[HOLD] Enchanted: The Accurse...

By tala_hiraya

778K 24.1K 2.6K

ENCHANTED: The Accursed Daughter By: EmpressWinteroo #Wattys2016 Trailblazer Winner Simula noong bata pa ay n... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 pt. 1
Chapter 43 pt. 2
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46 pt. 1
Chapter 46 pt. 2
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52 pt. 1
Chapter 52 pt. 2
Chapter 53

Chapter 48

8.9K 299 110
By tala_hiraya

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 48

I R I N E

“Errapel!” Tumakbo kaagad ako para salubungin siya. Tumawa siya sa naging reaksyon ko kaya sinalubong niya rin ako ng yakap. “Namiss kita!”

“Namiss din kita, Irine.” Kumalas siya sa yakap. “Kumusta?”

Ngumiti ako. “Ayos lang naman ako. Ikaw and dapat kong tanungin! Hindi ba’t nakalaban mo ang nakacloak-“

“Nakacloak?” Biglang tanong ni Red sa likod namin kaya napalingon ako sakanya. Shocks. Ang bilis niyang makasunod sa 'kin.

“Uhm, wala." Hinarap ko siya. "Pinag-uusapan lang namin ang laro naming labanan noon.” Tumawa nalang ako ng mahina. “Siya nga pala. Red, si Errapel, kaibigan ko.”

Tumingin siya kay Errapel. “Library of Thaumaturgy.”

Tumango si Errapel na para bang sumang-ayon siya kay Red. Library of Thaumaturgy. ‘Yon ang tawag sa library ni Errapel. Base sa tinginan nilang dalawa, mukhang hindi ito ang unang pagkakataong nagkita sila.

Nilipat ulit ni Red ang tingin sa ‘kin. “Halika na.”

Akmang kukunin niya na ang braso ko pero bigla akong hinila ni Errapel papalayo sa kanya. Tiningnan ko siya ng nagtataka.

“Pwede ko bang makausap muna si Irine?” Tanong ni Errapel kay Red.

Kumunot ang noo ni Red na pabalik-balik ang tingin sa ‘ming dalawa. “May kailangan kaming puntahan kaya sa 'kin siya sasama.”

Kukunin sana muli ako ni Red pero hinila muli ako ni Errapel papunta sa likod niya. “Sa pagkakaalam ko ay mamayang hapon pa ang pagtitipon natin sa underground base.”

“Natin?” Tanong ko kaagad kay Errapel.

Tumango siya. “Kasama ako mamaya, Irine.” Ibinalik niya ang tingin kay Red. “Maaari ba?”

Tinitigan niya si Errapel nang ilang segundo na para bang pinag-aaralan niya ang katauhan nito. Ganundin naman si Errapel, hindi siya nagpatinag sa masamang tingin ni Red. Napalunok nalang ako nang maramdaman ko ang namumuong masamang tensyon.

"Red?" Tawag ko. Mukhang nagising naman siya sa katotohanan kaya huminga ng malalim bago tumingin sa ‘kin na para bang naghahantay ng sagot.

Tinanggal ko ang pagkakahawak sa 'kin ni Errapel at pumagitan sa kanilang dalawa. "Matagal ko na kasing hindi nakikita si Errapel kaya gusto ko muna sana siyang kumustahin–”

“Ikaw ang bahala.” Biglang naglakad si Red at nilagpasan kaming dalawa ni Errapel. Napapikit ako ng mariin at napakamot sa 'king sintido. Shocks. Kakausapin ko nalang siguro siya mamaya.

Pinagmasdan ko ang likod ni Red habang naglalakad siya palayo sa 'min.

Narinig kong tumawa si Errapel. “Oh, Irine. Halika na?”

Tumango ako. “Saan ba tayo pupunta?”

UMUPO ako sa silya na nasa mini library ni Errapel. Ngayon ko lang nalaman na may sarili siyang building sa dulo ng Night Market. Hindi kasi namin nadaanan ang library ni Errapel noong pumunta kami ni Red dito. Kung tutuusin, pareho lang ang disenyo ng library niya sa mundo ng mga tao at sa library na kinalalagyan namin ngayon.

“Ano ba talaga ang gusto mong sabihin, Errapel?” Tanong ko.

Naglakad siya patungo sa ‘kin at ibinigay ang isang tasa ng hot chocolate. Humigop muna ako bago ko siya pinagmasdan na maupo sa katapat kong silya. Itinaas ko ang dalawa kong kilay at hinintay siyang magsalita.

Huminga muna siya nang malalim bago tumingin sa ‘kin ng seryoso.

“Alam mo nang si Loic at Amanda ang mga magulang mo, hindi ba?”

Natigilan ako sa diretsa niyang tanong. “P-paano-“

“Marami akong alam na hindi nalalaman ng iba, Irine.”

“Alam ko ‘yon pero saan mo nakuha ang impormasyon na ‘yan?”

Bigla siyang natahimik at napaisip nang sandali. Inilapag niya ang sarili niyang tasa sa katabi niyang desk.

“Natatandaan mo ba ang libro na gusto mong basahin noon sa Library ko?”

Tumango ako. “Ang Enchanted.”

“Tama. Forbidden book ang Enchanted kaya hindi ko kayang ipabasa sa inyo noon. Ang katotohanan niyan ay maski ako, hindi ko parin nababasa ang libro. Ngunit nang nakilala ko kayo, nagpasya na akong basahin ito.”

“Kung ganoon…” Inilapag ko rin ang tasa ko sa desk. “Nabasa mo na ang libro?”

Tinitigan akong mabuti ni Errapel bago siya tumango. “Nilalaman ng libro ang totoong nangyari sa mga magulang mo, Irine.”

Bigla akong nawalan ng hininga. Napahawak ako sa dibdib ko para pakalmahin ang sarili ko. Ang mga magulang ko. Malalaman ko na kung ano ang nangyari sa kanila at sa pamilya namin.

Umayos ako ng upo. “Maaari mo bang ikwento, Errapel?” Napansin kong nagdalawang isip si Errapel kaya hinawakan ko ang dalawa niyang kamay. “Please. Please Errapel.”

Tinitigan niya ang mga mata ko hanggang sa ngumiti siya nang bahagya. Tumango si Errapel.

“Umupo ka muna ng maayos.” Sinunod ko ang sinabi niya at nakinig sa bawat salitang naririnig ko. “Simula pa noon ay ipinagbabawal na ang pag-iibigan sa pagitan ng dalawang enchanter na may magkaibang spirits. Ang Luna na mismo ang nag-utos upang mabalanse ang dimension na kinabibilangan natin. Pero dalawang enchanter ang lumabag sa utos, isang ice at fire enchanter.”

“Loic at Amanda?”

Tumango siya. “Sila ang mga magulang mo. Si Amanda ang isa sa mga pinagkakatiwalaang Doyen sa Amaryllis. Siya ang nangunguna sa lahat ng Ice Enchanter at siya rin ang lider ng lahat. Ang iyong ama naman, si Loic, ay miyembro ng isang organisasyon sa labas ng kampo.”

“Anong organisasyon?” Tanong ko.

"Dark Assemblage."

"Ha?"

Hinaplos ni Errapel ang braso ko. “Sa maniwala ka’t sa hindi, si Loic ang isa sa mga leader ng Dark Assemblage.”

Napatakip ako ng bibig. Hindi maaari. Ang ibig sabihin ay masama ang aking ama? “Pero bakit? At paano? Paano sila nagkakilala?”

“Nagkakilala sila noong nilusob ng Dark Assemblage ang Amaryllis Camp. Pinamunuan ni Loic ang paglusob na ‘yon. Ang sabi sa nabasa ko ay iniligtas ni Loic si Amanda sa bingit ng kamatayan nang muntikan siyang mapatay ng kasapi nito. Simula noon ay hindi na maalis sa isip ng dalawa ang isa’t-isa at araw-araw nang nagkikita ng palihim sa labas ng kampo. Ginamit ni Amanda ang mataas na rangko at kapangyarihan niya para makontrol ang mga gwardya ng mga gates at para makalabas siya. Isang taon ding nagtagal ang relasyon nilang dalawa hanggang sa nalaman na ito ni King Melettus at ni Rocio.”

“At doon sila naghiwalay nang panandalian lamang, tama?”

Umiling si Errapel. “Mas naging desidido ang dalawa na magsama noon dahil balak patayin ni King Melettus si Loic at ikulong si Amanda. Kaya naman ay tumakas si Amanda sa Amaryllis at iniwan ni Loic ang Dark Assemblage para magsama sila ng tahimik. Sa isang liblib na lugar sila tumira malapit sa Elf Village-“

“Sandali. Tama ba ng narinig ko? Elf Village?”

“Oo. Doon nga. Ang sabi’y may kaibigang matalik doon si Amanda kaya naman ang mga elves ang katulong nila para hindi sila matunton. Hindi nagtagal, nabuntis si Amanda at ikaw ang idinadala niya, Irine.”

Napangiti ako ng mapait at hindi na nagsalita pa.

“Nang ipinanganak ka ni Amanda, nagulat ang mga magulang mo nang bigla silang inatake ng mga Enchanters sa pamumuno ni King Melettus. Balak nilang patayin ang bawat isa sa inyo, lalong-lalo ka na Irine. Sa tingin nila ay balakid ka sa pagbalanse ng dimension kaya gusto ka nilang mawala. Hindi ito pinayagan ni Loic at Amanda. Nakipaglaban ang dalawa sa grupo ng mga Enchanters ngunit nang dahil sa marami ang kalaban nila, hindi nila ito nakayanan.”

“Namatay ba sila?” Tanong ko.

“Hindi nakita ang mga katawan nila, Irine. Kaya posibleng nakatakas sila o kaya naman ay naglaho na sila ng tuluyan. Patawad.”

Kinuha ko kaagad ang tasa at uminom. Nanginginig na ang mga kamay ko kaya mabilis ko ulit inilapag ang tasa sa desk. Hindi. Hindi pa sila patay. Ako mismo ang hahanap sa kanila. Ako mismo.

Huminga muna ako nang malalim bago haraping muli si Errapel. “Ngunit ako. Bakit ako nawalay sa kanila?”

“May kumuha sa ‘yong isang enchanter.”

“Sister Martha.”

“Siya nga. Si Martha na kapareho ng guild ni Amanda at ang matalik niyang kaibigan ang kumuha sa ‘yo at itinago ka sa mundo ng mga tao.”

Tumango na lamang ako at hinayaang mamayani ang katahimikan sa ‘min ni Errapel. Ngayong nalaman ko na ang buong storya ng mga magulang ko, oras na para naman hanapin ko sila. Naniniwala akong buhay pa silang dalawa. Naniniwala ako.

“Ngunit…” Tiningnan kong muli si Errapel. “May ilang pahina pa ang hindi ko nababasa noon. At sa pagkakaalam ko ay tungkol sa ‘yo ang nakasulat, Irine, kaya dapat mahanap natin ang libro."

Kumunot ang noo ko. “Mahanap? Nawawala ang libro?”

Tumango si Errapel. "Hindi ko namalayang isang nilalang pala ang nakapasok sa library kahit na nakabantay si Erracious at ang lahat ng aquila. Noong gabing nasunog ang bahay ampunan na tinitirahan mo, ganoong oras din nawala ang libro kaya hindi ko natuloy ang aking pagbabasa. Ninakaw ang libro sa Library ko habang tinulungan kitang makaligtas, Irine.”

Napatigil ako nang ilang segundo nang maalala ang book na hawak kong mula dito sa camp. Nasa kwarto ko lamang 'yun at hindi ko pa ibinabalik.

Kaagad akong tumingin kay Errapel. "H'wag kang mag-alala, nasa akin ang pangalawang kopya, Errapel–"

"May hawak kang book?" Mabilis niyang tanong.

Tumango ako. "Hiniram ko ang book mula sa isang library dito sa night market. Kaya kung nawala ang isang kopya, mayroon pa tayong pag-asa. Nasa akin ang pangalawang kopya ng libro."

"Ngunit…" Napahilamos siya ng mukha bago tumitig nang mariin sa 'kin. "Iisa lang ang kopya ng libro, Irine. Kung ano ang hawak mo, 'yun ang galing sa library ko."

Napasinghap ako. Kung totoo ngang iisa lang ang kopya, siguradong nandito sa Amaryllis Camp ang sinasabi niyang magnanakaw. Humigpit ang hawak ko sa tasang hawak ko ngayon.

"Nasaan ang libro?" Tanong ni Errapel dahilan kung bakit natuong muli ang atensyon ko sa kanya.

"Nasa kwarto ko, doon ko lamang nilagay ang libro, h'wag kang mag-alala," sagot ko.

Nakahinga siya nang maluwag. "Kailangang kunin natin ang libro pagkatapos ng pagpupulong mamaya, Irine, maaari ba? Kakausapin ko na lamang ang may-ari ng library kung saan mo ito nakuha dahil sa una palang ay hindi nila ito pagmamay-ari."

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Lalo nang gumugulo ang lahat. Para bang nagsisilabasan na ang lahat ng mga nangyayari at nasasagot ang mga tanong na naiwan ko sa kabilang dimensyon.

Si Sam.

Biglang sumagi sa isip ko si Sam.

“Simula noong pumunta kayo sa tahanan ko, alam ko nang may nangyayaring kakaiba sa ‘yo at sa kaibigan mo," usal ni Errapel na nakaagaw ng atensyon ko.

“Si Sam. Alam mo ba kung anong nangyari kay Sam?”

Umiling si Errapel. “Hindi ko masabi kung ano ang mismong nangyari sa kanya pero ang alam ko ay may isang nilalang na kumakausap kay Sam matapos kayong makapunta sa Library. At sa palagay ko ay sikreto ang pinag-uusapan nila dahil hindi ko maintindihan ang lenggwahe na ginagamit nila tuwing naririnig ko si Sam.”

Naalala ko tuloy ‘yung mga oras na nakikita ko siyang parang may kausap si Sam. Napamasahe ako sa ulo ko. Nagiging maliwanag na sa ‘kin ang lahat. Ngunit biglang sumagi sa isip ko ang huling beses na nakita ko si Errapel.

“Errapel…” Tumingin muli ako sa kanya. “Anong nangyari noong matapos akong makapasok sa Earth Portal? Hindi ba’t nakipaglabanan ka sa nakacloak na nilalang?”

“Ah, ‘yon ba?” Uminom muna si Errapel sa tasa niya. “Isa siyang Fire Enchanter. Malakas na fire enchanter.”

Inalala ko ang nangyari noon. Noong unang beses kong nakita ang nakacloak, binalak niya kaagad akong saktan. Sa pagkakatanda ko ay gumawa siya ng bolang apoy at inihagis niya sa ‘kin. Ilang beses niya akong tinangkang tamaan ng bolang apoy niya.

Sinubukan ko pang alalahanin ang mga nangyari ngunit dumaing ako at napahawak sa 'king ulo nang biglang sumakit ito. Biglang nagflash sa utak ko ang mga imahe noong nasusunog ang ampunan. Ang usok, mga batang umiiyak, si Ate Jessica, Sister Leyva.

“Irine, ayos ka lang?”

Minasahe ko ang aking ulo habang tuloy-tuloy lang ang pag-flash ng images sa utak ko. Nakita ko si Errapel na nagcast ng spell, ang pagtakbo ko sa kwarto ni Sister Martha, ang bulong ng nakacloak at ang paghagis niya ng bolang apoy. Natitigan ko ang bolang apoy na bumubulusok sa ‘kin na pamilyar sa memorya ko. Ang kulay at ang lakas ng apoy…

Ang bolang apoy.

“AH!” Napasigaw ako at hiningal habang nakatitig na kay Errapel. Nanginig ang ibaba kong labi habang sinasambit ang pangalan niya. “R-red..”

Hinanap ko kaagad ang mga mata ni Errapel. Naging malungkot ito na para bang naaawa siya sa ‘kin. Lumihis siya ng tingin at akmang tatayo ngunit hinablot ko ang kamay niya at pinaupo siya.

“Irine…”

“Sabihin mo sa ‘kin. Si Red ba ng nakacloak na nakalaban mo noon? Ang sumunog sa ampunan?”

Umiling ka sa ‘kin Errapel. Sabihin mong hindi! Pero nanatili lang siyang tahimik. Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa braso niya at umupo ng maayos para harapin ako.

“Hindi. Sabihin mong hindi siya, Erapel.” Pagmamakaawa ko.

Huminga siya ng malalim. “Maaaring siya nga, Irine.”

Tumawa ako ng mahina. “Imposible ‘yang sinasabi mo, Errapel. Hindi pa siya nakakapunta sa mundo ng mga tao.”

Tinitigan ako ni Errapel sa mga mata. “Sabihin mo nga sa ‘kin, Irine. Gaano mo na ba siyang kilala?”

Natigilan ako sa tanong niya. Para akong nanlambot nang mapagtanto kong masyadong misteryoso si Red at hindi siya masyadong nag-k-kwento. Tanging ang kwento niya lang sa kapatid niya ang alam ko. Pati ang mga aksyon niya ay hindi ko maintindihan paminsan-minsan.

“Si Red ay kasama ni Doctor Lily na nag-aral sa mundo ng mga tao, Irine.” Tumingin ako ng diretso sa mga mata ni Errapel. “Kinausap ko si Doctor Lily tungkol dito at nakompirma ko nga. Ngunit tinatago nila ang pag-aaral ni Red sa mundo ng mga tao noon.”

“B-bakit?”

“Dahil hindi pinayagan ni King Melettus ang pagpunta niya sa mundo ng mga tao. Hindi ko alam ang eksaktong rason pero ang alam ko lang ay nalaman ni King Melettus na may sikretong misyon si Red sa mundo ng mga tao kaya hindi niya ito pinayagan. Ngunit sa determinasyon ni Red, kinausap niya si Doctor Lily para isama siya nito.”

“Alam mo ba ang sikretong misyon niya?” Tanong ko.

“Patawad dahil hindi ko alam. Pero nang dahil sa iba’t-ibang ebidensya na nalaman at nakuha ko, siya ang una kong sinususpetyahan. Malakas si Red, Irine, may iba siyang kakayahan na hindi pa natin alam.”

Napayuko nalang ako at inalala ang mga tagpong nakita ko ang nakacloak. Sa library na kasama ko si Red ngunit wala siya sa tabi ko. At sa gubat na kasama ko ulit si Red ngunit wala ulit sa tabi ko.

Umiling ako. Suspetya. Ang ibig sabihin ay may porsyento pang hindi siya ang nakacloak. Tuwing kasama ko si Red ay nakikita ko sa mga mata niya ang sincerity ng mga aksyon at sinasabi niya sa ‘kin.

'Malakas si Red, Irine, may iba siyang kakayahan na hindi pa natin alam'

Bigla kong naalala ang sinabi ni Errapel. Napatakip ako ng mukha at patuloy na umiling. “Hindi ko na alam. Hindi ko na alam.”

“Irine…”

Tumingala muli ako para tingnan siya. “Nagsisinungaling ka lang sa ‘kin, ‘diba? Ginagamitan mo ako ng kapangyarihan.”

Napabuntong hininga si Errapel. “Ang mga salita ng wizard ang pinakaimportante sa lahat. Hindi kaya ng katauhan kong magsinungaling sa ganitong mga bagay dahil makapangyarihan ang boses at mga salitang binabanggit namin.”

“Nagsisinungaling ka lang.”

“Nandito tayo sa Amaryllis kung saan mahina ako, Irine. Hindi ko kayang gumamit ng kapangyarihan para manipulahin ka lalo na’t matibay ang tiwala mo kay Red.”

Mabilis akong lumihis ng tingin sa kanya. Ako mismo ang kakalap ng impormasyon para mapatunayan ang sinasabi ni Errapel. Hangga’t hindi ko nakikita at naririnig ang mga ebidensya, hindi ako maniniwala. Napahawak ako sa dibdib kong biglang kumirot. Hindi naman totoo ang sinasabi ni Errapel, hindi ba Red?

~*~

Continue Reading

You'll Also Like

144K 4.8K 32
[ UNDER EDITING ] Aimie Cha is a woman whose life is peaceful, she is not rich but she is not poor either. She graduated as a valedictorian in a famo...
2.4M 183K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
1.8M 179K 203
Online Game# 2: MILAN X DION
10.2M 473K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...