Elemento Club

GilLandicho tarafından

151K 6.6K 1.2K

May kakaibang club sa Owkward Academy. Masyadong piling-pili at exclusive ang mga members nito. May campus cr... Daha Fazla

MESSAGE FROM THE AUTHOR
ELEMENTO CLUB MAIN COVER SKETCH
ELEMENTO CLUB CHARACTER SKETCH
O.A. Secret Files: Entry 1
Chapter1: APOY AT KIDLAT
O.A. Secret Files: Entry 2 [OWKWARD ACADEMY CAMPUS MAP]
Chapter2: APOY AT KIDLAT
O.A. Secret Files: Entry 3
Chapter3: APOY AT KIDLAT
O.A. Secret Files: Entry 4 [HIMAW Sketch]
Chapter4: APOY AT KIDLAT
O.A. Secret Files: Entry 5 [Bela's Instagram post]
Chapter5: APOT AT KIDLAT
O.A. Secret Files: Entry 6 [Andrea Quick Sketch]
Chapter6: APOY AT KIDLAT
O.A. Secret Files: Entry 7 [Steve Quick Sketch]
Chapter7: APOY AT KIDLAT
O.A. Secret Files: Entry 8
Chapter8: APOY AT KIDLAT
Chapter9: APOY AT KIDLAT
Chapter10: APOY AT KIDLAT
O.A. Secret Files: Entry 9 [Steve and Andrea Quick Sketch]
Chapter11: TUBIG AT LUPA
Chapter12: TUBIG AT LUPA
Chapter13: TUBIG AT LUPA
Chapter14: TUBIG AT LUPA
Chapter15: TUBIG AT LUPA
O.A. Secret Files: Entry 10
Chapter16: TUBIG AT LUPA
Chapter17: TUBIG AT LUPA
Chapter18: TUBIG AT LUPA
Chapter19: TUBIG AT LUPA
BELA & AMIRO Quick Sketch
Chapter20: APOY AT KIDLAT
Chapter21: APOY AT KIDLAT
Chapter22: APOY AT KIDLAT
O.A. Secret Files: Entry 11
SUNNY MONTES Instagram Post
Chapter23: HANGIN AT YELO
Chapter25: HANGIN AT YELO
Chapter26: HANGIN AT YELO
BELA * SUNNY * ANDREA Instagram post
Chapter27: HANGIN AT YELO
Chapter28: HANGIN AT YELO
Chapter29: HANGIN AT YELO
Chapter30: HANGIN AT YELO
SUNNY & PRINCE
O.A. Secret Files: THE LAST ENTRY
MESSAGE FROM THE AUTHOR
Chapter 1 | Ang Panaginip ni Andrea
Chapter 2 | Ang Pinagmulan ng mga Sagradong Nilalang
Chapter 3 | Ang Sagradong Nilalang ng Kidlat
Chapter 4 | Ang Paglaganap ng Takot
Chapter 5 | Isa sa mga Mata ni Ha-Des
Chapter 6 | Ang Lihim ni Steve
Chapter 7 | Ang Kapatawaran
Chapter 8 | Ang Bisita sa Gabi
Chapter 9 | Iisa Lang ang Kailangan
Chapter 10 | Ang Sagradong Nilalang ng Hangin
Chapter 11 | Ang Bagong Kaguluhan
Chapter 12 | Mga Pangako
Chapter 13 | Si Clayton, Ang Taong-putik
Chapter 14 | Ang Pag-ibig ng Putik
Chapter 15 | Ang Sagradong Nilalang ng Lupa
Chapter 16 | Ang Pagsundo
Si Bela at ang Kanyang mga Anyong-Tao
Chapter 17 | Ang Sagradong Armas ni Po-Saidon
Chapter 18 | Eskwelahan ng mga Baliw
HAPPY VALENTINE'S DAY!
Chapter 19 | Ang dyos ng Gabi at Panaginip
Chapter 20 | Ang Kakambal ni Steve
Chapter 21 | Ang Bagong Hari ng Kristal na Palasyo
Chapter 22 | Ang Kondisyon ni Bo-Reas
Chapter 23 | Ang Laban para sa Trono
Chapter 24 | Ang Hinirang ni Anino
Chapter 25 | Sinag at Silao
Chapter 26 | Ang Sagradong Nilalang ng Tubig
Chapter 27 | Isang Simpleng Kumpetisyon
Chapter 28 | Ang Katauhan ni Wallflower
Chapter 29 | Sa Lungga ni Ha-Des
Chapter 30 | Tagpong Ayaw Matapos
Epilogue
ELEMENTO CLUB GLOSSARY
ELEMENTO IS SOON TO BE PUBLISHED!
ELEMENTO @ Pop Fiction
BUY ELEMENTO eBook!

Chapter24: HANGIN AT YELO

1.3K 87 18
GilLandicho tarafından

Abot langit ang ngiti ni Sunny Montes sa pagpasok sa Owkward Academy. Maganda ang tulog at maganda din ang gising niya kaya walang makakasira nito kahit pa ang pinsan niyang si Dianara Montes na maingay at galit na galit pa kagabi pagkagaling sa mini concert dahil hindi man lang siya pinansin ni Prince Salvanera. Selos na selos ito dahil buong gabing nakatitig at para bang may sariling mundo si Prince habang kumakanta ang Youtuber na may pangalang, Enchantress. Hindi maipagkakaila na interesado ang student council president dito na para nga bang na-enchant ito.

Buti na lang mas nauuna si Sunny sa pagpasok sa school kaya naman hindi niya narinig ang mga reklamo sa buhay ni Dianara. Manitin ang ulo at pikon ang pinsan niya at sa ganitong maganda ang kanyang 'mood', ayaw niya ng 'negative vibes.'

Lihim na napapangiti at kinilig si Sunny kapag may mga ilang estudyante siyang naririnig na pinag-uusapan ang matagumpay na mini concert ni Enchantress. Natutuwa siya sa mga papuri ng mga ito na para bang siya ang kanilang tinutukoy.

"You bet, ako nga ang kanilang tinutukoy!" bulong ni Sunny sa sarili dahil siya lang naman si Enchantress at wala nang iba!

"Talking to yourself... As always!" sambit ni Dianara.

Hindi napansin ni Sunny na kasunod lang pala niya ang pinsan. Nakita na naman niya ang mapang-akit na mukha ni Dianara na binagayan ng mapulang mga labi at 'blondish' na mahabang buhok. Hindi niya maipagkakaila na biniyayaan ito ng ganda sa pisikal na anyo.

"Mas maganda ka sa pinsan mo." sabi ni Juan De Ere minsan kay Sunny noong tinawag ito ni Dianara na pangit sa isang family reunion. Nagtawanan ang lahat na para bang sumang-ayon pa.

"Sinasabi nyo lang yan Tito Juan dahil anak-anakan nyo ako." nakasimangot na sagot ni Sunny na galing sa iyak. Pinuntahan niya ang kanya tito dahil alam niya na ito lang ang kanyang kakampi.

"Pwede din... Ikaw ang paborito kong anak-anakan." nakangiting sambit ni Juan. "Pero seryoso ako, mas maganda ka kay Dianara. Lamang lang siya sa pag-aayos at make-up, yun lang. Kamukha mo ang mommy mo na crush ng bayan. Mag-ayos ka lang at paminsan-minsan mag-contact lenses ka para mas makita ang ganda mo. Tiyak ako, mapapansin ka ng lahat at hihigitan mo ang malditang pinsan mo!" natawa bigla ang may ari ng Ka Juan's Grill and Music House. "Yun lang, noong nagpaulan ng katangkaran ang Diyos, nagtatago ka! Haha!"

"Tito naman!" saway ni Sunny pero tumawa na rin dahil tanggap na naman niya ang kanyang height. Mas mabuti na din ang pakiramdam niya. Malaki ang utang na loob niya kay Juan dahil walang sawa itong nakikinig sa kanya kahit mga simpleng drama sa buhay.

"At e'to pa. Dito lamang na lamang ka kay Dianara." dagdag ni Juan, "Ang tanging alam niya ay magpaganda at maglandi ng boys..." saglit na nadismaya pero muling nginitian si Sunny. "Wala siyang katalent-talent, eh ikaw, napakagaling mong kumanta! Napakaganda ng boses mo. Sunny, kaya dapat huwag kang panghinaan ng loob at huwag mong hahayaan masira ang kumpiyansa mo sa sarili. May talento ka, gamitin mo."

At simula sa araw na iyon, tuluyan nang nagbago ang pananaw ni Sunny. Nahihiya pa rin, oo, pero alam niya na sa lalong madaling panahon ay taas noo na siyang maglalakad sa harap ng lahat. Patunay na dito ang kanyang tagumpay bilang si Enchantress.

"Hi Dianara." mabilis na sambit ni Sunny at naglakad papalayo. Ayaw na talaga niyang makipag-usap sa taong ito. May takot pa rin siya sa pinsan na matagal nang nakatanim sa kanyang isipan simula pagkabata dahil sa malimit na pang-aapi nito. Naiinis siya sa sarili dahil natataranta pa rin siya magpasahanggang ngayon. At hanggang hindi pa rin siya handa, iwas lang ng iwas, ang kanyang 'motto' para dito.

"HOY! Huwag mo akong tinatalikuran! How dare you!" iritableng sabi ni Dianara at agad dumakot ng buhok sa ulo ni Sunny.

"Ah-Aray!" maiksi ang buhok ni Sunny kaya abot anit agad ang pagsabunot ni Dianara.

"How dare you ignore me?! At namimihasa ka na, these past days hindi ka na namamasin sa bahay kahit dito sa school! Anong pinagmamalaki mo? You owe me and my mom a lot dahil pinapalamon ka namin at pinapatira sa bahay!"

Hindi na nakapagtimpi si Sunny at maliksing hinampas ang kamay ni Dianara na ikinagulat nito at agad na bumitaw.

"FYI, Dianara, hindi ako tanga. I know na ginagastos nyo ang savings ng mga magulang ko na nakalaan sa para akin. Dapat nga ang sabihin mo, ako ang nagpapalamon at nagbabayad ng bills nyo sa bahay!" namumula si Sunny sa galit. Pero agad siyang natigilan dahil hindi niya inaasahan na sasagutin niya ang pinsan.

"Anong sabi mo?!" lubos nang nainis si Dianara at sasampalin na sana niya si Sunny nang may biglang may humawak ng kanyang braso. "Huh?!"

"What is this Dianara? Picking a fight with the helpless? You can do better than this or this is just you... a LOWLY COWARD." mapang-asar na sabi ni Bela Dela Rosa.

"Grr!" kay Bela naman tinuon ni Dianara ang isang sampal gamit ang isa pa niyang kamay pero agad naman hinawakan ito ni Andrea Guevara.

"Subukan mong saktan ang best friend ko, ako ang makakalaban mo!" babala ni Andrea.

"Bitawan nyo ako! Let me go, you... B!@#ches!"

Sabay na binitawan nina Bela at Andrea ang nagpupumiglas na si Dianara kaya naman bigla itong natumba at napaupo sa matigas na samentadong daanaan.

"Argh! Grr!"

"Serves you right!" sambit ni Bela at tumalikod kasama sina Andrea at Sunny. Magkakahawak ang kanilang kamay.

Hindi na sumunod si Dianara at namula na sa hiya dahil may mga saksi ng lahat. Batid niyang siya ang nagsimula kaya wala siya sa katwiran. Padabog siyang tumayo, inayos ang damit at buhok at naglakad ng pakendeng na parang walang nangyari.

Grr! Lagot ka sa akin, Sunny! sambit ni Dianara sa sarili.

******

"Pasensya na kayo." nahihiyang sabi ni Sunny na gulat na gulat din dahil kasabay niya sa paglalakad sina Bela at Andrea na hawak pa nila ang kanyang magkabilang kamay. Mukha tuloy silang nagbe-best friends.

"No worries. I just can't stand that Dianara. Ugh, I hate her!" hayag ni Bela.

"Pero mabuti naman at sa wakas ay nakakasagot ka na kay Dianara. Hindi pwede na lagi ka na lang niya aapihin. Walang sino man dito sa school ang dapat ma-bully." sabi ni Andrea.

"Kaya lang baka lalo na niya akong pag-initan." pag-aalala ni Sunny.

"Well, the more that we'll be at your side."

Tumango si Andrea sa pagsang-ayon kay Bela. "Kakampi mo kami, Sunny."

Nagulat si Sunny. Hindi niya inaasahan na ang dalawang pinakasikat sa school ay lagi na niyang makakasama.

"P-Pero bakit ako? Ang Instagram darling... Ang electric princess... Bakit nais nyong mapalapit sa akin? Ako na nobody at walang pumapansin."

Natawa sina Bela at Andrea.

"We're not that special you, know. We're just not afraid to be who we are. A mere Dianara, can't let us down."

"At oo, sa lahat, ikaw ang nais naming maging kaibigan. Huwag mo nang isipin kung bakit, basta ang alam namin, we need to be friends. May kung anong koneksyon kaming nararamdaman sa iyo."

"And you'll complete the trio! Haha!" na-excite na dagdag ni Bela.

Masayang-masaya si Sunny. Ang totoo ay kagaya din nila, nais din niyang makipagkaibigan. May kakaibang koneksyon din siyang nararamdaman sa dalawa at alam niyang mabilis niyang makakasundo ang mga ito.

Biglang may naalala si Sunny. "Um... Teka, pano si Sir Prince? Baka magalit siya. Hindi naman ako member ng Elemento club baka kung anong isipin nya..."

"Sir Prince?! Hahha!" natawa si Bela. "Why so formal with him? It's just so happen that he is the student council president but it doesn't mean that he can be that almighty!"

"Oo, sa student council ay secretary ka niya pero iba na kung kaibigan ka namin, hindi ka na niya pwedeng utus-utusan!"

"Yeah! He can't slave you around whenever we're around!" dagdag ni Bela na natatawa pa rin.

Napangiti si Sunny at hindi din mapigilang mamula nang mapagtanto niya na mas malimit na niyang makakasama si Prince kung kaibigan na niya sina Bela at Andrea.

"Teka... Naku, baka mapansin niya na..." natigilan si Sunny muntik na niya masabi ng malakas ang kanyang iniisip. Ito ay dahil kumportable na siya sa dalawa na para bang matagal na niyang mga kaibigan ang mga ito.

"Na... ano?" malisyosong tanong ni Andrea.

Namula si Sunny.

Natawa si Andrea dahil naalala niya ang kanyang kapatid na si Bonnie Guevara na may crush kay Milo Singh.

"You like him?" deretsyahang tanong ni Bela.

"Hah! Hindi ah!" pagtanggi ni Sunny.

Ang totoo, iba ang nasa isip ni Sunny. Ang kanyang inaalala ay baka mahuli ni Prince ang katauhan ni Enchantress sa kanya. Alam niya ang matinding pagnanais nito na makilala si Enchantress. Tanda niya ang nangyari pagkatapos ng kanyang mini concert na gagawin ni Prince lahat makipagkilala lamang. Medyo natakot siya dito. Hindi ito ang pagkakilala niya sa student council president na chill lang at kalmado. Ang nakita niyang Prince ay desperado at mapanganib.

At may isa pang bumabagabag sa kanya. What if... Kung sakali mang malaman ni Prince na ako si Enchantress... Ano ang kanyang magiging reaksyon? Matutuwa?

No. I doubt that. Hindi.

Sa malamang madidismaya pa ito. Ako na hindi niya pinapansin at inuutos-utusan lamang ay si Enchantress?! Major disappointment ito. Nakikita ko na ang mukhang mapanghusga ni Prince. Ayaw kong makita iyon!

Nalungkot si Sunny. Napansin ito nina Bela at Andrea. Nagsorry ang dalawa.

"Naku, hindi. Wala yun. May kaunting crush lang siguro ako kay Prince pero being his secretary sa student council masasabi kong sobrang suplado at seryoso ito na para bang boss na boss ang dating kaya 'Sir' ang tawag ko sa kanya." paliwanag ni Sunny.

"You'll get over with him soon!" dagdag ni Bela sabay ng makahulugang tingin kay Andrea. Alam niya ang nangyari sa kanyang kaibigan. Nais niya sanang konprontahin si Steve pero si Andrea na mismo ang nakiusap na hayaan na lang ito dahil malinaw naman ang kanilang usapan na kalimutan na lang ang lahat na para bang walang nangyari. Hanga naman din siya kay Andrea dahil hindi nawala ang mga ngiti nito at pagkamasayahin. Marunong din itong normal na makipag-usap kay Steve sa mga pagkakataong hindi maiiwasan.

Andrea is one strong girl! puri ni Bela.

Kamusta naman ang 'status' nila ni Amiro Singh?

Hindi porket may 'mutual understanding' na sila sa isa't-isa ay ganun-ganun na lang. Kailangang paghirapan ni Amiro ang kanyang matamis na 'oo' bago sila maging 'official' na magkasintahan. Pero kampante naman siya na siya lang ang 'My one and only love' ni Amiro. May tiwala siya dito at alam niyang totoo ito sa nararamdaman.

Kaya status? 'Exclusively dating' sila.

Suspended pa rin si Amiro ng isa pang linggo pero okay na iyon kaysa ma-expel sa school. Lubos na nagpasalamat si Bela sa kanyang Mommy Clarissa Dela Rosa na school directress dahil ito ang nagbigay ng pangalawang pagkakataon kay Amiro.

******

Oras na naman ng pagpili ng susunod na Mister and Miss Owkward Academy Student of the Year! Isa itong paligsahan ng talino, galing sa sports at pagpapakita ng mga talento.
Para makasali, dapat kasama sa top 10 ng class. May tatlo itong kategorya, una ay sa Academics na may quiz bee sa Math, Science at English; pangalawa ay Sports na may triathlon na binubuo ng swimming, cycling and running; at pangatlo ay Arts kung saan magpapakita ng talento ang mga kalahok. Ang may pinakamaraming puntos na makukuha ang mananalo at tatanghaling Mr. and Ms. O.A. Student of the Year.

Ang may hawak ng titulo kasalukuan ay sina Bela at Amiro kaya hindi na sila kasali sa mga kalahok. Si Andrea naman kahit pinipilit na ni Bela ay hindi interesado kaya hindi siya sasali kahit 'qualified' naman.

Ngunit di gaya ng mga nakaraang paligsahan, naiba bigla ang takbo nito. Ang mga nais sumali ay ihuhulog ang kanilang pangalan sa isang dropbox. Bigla na lang nagback-out lahat ng mga lalaking estudyanteng kasali sana nang lumabas ang pangalan ni Prince Salvanera sa mga lalaban bilang Mr. O.A. Student of the Year. Dahil si Prince ang top student sa buong batch at mas dumami ang mga fans nang matalo si Amiro sa basketball at nagkaroon ng eskandalo, siya ay perpekto para sa titulo, wala nang iba!

Para sa taong ito, ang mangyayari ay pagpili na lang ng Ms. O.A. Student of the Year!

Kahit pilit tumangi si Prince na siya ang naghulog ng kanyang pangalan sa dropbox, huli na dahil kalat na sa buong school at halos lahat ng babaeng estudyante na nasa Junior at High school na nasa top ten sa klase ay sumali para lang maging ka-partner siya. Ito rin ang nagtala ng pinakamaraming kalahok na babae na umabot ng limangpu! Maraming taga-faculty ang natuwa at kahit ang school directress na si Clarissa ay hindi maitago ang pananabik sa kauna-unahang paligsahan na puro mga babae lang ang kalahok. Magiging isang napakalaking event ito na may pagka-Miss Universe Pageant ang dating!

"The crown is mine! Move out mga girls, dahil ako ang susunod na Ms. O.A. Student of the Year! Ako lang ang bagay kay Prince!" malakas na hayag ni Dianara sa harap ng listahan ng mga kalahok.

Napuno naman ng pagbabanta at pagkainis ang kapaligiran dahil lahat ay 'competitive' at hindi magpapatalo kay Dianara.

"Naku, di ko ma-imagine ang sarili ko na makikipaglaban ako para kay Prince." sambit ni Andrea. Kasama niya sina Bela at Sunny na napadaan sa listahang ng mga sasali sa paligsahan. Papunta sila sa school library.

Natawa na lang si Bela. Alam naman niya na si Steve lang ang gusto nito.

Tahimik lang si Sunny.

"You, Sunny how about you?" tanong ni Bela.

"Naku, hindi! Hindi!" pagtanggi ni Sunny.

"SUNNY! HOY!" biglang sigaw ni Dianara.

"Just ignore her. Let's go." bulong ni Bela at sila nina Sunny at Andrea ay nagpatuloy sa paglalakad.

Pero makulit si Dianara. Pinunit niya ang nakapaskil na listahan at dali-daling humarap sa tatlo.

"What now, Dianara? We have no time with your childish rants." bungad ni Bela.

"Hindi kami sasali sa paligsahan kaya leave us alone!" dagdag ni Andrea.

"Whatever, wala akong pakialam sa inyo, you're the least of my worries! Pero nakakatuwa..." malakas na tumawa si Dianara at tumingin kay Sunny. "Itong magaling kong pandak at pangit na pinsan, yuck! I just get so frustrated na kamag-anak ko siya, ay may lakas loob na sumali sa Ms. O.A. Student of the Year! Ang kapal mo! Haha! As if! You wish! Hahaha!" tinuro niya ang pangalan ni Sunny na kasama nga sa listahan.

Umiling si Sunny, gulat na gulat. "H-Hindi ako sumali! Hindi ko nilagay ang pangalan ko sa dropbox!"

"Well, you did! Hahaha! I swear na mapapahiya ka sa harap ng lahat! I'll make your life miserable!"

"Enough!" galit na sabat ni Bela. "It makes me sick just to get near you, you, low class cheap piece of trash!"

"Sa malamang ikaw ang naglagay ng pangalan ni Sunny sa dropbox, para ano? Para pahiyain siya! Sumosobra ka na!" naiinis na rin si Andrea. May saglit na pagdaloy ng kuryente sa kanyang mga kamay.

"Dianara! Punong-puno na ako sa iyo!" nagkalakas loob na si Sunny na humakbang pauna upang harapin ang pinsan. Galit na galit na siya. "Hindi na mahalaga kung sino ang naglagay ng pangalan ko. Nasa listahan na ako, so be it! I'll join! Humanda ka, Dianara baka itong pangit at pandak pa na ito ang makatalo sa iyo!"

Bahagyang napaatras si Dianara.

Parehong napangiti sina Bela at Andrea.

"So this is war!" seryosong sambit ni Dianara.

===July 31, 2017 =============

Hello awesome people! Thanks for reading. Share some love by giving this chapter a vote! Kamusta naman ang chapter na ito? I would love to see your comments!

Follow and say hi!

Official FB Page: GilLandicho

Youtube: GilVlogs

Instagram: @gillandicho | @wondersofgil

Twitter: @gillandicho

Wattpad: @GilLandicho

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

6.7M 12.2K 4
May tatlong hiling ang pumayapa niyang lolo. Ang una ay pamahalaan niya ang academy na itinayo nito. Pangalawa, lumipat sa academy bilang isa sa mga...
419 387 39
A seventeen years old girl's life was full of mystery. Everyone wonders if she can even feel emotion. Simula ng matapos ang 4th phenomenon ay nawala...
3.8M 227K 77
"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." 🖇 COMPLETED Date Starte...
196K 7K 21
Si Brynna Whitethistle ay isang makapangyarihang Mage. May kakayahan siyang manipulahin ang tubig at lupa, dalawa sa apat na elemento. Ang isang Ma...