Escape

By vkaugust

31.4K 1.5K 725

Ang nakaraan, sabay nating takasan. More

Prologue
1 • Friday
2 • Call
3 • House
4 • Ballpen
5 • Bike
6 • Connection
7 • Bracelet
8 • Away
9 • Help
10 • Set Up
11 • Confess
12 • Third Wheel
13 • Change
14 • Jealous
15 • Basketball
16 • Representatives
17 • Partner
19 • Friends
20 • Texts
21 • Option
22 • Practice
23 • Brainwash
24 • Obsession
25 • Bad News
26 • Contest
27 • Date
28 • Picnic
29 • Book
30 • Plans
31 • Tagaytay
32 • Gratitude
33 • Talk
34 • Let Go
35 • Mutual
36 • Heartbreak
37 • Decision
38 • Reunited
39 • Sign
Author's Note
40 • Party
41 • Promise
42 • Last Friday
43 • Last Call
44 • Christmas Gift
45 • New Year
46 • Rejected
47 • The Dance
48 • Beginning
Epilogue
THANK YOU 💚
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3

18 • Realizations

507 27 20
By vkaugust

Darren's POV

I never knew that it could happen
'Til it happened to me
Ohhh, yeah...

Natigil ako sa pagkanta nang biglang kumatok si Tito Chris sa aking kwarto.

Lumapit ako sa pinto ng aking kwarto at binuksan ito. Bumungad sa akin ang nakakalokong ngiti niya.

Napakunot ang noo ko at tinignan ko ito ng nagtatakang tingin na para bang tinatanong ko sa kaniya kung bakit ganito ang ngiti nito sa akin.

"Ngayon na lang kita ulit narinig kumanta. Gumanda lalo boses mo." sabi nito habang nakangiti pa rin.

Ahh, yun pala yun.

Napakamot ako sa aking ulo na para bang nahiya ako sa kaniyang sinabi.

"Salamat po..." tanging nasagot ko na lamang.

"Tara na? Baka ma-late na tayo." sabi nito.

Tumango lang ako at ngumiti dito.

"Kukunin ko lang po yung gamit ko sa loob." sabi ko sa kaniya sabay takbo papunta sa loob ng kwarto ko para kunin ang backpack ko na ginagamit para sa school.

× × ×

"Balita ko, ikaw daw yung napili sa section niyo para sa singing contest sa Music." panimula nito nang magsimula siyang magmaneho.

"Opo." sagot ko.

"Mabuti naman at pumayag ka. Dati rati, naaalala ko nung elementary ka, ayaw mong kumakanta sa harap ng madaming tao. Kahit sa loob ng room niyo, kaya nga ang baba ng grades mo dati sa Music kasi kapag pinapakanta ka, ayaw mong kumanta." pagkukuwento nito sabay tawa.

Bahagyang natawa rin ako sa mga sinabi niya. Sobrang shy type talaga ako dati, na pati yung grades ko sa school naaapektuhan na dahil dun.

"Pero diba, duet yung contest na yun? Sinong kapartner mo?" tanong niya.

Nagkibit balikat lamang ako.

"Hindi ko pa po alam eh." mahina kong sagot.

Sino nga ba? Si Macey o si Abrianna?

"Basta ha, huwag ka nang mag-quit dyan sa contest. Manalo ka man o matalo, masaya ako na unti unti mo nang nakikilala ang sarili mo. Alam kong masaya ka diyan, huwag mong pigilin yung sarili mo." nakangiti nitong sagot habang nakatingin pa din sa daan habang nagmamaneho.

"Salamat po, tito." nakangiti kong sagot sa kaniya.

× × ×

Abrianna's POV

"So... Ang napili ay si..." sambit ni Ma'am Sherly habang palipat lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Macey.

"Ms. Abrianna Estrella!" masayang sambit ni Ma'am at nagpalakpakan ang lahat.

Napatingin ako kay Macey nang nagtatakang tingin. Ako ba talaga ang napili?

"A-Ako?" nalilito kong tanong kay Macey.

Tumawa ito at tumango.

"Congrats!" masaya niyang sabi sa akin.

"T-Thank you." sagot ko dito.

"Congratulations, Ms. Estrella! Now, do you want to know kung sino ang makakaduet mo?" tanong nito.

Naisip ko agad at naalala ko na si Darren nga pala ang napili sa kabilang section.

"A-Alam ko na po." sagot ko dito.

"How?" tanong niya.

"Friends po sila ni Darren eh." sabat ni Mikee.

Tinignan ko naman ito nang masama.

"Woah. Edi masaya! Mas magki-click kayo kung magkaibigan pala kayo. Kasi comfortable na kayo sa isa't isa at wala nang ilangan diba?" sabi naman ni Ma'am sa akin habang nakangiti.

Pinilit ko na lang ring ngumiti at tumango.

Kung alam niyo lang sana, Ma'am. Hay...

× × ×

Kessel's POV

"Si Anna?" gulat na tanong ni Dave sa amin nang masabi namin sa kaniya na si Abrianna ang napili ni Ma'am Sherly para sa contest.

Narito kami ngayon sa garden ng school namin dahil vacant time namin ngayon.

"Oo nga. Bakit naman gulat na gulat ka? Magaling si Anna, alam mo 'yan." sabi ni Dhaylene.

"Oo nga kaso..." sabi naman ni Dave.

"Kaso ano?" tanong ni Mikee.

"Si Darren ang makakaduet niya." sagot nito.

"Oh ano naman?" tanong ko sa kaniya.

"Selos ka?" tanong naman ni Mikee.

"Sorry ka, hashtag DarBrianna na kami ngayon." pabirong sabi naman ni Dhaylene.

"Wow. Dalawang taon lang ako nawala, wala na kayong suporta sa akin ngayon. Thanks ha!" sarkastikong sabi ni Dave.

"Eh paano kung sabihin namin na si Darren na ang gusto ni Anna ngayon?" nakangiti kong tanong dito.

Kumunot ang noo nito at parang nainis sa sinabi ko na dahilan para matawa ako.

"Gigil agad siya oh." natatawa kong sabi sa kaniya.

"Hindi magkakagusto si Anna sa ganun. Napakatahimik tsaka suplado. Ayaw ni Anna sa ganun diba?" sambit ni Dave.

Nagkibit balikat na lang ako.

"Bilisan mo ang pagkilos, Dave. Kahit ganun yun si Darren, lamang na lamang yun sa'yo." natatawang sabi ni Dhaylene.

"Paano naman naging lamang?" seryosong tanong ni Dave.

"Mukha pa lang, tumba ka na." sabi ni Mikee at sabay sabay kaming napatawa bukod kay Dave.

"It looks like... Kay Darren na talaga kayo nakasuporta ah." seryoso namang tugon ni Dave.

"Masasaktan lang si Anna dun. May Macey na siya diba, magising naman kayo." dagdag nito.

"Ang serious mo naman." sabi ni Mikee.

"Kung saan masaya si Anna, doon kami. Tsaka sa palagay ko, kapag pinapili mo si Anna sa inyo sa dalawa ni Darren, wala siyang pipiliin. Hello? Ang bata pa natin para sa ganyan. Huwag ka ngang magmadali, Dave. Akala ko ba kaya mong maghintay?" sunod sunod kong turan kay Dave.

Bigla itong natahimik nang dahil sa mga sinabi ko. Totoo naman eh. Eto ang ayaw ko kay Dave, iniisip niya palagi na lahat ng gusto niya, makukuha niya. Pwes, ibahin niya ang kaibigan namin. Hindi porket nagustuhan siya nito dati eh hanggang ngayon siya pa rin ang gusto nito. Iniwan niya eh, anong aasahan niya? Sa panahon ngayon, bibihira na nalang ang feelings na nagtatagal.

× × ×

Macey's POV

"Ahhh... Edi congrats sa kaniya." walang emosyon na sambit ni Darren nang ibinalita ko na si Abrianna ang napili para sa contest.

"Hindi ka ba masaya?" tanong ko dito.

"Kailangan ba?" tanong naman niya.

"Bakit ba parang sobrang layo ng loob mo kay Abrianna?" nagtataka kong tanong dito.

"I just don't...like her." sagot nito.

"Bakit? Mabait, matalino, masipag, maganda...mapagmahal na tao si Anna." paliwanag ko sa kaniya.

"Hindi ko kailangan ng bagong kaibigan." tugon nito.

Napabuntong hininga ako at napaupo na lamang sa isang bench sa court ng school namin. Umupo din naman ito sa tabi ko at tumingin sa malayo.

"Hirap ka pa din bang magtiwala?" seryoso kong tanong sa kaniya.

"Hindi ko alam." sagot nito.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon, nandito ako sa tabi mo." paliwanag ko dito.

"Kaya hindi pwedeng ako lang ang ituturing mong kaibigan. Matuto kang makisalamuha at magtiwala..." dagdag ko.

Napatingin ito sa akin.

"Bakit? May balak ka na naman bang iwan ako?" seryoso niya namang tanong.

"Hindi naman sa ganoon. Sinasabi ko lang... Yung posibleng mangyari... Darren, hindi lahat ng tao sasaktan ka, hindi lahat ng tao, iiwan ka. Magkakaiba ang mga tao. Walang mawawala sa'yo kapag nagtiwala ka." hinawakan ko ang kamay niya habang nakangiti akong pagpapaliwanag sa kaniya.

Huminga siya nang malalim bago magsalita.

"Salamat." matipid niyang tugon at ngumiti ito.

"Dapat makipagfriends ka na kay Anna, ah!" sabi ko sa kaniya.

"Pag-iisipan ko..." pabiro nitong sabi.

Mahina ko itong hinampas sa braso. Natawa naman ito.

"Hindi ko na alam kung paano makipagkaibigan." natatawa niyang sabi.

"Alam kong kaya mo 'yan. Simulan mo bukas. Kapag nagpractice na kayo para sa contest." sabi ko dito sabay kindat.

"Bakit ba pilit mong pinupush si Anna sa akin?" tanong nito.

"Pinupush? Paanong pinupush? Ikaw ha... Iba 'yang iniisip mo eh. Gusto ko lang naman maging friends kayo!" natatawa kong sabi.

This is the start of something new. Haha!

• • •

Thank you po sa mga patuloy na nagbabasa, nagcocomment at nagvovote! Pati na rin sa mga silent readers. At mga walang sawang naghihintay sa updates. Hihi! Happy 2k reads! 💚 Labyu all! 🤗

IG/TW: @tsinigowden

Continue Reading

You'll Also Like

326K 5.1K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
8.8K 543 17
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
5.2K 60 18
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
8.6M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...