[HOLD] Enchanted: The Accurse...

By tala_hiraya

778K 24.1K 2.6K

ENCHANTED: The Accursed Daughter By: EmpressWinteroo #Wattys2016 Trailblazer Winner Simula noong bata pa ay n... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 pt. 1
Chapter 43 pt. 2
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46 pt. 1
Chapter 46 pt. 2
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52 pt. 1
Chapter 52 pt. 2
Chapter 53

Chapter 47

7.2K 268 39
By tala_hiraya

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 47

I R I N E

"Hindi ko 'to ititigil." Tumingin muli siya ng direkta sa 'king mata. "Mahal kita, Irine, at hindi ko hahayaang mawala ka pa sa 'kin."

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon. Hindi kaya dulot lang 'to ng puno kung saan kami nakaupo ngayon kaya nagkakaganyan siya? O panaginip lang ang lahat?

"Tandaan mo 'to." Hinawakan niya ang kamay ko at dinampi ang labi niya sa likod ng palad ko. "Hindi ako papayag na saktan ka nila."

Nalunod muli ako sa intense na mga titig ni Red. Mula sa mga mata niya, ramdam ko ang sincerity ng mga naririnig kong salita mula sa kanya.

Napapikit ako ng mariin. Pero hindi talaga tama 'to. Gustuhin ko man na sabihin kong mahal ko rin siya, alam kong hindi niya makakayanan ang lakas ng Amaryllis Council.

Hindi ko rin hahayaang masaktan siya nang dahil lang sa 'kin.

Hinila ko kaagad ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya bago tumingin nang diretso sa mga mata ni Red. Pansin kong nagtataka na siya sa kilos ko.

"Mas maganda sigurong..." Huminga ako ng malalim. "H'wag muna natin itong pag-usapan, Red. Masakit parin ang pagkawala ni Nisha at wala ako sa katinuan para sa mga ganito."

Natigilan si Red at napansin kong nag-form muli ng kamao ang kanyang kanang kamay. Ilang saglit pa ay tumango na lang siya bago siya ngumiti ng bahagya.

"Naiintindihan ko," sagot niya.

Patawad, Red.

Mabilis akong tumayo at humarap muli sa ilog. Gusto kong lumayo-layo muna kay Red sa mga oras na 'to. Baka magbago pa ang isip ko at suwayin nang tuluyan ang batas ng Amaryllis.

Hinayaan ko nalang si Red na panoorin ako. Inilahad ko ang aking palad hanggang sa may malaglag na cherry blossom mula sa puno. Kaagad kong isinara ang palad ko at ikinulong ang bulaklak.

Ngumiti ako ng mapait habang inalala ang huling pag-uusap namin ni Nisha. Gusto kong malaman ang mga bagay na nasa isip niya. Gusto kong marinig nang malinaw ang mga sinasabi niya sa 'kin bago siya mawala. Kahit sa ganitong paraan lang, maririnig ko parin ang boses ni Nisha.

Huminga ako ng malalim bago binuksan muli ang palad ko at tuluyang inilaglag ang petal sa ilog.

Inilipad ng hangin ang petal na para bang sinasayaw ito hanggang sa makarating na sa tubig. Nagkaroon muli ng flicker ng ilaw mula sa petal na kumalat sa ilog at unti-unting lumitaw ang mga imahe sa tubig.

Halos hindi ako makahinga nang makita kong muli nang malinaw ang imahe ni Nisha na naghihingalo na. Nakatigtig lamang siya sa 'kin na para bang may gustong sabihin pero nang dahil nawawalan na siya ng hininga, hindi niya ito masabi.

"Irine," panimula ni Nisha. Nagsimula na. Naririnig ko na ang mga bagay na nasa isip niya sa panahong 'yon. "Ikaw na ang bahala sa lahat. Nagmamakaawa ako, iligtas mo ang kapatid kong nakulong dahil sa kasalanang hindi niya ginawa."

Nag-init ang mga mata ko. Masusunod, Nisha. Masusunod. Napatakip ako ng bibig nang naulit ang pag-ubo ng dugo ni Nisha. Halos madurog muli ang puso ko habang nakikita siyang nahihirapan.

"Lo..ic. Aman..da." Patuloy niya. Sa pagkakataong 'to, aktwal na nagsalita na si Nisha. Natatandaan ko ang parteng sinabi niya ang mga pangalan na 'yon.

"Irine, sila…" Tumigil muna ang boses niyang naririnig ko mula sa kanyang isip bago muling nagpatuloy. "Sila ang mga magulang mo. Mag-iingat ka. Mag-iingat ka kung sino ang–"

Biglang tumigil ang boses ni Nisha mabilis na nawala ang imahe sa ilog. Napansin kong nasunog ang petal na nakalutang at inihulog ko kanina kaya nawala nalang bigla ang memorya ko sa tubig.

Napatingin ako kay Red. Ngunit napatigil ako dahil hindi ko inaasahan ang nakita kong reaksyon niya.

Balisa siya habang nakatingin sa parte ng ilog kung saan nagpakita ang imahe ni Nisha. Nanginginig ang kamao niya at para bang kinakabahan.

"Anong problema?" Tanong ko.

Tumingin siya sa direksyon ko at tinitigan niya ako nang mabuti. Hindi ko alam pero sa hindi malamang dahilan, hindi ako nagulat nang malaman kong si Loic at Amanda ang mga magulang ko.

Pero bakit? Bakit ganito ang naging reaksyon ni Red? Malalim ang paghinga niya at para bang nakakita ako ng takot sa kanyang mga mata.

Sino ba si Loic at Amanda? Sila nga ba? Totoo bang sila ang mga magulang ko?

"Red–"

"Halika na." Mabilis niyang hinablot ang braso ko at hinila ako.

"Sandali lang naman!" Pinilit kong hilahin pabalik ang braso ko pero masyado siyang malakas. "Red, ano ba?!"

Biglang tumigil si Red at hinarap muli ako. "Kahit na anong mangyari, h'wag mong sasabihin ang mga narinig mo."

Nagsalubong ang mga kilay ko sa pagtataka. "At bakit hindi pwede? Kung si Loic at Amanda nga ang mga magulang ko, maaari ko silang hanapin–"

"Hindi pwede!" Napatalon ako sa gulat nang tumaas ang boses ni Red. Hinablot niya ang magkabilang balikat ko bago ako tinitigan ng mabuti. "Mangako ka sa 'kin na kahit anong mangyari, hindi mo babanggitin ang mga pangalan nila sa iba. Mangako ka sa 'kin, Irine."

Hindi ako sumagot. Pero bakit? Naguguluhan ako. Dapat masaya akong narinig kong nahanap na ni Nisha ang mga magulang ko pero bakit hanggang ngayon hindi ako masaya? At bakit nagkakaganito si Red? Ano ba talaga ang problema?!

Bumigat ang paghinga ko. Hindi ko rin alam kong magagawa ko ngang hindi banggitin si Loic at Amanda sa iba. Dahil sa simula palang, sila na ang hinahanap ko. Ngayo't alam ko na ang mga pangalan nila at alam ko nang sila pala ang maaari kong kadugo, hindi ko na papalampasin 'to para hanapin sila.

Sorry, Red. Hindi ko kayang mangako sa pagkakataong 'to.

C Y N D E L

Kanina pa ako humahagulgol sa kama ko. Bakit? Bakit sunud-sunod na nawawala ang mga mahal ko sa buhay? Hinawakan ko ng mariin ang dibdib ko sa sobrang sakit na aking nararamdaman.

Alam ko na ang nangyari kay Nisha sa Camp. Alam kong wala na ang isa sa mga matalik kong kaibigan.

"Tahan na," usal ni Eoin habang nasa tabi ko. Naramdaman kong dumampi ang mga labi niya sa 'king ulo. Napayakap nalang ako sa kanya at nagbabakasakaling mabawasan man lang ang pagdadalamhati ko.

Kung wala si Eoin sa tabi ko, baka hindi ko kayang labanan ang mga pagsubok na nangyari sa 'king buhay.

Una, nawala ang aking ama nang dahil sa pag-atake. Pangalawa, hirap nang bumangon ang village namin dahil maraming nawasak na mga taniman at marami ring nawalan ng buhay. Nawawalan na ng pag-asa ang mga kapwa ko nang dahil sa nangyari. Pangatlo, nabalitaan kong inatake rin ng mga witches ang camp at isa sa mga namatay ay si Nisha.

At ang panghuli, ang tungkol kay Irine. Naikwento sa 'kin ni Eoin na bago nangyari ang paglusob sa village, sinabi ni ama sa kanya ang isang mahalagang impormasyon na nakuha niya tungkol kay Irine.

Na si Irine ang anak ni Loic at Amanda. Bumigat muli ang loob ko. Bakit si Irine pa? Bakit siya pa?

Napahigpit ako ng yakap kay Eoin. Siya at si Irine nalang ang mga taong naiwan sa 'kin at ayoko nang kay mawala pang isa.

Nagmamakawa ako, Luna, h'wag mong kunin si Irine sa 'kin. Nagmamakaawa ako.

I R I N E

Nakabalik na kami ni Red mula sa Stager Ring. Katulad nang paraan ng pagpasok namin, ganoon rin ang paraan na ginamit para kami makalabas.

Dinala kaagad ako ni Red dito sa kwarto namin nila Nisha at Cyndel. Sinabihan niya akong h'wag daw muna akong lumabas habang hindi pa siya nakakabalik mula sa lugar kung saan siya pumunta. Hindi naman niya sinabi kung saan kaya ngayon, naiwan akong nakatulala sa kwarto.

Sila ba? Sila ba talaga ang mga magulang ko? Pero bakit hindi ako masaya?

Kinuha ko ang aking unan at niyakap 'to. Kung nandito lang si Nisha, sabay siguro kaming mag-iimbestiga sa kanila. Pero kung si Loic at Amanda man ang totoo kong mga magulang, kailangan ko silang hanapin at tanungin kung bakit nila ako iniwan.

Ang tanging magagawa ko lang ay ang magtanong dahil hindi pa sapat ang mga bagay na alam ko tungkol sa Amaryllis. Sino ba ang pwede kong mapagtanungan? Si Sov? Tristan?

Pumasok sa isip ko si Sister Leyva. May alam kaya siya?

Tumayo ako at inihagis ang unan sa 'king kama. Sister Leyva. Mabilis akong tumakbo paalis ng kwarto kaya napalakas din ang pagbukas at pagsara ko ng pinto.

"Irine!" Bigla akong napahinto sa harap ng tumawag sa 'kin.

Kumunot ang noo ko. "Tristan?"

Ngumiti si Tristan at nagpatuloy na tumakbo hanggang sa mayakap niya ako ng mahigpit. Napaubo ako ng bahagya.

"Mabuti naman at hindi ka nasaktan," sabi niya. Lumayo siya sa 'kin at hinablot ang magkabila kong balikat bago ako titigan habang nakangiti.

Ngumiti na rin lang ako. "Salamat."

Mas niluwangan niya ang kanyang ngiti. "Pumunta talaga ako sa Guild niyo para lang makita ka. Kumusta, Irine?"

Nagkibit-balikat na lang ako. "Heto. Buhay pa."

Pabiro kong sabi kaya bahagya siyang natawa. Naglakad ako kaya nabitawan ako ni Tristan. Sinabayan niya na lamang ako sa paglalakad.

"Nakikidalamhati pala ako sa pagkamatay ng kaibigan mo, Irine," usal niya. Naging seryoso na siya sa pakakataong 'to.

Tumango ako. "Salamat ulit, Tristan. Ikaw? Kumusta?"

Ngumiti siya at inakbayan ako nang pababa na kami ng hagdan.

"Mabuti. Kahit kinakabahan sa Assembly mamaya."

Kumunot ang noo ko. "Assembly?"

Tumingin siya sa 'kin. "Hindi mo pa ba alam? May Assembly tayo sa Omphalus Colosseum para sa importanteng mensahe ng hari."

Natigilan ako kaya tumigil rin siya sa paglalakad. "Tungkol naman saan?"

"Sa pag-atake ng mga Black Witches. Gagawaran niya rin ng parangal ang mga namatay bilang pasasalamat sa kanilang kagitingan. At ang balita ko pa ay may sasabihin siyang mahalagang bagay."

Ngumiti siya at inakbayan akong muli. Kumunot ang noo ko sa kilos niya.

"Alam mo bang sinabi sa 'kin ng aming Mestro ang sasabihin ng hari?" Tinaas-baba niya ang kanyang kilay.

"At ano naman 'yon?"

Ngumisi si Tristan bago inilapit ang bibig niya sa 'king tenga. "Ang sabi niya ay ipapahayag na ng hari na may isang traydor dito sa Amaryllis. Siya ang dahilan kaya natagpuan tayo ng mga witches."

"Traydor?" Lumayo ako kay Tristan. "May traydor na nakapasok?"

Tumango si Tristan. "Hindi lang ako sigurado kung alam na nila kung sino."

Napaisip ako. "Kaya pala mabilis tayong natagpuan ng Dark Assemblage."

"Tama. Kaya dapat pagbayaran ng traydor na 'yon ang nangyari dahil sa ginawa niya bilang kapalit sa mga buhay na nawala."

Tumango rin ako. "Dapat lang."

Habang patuloy na naglakad pababa ng hagdan, biglang sumagi sa 'kin ang batang nakausap ko noon matapos ang pagtutuos namin ni Maya. Traydor. Sinabi niya sa 'king may isang traydor na palagi kong nakakasama.

"Osiya." Tinapik ni Tristan ang likod ko. "Aalis na ako, Irine. Baka hinahanap na rin ako ng Sov namin."

Ngumiti ako. "Salamat sa pagbisita, Tristan. Mag-iingat ka."

Kumaway si Tristan pababa ng hagdan kaya kumaway din ako pabalik. Pinagmasdan ko lang ang likod ni Tristan na bumababa ng hagdan at pinakinggan lamang ang tunog mula sa pagyapak niya.

Tristan. 

------

NANDITO na kaming dalawa ni Red sa Omphalus Colosseum kasama ang ibang miyembro ng guild. Nakaupo kami sa bleachers habang pinagmamasdan ang gitna ng battle grounds kung saan nag-uusap ang Hari, si Rocio, pati ang ibang Mestro.

Nasa kaliwa ko si Sov, kanan si Red. Pero hindi yata tamang sila ang katabi ko dahil kanina pa kami pinagtitinginan lalo na ng mga fangirls nilang dalawa.

Napatingin ako sa gawi ni Sov pero hindi ko sinasadyang makita ang presensya ng isa pang Doyen.

Si Doyen James.

Nakatingin siya ng matalim sa 'kin, hindi kalayuan mula sa 'ming upuan. Bigla siyang ngumisi at tumingin nalang muli sa harap.

Kailangan kong mag-ingat sa kanya. Mabilis ko nalang inalis sa isipan ko ang aksyon ni Doyen James at ibinalik ang tingin kay Rocio.

"Atensyon mga minamahal naming estudyante!" Panimula ni Rocio. Ngayon ko lang napansin, ang lakas parin ng boses niya kahit wala siyang mic. Nakaapak muli siya sa elevated stone at lumilipad para maharap ang audience.

"Alam kong lahat kayo ay nababahala na sa seguridad nating lahat sa Amaryllis Camp mula noong paglusob. Maraming mabubuting kaibigan ang nawala dahil sa kalupitan ng Dark Assemblage at marami ring napinsala. Ako, ang Amaryllis Council, at ang ating hari ay nakikidalamhati sa inyo sa pagkawala ng mga mabubuting nilalang na nagbuwis ng kanilang buhay."

Kumunot ang noo ko sa ekspresyon ni Rocio. Mukha siyang peke na nakikidalamhati sa 'min. Nanginig ang kamay kong nag-form ng kamao. Hindi na maganda ang loob ko sa kanya.

"Sa katapangan at kabayanihan ng ating mga kaibigan, nararapat lang na bigyan natin sila ng parangal. Ein Vann! Jia Moore! Xander Leo!"

Sinimulan na ni Rocio ang pagsabi ng mga pangalan na nawala dahil sa pag-atake. Sa bawat pangalan, nagpapakita ang image nilang nakangiti sa langit kaya lahat kami ay nakatingala.

"Keith Ocampo," sambit ni Rocio.

Napaupo ako ng maayos. Si Keith? Tumingala ako sa langit at totoo ngang si Keith ang nasa imahe. Nanginig ang kamao ko. Kahit hindi maganda ang lahat ng memorya kong kasama si Keith, hindi ko ginustong mamatay siya. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko.

"Rially Foz! Kiel Hinder!" Nagpatuloy lang si Rocio. Nakapikit lang ako habang hinihintay ko ang pangalan niya.

"Bea Dreira! Ben Rioux!"

Huminga ako ng malalim.

"Nisha Beaux."

Nisha. Minulat ko ang aking mata bago tumingala. Lumabas ang image ni Nisha na nakangiti at biglang tumawa. Napahawak ako sa jeans na suot ko sa iba't-ibang emosyon na nararamdaman ko. Galit at pagkalungkot. Pinapangako kong magbabayad sila.

"Ang mga nasabing pangalan ay ilan lamang sa mga magigiting na iskolar ng Amaryllis Camp. Tumayo tayong lahat at sila'y bigyan ng karangalan," patuloy ni Rocio.

Tumayo ako, kasama ang iba, itinaas ko ang aking kamay na may hawak na bulaklak. Pinili ko ang chrysanthemum dahil 'yon ang paborito ni Nisha.

Unti-unti kong binitawan ang bulaklak. Kusa itong lumutang at lumipad papunta sa pinagsama-samang images ng mga namatay sa langit. Pinagmasdan ko ang iba't-ibang kulay ng bulaklak mula sa iba habang gumagalaw ito at nagkukumpulan sa taas.

Hinanap kong muli ang dilaw na bulaklak para kay Nisha. Lumipad ang chrysanthemum papunta sa image ni Nisha habang nakangiti. Para bang nakatingin siya sa 'kin at para bang nasa harap ko lang siya. Nakatayo at…

Buhay.

Kaagad kong pinunasan ng tumulo kong luha. Pagod na akong umiyak.

Napansin ko ring marami nang nag-iiyakan sa pagkawala ng mga kaibigan nila. Huminga ako nang malalim at piniling hindi na sila tingnan pa.

Tumingala muli ako. Nakita ko ang pinakahuling lumulutang papunta sa kumpol na ng bulaklak. Nang makasama ito sa kumpol, nagsimulang umilaw ang langit kung nasaan nakikita ang mga image nila.

Sandali pa't biglang sumabog ang kumpol ng bulaklak dahilan para magkaroon ng ulan. Umuulan ng mga makukulay na petals sa buong Colosseum. Gusto kong mamangha sa nakikita kong ganda ng nangyayari pero nanaig sa 'kin ang memory ni Nisha.

Pumikit ako bago bumulong. "Magpahinga ka na, Nisha. Salamat. Salamat dahil nakilala kita."

Minulat ko ang mga mata ko at si Red ang una kong nakitang nakatingin sa 'kin. Umiwas kaagad ako sa kanya bago umupo sa bleachers.

Ilang minuto ang inilaan ni Rocio sa 'min. Ilang minuto rin kami naging tahimik bilang pagbibigay galang. Nagkaroon ako ng pagkakataon para pagmasdan ang mga tao na nasa gitna ng Battle Ground ng Omphalus Colosseum.

Sa likod ni Rocio, nakaupo ang hari at ang Amaryllis Council. Nasa tabi ng hari ay ang isang babae ngunit nakatakip ang mukha nito ng violet na tela. Ang mga mata na nga lang niya ang nakikita ko at kanina pa siya tahimik dahil ang hari lang mismo ang kinakausap niya.

Inisip ko kung nakita ko na ba siya.

Wala naman akong maalala noong Acceptance Ceremony na kasama ng hari. Sila Rocio at ang wizard lang ang naalala kong nakita ko noon.

Teka nga. Tumingin ako kay Red ngunit kaagad kong binawi ito at binaling kay Sov ang atensyon ko.

"Sov?" Tawag ko sa kanya.

Tumaas ang dalawa niyang kilay. "Bakit?"

Lumapit ako para bumulong. "Sino 'yung babaeng katabi ni King–ano na nga ba ulit pangalan niya?"

Tumawa siya ng mahina. "King Melettus. Ang kasama niya naman ay si Queen Thalia. Ngayon mo lang siguro siya nakita dahil kakarating niya lang mula sa expedition niya."

Kumunot ang noo ko. "Pero bakit nakatakip ang mukha niya?"

Nagkibit-balikat si Sov. "'Yon ang hindi ko alam. Walang sinuman, maliban sa hari, ang nakakaalam ng dahilan kung bakit palaging nakatakip ang mukha niya."

Binalik kong muli ang tingin sa reyna. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pa nakikilala ang mga nakakataas na ranggo ng Amaryllis. Kung sila ang hari at reyna, may prinsipe kaya? O isang prinsesa?

"Atensyon!" Sigaw ni Rocio kaya napaupo ako ng maayos. Ganoon din ang ginawa ni Sov.

"Ngayo't tapos na ang pagbibigay ng parangal sa 'ting mga kaibigan, oras na para sabihin sa inyo ang mahalagang impormasyon galing mismo sa 'ting hari," sabi niya.

Tumingin muna si Rocio sa hari. Tumango si King Melettus na parang signal para sabihin ni Rocio ang announcement. Muling ibinalik ni Rocio ang tingin niya sa 'ming lahat.

"Alam kong isang masamang trahedya ang nangyari sa mismong araw ng Locus Tournament ngunit hindi ito magiging hadlang para hirangin ang mga nanalo sa kompetisyon."

Napatingin kaagad ako kay Red na halatang nagulat din. "Alam mo ba 'to?"

Umiling siya. "Wala akong ideya."

Kumbinsido akong wala ring alam si Red kaya tumingin nalang muli ako kay Rocio. Akala ko ay hindi sila mamimili ng mga nanalo ngayon dahil sa nangyari.

"Ang mga mapipiling kampyon ay siyang sasama sa mahalagang ekspedisyon sa labas ng kampo. Makakasama rin nila ang mga pinakamagigiting nating Mestro at Doyen bilang gabay sa misyon na dapat nilang gawin. At ang ating mga kampyon ay sina…."

Ngumiti si Rocio bago binuksan ang scroll. Nagsigawan ang lahat pwera kaming mga nabigla. Kaagad akong kinabahan at pinagpawisan.

Itinuon ko ang aking atensyon kay Red na seryosong naghihintay ng anunsyo. Napaka-importante ang Locus Tournament sa kanya ngunit hindi ko natanong, kahit minsan, kung bakit nga ba ganito katindi ang pagnanais ni Red na manalo.

Tuminging muli ako kay Rocio na ngayo'y bahagyang nakangiti at malugod na tiningnan buong assembly. Napahawak ako sa 'king dibdib, ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Stager Red at Irine!"

Halos nabingi ako sa biglaang sigawan ng lahat. Naiwan akong tulala sa scroll na hawak ni Rocio at halos hindi ko na rin nga napansin ang pagtayo ng bawat isa bago humarap sa 'min para palakpakan.

"Irine," usal ni Red.

Naramdaman ko nalang na hinablot niya ang braso ko at pinatayo. Napatingin ako sa kanya na medyo tulala pa.

"Totoo ba 'to? Pangalan ba natin 'yung narinig ko?" Hindi ako makapaniwala. Sobrang hindi ko inaasahan 'to.

Natawa siya sa reaksyon ko. "Tayo nga. Tayo ang nanalo."

T'yaka lang nagsink in ang lahat sa kalamnan ko. Kami nga. Kami nga ang panalo!

Dalawang elevated flat stones ang lumipad sa harap namin ni Red. Inalok ni Red ang kamay niya habang nakangiti kaya't ngumiti rin ako bago hinawakan ito. Inalalayan niya ako at sumakay na kaming pareho sa elevated stones.

Lumutang kami sa ere. Mula sa 'king pwesto ay nakikita ko ang mga sumisigaw at nagpapalakpakan habang nakatingala sa 'min. Papunta kaming dalawa sa direksyon ni Rocio na nakangiti at pumapalakpak din.

Humigpit ang hawak ko kay Red kaya napatingin siya sa 'kin. Nanalo nga kami. Nanalo kami!

Ilang saglit pa ay nakarating din kami sa stage. Sinalubong kami ni Rocio ng masiglang bati at kinamayan kaming dalawa ni Red. Kaagad naman kaming bumaba sa elevated stones at lumuhod nang sandali upang magbigay puri sa hari at reyna.

Tumayo muli kami ni Red at pinagmasdan ko sila. Nakangiti ang hari at ang Amaryllis Council ngunit naagaw ng reyna ang pansin ko. Tipid ang lakas niyang pumapalakpak at kahit na nakatakip ang kanyang mukha, pansin kong walang emosyon ang pinapakita ng kanyang mga mata.

Maya-maya pa'y naglakad ang hari at reyna sa direksyon namin. Huminga ako nang malalim. Ramdam ko ang malakas na presensya nila bilang mga nakatataas ng Amaryllis. Ipinakita ni Rocio ang dalawang maliit at pilak na case sa hari at reyna. Kinuha ng hari ang isa, ganoon din ang ginawa ng reyna.

Unang lumapit ang hari kay Red na nasa kanan ko. Kaya naman umabante siya at bahagyang yumuko bilang paggalang.

Binuksan ng hari ang case at ipinakita doon ang isang kumikinang na badge na gawa sa pilak. Nasa ibabaw ito ng malambot na telang kulay lila.

"Ito ang magsisilbing gantimpala ninyo at simbolo na kayo ang mga kampyon ng Locus Tournament. Binabati ko kayo," ani ng Hari.

Ikinabit ng hari ang badge sa kaliwang bahagi ng dibdib ni Red. Nang makabit ito'y, nagpalakpakan at nagsigawang muli ang mga manunuod.

Lumayo ang hari at umatras si Red kaya't ang reyna naman ang lumapit. Kaagad akong umabante at bahagyang yumuko. Ang tanging nakikita ko na lamang ay ang case na hawak niya at ang kanyang magarbong kasuotang lila na kapag titingnan ay mukhang napakamahal nito.

Binuksan ng reyna ang case kaya nakita ko ang pilak na badge. Nakaukit sa badge ay ang simbolo ng Amaryllis at sa ibabaw nito ang magka-ekis na dalawang swords. Kinuha na niya ang badge at lumapit pa sa 'kin upang ikabit ito sa damit ko, sa bandang kaliwang ng aking dibdib.

"Binabati kita," mahinang sambit niya.

"Maraming salamat po." Sagot ko nang nakangiti.

Umatras na ang reyna nang matapos niyang ilagay ang badge kaya tumingala na ako. Hindi sinasadyang tumama ang tingin ko sa mga mata ng reyna. Kumunot ang noo ko. Nakatitig siya sa…

Kaagad kong hinawakan ang kwintas ni Sister Martha na nakasabit sa 'king leeg at mabilis ba itinago sa loob ng damit ko. Napansin iyon ng reyna kaya umiwas siya mula sa pagkakatitig sa 'king kwintas at tumingin nalang siya kay Rocio na parang walang nangyari.

"Ngayon!" Sumigaw muli si Rocio. Itinuon ko nalang ding muli ang atensyon sa kanya at sa nangyayari ngayon.

"Matapos nating malaman kung sino ang mga kampyon, mayroon pa akong isang bagay na dapat sabihin."

Naalarma ako. Ito na ba ang sinasabi ni Tristan?

"May rason kung bakit natunton tayo ng Dark Assemblage. May rason kung bakit madali silang nakapasok sa kampo. Ang dahilan ng lahat ng ito ay ang isang iskolar ng Amaryllis Camp. Sa madaling salita, mayroong isang traydor na nanatili sa 'ting tahanan at siya ang dahilan kung bakit tayo natagpuan ng mga black witches."

Nagsimulang magtinginan ang mga students sa mga katabi nila at pasimpleng bumulong dahil sa curiosity. Napatingin rin ako kay Red. Tahimik lang siyang nakatitig sa isang pwesto na para bang alam niya na ang sinasabi ni Rocio.

"Hindi pa namin nalalaman kung sino ang traydor ngunit sa oras na malaman namin kung sino ito, ang traydor ay dapat maparusahan." Tumingin muli si Rocio sa hari bago ibinalik ang tingin sa audience para magpatuloy.

"Iyon lamang ang mga bagay na dapat sabihin sa inyo ngayon. Mga Doyen! Kayo na ang bahala sa inyong mga miyembro, maaari na kayong bumalik sa inyong mga guilds." Ngumiti si Rocio. "Maraming salamat sa pagdalo sa ating pagtitipon."

Nagpalakpakan kaming lahat. Nagsitayuan na ang mga students at nagsimula nang umalis kasama ang mga Doyen.

"Irine." Napatingin ako kay Rocio. Nakangiti siya sa 'kin ngayon. "Kayo ay ipinapatawag sa underground base kaya doon dapat kayo pumunta mamayang hapon."

Tumango ako. "Sige po, Rocio."

Tinapik niya ang balikat ko bago umalis at sinamahan ang hari at reyna sa pag-alis. Muli kong pinagmasdan ang reyna at hinawakan ang kwintas. Nakatitig siya kanina sa kwintas.

"Halika na." Hinablot na ni Red ang braso ko at hinila. Inalis ko na ang tingin sa reyna at sumama kay Red sa paglalakas. Nagpokus nalang ako sa daan papunta sa isang malaking gate palabas ng Colosseum.

"Red?" Tawag ko nang hindi tumitingin. Hawak niya parin ang braso ko.

Napatingin si Red sa 'kin kaya tumingin din ako sa kanya. Bahagya siyang ngumiti at hinaplos ang likod ng ulo ko. Huminga ako ng malalim. Naramdaman ko nalang na hinawakan ni Red ang kamay ko at pinisil niya ito na parang sinasabing magiging maayos lang ang lahat.

Napangiti ako sa kanya bago maingat na tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Nagtaka siya noong una at balak niyang muling kunin ang kamay ko pero kaagad akong lumayo at tumawa.

Huminga siya nang malalim at umiling habang bahadyang nakangiti. Hindi maaaring makita ng mga taong napapalapit na kami sa isa't-isa. Maaaring gulo at malawakang tsismis ang kumalat.

Ibinalik ko nalang muli ang tingin sa gate nang hindi inaalis ang ngiti sa labi ko. Nasa isip ko parin ang batas ng Amaryllis. Gusto kong layuan si Red pero hindi ko magawa. Napakagat ako ng labi. Kahit ngayon lang, maramdaman ko man lang sana na maging masaya kasama siya.

Napansin ko ang isang presensya na nakasandal sa Gate. Nawala ang ngiti ko at kumunot ang aking noo. Nang palapit kami ng palapit, unti-unti ko ring nakikita ng malinaw kung sino siya.

Ngumiti siya sa 'kin at tumindig ng maayos. Nanlaki ang mga mata ko.

"Errapel!"

~*~

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 62.4K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...
233K 8.4K 113
HOURGLASS SERIES #2 Ang akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in th...
7.2M 433K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...
11.1M 500K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...