Escape

By vkaugust

31.4K 1.5K 725

Ang nakaraan, sabay nating takasan. More

Prologue
1 • Friday
2 • Call
3 • House
4 • Ballpen
5 • Bike
6 • Connection
7 • Bracelet
8 • Away
9 • Help
10 • Set Up
11 • Confess
12 • Third Wheel
13 • Change
15 • Basketball
16 • Representatives
17 • Partner
18 • Realizations
19 • Friends
20 • Texts
21 • Option
22 • Practice
23 • Brainwash
24 • Obsession
25 • Bad News
26 • Contest
27 • Date
28 • Picnic
29 • Book
30 • Plans
31 • Tagaytay
32 • Gratitude
33 • Talk
34 • Let Go
35 • Mutual
36 • Heartbreak
37 • Decision
38 • Reunited
39 • Sign
Author's Note
40 • Party
41 • Promise
42 • Last Friday
43 • Last Call
44 • Christmas Gift
45 • New Year
46 • Rejected
47 • The Dance
48 • Beginning
Epilogue
THANK YOU 💚
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3

14 • Jealous

545 31 9
By vkaugust

Abrianna's POV

One week na ang lumipas simula noong nagsimulang pumasok si Darren. Magmula nung magkaayos sila ni Macey, tuluyan na talaga akong lumayo... Hindi lang kay Darren, pati na rin kay Macey.

Kung magkakasalubong man, hanggang hi hello na lang o kaya naman, snob na talaga.

Hindi naman naging mahirap yun dahil sa sa tuwing magkasama ang dalawa, parang walang ibang tao sa paligid nila kundi sila lang.

Hindi ko na kailangan pang mag-effort na lumayo kasi sadyang malayo na talaga siya sa akin... Sila pala.

Naglalakad kami papuntang locker nang biglang may isa akong lalaki na nabangga. Tumatakbo kasi ito kaya hindi ko na nagawang umilag dahil sa pagmamadali nito.

"Sorry." sabay naming sabi.

Nagkatinginan kami nang ilang segundo at nabalik sa realidad nang biglang magsalita ito.

"Hanggang ngayon, hindi ka pa rin nag-iingat." sabi nito.

Huwaw ha?

"Sorry nga diba." sagot ko dito sabay alis sa harap niya.

Nagtungo na kami sa locker at pagbukas ko ng locker ko, biglang may nahulog na papel mula sa loob at agad ko itong pinulat.

"Ay, ginalingan din naman." pang-aasar ni Mikee.

"Kanino galing?" tanong naman ni Kessel.

Nagkibit balikat lang ako at binuksan ang nakatuping papel at nagulat ako sa nakita ko.

Sketch ito ng aking mukha. Ang ganda! Kuhang kuha!

"Wow!!!" manghang komento ni Dhaylene nang makita ang sketch.

"Kanino 'to galing?" tanong ko.

"Kami pa tinanong mo eh kanino ba binigay 'yan?" tugon ni Mikee.

Tinignan ko ang buong papel, harap at likod pero walang pangalan na nakalagay kung sino ang nagbigay at gumawa nito. Pero sa likod nito ay may note na nakalagay...

Hi Abrianna!
Kumusta ka na? Hindi man ako magaling magdrawing pero binigay ko ang best ko diyan. Sana nagustuhan mo kahit papaano. Haha.
- D.

D???

Isang tao lang ang agad na pumasok sa isipan pero... Hindi maaaring siya yun.

× × ×

Macey's POV

Naglalakad ako sa hallway nang makasalubong ko si Darren.

"Huy!" tawag ko sa kaniya at napalingon ito.

"Oh, Macey!" tugon naman nito.

"Anong ginagawa mo? Bakit ka nagmamadali?" tanong ko dito nang mapansing hingal na hingal ito sa pagtakbo.

"Huh? M-May hinahabol lang. Sige, una na ako ah." sabi niya sabay takbo ulit.

Ang weird. Anong meron sa lalaking yun ngayon?

× × ×

Darren's POV

Nakarating ako sa library dahil sa paghahabol sa lalaking 'yon. Sigurado akong dito 'yon pumasok.

Pumasok ako sa library at nagpalinga-linga at ayun nga, nandito siya. Kasama ang iba pa niyang kaibigan.

Kinabisado ko ang mukha nito.

Bigla naman akong napaisip, ano namang purpose ng paghahabol ko sa lalaking 'to? Wala naman akong pake eh. Wala naman akong pake kung sino ba ang naglagay ng kung anong papel sa locker ni Abrianna.

Wala nga ba?

Siguro ay curious lang ako.

"Hi Darren!" bati sa akin ng isang babae.

Napalingon ako dito at nagulat nang isa pala ito sa mga kaibigan ni Abrianna.

"Sinusundan mo ba ako?" tanong ko dito.

Nagsalubong ang kilay nito.

"Bakit ka naman namin susundan? Tsaka hindi naman namin alam na nandito ka din." tugon nito.

"Ssshhhh." saway sa amin ng librarian.

Hindi na lang ako sumagot.

Napatingin ako sa papel na hawak niya. Isa itong sketch ng mukha niya. Baka ito yung...

"Bakit?" tanong ni Abrianna sa akin na mapansing nakatingin ako sa hawak nito.

"Wala." tipid kong sagot.

Nakita kong biglang nanlaki ang mga mata niya nang biglang magawi ang kaniyang paningin sa pwesto ng lalaking...naglagay ng papel sa locker niya.

Ahhh... Baka magkakilala sila.

Ano bang pake mo, Darren? Tsk.

Naglakad ito papalapit sa lalaking yun at nag-apir sila. Wow. Close nga.

"Dito na rin pala ulit nag-aaral si Dave?" tanong ni Dhaylene sa mga kaibigan niya.

Malamang ang tinutukoy niya ay ang lalaking yun na kausap ni Abrianna ngayon.

Napatingin lang ako sa dalawa at bahagyang nainis ako... Bakit?

× × ×

Dhaylene's POV

"Sabi nga nila, kapag mahal ka, babalikan ka." pabirong sabi ni Mikee habang nakatingin sa pwesto nila Anna at Dave.

Nandito pa rin kami sa library. Mga dalawang table ang agwat namin kila Abrianna at Dave ngayon.

Kasama ko ngayon si Mikee, Kessel at si... Darren. Yeah, si Darren na katabi ko ngayon.

"Baka matunaw 'yang kaibigan namin ah." puna ko sa kaniyang nang makita kong seryoso itong nakatingin sa pwesto nila Anna.

"Hindi ko naman tinititigan." pagtanggi nito sabay iwas ng tingin.

Hmmm... Naaamoy ko ang simoy ng pagseselos.

"Talaga ba?" natatawang sabi naman ni Kessel.

"Sino ba yun?" biglang tanong ni Darren habang tinuturo si Dave.

"Si Dave yun. Ex ni Anna." sagot ni Mikee.

"Ex-manliligaw. Niligawan si Anna pero binusted niya kasi bata pa sila. Tapos lumipat ng school. Hindi din namin alam na bumalik na pala yan dito." sabat naman ni Kessel.

Tumango-tango lamang si Darren at nakatingin pa rin ito kila Anna.

Halatang halata masyado, pre.

"Bilisan mo kasi ang pagkilos, baka maunahan ka pa." nang-aasar kong sambit kay Darren.

Napakunot naman ang noo nito na tila ba hindi niya gets ang sinabi ko.

"Isang tanong, isang sagot. Macey o Abrianna?" seryosong tanong ni Mikee dito.

"Siyempre... Si... M-Macey." sagot naman nito.

"Weh?" sabay sabay naming tugon sa kaniya.

"Ewan ko nga sa inyo." sabi niya sabay tayo at nagkalad paalis ng library.

"Selos!" natatawa kong sabi.

"Kaso Macey daw ang nais, bes." sambit naman ni Kessel.

"Sabi niya lang yun kasi iniisip niya, baka sabihin natin kay Anna, alam niyo na." tugon naman ni Mikee.

Napatingin ako sa dalawa...

Nagselos si Abrianna dahil sa inyo, Darren at Macey. Ngayon, ikaw naman ngayon ang magseselos, Darren. *evil laugh*

× × ×

Abrianna's POV

"Hatid na kita?" pag-aaya ni Dave.

"Naku, wag na. May sundo naman ako eh. Salamat na lang." nakangiti kong tugon.

"Sure ah?" tanong nito.

"Yup. Sure na sure." sagot ko.

Maya maya pa'y nagdatingan ang mga kaibigan nito.

"Ayieeeee. Muling ibalik!" pang-aasar ng isa sa mga kaibigan niya sa amin.

Natawa na lang ako.

"Magbabasketball pa pala kami. So, paano ba yan? Okay lang na mauna na ako?" tanong niya.

"Oo naman!" sagot ko dito.

"It's nice to see you again." sabi niya sabay kindat.

Napailing na lang ako at natawa.

"Yung sketch ko ah, ingatan mo!" pabiro niyang sabi bago pa tuluyang umalis.

Tumango lang ako at kumaway sa kaniya.

Hay... Na-miss ko din 'tong taong 'to ah.

"Huy. Sino yun?" tanong ni Macey na kakadating pa lang.

"Wala yun. Kaibigan ko." natatawa kong sabi.

"Talaga ba? Friends lang?" pang-iintriga niyang tanong.

"Ewan ko nga sa'yo." sabi ko sabay natawa dahil sa mga pinagsasabi nito.

"Macey!" sigaw ni Darren habang papalapit sa amin.

Eto na naman siya...

"Bakit?" tanong ni Macey sa kaniya.

"Wala lang." alam kong si Macey ang kausap nito pero bakit sa akin siya nakatingin?

"Uy alam mo ba, itong si Abrianna, may lovelife na." natatawang pagkukuwento ni Macey kay Darren.

Mahina ko siyang hinampas sa braso.

"Baliw ka talaga!" sambit ko dito na medyo natatawa.

Nagulat ako nang biglang umalis si Darren.

"Oh? Saan ka pupunta?" tanong ni Macey dito pero hindi na sumagot si Darren at nagpatuloy sa paglalakad.

"Anong meron dun?" tanong ko naman.

Nagkibit balikat lang si Macey.

"Baka nagseselos." sabi niya sabay tawa.

"Kanino?" nagtataka kong tanong.

"Ay, ang slow! Ayan na yung sundo ko, ba-bye! Ingat sa pag-uwi ah!" sabi niya habang natawa pa din.

Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Sige, ingat ka din!" sabi ko sabay kaway sa kaniya nang makalayo na ito.

"Uy babaita." panggugulat sa akin ni Dhaylene.

"Oh bakit?" tanong ko naman dito.

"May ikukuwento ako sa'yo." sabi niya.

"Pero bukas na." dagdag niya sabay takbo paalis at kumaway kaway sa akin.

Ugali na talaga ng babaeng ito ang bitinin ako eh! Hmp!

Bakit ang wi-weirdo ng mga tao ngayon?

Napangiti ako nang maalala ko ang sinabi ni Macey na baka nagseselos si Darren. Tungkol din kaya kay Darren ang ikukuwento ni Dhaylene sa akin?

Ayokong mag-assume pero... Waaah! Basta!

• • •

Thank you pows sa patuloy na nagbabasa! Ahehehehehe! 😜💚 Pakisabi na lang po kung may mga typos ako, handa akong itama ang mali ko. HAHA.

TW: @tsinigowden

Continue Reading

You'll Also Like

107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
8.2K 531 17
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
Connection By Ara

Fanfiction

113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...