Escape

By vkaugust

31.4K 1.5K 725

Ang nakaraan, sabay nating takasan. More

Prologue
1 • Friday
2 • Call
3 • House
4 • Ballpen
5 • Bike
6 • Connection
7 • Bracelet
8 • Away
9 • Help
10 • Set Up
11 • Confess
12 • Third Wheel
13 • Change
14 • Jealous
16 • Representatives
17 • Partner
18 • Realizations
19 • Friends
20 • Texts
21 • Option
22 • Practice
23 • Brainwash
24 • Obsession
25 • Bad News
26 • Contest
27 • Date
28 • Picnic
29 • Book
30 • Plans
31 • Tagaytay
32 • Gratitude
33 • Talk
34 • Let Go
35 • Mutual
36 • Heartbreak
37 • Decision
38 • Reunited
39 • Sign
Author's Note
40 • Party
41 • Promise
42 • Last Friday
43 • Last Call
44 • Christmas Gift
45 • New Year
46 • Rejected
47 • The Dance
48 • Beginning
Epilogue
THANK YOU 💚
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3

15 • Basketball

518 27 6
By vkaugust

Dave's POV

It's wednesday and half day lang kami ngayon kaya naisipan muna naming magbasketball ng mga kaibigan ko sa court ng school namin.

Habang nagpapahinga kami, nakita naming dumating sila Abrianna kasama ang iba pa niyang mga kaibigan.

Kumaway ako kay Abrianna nang mapatingin siya sa akin. Ngumiti ito at naglakad papunta sa pwesto namin.

"So... Hanggang ngayon, basketball pa rin ang kinaaadikan mo ha." natatawa niyang sabi nang makalapit siya sa akin.

Umupo ito sa tabi ko.

"Oo naman. Diba nga sabi nila, first love never dies, eh first love ko 'tong basketball eh." natatawa ko ring sagot.

Tumawa lang rin ito at tumingin sa pwesto ng mga kaibigan niya sa di kalayuan. Apat silang babae at isang lalaki. Si Kessel, Dhaylene at Mikee lang ang kilala ko sa kanila. Kaibigan niya 'yan since elementary pa lang kami eh.

"May mga bago ka na palang kaibigan?" tanong ko sa kaniya.

"Bago?" nagtatakang sambit nito.

"Ayun oh. Hindi ko pa sila kilala." sabi ko sabay turo sa isang babae at isang lalaki na magkausap ngayon.

"Ahhh... Si Macey at Darren. Parehas silang mga transferee dito pero si Macey lang kaibigan ko sa dalawang 'yan. Hindi si... Darren." paliwanag niya. Nagtaka ako kung bakit biglang humina ang boses niya nang bigkasin niya ang pangalang Darren.

"Ano namang meron sa Darren na yun?" tanong ko ulit dito habang nakatingin kay Darren.

"Hmmm... Wala naman. Nothing special." sagot nito.

"Kanina pa tingin nang tingin dito sa pwesto natin eh. Ang sama ng mga tingin." tugon ko nang mapansing kanina pa patingin tingin itong si Darren sa amin ng masama.

Karibal ko ata 'to.

"Huh? Hindi naman." sabi niya sabay tingin kay Darren.

"Lumayo ka diyan." seryoso kong sambit sa kaniya.

"Huh? Kanino?" tanong niya.

"Kay Darren." maikli kong sagot sabay tumayo.

"Magbabasketball lang kami." sabi ko dito.

"Sige... Punta na rin muna ako doon." sabi niya sabay turo sa mga kaibigan niya.

Napatingin naman ako kay Darren at nahuli ko na naman itong nakatingin kay Abrianna.

"Huwag na. Dito ka na lang." pagpigil ko sa kaniya.

"Ayoko. Doon na ko. Kanina pa nila ako hinihintay. Sabi ko kasi saglit lang kitang kakausapin eh." pagtanggi naman nito.

Wala akong nagawa kundi ang pumayag.

"Bro, catch!" sigaw ni Francis at inihagis sa akin ang bola ng basketball at nasalo ko naman ito.

"Enjoy!" nakangiting sabi ni Abrianna sabay umalis at pumunta na sa pwesto ng mga kaibigan.

× × ×

Darren's POV

"May ligawan na naman bang nangyayari?" natatawang tanong ni Kessel kay Abrianna.

Nakikinig lamang ako sa pinaguusapan nila habang nanonood ng laro nila Dave.

Minsan bago ito magshoot ay tumitingin muna ito kay Abrianna at panay kindat pa, ito namang si Abrianna, halatang kinikilig din. Tss.

"Baliw. Friends lang nga diba." sagot ni Anna.

"Kaya mo namang hintayin si Abrianna, diba Dave?" pasigaw na sabi ni Mikee.

Narinig ito ni Dave at tumingin ito kay Anna.

"Oo naman! Kahit ilang taon pa." pasigaw din na sagot ni Dave.

Ang corny, pwe.

Nagtilian naman ang mga kaibigan nito, kasama na rin si Macey. Si Abrianna naman, pangiti ngiti lang na parang ewan.

"Ang ingay niyo." pagpuna ko sa kanila.

"Ang KJ mo." sagot naman ni Macey.

"Nagseselos ka ba?" natatawang tanong ni Dhaylene.

Napakunot naman ang noo ko.

"Kanino naman?" tanong ko.

"Ewan ko sa'yo Darren Espanto. Sobrang slow." pang-aasar pa ni Macey.

"Ewan ko din sa in---- ARAY!" sigaw ko nang may biglang bolang tumama sa ulo ko.

"Ay sorry bro." sambit ni Dave habang papalapit sa pwesto namin para kunin ang bolang sa tingin ko ay sinasadya niyang ibato.

Hindi na lang ako sumagot bagkus ay tinignan ko na lang ito ng masama.

Nakaisip ako ng pwedeng gawin para makaganti dito na nakapagpangisi sa akin.

"Ayos lang, sanay na akong matamaan ng bola. Kasi mahilig din akong magbasketball." sagot ko dito sabay tayo.

"Pwede bang makipaglaro sa inyo?" tanong ko dito habang nakangisi.

"Sure..." nakangiting sagot ni Dave.

Okay, simulan natin ang laban.

× × ×

Abrianna's POV

Nagsimulang maglaro sila Dave at Darren.

Pansin ko dito ay parang silang dalawa lang ang naglalaban at ang iba nilang mga kasama ay parang extra lang na sunod nang sunod sa kanila.

"Sino ang pipiliin ko? Mahal ko o akoooo." napalingon ako kay Mikee nang kumanta ito at tinignan ko ito nang masama.

Gets ko kung anong gusto niyang ipaliwanag pero hindi ko alam kung sino ba sa kanila yung mahal ko at kung sino ang mahal ako.

Jusmiyo Abrianna Estrella, magtigil ka diyan. Aral muna bago landi.

"Ay shocks! Hawak na ni Darren yung bola tapos nakuha pa ni Dave!" halos pasigaw na sabi ni Kessel habang nanonood ng laro nila Dave at Darren.

"Isipin na lang natin na si Abrianna ang bola." pabirong sabi ni Dhaylene.

"Tumigil nga kayo diyan, nandito si Macey. Baka magselos." sambit ko sabay tingin kay Macey na katabi ko ngayon.

Mahina niya akong hinampas sa braso at tumawa.

"Bakit naman ako magseselos?" natatawa nitong sabi.

Nagkibit balikat nalang ako at muling tinuon ang pansin kila Dave.

"Magaling palang magbasketball 'tong si Darren." rinig kong komento ni Mikee.

"Bakit parang ang seryoso naman ng dalawa sa paglalaro? Parang hindi na katuwaan yung ginagawa nila ah." komento naman ni Dhaylene.

Pansin ko rin ito. Kapag si Darren ang may hawak ng bola, talagang pursigido si Dave na maagaw 'to. Ganun din si Darren kapag si Dave naman ang may hawak ng bola. Para kang nanonood ng finals sa NBA sa sobrang intense ng labanan.

Napatayo ako nang biglang natumba si Darren. Halatang tinulak ito ni Dave.

"Ito na nga ba sinasabi ko." turan ni Dhaylene.

Nagtayuan kaming lahat at nanguna si Macey sa pagtakbo papunta kay Darren.

Inalalayan ni Macey si Darren sa pagtayo at nang makatayo ito ay tinanong niya si Darren kung ayos lang ba ito. Tumango tango lang ito pero hawak niya ang kaniyang likod.

"Sorry, bro. Nadala lang ako sa laro." sabi ni Dave.

"Ayos lang." tipid niyang sagot sabay inihagis kay Dave ang bolang kaniyang hawak kanina pa simula nang bumagsak siya hanggang sa makatayo ito. Nasalo naman ni Dave ang bola.

Bigla na lang naglakad si Darren at nagtungo sa pwesto namin kanina para kunin ang bag niya at naglakad na paalis. Sinundan naman agad ito ni Macey. Gusto ko ding sumunod pero parang pinigilan ako ng paa ko. At sinasabi ng utak ko na hayaan ko na lang sila.

× × ×

Gabing gabi na at hindi pa din ako makatulog. Iniisip ko pa din kung ano nang lagay ni Darren. Arghhh. Bakit ba ako nag-aalala?

Alas onse na ng gabi. Kinuha ko ang cellphone ko sa study table ko at umupo ako sa kama ko.

"Tatawagan ko ba o hindi?" tanong ko sa sarili ko.

Huminga muna ako nang malalim.

Come on, Abrianna. You can do it!

Wala pang ilang segundo nang tawagan ko siya ay agad nang sumagot dito.

"Bakit?" pambungad na tanong niya.

"Bakit agad? Wala munang hi o hello man lang?" tugon ko dito.

"Gabing gabi na. Bakit ka pa tumawag?" tanong niya.

"Eh bakit hindi ka pa tulog?" tanong ko naman dito.

"Kasi nagising ako dahil sa pagtawag mo." sagot niya na bahagyang nakapagpatahimik sa akin.

"Ahh... Ganun ba." sabi ko sabay buntong hininga.

"Gusto ko lang naman kamustahin kung okay...ka na..." dagdag ko.

"Okay naman ako palagi ah." sagot naman.

"Hindi na masakit likod mo? O kahit anong parte ng katawan mo?" tanong ko sa kaniya na may bahid na ng pag-aalala ang tono.

"Ayos lang ako, huwag ka nang mag-alala pa. Matulog ka na at huwag mo na kong isipin pa. Good night." sunod sunod niyang turan sabay ibinaba ang linya.

I'm shookt.

Bakit ako kinikilig? Jusko Darren!

Pinipigilan kong mapatili at baka magising si Mama. Niyakap ko ang unan ko at tinakip sa aking mukha.

Hindi man lang ako hinintay na mag-good night din.

• • •

2 days akong nawala sa aking pag-iisip kaya hindi ako nakapag-update agad. Hahahaha. Pero ayun nga, salamat sa mga nag-babasa at patuloy na naghihintay sa update! 💚

TW/IG: @tsinigowden

Continue Reading

You'll Also Like

20.6M 508K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
326K 5.1K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!