Escape

بواسطة vkaugust

31.4K 1.5K 725

Ang nakaraan, sabay nating takasan. المزيد

Prologue
1 • Friday
2 • Call
3 • House
4 • Ballpen
5 • Bike
6 • Connection
7 • Bracelet
8 • Away
9 • Help
10 • Set Up
11 • Confess
12 • Third Wheel
14 • Jealous
15 • Basketball
16 • Representatives
17 • Partner
18 • Realizations
19 • Friends
20 • Texts
21 • Option
22 • Practice
23 • Brainwash
24 • Obsession
25 • Bad News
26 • Contest
27 • Date
28 • Picnic
29 • Book
30 • Plans
31 • Tagaytay
32 • Gratitude
33 • Talk
34 • Let Go
35 • Mutual
36 • Heartbreak
37 • Decision
38 • Reunited
39 • Sign
Author's Note
40 • Party
41 • Promise
42 • Last Friday
43 • Last Call
44 • Christmas Gift
45 • New Year
46 • Rejected
47 • The Dance
48 • Beginning
Epilogue
THANK YOU 💚
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3

13 • Change

516 32 8
بواسطة vkaugust

Darren's POV

Nakatingin ako ngayon sa salamin at hindi makapaniwalang nakasuot ako ng uniform ngayon.

Unang araw ko sa eskwelahan ngayon at gaya ng ibang estudyante, kinakabahan ako kapag first day.

Pero inaasahan ko nang wala na naman akong magiging kaibigan. Hindi ako friendly at ayokong maging ganun. Okay na yung iisa lang ang kaibigan mo, atleast mapag-kakatiwalaan pero hindi mo pa din masisiguro kung hindi ka ba iiwan.

Ayokong maattach sa mga tao... Natatakot ako.

"Ready ka na?" tanong sa akin ni Tito Chris.

Ngumiti lang ako at tumango tango.

× × ×

"Eto yung magiging room mo... Pumasok ka na." inihatid ako ni Tito Chris sa classroom na papasukan ko.

Nang pumasok ako sa loob, may iilang estudyante na. Mga nakatingin ito sa akin at ang iba ay parang nagtataka pa. Siguro nga dahil ngayon pa lang nila ako nakita.

Umupo ako sa second row kung saan walang bag na nakalagay.

Maya maya pa'y madami nang pumapasok na mga estudyante sa loob ng classroom namin. Nagiging maingay na rin ang paligid.

Biglang nagsiupo at tumahik ang lahat nang may dumating nang isang babaeng teacher.

"Good morning, class." sabi ng teacher.

Tumayo ang lahat, kasama na ako.

"Good morning Ms. May." tugon ng lahat maliban sa akin dahil hindi ko alam ang pangalan ng teacher na nasa harapan namin ngayon.

Umupo na ang lahat. At nagsimula nang magsalita nang biglang mapatingin ito sa akin...

"Hmm... Mukhang may bago kayong kaklase." sambit nito.

"What is your name, hijo? At nang makilala ka namin." tanong nito.

Tumayo ako at ngumiti sa kanila nang pilit.

"I'm Darren po... Darren Espanto." sagot ko.

"Oh hi, Mr. Espanto. Welcome to my class!" nakangiti niyang tugon.

Nginitian ko lang siya.

"Pwede ka nang maupo..." sabi nito sa akin at sinunod ko naman ito.

"Hi Darren!" bati sa akin ng babaeng nasa tabi ko.

"Hi." tipid kong tugon dito.

"I'm Hazel." nakangiti niyang pagpapakilala at para bang gusto pang makipagshake hands nito sa akin.

Ngumiti lang ulit ako ng pilit at hindi ko tinanggap ang kamay niya.

"Ah, nice to meet you." sambit ko sabay baling na sa aming teacher na nagdidiscuss.

× × ×

Abrianna's POV

Lunch na at naglalakad na kaming apat papuntang canteen nang biglang may isang lalaking humarang sa amin.

Si... Darren? Teka, bakit siya naka-uniform? Nag-aaral na rin siya dito? Kailan pa? Parang ngayon ko lang siya nakitang mag-uniform ah.

"Si Macey?" tanong nito.

Mukha ba akong tanungan ng nawawalang Macey?

"Hindi ko alam." sagot ko dito.

"Ah sige. Salamat!" tugon ni Darren sabay umalis.

So ganun lang yun? Si Macey lang ang nais? Eh nandito naman ako...

"Sakit nun. Yung hinahanap niya yung wala eh nasa harap ka naman na niya." nang-aasar na sabi ni Dhaylene.

Hindi na lang ako sumagot at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

× × ×

Nandito na kami ngayong magkakaibigan sa canteen at nakaupo. Magsisimula na sana kaming kumain nang biglang may dalawang tao ang dumating.

Si Darren at Macey.

Nakakawalang gana kumain kapag ganito.

"Hello!" masayang bati ni Macey sa amin.

"Hi!" sabay sabay naming tugon.

Umupo silang dalawa sa katapat naming table.

Ang ganda naman ng view na nakikita ko habang kumain. Para akong nanonood ng sine na kung saan may dalawang taong nagmamahalan. Pfft.

"Baka matunaw." biglang sambit ni Kessel.

"Ang alin?" tanong ko.

"Hindi alin, kundi sino. Kanina mo pa tinitignan si Sungit. Magulat na lang kami, tunaw na yan mamaya. Lagot ka kay Macey." sambit nito.

Hinampas ko siya sa braso at pinandilatan ng mata.

"Hinaan mo boses mo! Kapag tayo narinig niyan..." pagsaway ko sa kaniya.

Nanahimik naman sila at nagsimula nang kumain.

"So kamusta naman dun sa section niyo?" rinig kong tanong ni Macey kay Darren.

Malinaw ang pandinig ko kaya naririnig ko sila.

"Ayun, okay naman." sagot ni Darren.

"Don't tell me, wala ka na namang balak makipagfriends sa iba?" natatawang sabi ni Macey.

Argh. Tanggalin niyo muna ang tainga ko. Naiirita ako!

Narinig kong tumawa si Darren. Yung tawa na yun ay tila ba musika sa pandinig ko. Ang cute niyang tumawa. Kung may recorder lang ako siguro dito, baka nirecord ko na yun at pinaulit ulit.

"Ikaw lang, sapat na." biglang sambit ni Darren.

"Yuck! Ang jeje!" hindi ko napigilang magkomento sa narinig ko.

"Huh? Ang alin?" gulat na tanong ni Kessel na katabi ko.

"Ayun oh, yung mga lalaki dun oh! Ang jejemon ng mga pormahan nila." sabi ko sabay turo doon sa mga lalaking estudyanteng magkakasama sa hindi kalayuan. Buti na lang wala sa kanilang nakakita na itinuro ko sila.

"Huh? Saan diyan yung jejemon? Parang wala naman." tanong naman ni Mikee.

"Wala wala. Kumain na nga lang kayo." palusot ko.

Napatingin ulit ako sa dalawa. Nagtatawanan sila. Mapagkakamalan mo talagang magjowa itong dalawa na 'to dahil sa mga kilos at tinginan nilang dalawa.

Sus, inggit ka naman, Abrianna? Tsk.

× × ×

Darren's POV

"Mauna na ako ah?" pagpapaalam ni Macey sa akin.

"Sige, mag-iingat ka." nakangiti kong tugon sa kaniya.

Lumakad na siya papalayo at sumakay sa kotse nila.

Hinihintay ko pa si Tito Chris dahil alam kong marami pa siyang inaasikaso ngayon.

Nakita ko si Abrianna naglalakad mag-isa. Nilapitan ko siya. Napansin kong parang hindi maganda ang mood nito ngayon.

"Huy."

Napalingon ito sa akin. Nakasimangot ito at para bang ang daming problema.

"Bakit?" maikli niyang tugon.

"Wala kang kasama?" tanong ko.

"May nakikita ka bang kasama ko?" sarkastiko niyang sagot.

Ibang klase din 'to eh.

"Ha ha ha." sarkastiko ko namang tawa.

Paalis na sana ito nang bigla ko siyang hilahin.

"Bad mood ka?" tanong ko dito.

Umiling siya pero makikita mong hindi talaga maganda ang mood niya ngayon.

"Weh?" tanong ko ulit dito.

"Ang kulit mo. Uuwi na ako." sabi niya.

"Eh wala pa naman sundo mo. Paano ka uuwi?"

Bumuntong hininga siya.

"Hindi ako sanay." komento ko.

"Saan?" tanong naman niya.

"Sayo. Hindi ka naman ganyan. Ang ingay mo kaya. Pero ngayon ang tahimik mo." paliwanag ko.

Totoo naman. Napakadaldal at napakakulit niyang tao pero ngayon parang hinahanap ko yung ganung side ni Abrianna.

"Pero ngayon baliktad na ata. Ikaw na yung maingay." sagot niya.

Napakamot lang ako sa ulo ko. Oo nga, bakit ko nga ba kinakausap ang isang 'to?

"Nandyan na sundo ko." bigla niyang sabi.

"Stay strong sa inyo ni Macey ah." dagdag pa nito na ikinakunot ng noo ko.

"Friends lang kami." sagot ko.

"Kaya nga, stay strong sa friendship niyo." tugon nito sabay naglakad na palayo.

Napailing na lang ako.

Nakakapanibago.

Namiss ko kaagad yung makulit na Abrianna.

• • •

Maraming salamat po sa mga patuloy na nagbabasa! Read, comment and vote! 💚

TW: @tsinigowden

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

133K 4.7K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
Connection بواسطة Ara

قصص الهواة

113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
20.4K 1.4K 31
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴