer mula sa baso niya. "Nakakamiss pala 'yung college." Umiling iling siya habang nakangiti. "Akalain mong matutuwa ako na makita yung mga mokong na 'yun."

"Mas gusto ko 'yung highschool. Mas fun at mas konting stress."

"Bakit? Dahil sa'kin?" Tumawa si Aaron at pinalo ko yung braso niya.

"Kapal nito!" Tumawa ulit si Aaron. Tinignan niya sina Zeke at Dave na nagtatawanan. 

"That Zeke. Protective bastard. Kala mo aagawan ng asawa sa kakatingin niya sa asawa niya." Nakangising sabi ni Aaron sa sarili niya.

Napa-oo na lang ako sa kanya. Zeke can be protective sometimes, alright. But the sweet kind of protective kaya  I know, he's a good husband.

Napahawak ako braso at narealize kong nagtatayuan na yung buhok ko dun. Giniginaw na ko. Napansin naman agad 'yun ni Aaron.

"Nasan yung jacket mo?"

"Naiwan ko sa kotse."

"Ikaw talaga. Teka, kunin ko na."

Ngumiti ako ng malaki kay Aaron. "Thanks, Aaron. The best ka talaga."

"Sus, binola mo pa ko, kukunin ko na nga." Ngumuso ako habang umaalis palayo si Aaron.

"Cha! Maggie! Emma!" Napatingin ako sa isa naming kaibigan nung college na papalapit na samin ngayon. Ganun din si Emma na pilit inaayos yung naglilikot niyang anak at si Maggie na panay yung tingin ng masama kay Dave. "Uy! Kamusta?" Bati niya saming lahat. "Teka, anniversary niyo ngayong March ng asawa mo, di ba?" 

Sino bang tinatanong nito sa'min? We all answered anyway.

"No."

"Hindi ah."

"Yeah. You remembered that?"

Ah. Naalala ko tuloy. March nung second year high school ako, nabuo yung unang couple saming lahat. 'Yun ay yung araw ng graduation nina Zeke, Dave at Aaron, and someone finally said 'yes' to her suitor.

========================================================

Sino sa tingin niyo yung asawa ni Cha? Si Zeke or si Aaron? At sino yung unang couple sa kanila? Hmm... hihi :D

Continue Reading

You'll Also Like

93.1K 3.7K 42
[WARNING: This story is NOT YET EDITED] "Isang walang kwentang kontrata ang makakapagpabago sa buhay ni Raige Eliz AraƱa na dating nerd at miss nobo...
31.4K 862 66
Kessler Vinn Celestian, the sole heir of the famous Celestian Group of Companies in Cebu. He's been tagged as Celestian High playboy. And here comes...
529K 16.6K 74
Nagbago na sila, siya, lahat ng mga taong nasa paligid niya. Umalis siya sa pinas at tinakbuhan ang lahat dahil sa nasaksihan niya. Ang lalaking min...
33.7K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...