When Love Strikes Back (JuliE...

By bluemoonmirage

223K 2K 101

Dating magkasintahan sina Julie at Elmo at mahal na mahal nila ang isa't isa. Subalit dahil sa paglalaro ng t... More

When Love Strikes Back (Teaser)
Chapter 1 -
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chaper 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Author's Note

Chapter 28

3.4K 38 4
By bluemoonmirage

Chapter 28—Preparations

Nag-umpisa ng mag-ayos sila Julie at ang ilang trabahador na inupahan nilang tumulong sa kanila.

“Julie, wala pa ba si Elmo?” tanong ng mama niya.

“Wala pa nga po, e.”

“Nako, eh, kapos na kapos tayo sa tutulong sa atin, e.”

“Padating naman na po siguro yun.”

Tumango lang ang mama ni Julie at muli na itong bumalik sa pagtulong sa pag-aayos ng party ni Princess.

Maya-maya ay may tumawag na sa gate nila.

“Tao po!” tawag ng isang pamilyar na boses.

Nagkatinginan si Julie at ang mama niya.

“Sino yun?” tanong ng mama ni Julie.

Kumibit-balikat si Julie. “Ewan ko po. Babae po, e.”

“Teka, ako na magbubukas.”

Tumango si Julie.

Pagbukas ng mama ni Julie ng gate ay laking gulat niya nang makita ang mga ‘di inaasahang bisita.

“Hello po tita!” masayang bati ni Margaret.

“Good morning po.” bati ni Fell.

“Hello po.” bati ni Anabelle.

“Aba…a-andito rin kayo?”

“Oo naman po, tita.” nakangiting sabi ni Margaret.

“Tutulong din po kami.” sabi naman ni Anabelle.

Ngumiti ang mama ni Julie. “Nako, nakakahiya naman pero salamat, ha. Sige, tuloy kayo…”

“Thank you po.” sabi nila Margaret.

Tumuloy nga sila sa loob. Laking gulat ni Julie at Princess nang makita sila Margaret, Anabelle at Fell.

“Ate, 'di ba sila yung pumunta dito na maganda?” tanong ni Princess kay Julie.

“O-oo.” sagot ni Julie.

“…A-andito kayo?” gulat na tanong ni Julie.

Nakangiting tumango sila Margaret, Anabelle at Fell.

“Nako…salamat, ha.” sabi ni Julie.

“Sus! Wala yun.” sabi nila Margaret.

Lumapit si Anabelle kay Princess. “Hello, baby girl! Naaalala mo ako?” tanong nito.

“Opo! Ikaw yung magandang babae na pumunta dito noon!”

Tumawa si Anabelle. “Oo, ako nga.”

“Teka, teka! Ba’t siya lang yung maganda?” reklamo ni Margaret.

“Ikaw rin po! Maganda ka rin po!” masayang sabi ni Princess.

Tumawa sila Margaret at Anabelle.

“Nako Princess, wag ka matakot sa dalawang yan. Pwede ka magsabi ng totoo.” sabi ni Fell.

Tinitigan ng masama nila Margaret at Anabelle si Fell.

“…sino ka po?” tanong ng bata.

Tumawa sina Margaret at Anabelle.

“Haha! Di kilala!” pang-aasar ni Belle na parang bata.

Tinitigan din ng masama ni Fell sina Belle at Marge.

Bumuba si Fell at lumuhod sa harapan ng bata para maging halos magkapantay sila; kasabay ng kanyang pagbaba ay nginitian niya si Princess.

“Ako si Kuya Fell mo.” pakilala nito sa sarili.

“Ahh. Hello po, kuya Fell!” masayang bati ng bata.

“Hindi mo ba ‘ko sasabihin na gwapo?” tanong ni Fell.

“Hmm. Gwapo po.” sagot ni Princess.

Ngumiti si Frank. YES! Gwapo ako!!

“Pero mas gwapo po si Kuya Elmo,” dagdag ni Princess.

Biglang nangiti ang kaninang banas na banas na si Elmo.

“Yan kasi! Nakiki-epal. Ano ka ngayon?” pang-iinis ni Margaret sa kapatid.

“Pshh!” naiinis na wika ni Fell.

Andun na, eh! Sabay bawi.

“Hi, Princess!” bati ni Margaret. “Ako si Ate Marge, siya naman si Ate Belle," pagpapakilala ni Margaret kasabay ng pagturo niya kay Anabelle.

“Hello po!” bati ni Princess na nakangiti.

Ngumiti sina Margaret at Anabelle.

“So pa'no? Mag-uumpisa na ba tayo?” tanong ni Fell.

“Kung okay lang sa inyo,” sagot naman ni Julie.

Nagtinginan ang magkakaptid.

“Oo naman!” sabi nila.

Tumawa si Julie.

At nag-umpisa na ngang tumulong sila Margaret.

Samantalang naiwan si Elmo na nakatayo sa isang tabi—bakas sa mukha nito ang pagka-inis sa pagsama ng mga kapatid niya.

Lumapit naman si Julie kay Elmo.

“Elmo…salamat, ha.” sabi ni Julie.

Biglang nawala ang pagka-inis ni Elmo at nagulat ito sa sinabi ni Julie.

“Para sa’n?”

“Para sa lahat.”

Ngumiti si Elmo. “Wala yun.”

Ngumiti rin si Julie.

“Sige…tutulong na ’ko dun ha…”

Tumango si Julie.

Nag-umpisa na ngang tumulong si Elmo sa mga kapatid sa pag-aayos ng paligid.

—;—

Nag-gugupit si Julie ng mga ipangpapalamuti nila para sa part nang lapitan siya ni Elmo.

“Tulungan na kita diyan.” sabi ni Elmo.

“Ah…okay lang ba?” tanong ni Julie.

Tumango si Elmo.

“Sige…”

Umupo si Elmo sa tabi ni Julie at kumuha siya ng mga papel na gugupitin.

Nang kukunin ni Elmo ang gunting ay sakto namang yun din ang kukunin ni Julie kung kaya't nagkadikit ang mga kamay nila. Agad namang inalis ni Elmo ang kamay niya—bakas sa mukha ng dalawa ang pagkahiya.

Sa 'di kalayuan ay nakita ni Fell sila Julie at Elmo na magkatabi. Siniko niya si Margaret at napansin naman ito agad ni Anabelle. Itinuro naman ni Fell sina Julie at Elmo na magkatabi sa 'di kalayuan. Nangiti naman sina Margaret at Anabelle.

Nakaka-miss din pala silang makitang ganito, ang pare-parehong iniisip nilang tatlo.

Samantalang kinikilig naman si Princess na nanunuod sa malayo.

—;—

Patuoy pa rin sa pag-aayos ng venue at paghahanda ang mga tao sa bahay nila Julie para sa party ni Princess. Mayroong mga nagkakabit ng mga palmutia; mayroon namang mga nagbibitbit ng ilang kahon na may lamang palamuti o 'di kaya'y mga upuan at mesa na gagamitin para sa party; samantalang ang iba ay nag-pupump ng balloons.

Habang abala ang iba sa pag-aayos sa labas ng bahay nila Julie, pumasok naman siya upang kumuha ng karton na naroon sa tuktok ng cabinet nila ngunit hindi niya ito maabot. Pilit niya itong inaabot nang biglang lumapit sa kanya si Elmo.

“Ako na.”

Nagulat si Julie at walang ibang nagawa kung hindi ang titigan si Elmo habang kinukuha niya ang kahon.

Nang makuha ni Elmo ang kahon ay iniabot niya iyon kay Julie.

“Salamat.” sabi ni Julie—pareho silang nakahawak sa kahon.

Ngumiti si Elmo. “Wala yun.”

“Uyy…” panunukso ni Princess sa dalawa. Kanina pa pala nito pinagmamasdan ang dalawa.

Nilingon naman siya nila Julie at Elmo—nahiya bigla silang dalawa.

Agad namang bumitiw si Elmo at pumunta sa ibang lugar para tumulong sa pag-aayos.

“Ikaw talaga...” sabi ni Julie sa bata na iiling-iling, kasabay nito ang kanyang pag-alis at paglabas ng bahay.

Lumapit naman sila Margaret, Anabelle at Fell kay Princess at isa-isang nilang in-apiran ito.

“Galing mo!” sabay-sabay na sabi nila Margaret, Anabelle at Fell.

Bumungisngis naman ang bata.

—;—

Sa pag-aayos na ginawa nila ay hindi maiiwasan ang pagtitinginan nila Julie at Elmo sa isa’t isa. Kung minsan ay nahuhuli sila nila Margaret o ‘di kaya ay ni Princess at tutuksuhin sila ng mga ito. Mahihiya naman ang dalawa at magpapatuloy sa kani-kanilang ginagawa.

Mag-gagabi na nang natapos sila sa pag-aayos.

Umupo si Julie sa bench sa may garden nila. Maya-maya ay tumabi sa kanya si Elmo.

“Maggagabi na rin.” sabi ni Elmo habang nakasanda sa bench sa garden nila Julie.

“Oo nga, e.” sabi ni Julie. “Nakakapagod din pala.”

Tumango si Elmo.

“…Elmo…” wika ni Julie.

“Hmm?”

“Salamat, ha.”

“Para sa’n?”

“Para sa lahat…”

Bumuntong hininga si Julie. “Sobrang dami na ng natulong mo sa amin, e. Hindi ko na nga alam kung paano ako makakabawi sa'yo…”

“Hindi mo naman kailangan bumawi, e…”

Sa 'di maipaliwanag na dahilan ay na-guilty si Julie.

“…E-elmo…ba’t ba ang bait mo sakin?…sa kabila ng…sa kabila ng lahat ng nagawa ko sayo…ang bait mo pa rin sakin.”

Nagulat si Elmo sa pagiging pranka ni Julie sa kanya ngayon. Bagaman naninibago siya ay mas gusto niya ang ganitong attitude ni Julie.

Parang dati lang, naisip niya sa sarili.

Bumuntong hininga si Elmo. Eto na ba yung hinihintay kong chance para masagot lahat ng tanong ko? naisip niya.

Hinarap ni Elmo si Julie at gayundin naman si Julie. “…sa totoo lang Julie…hanggang ngayon…naghahanap pa rin ako ng kasagutan. Kasagutan kung bakit mo ‘ko iniwan noon…kung bakit nagawa mong ipagsawalang-bahala yung lahat ng pinagsamahan natin?”

Nag-umpisa nang tumulo ang mga luha ni Julie.

“…Elmo…h-hindi ko naman ginusto yun, e…h-hindi ko ginustong iwan ka…pero…alam ko na yun ang makakabuti sa’yo. Kaya yun ang ginawa ko.”

“Makakabuti? Bakit? Paano nakabuti para sa akin na iwan mo ‘ko? Julie, alam mo ba kung gaano ako nasaktan sa ginawa mo? Halos hindi ko na gustong mabuhay. So ngayon, ipaliwanag mo nga sa akin, paano nakabuti sa akin na iniwan mo 'ko, Julie?”

“Hindi mo naiintindihan, e…”

“Pa’no ko maiintindihan Julie…kung hindi mo ipapaintindi?”

“Elmo, hindi nga pwede!”

“Bakit hindi?! Julie, ang tagal ko nang gusto malaman yung rason, e. Ang tagal ko nang gustong malaman yung rason kung bakit mo nagawa yun!”

“Elmo, please…please…wag mo na alamin…wag na…”

At tuloy-tuloy na ngang tumulo ang luha ni Julie. Tinakpan niya ang mukha niya dahi ayaw niyang nakikita siya ng kung sino mang tao at lalong lalo na si Elmo na ganito—mahina.

Biglang nanlambot ang puso ni Elmo. Gustuhin man niyang magalit kay Julie ay hindi niya magawa. Dahil hindi niya ito matiis—lalo na kapag nakikita niya itong lumuluha.

Bumuntong hininga si Elmo. Sabay yakap kay Julie.

“Sige na, taha na.” sabi ni Elmo habang hinihimas ang likod ni Julie.

“Pasensiya ka na.”

Patuloy lang sa pagluha si Julie—habang kino-comfort siya ni Elmo—ngunit sa piling ni Elmo mas panatag na ang loob niya.

Sa ‘di kalayuan ay nakatingin sila Margaret, Anabelle at Fell sa kanila.

Continue Reading

You'll Also Like

37.2K 1.3K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
4.2K 206 11
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
2.3K 201 27
Have you ever fall in love with a stone hearted man? Stacey Raine Gabis, a second year college student who never been in love with someone until she...
28.2K 587 11
Mahal mo ang taong minamahal din ng kapatid mo? Panu Yun?! Book 2 is now Open: http://www.wattpad.com/story/1153142-mslhbilht-2-and-our-love-story-c...