Escape

By vkaugust

31.4K 1.5K 725

Ang nakaraan, sabay nating takasan. More

Prologue
1 • Friday
2 • Call
3 • House
4 • Ballpen
5 • Bike
6 • Connection
7 • Bracelet
8 • Away
9 • Help
10 • Set Up
11 • Confess
12 • Third Wheel
13 • Change
14 • Jealous
15 • Basketball
16 • Representatives
17 • Partner
18 • Realizations
19 • Friends
20 • Texts
21 • Option
22 • Practice
23 • Brainwash
24 • Obsession
25 • Bad News
27 • Date
28 • Picnic
29 • Book
30 • Plans
31 • Tagaytay
32 • Gratitude
33 • Talk
34 • Let Go
35 • Mutual
36 • Heartbreak
37 • Decision
38 • Reunited
39 • Sign
Author's Note
40 • Party
41 • Promise
42 • Last Friday
43 • Last Call
44 • Christmas Gift
45 • New Year
46 • Rejected
47 • The Dance
48 • Beginning
Epilogue
THANK YOU 💚
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3

26 • Contest

601 26 15
By vkaugust

Abrianna's POV

Nagising ako nang may ngiti sa labi nang maalala ko ang paguusap namin ni Darren kagabi.

Kinusot kusot ko ang aking mga mata at tsaka bumangon mula sa pagkakahiga.

Kinuha ko ang aking cellphone at nagulat nang makitang may 3 missed calls ako galing kay Darren.

Agad ko siyang tinawagan at nagring naman ito. Pero walang sumasagot.

Hayaan ko na lang ito. Baka kasi busy at naghahanda na para sa contest na magaganap mamaya.

Nagtext na lamang ako dito ng "Good morning! See yah later. :)"

× × ×

"Nasaan na si Darren?" tanong ni Mikee.

Nagkibit balikat lang ako at tumingin sa paligid. Kanina pa din pabalik balik ang tingin ko sa cellphone ko na hawak ko dahil nagbabaka sakaling magreply ito o tumawag. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi ito sumasagot pati na rin sa mga text ko.

"Baka nasa kung saan saan lang." sagot ko.

"Hala ka 'te. Baka nagback out na!" pabirong sabi ni Dhaylene na dahilan para makaramdam ako ng kaba.

Paano nga kung nagback out na nga ito?

"Uy joke lang." bawi ni Dhaylene.

"Kinabahan siya oh." natatawang turan ni Kessel.

"Feeling ko hindi naman gagawin ni Darren yun. Don't worry. Kalma lang." dagdag pa niya.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Miss Estrella! Where's your partner?" tanong ni Ma'am Sherly nang makalapit sa amin.

"Hindi ko po mahanap Ma'am. Baka papunta pa lang po." sagot ko.

"Okay. Halika na't may last practice pa tayo." sabi niya.

Ngumiti lamang ako bilang tugon at sumunod sa kaniya.

× × ×

Darren's POV

"Darren, lumabas ka na diyan." paulit ulit na sabi ni Tito Chris mula sa labas ng aking kwarto habang kumakatok sa pinto nito.

Hindi ako sumasagot at nagkukunwaring wala akong naririnig.

"Malapit nang magsimula ang competition. Kailangan mo nang lumabas diyan." dagdag pa nito.

Kanina pa ako nakabihis para sa contest pero nakaupo pa din ako dito sa aking kama.

Wala akong gana. Ayaw kumilos ng katawan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Basta ang alam ko lang ay nasasaktan ako, nahihirapan. Ang hirap kumilos kapag alam mong may kulang na sa pagkatao mo...madami nang kulang at kailanman ay hindi magiging sapat at buo pa.

"Kung hindi ka lalabas diyan, bubuksan ko 'to." rinig kong sabi niya pero hindi pa din ako sumagot.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napatingin ako dito.

"Darren." mahina niyang sambit.

Hindi ulit ako sumagot at nanatili lamang na nakatingin.

Tumabi ito sa akin at tinapik tapik ang aking balikat.

"Alam kong mahirap. Pero kailangan mong kayanin. Pwede bang ipagpaliban mo muna 'yang nararamdaman mo, at tsaka na lamang balikan kapag tapos na ang contest?" tanong niya.

"Kung pwede nga lang ipagpaliban ang sakit, edi sana matagal ko nang ginawa." sagot ko.

"Happiness is a choice. Kung gusto mong maging masaya, magiging masaya ka. Kung gusto mong makulong sa sakit na nararamdaman mo, choice mo din yun. Sa panahon na ito, dapat piliin mo ang maging masaya." paliwanag nito.

Sarkastiko akong napatawa dahil sa kaniyang tinuran.

"Masaya? Namatay ang ate ko, tapos gusto mo akong maging masaya?" inis kong sabi dito at tumayo mula sa pagkakaupo.

"Saan ka pupunta?" tanong nito.

Hindi ko siya pinansin at nilagpasan lamang.

Nagmadali akong umalis ng bahay at tumakbo sa kung saan ko gustong pumunta. Naririnig ko ang sigaw ni Tito sa akin pero wala na akong pakialam. Ang gusto lang ngayon ay mapag-isa.

Tumunog ang aking cellphone kaya kinuha ko ito mula sa aking bulsa.

From: Abrianna
Nasaan ka na, Darren? Natapos na kami sa last practice pero wala ka pa din. Magsisimula na yung contest, ikaw na lang ang hinihintay. Sabihan mo lang ako kung hindi ka na pupunta. Magreply ka naman.

Magrereply na sana ako pero parang may pumipigil sa mga daliri ko.

Inilagay ko na lamang ulit ang aking cellphone sa aking bulsa at nagpatuloy sa paglalakad.

I'm so sorry, Abrianna.

× × ×

Abrianna's POV

"Oy ano na?" tanong ni Kessel.

"Wala pa ding reply." sagot ko.

"Nakita niyo ba si Sir Chris? Hanapin kaya natin?" suhestiyon ko.

"Baliw! Sa dami ng tao dito, mahahanap natin yun?" tugon ni Mikee.

Oo nga. Ang daming tao ngayon dito sa school namin. Lahat ng teachers namin dito sa school ay nandito at may mga ilang teachers na galing sa iba't ibang school dahil sila ang magiging judges. Lahat din ng Grade 10 students ay nandito. May mga magulang, kapatid at kung sino sino pa. Mas lalo tuloy akong kinabahan, dagdag pa na hindi nagpaparamdam si Darren.

"Hala, eto na." halos pasigaw na sabi Dhaylene nang biglang nagsimula nang magsalit ang emcee sa stage.

"Shete. Nasaan na si Darren?" inis na sabi ni Mikee.

"Finding Darren na pala, hindi na Finding Nemo." banat ni Kessel pero walang tumawa.

"Corny mo na naman." sabi ni Dhaylene sa kaniya sabay hampas.

Sinubukan ko ulit tawagan ito pero wala pa ding sumasagot. Anong trip nun? Kagabi naman, okay pa siya tapos ngayon biglang ganito?

× × ×

Natapos nang magperform ang mga dancers. Hindi lang kasi ito purong singing contest lang. May contest din para sa sayaw at sila ang nauna. 8 contestants sila at by group. Akalain mo yun, natapos ang walong grupo na yun pero wala pa din si Darren?

"Miss Estrella, where's Darren?" tanong ni Ma'am Sherly sa akin sa backstage.

"Hindi ko po alam, Ma'am. Nakita niyo po ba si Sir Chris?" tanong ko sa kaniya.

"Naku, hija. Malabong makita ko pa yun dahil sa dami ng tao dito ngayon." tugon niya.

"Mukhang hindi na makakarating si Darren." sabi niya at halatang may pagkadismaya ang tono ng pananalita nito.

Hindi na lamang ako sumagot at tumingin na lamang ako sa sa salamin na kaharap ko ngayon. Tapos na akong mag-retouch. Handa na ako physically but mentally, hindi.

Kung kailang kailangan kita, dun ka pa mawawala.

× × ×

"Ma'am, hindi ko po talaga kaya." pagtanggi ko dito.

"Abrianna? Mapapahiya ang section mo at ang section ni Darren kapag hindi ka nagperform." sabi nito.

"Pero duet po ang kailangan, hindi solo. Paano po kung ako naman po ang mapahiya?" patuloy na pagtanggi ko dito.

"No ifs, no buts. Kailangan mo nang tumuntong sa stage ngayon. You have no choice, Abrianna. Kaya mo 'yan!" tugon niya iginaya ako papuntang stage.

"Let's all welcome, Ms. Abrianna Estrella and Mr. Darren Espanto!" anunsyo ng emcee.

Nagsigawan ang lahat at pumalakpak. Biglang nawala ang kaingayan nang pumunta na ako sa gitna ng stage.

Nakatingin sila sa akin at para bang nagtatanong kung nasaan ang partner ko. Napatingin ako sa limang judges na nasa gilid ng stage. Nakatingin sila sa akin at nagtataka sila siguro kung bakit ako mag-isa.

Darren, nasaan ka na? Kapag talaga nakita kita, masasapok talaga kita. Ugh.

Nagsimula nang tumugtog ang banda pero bigla itong napatigil nang may biglang isang taong paparating.

Biglang parang may kuryenteng dumaloy sa buong pagkatao ko nang may isang taong pamilyar sa akin ang dumating.

Nang dahil sa pagdating niya, nagsigawan ulit ang mga tao.

Papalapit na ito sa akin at umakyat ng stage.

"Sorry, I'm late." sabi niya.

Napatitig lang ako sa kaniya. Napakagwapong nilalang ang nasa harapan ko ngayon.

"Bwisit ka. Pinakaba mo ako, akala ko hindi ka na dadating." inis kong sabi kay Darren.

"Pero dumating ako." sabi niya sabay ngiti.

Parang may iba sa ngiti niya ngayon, parang pilit at hindi totoo.

Nagsimula na ang tumugtog ang banda at tumahimik na ang paligid. Nagsimula na siyang kumanta.

Bakit ngayon ka lang
Bakit ngayon kung kailan ang aking puso'y mayron nang laman

Huminga muna ako nang malalim bago kumanta.

Sana'y nalaman ko
Na darating ka sa buhay ko
'Di sana'y naghintay ako

Ang lalim ng mga tingin nito at ang lamlam ng mga mata niya...

Ikaw sana (ikaw sana) ang aking yakap-yakap
Ang iyong kamay (ang iyong kamay) lagi ang aking hawak
At hindi kaniya (At hindi kaniya...)

Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay at nanatiling nakatingin sa aking mga mata habang kumakanta.

Bakit ngayon ka lang (bakit ngayon ka lang) dumating sa buhay ko (dumating sa buhay ko)
Pilit binubuksan (pilit binubuksan) ang sarado ko nang puso (ang aking puso)
Ikaw ba (ikaw ba ay) ay nararapat sa akin (nararapat sa akin)
At siya ba'y (at siya ba'y) dapat ko nang limutin (dapat limutin)
Nais kong malaman (nais malaman)
Bakit ngayon ka lang dumating...

Hanggang ngayon ay magkahawak pa din ang mga kamay namin. Nawala ang kaba na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ngayon ni Darren ang nasa lugar na ito dahil siya lang ang tanging nakikita ng mga mata ko.

Nais kong malaman (nais malaman)
Bakit ngayon ka lang dumating...

Hindi ko namalayang tapos na pala kaming kumanta. Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao. Napatingin ako sa pwesto ng mga kaibigan ko. Aba! May pa-banner nga! Tuwang tuwa ang mga loka.

Sabay kaming nagpunta sa backstage at sinalubong kami ni Ma'am Sherly ng napakagandang ngiti sa backstage.

"Whew! Akala ko hindi ka na dadating! Lahat kami dito, nagpanic na. Lalo na 'tong si Abrianna." sabi niya kay Darren sabay turo sa akin.

Bahagya akong natawa dahil sa kaniyang sinabi.

"Pasensiya na po Ma'am." sagot ni Darren.

"Osiya, magbihis na kayo! Pangalawa kayo sa English Songs Prod. Kailangan niyo nang maghanda." pagpapaalala sa amin ni Ma'am.

"Sige po." sabay naming tugon ni Darren.

Nilisan na ni Ma'am Sherly ang backstage at kami na lang ni Darren at ang iba pang mga contestants ang natira dito.

"So, anong dahilan kung bakit sobrang late mo nang dumating?" pag-uusisa ko dito.

"Huwag mo nang itanong. Magpalit ka na ng damit. Alam kong matagal magprepare ang mga babae." seryoso niyang sabi.

Tila narinig ata ito ng mga iba pang babae na kasama namin sa backstage ngayon kaya may mga nagreact.

"Hay nako Darren." sabi ko dito sabay irap.

× × ×

Nang makapagpalit na ako ng damit, agad na akong nagtungo sa backstage.

Luminga linga ako at tumingin sa buong kwarto. Wala akong makitang Darren.

"Nasaan si Dar---" natigil ang pagtatanong ko sa isang contestant nang biglang may nagsalita sa likod ko.

"Nawala lang ako saglit, namiss mo na agad ako." seryoso niyang sabi.

Naghiyawan ang mga kasama namin at nagsimula nang manukso.

"Bigla bigla ka na lang kasing susulpot tapos bigla bigla ding nawawala." seryoso ko ring tugon.

"Nag-CR lang ako." maikli niyang turan.

"Bakit?" tanong ko dito nang mapansin nakatitig lang siya sa akin. Bakit? Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako?

"Wala." sagot niya sabay iwas tingin.

"Gusto ko lang sabihin na ang ganda mo ngayong gabi." mahina niyang sabi pero narinig ko ito.

Sobrang gwapo mo rin ngayon.

"Thanks." sabi niya.

"Huh?" nagtatakang tanong ko.

"Sabi mo sobrang gwapo ko din ngayon." sabi niya.

Ay shunga. Akala ko sa isip ko lang nasabi yun.

"Ah, welcome. T-Thanks din." nauutal kong sagot.

× × ×

Kami na ang susunod na magpeperform. Hindi ko pa ding maiwasang kabahan dahil may stage fright talaga ako.

"Parehas lang tayong kinakabahan." bigla niyang sambit.

"Marunong ka bang mag-basa ng isip ng tao?" tanong ko dito.

"Huh? Bakit?" tanong niya naman.

"Wala lang." maikli kong sagot.

Nang tumuntong ulit kami at pumwesto sa gitna ng stage, kumabog na naman nang malakas ang dibdib ko.

Tumugtog na ang banda at sinimulan ko na ang pagkanta...

Na na na na
Na na na na yeah
You are the music in me
You know the words once upon a time
Make you listen?
There's a reason.
When you dream there's a chance you'll find
A little laughter or happy ever after

Both:
Your harmony to the melody
It's echoing inside my head
A single voice (Single voice)
Above the noise
And like a common thread

Darren:
Hmm, you're pulling me 

Biglang lumakas ang loob ko nang ngumiti si Darren. Yung ngiting hindi tulad ng kanina. Ito yung ngiting alam mong masaya siya.

Abrianna:
When I hear my favorite song
I know that we belong

Darren:
Oh, you are the music in me
Yeah it's living in all of us

Both:
Yeah it's brought us here because
Because you are the music in me

Both:
Na na na na oh
Na na na na
Yeah yeah yeah (na na na na)
You are the music in me

Sabay kaming napatingin sa isa't isa at sabay naming nasilayan ang mga malalaki naming ngiti.

Abrianna:
It's like I knew you before we met (before we met)
Can't explain
There's no name for it (no name for it)

Both:
I'm saying words that I never said
And it was easy (so easy)
'Cause you see the real me (I see you)
As I am
You understand
And that's more than I ever had.

Nagniningning ang mga mata niya at alam kong ang akin rin ay ganito. Ang puso ko, ang lakas ng kabog nito.

Together we're gonna sing (yeah)
We've got the power to sing what we feel (what we feel)
Connected and real

Abrianna:
Can't keep it all inside (ohh)

Nakisabay ang buong crowd sa pagkanta namin kaya mas lalo ko na-enjoy ito.

You are the music in me...

May kakaiba na naman akong naramdaman nang maglapit ang mukha namin at nagkadikit ang mga noo namin. Tanging ang aming mga mic na hawak lamang ang nagsisilbing harang sa aming mga mukha.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin pagkatapos ng kanta at bumulong sa aking tainga...

"Salamat..."

• • •

YOW! Nakakamiss mag-update! Hahahaha. I-good luck niyo naman si Author sa exams niya oh. :( Chos. Salamat pows sa paghihintay! Babawi po ako after ng exams namin. 🙂💚

TW/IG: @tsinigowden
YT: Tsini Gowden

Continue Reading

You'll Also Like

134K 4.7K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
Connection By Ara

Fanfiction

113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
27.1M 717K 35
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...