When Suplado Boy Meets Palaba...

iamhopelessromantic által

687K 12.3K 1K

Si James Nathaniel dela Vega, gwapo at mayaman. Pero suplado at masama ang ugali. Sanay siya na kinatatakutan... Több

Prologue
Chapter 1 - The New Comer
Chapter 2 - Diana Sophia Eliza Torres Alcantara
Chapter 3 - Suplado plus Palaban Equals ?
Chapter 5 - I Have No Choice
The Great James
Chapter 6 - She's Not Gone
Chapter 7 - The Confrontation
Chapter 8 - Lost and Found
Chapter 9 - The Set-up
Chapter 10 - The Accident
Chapter 11 - Nathaniel (Part I)
Chapter 11 - Nathaniel (Part II)
Chapter 11 - Nathaniel (Part III)
Chapter 12 - Puno
Chapter 13 - The Suplado Returns
Chapter 14 - The Hard Reality
Chapter 15 - I'm Stupid
Chapter 16 - Their First Night Together
Chapter 17 - Angel
Chapter 18 - It's Confirm
Chapter 19 - Rooftop
Resolving the Issues
Chapter 20 - Drama Club
Chapter 21 - Relax
Chapter 22 - Nananadya
Chapter 23 - For the First Time
Chapter 24 - Boyfriend
Chapter 25 - His Female Version
The Reason Why
Chapter 26 - Lunchbox
Chapter 27 - Clinic
Chapter 28 - His Personal Nurse
Chapter 29 - Slave and Not Nurse
Chapter 30 - What's Wrong With Her
Chapter 31 - Palaban Girl is Back
Chapter 32 - 1,2,3,4 Pass
Chapter 33 - She's Mad at Me
Chapter 34 - Cold
Chapter 35 - Secret Admirer DAW
Chapter 36 - Enchanted Kingdom
Chapter 37 - Napakatanga
Chapter 38 - You're my Business
Chapter 39 - Whether You Like it or You'll Like it
Chapter 40 - Tangs
Chapter 41 - Sumpong
Chapter 42 - Heartbeat
Chapter 43 - Yakap
Chapter 44 - To See You
Chapter 45 - Nalaglag
Chapter 46 - Cheer
Chapter 47 - Picture
Chapter 48 - Curious
Chapter 49 - Tears
Chapter 50 - Mall
Bastard
Chapter 51 - Future Sister In Law
Chapter 52 - Dinner
Chapter 53 - Goodbye
Chapter 54 - Hurt
Chapter 55 - What
Chapter 56 - Who's Jealous
Chapter 57 - Saleslady
Chapter 58 - Baliw Talaga
Chapter 59 - Walang Takas
Chapter 60 - Smile
Chapter 61 - Placard
Chapter 62 - Date
Chapter 63 - Picnic
Chapter 64 - Trust
Chapter 65 - Jason
Chapter 66 - Honesty May Not Be The Best Policy
Chapter 67 - Cake
Chapter 68 - Stalk
Chapter 69 - Locker Room
Chapter 70 - Guardian Angel
Chapter 71 - Ask
Chapter 72 - Sealed With a Kiss
Chapter 73 - Time Zone
Chapter 74 - Booth
Chapter 75 - King and Queen
Chapter 76 - Candles and Lies

Chapter 4 - Apologize to him? NOOOOO WAY

11K 255 27
iamhopelessromantic által

Diana's POV

"That guy is unbelievable..." Hindi ko mapigilang maibulalas ng makalabas na kami ng canteen. Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang inis ko doon sa mayabang na lalaki. Talagang hindi na niya napigilan ang inis kanina ng makita kung paano nito itulak-tulak si Michael.

She saw what happened, paalis na sila noon sa canteen nang makabangga ni Michael ‘yung mayabang ng James na ‘yun. And it wasn’t Michael's fault, it was that arrogant person's fault. Siya ‘tong hindi nakatingin sa dinadaan niya. Pagkatapos siya pa ang may ganang magalit at manakit.

Siya din iyong supladong lalaki na nakabangga niya noong first day niya sa school.

 "Ang sama talaga ng ugali ng taong ‘yun. Nakapakayabang at napaka arogante. God, I never met anyone as arrogant as him. Hindi man lang marunong mag sorry."

"Ganyan na talaga si James Diana. Nasanay na kami sa kasungitan niya."

"And you just let him be like that? How could you Nica? I mean, hindi man lang ba kayo lumalaban. Tinatapakan na niya kayo pagkatapos okay lang sa inyo?"

"It's not like that Diana. Hindi naman sa ayaw namin na lumaban. Kaya lang kasi, as what you know, James owned this school. Dito siya ang hari. Isa pa, nakakatakot talaga magalit si James. Tingnan ko pa lang siya ay nanginginig na ‘ko sa takot. Pag ganun ay paano pa kaya ako makakasagot?"


"Tama si Mark Diana. Tsaka isa pa, hindi naman ganun kasama iyang ugali ni James. Oo, masungit siya, suplado, mayabang at higit sa lahat napakadali niyang mainis. Pero kahit ganun siya, hindi siya tulad ng iba, basta hindi mo siya kinakanti eh, hindi ka niya aanuhin."

"So dapat matuwa pa pala ako dahil ganon lang siya. Nagpapatawa ka ba Ina. Kahit pa ano sabihin niyo hindi pa rin tama ang ginagawa niya. Hindi porket siya ang may-ari nitong school ay may karapatan na siyang mang-insulto ng iba. Tsaka bakit siya kinakampihan niyo, ako kaya kaibigan niyo. Isa pa inaway niya si Michael."

"Nagpapasalamat ako sa ginawa mong pagtatanggol sa akin Diana. Bilib nga ako sa'yo kasi napakatapang mo. Hindi nga ako makapaniwala sa nangyari kanina. Ibang klase ka, si James dela Vega napatahimik mo."

"I just did what is right Michael. Were friends, at ang magkaibigan laging nagtutulungan.Tsaka kung hindi ko ginawa iyon ay baka hindi ako makatulog mamayang gabi. Maiinis ako sa sarili kasi hindi kita natulungan."

Nagulat ako bigla kasi ako niyakap ni Michael.

"Salamat talaga Diana."

"Hoy ako din"

"Kami din sali" Ano pa nga ba sunod na nangyari edi nag group hug kami. Ang O.A rin namin ano. Pero masaya ako, masaya ako sa mga kaibigan ko.

"Tama na itong pagdadrama natin. Ang mabuti pa ay mag-isip tayo ng paraan para hindi ka mapaalis ng school."

"Tama siya Diana, kailangan makaisip tayo ng paraan"

"Teka, teka, sandali nga lang. Hindi ko kayo maintindihan. Anong sinasabi niyo na mapapaalis? Sino? Ako?"

Tumango lang sila lahat.

"Eh bakit naman ako mapapaalis? Ano naman ang ginawa ko masama?"

"Tinatanong mo kung anong ginawa mo? Nagbibiro ka ba? Nakalimutan mo na ba agad ang ginawa mo kay James kanina?"

"Teka, teka, sandali nga lang Mark... Sinasabi mo ba sa ‘kin na mapapaalis ako ng school dahil sa ginawa ko kaninang pagsagot doon sa James na ‘yun? Dahil lang sa bagay na ‘yun? Niloloko mo ba ‘ko? Major offense ba ‘yun for expulsion sa school na ‘to?"

"Parang ganon na nga ‘yun Diana. Siyempre si James ang may-ari nitong school. Kaya it follows na sino mang kumalaban sa kanya ay kalaban din ng school at dapat nang ma-expel. ‘Yan talaga ang nangyayari sa lahat ng kumakalaban sa kanya... Kapag kinalaban mo siya ibig sabihin nun gusto mo na umalis dito sa school."

"What? Seryuso ba talaga kayo. Ibig sabihin ma-eexpel ako? At ang magpapa-expel sa akin ay ‘yung James na ‘yun. Ang O.A. naman ata nun."

Tumango lang si Nica. Sinulayapan ko sila isa-isa.

"Pero unfair naman ata ‘yun. Wala na mang mali sa ginawa ko. Kung tutuusin siya pa nga ang may kasalanan tapos ako pa ang mapapaalis. Tsaka, inano ko ba ang lalaking ‘yun. Pinagsabihan ko lang naman siya ah."

"Wala na tayong magagawa Diana, ganon talaga eh. Sila ang masusunod dito."

"Ano ba ‘yang sinasabi mo Ina, huwag mo namang pag-alalahanin itong si Diana. Makakagawa rin tayo ng paraan."


Huwag mag-alala. Naririnig kaya ni Mark ang sarili niya. Paano kaya ako hindi mag-aalala eh mapapaalis ako ng school. Isang linggo pa lang ako dito tapos ma-eexpel na ako agad. Sino ang hindi mag-aalala nun.

Tsk. Buwisit naman kasi ang James na ‘yun eh. Akala mo kung sino, papaalisin ako ng school dahil lang sa pinagsabihan ko siya. Ano naman kaya ‘yun?

"Kung kausapin kaya natin ang faculty ng school. Sabihin natin na wala naman talaga ginawa si Diana."

"Ano ka ba naman Michael. Alam naman natin na takot halos lahat ng faculty members kay James. Mas takot pa nga ata sila kesa sa atin eh. Tsaka sa tuwing may pinapaalis si James eh hindi na naman sila nagtatanong ng dahilan, sinunod na lang nila. Natatakot sila matanggal sa trabaho."

Talagang ibang klase ang taong iyon. Pati faculty ay wala ring magawa kundi ang maging sunod-sunuran dito. Lalo tuloy nadadagdagan inis ko sa kanya.

"Eh kung magso…" Hindi ko pinatapos si Charlotte sa pagsasalita.

"Magsosorry ako? Sa mayabang at conceited na iyon? No way... Siya na nga ang mali tapos ako pa magsosorry sa kanya? in his dreams. Mas gugustuhin ko pa na mapaalis na lang ako sa school na 'to kaysa magsorry sa kumag na ‘yun."

"Eh wala na talaga ako maisip na ibang paraan eh. Lahat na lang hindi uubra. Iyon na lang ang pwede kaso ayaw mo naman."

"Ayoko talaga. Kahit ano pa sasabihin niyo hinding-hindi ako magpapakumbaba sa narcissistic na iyon. Tsk. Isa pa, pag ginawa ko iyon mababalewala lang iyong mga sinabi ko sa kanya. Lalong yayabang ‘yun."

"Eh paano na 'yan? Iiwan mo na kami. Ma-mimiss ka namin kapag wala ka na." Tiningan ko si Nica. Na touch ako sa sinabi niya. Sa nakikita ko mukhang malulungkot siya pag umalis ako. Siyempre ako rin naman no. Kahit isang linggo ko pa lang sila nakikilala ay naging close na ako sa kanila. Mas close pa nga ata ako sa kanila kaysa dun sa mga kaibigan ko nun na matagal ko na nakilala.

"Eh bakit? sa tingin niyo hindi ko kayo ma-mimiss? Siyempre ma-mimiss ko kayo ano, mga bestfriends ko na kaya kayo." Nagdramahan na naman kami.  At mukhang mapapadalas ang dramahang ito. Kasi naman eh, kasalanan talaga ito lahat ng arroganteng iyon.

Pupunta kami ngayon na magkakaibigan sa principal's office. Ano pa nga ba ang gagawin namin dun, eh di magpapaliwanag at makikiusap na rin na huwag sundin si James kung sakaling sasabihin nito na paalisin na ako ng school. Kahit na alam na namin ang kahihinatnan nito ay magbabakasakali pa rin kami. Baka lang kasi maawa sa amin.

Baka lang naman...

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na mapapaalis ako sa school dahil lang ipinagtanngol ko ang kaibigan ko. Gagawin ba talaga iyon ng lalaking iyon, ang paalisin ako? Dahil lang sa pinagsabihan ko siya. Sobra naman di ba.

Kumatok muna kami.

"Come in"

Ayun pumasok naman kami. At iyong tanong  ko kanina ay nasagot ng makita ko sa office ng principal ang conceited na lalaking ‘yun. At nginitian pa ko ng makita niya ako. At ang ngiti niya, hindi ko gusto. Nakakainis ang ngiti niya. Para kasing sinasabi ng mga ngiti niya na "oh ano ka ngayon, sa tingin mo magpapatao ako. goodbye na sayo."

Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ako magpapatalo noh.

"Well, since nandito na rin si Ms. Diana Alcantara bakit hindi mo pa sabihin sa kanya ang bad news principal Reyes."

Tsk. At talagang alam na niya pangalan ko ha. Nagresearch talaga ang ungak.

"Ms. Alcantara. I'm sorry to say this…"

Hindi agad maituloy-tuloy ng principal ang sasabihin nito. Mukhang nag-aalangan pa talaga ito, kaya nga lang ay mukhang wala itong magagawa kundi ang sumunod sa damuhong ito. Napakasama talaga niya.

Papaano niya nagagawa ang bagay na ‘to, ang ipagawa ang isang bagay sa ibang tao kahit na labag ito sa kalooban nila?

"Ms. Alcantara, you will be no longer a student of this school starting tomorrow. You will be kicked out. So prepare yourself to leave."

"Principal Reyes pakinggan niyo po muna kami. Wala pong ginawang masama si Diana. Ipinagtanggol lang po ako niya ako. Please principal huwag niyo po siya i-kicked out."

"I'm sorry, my decision is final."

"Was it really your decision sir?" Naibulalas ko. Hindi ko na talaga mapigilan ang inis at galit ko para sa damuhong James na ‘yan. Total makikicked out na rin naman ako, lulubus-lubusin ko na.

"Ms. Alcantara, I hope you understand."

"Stop it Principal Reyes. Stop being sorry for me. You don't have to. Naiintindihan ko naman po eh. Naiintindihan ko naman na napipilitan lang kayo sumunod sa utos ni Mr. dela Vega. Ang hindi ko po maintindihan ay kung bakit? Bakit niyo po siya sinusunod kahit na alam niyo na mali siya?"

"It's none of your business Ms. Diana Alcantara. Huwag mo nang subukang lasunin ang isip ni Mr. Reyes para lang mag stay ka pa sa school. Because it won't happen. It is only me that can decide whether you stay or not."

Ang kapal. Ang kapal-kapal talaga. Ipinagmamalaki pa talaga ‘nya na siya ang magpapaalis sa ‘kin. Hindi na nahiya.

"If you really want to stay in this school so badly, I can change my mind. But only after you apologize for what you did?"

Natawa ako sa sinabi niya. As in sobrang natawa ako. Pero siyempre iyong tawa ko sarcastic. Hindi ako natutuwa sa sinabi niya. Naiinis ako na natatawa. I mean ibang klase ang kapal ng apog ng lalaking ‘to para sabihing mag apologize ako sa kanya gayong siya itong may kasalanan.

"Hoy Diana, Bakit ka tumatawa diyan?" bulong sa akin ni Ina. Tumigil na ako sa pagtawa ko at hinarap iyong conceited na lalaking iyon.

"Mag aapologize? Ako? Sayo? Nagpapatawa ka ba? MR. MAY-ARI NG SCHOOL." Sinadya ko talagang ipagdiinan sa kanya ang mr. may-ari ng school.

"And what made you think that I am kidding Ms. Alcantara. And stop calling me that. Look, I am giving you a chance here. If you apologize for what you did then I'll make you stay in this school."

Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko na matawa.

"Oi, Diana." si Nica naman ngayon

"What's funny Ms. Alcantara"

"Nothing. Actually nothing is funny. Though I can't help myself na matawa sa sinabi mo. Sabihin mo nga sa akin, ano ang ginawa kong masama sa'yo para mag-sorry ako, MR. MAY-ARI NG SCHOOL…"

"I SAID STOP CALLING ME THAT." Mukhang nainis ko ata siya. Nagalit na eh. Sinigawan pa ako. Pero ‘yun kaya ang gusto ko, ang inisin siya. Kaya iinisin ko pa siya. Para kahit papaano makaganti naman ako noh.

"I'll call you whatever I like, mr. may-ari ng school. Di ba nga proud na proud ka nga na kayo ang may-ari ng school na ‘to. You tell everyone about it, and now, suddenly you don't wanna hear about it."

"YOU WITCH"

"Oh well, I happen to be a good witch.” Sabi ko sabay ngiti. I am satisfied with his very furious reaction.

"Are you gonna apologize or not?"


"Tsk. Tinatanong pa ba ‘yan. Siyempre naman hindi noh. Hindi pa ako ganon ka desperado na mag-aral dito sa school mo. Napakaraming school dito sa mundo, at wala akong balak isiksik ang sarili sa school mo. At saka, wala naman akong kasalanan sa ‘yo at higit sa lahat hindi pa ako nasisiraan ng bait para gawin ‘yun."


"Okay… It's settled then... Principal Reyes, go on with the expulsion right away. I don't want to see Ms. Alcantara on the school premises anymore."

"You don't have to do that Principal. Because I'll drop out." Nanlaki ang mga mata nilang lahat. Nagulat sa sinabi ko.

Akala niya ha. Expelin niya mukha niya. Magdadrop out na lang ako kaysa mag sorry sa kanya.

"Okay, you drop out. Save yourself from the humiliation."


"Humiliation? Nagpapatawa ka ba? Alam mo po, MR. MAY-ARI NG SCHOOL. Kung meron mang dapat mahiya dito ikaw lang ‘yun. Wala nang iba. Dahil ikaw sa ating dalawa ang may baluktot na pag-iisip. Don't bother yourself to expel me. Dahil kusa akong aalis dito.  Alam mo Mr. James dela Vega, hindi ko gugustuhin na mag-aral sa isang school na kung saan ang nagpapatakbo ay sunud-sunuran lang sa isang mayabang, arogante, conceited, narcissistic, self-centered, walang respeto at higit sa lahat makitid ang utak."

"Are you insulting me?"

"Why? Are you insulted? Don't be Mr. dela Vega, hindi ka dapat mainsulto. Dahil nagsasabi lang ako ng totoo."

"YOU BITCH"

Kusang gumalaw ang palad ko at naglanding sa mukha niya. Sinampal ko siya. Hindi ko na talaga napigilan sarili ko. Siyempre naman no, ikaw kaya murahin ng ganun tingnan natin kung hindi ka rin manampal. Tsaka below the belt na kaya masyado iyon. Masakit kaya iyong sabihan ka nun.  Tsk. Kung si Anne Curtis lang sana ako malamang nakaisip ako ng magandang reply dun.

"Huwag na huwag mo kung mumurahin ng ganyan Mr. dela Vega. Wala kang karapatan. Hindi porket mayaman ka ay may karapatan ka nang mang-insulto ng iba. You know what, you're hopeless."

Pagkasabi nun ay lumabas na ako ng office. Ni hindi na ako nagpaalam sa principal. Nagpupuyos na kaya ako sa galit baka mamaya kung ano pa magawa ko. Ayoko makapatay ng tao.

Ang brutal ko. Pero ‘yun talaga ang magagawa ko sa lalaking ‘yun. Grabe imbes ako mang-iinis sa kanya ay nabaliktad ata. Ako ngayon ang sobrang naiinis.

I so hate him.


I HATE JAMES NATHANIEL DELA VEGA.


FOREVER.

Author’s Note

Sana magustuhan niyo itong chapter na to. Vote. Comment. Like. At kung nanaisin niyo, be a fan na rin. Salamat sa time niyo para basahin ang aking story.

iamhopelessromantic

Olvasás folytatása

You'll Also Like

69K 2.9K 80
Ang simpleng babae na si Sofia Vienna Caronia at ang lalaking si Christian Jacob Villarieno ay matinding nagmamahalan, Kahit pa sa katotohanang ang k...
121K 990 12
A very mysterious story that has many clues and treasures. PROPERTY OF WARRIORPRINCESS220
26.1K 1.1K 34
Home is where our story begins, and ends. [Highest Rank: #89 in Short Story] [Completed]
129K 2.5K 50
#1: Sometimesfunny Sequel: Should I Let Go? By: Gigglycira Pagmahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sakanya gaya nalang ng palayain mo si...