[HOLD] Enchanted: The Accurse...

By tala_hiraya

778K 24.1K 2.6K

ENCHANTED: The Accursed Daughter By: EmpressWinteroo #Wattys2016 Trailblazer Winner Simula noong bata pa ay n... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 pt. 1
Chapter 43 pt. 2
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46 pt. 1
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52 pt. 1
Chapter 52 pt. 2
Chapter 53

Chapter 46 pt. 2

7.3K 320 134
By tala_hiraya

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 46 pt. 2

I R I N E

Nagsambit muli ng spell si Red. Nagkaroon ng flicker ng ilaw sa aking harap hanggang sa bigla itong pumalibot sa 'king katawan na parang isang transparent orb.

Tiningnan ko ng masama ang napakalaking mukha ni Red sa paningin ko. Bakit orb pa? Alam niya naman sigurong ginagamit palagi ni Nisha ang spell na 'to. Balak niya bang ipaalala sa 'kin ang lahat? Hindi siya nakakatulong!

Binitawan na ni Red ang pagkakahawak sa damit ko at sa loob ng lumulutang na orb na ako nakaupo.

"Kahit na anong marinig o maramdaman mo, h'wag kang gagawa ng ingay kung ayaw mong mapatalsik sa Camp, naiintindihan mo ba?" Sabi niya.

Sinipa ko ang orb bago sumigaw. "Ano ba kasing binabalak mo?"

Sisigaw muli sana ako ngunit naalala kong hindi niya pala ako naririnig sa puntong 'to. Nanliit lang ang mata niya na parang napansin niyang may gusto akong sabihin pero bigla niya itong binalewala.

Tipikal na Red. Hindi na ako nasanay.

"Sundin mo nalang ako, Irine. Halika na," giit niya.

Napahawak ako sa barrier nang maingat na kinuha ni Red ang orb at binuhat ang kilalagyan ko. Pero nanlaki ang mga mata ko sa lugar kung saan niya ako dinadala.

Tumahol si Fiery at ibinuka ang kanyang bibig habang nakatingala sa kamay ni Red na nakahawak sa orb at para akong hinihintay para kainin niya. Napatayo akong bigla at sumigaw.

"Ano na naman 'tong ginagawa mo, Red?!" Sinipa ko ng paulit-ulit ang orb, nababakasakaling masira 'to.

Napaatras ako nang malapit na ako sa bibig ni Fiery. Malahigante ang mga ngipin at ang pares ng pangil niya sa paningin ko. Pati ang dila niya ay nag-aabang na rin sa 'kin.

Napasigaw nalang akong muli nang tuluyan na akong nakapasok sa loob ng bibig ni Fiery. Gumalaw ang panga niya hanggang sa napansin kong nawawala na ang ilaw mula sa labas.

"Fiery, h'wag!" Sigaw kong muli. Unti-unting sumara ang kanyang bibig hanggang sa tuluyan nang nagdilim ang paligid.

Napahawak ako sa orb at pinakiramdaman ko ang paggalaw ng dila ni Fiery bago ako lunukin. Ilang segundo akong naghintay ngunit ang napansin ko lang ay ang pag-bounce ng orb nang bahagya.

Hindi ako nilulunok ni Fiery.

Napaupo akong bigla at natulala pero nakahinga ng maluwag. Base sa galaw niya, sa tingin ko ay naglalakad siya ngayon. Pero bakit?

Ginulo ko ang buhok ko. Ako na yata talaga ang mababaliw! Hindi man lang nagbalak na ipaliwanag ni Red ang lahat bago gawin ang mga bagay-bagay sa 'kin.

Pinag-cross ko na lamang ang mga braso ko. Nakikiramdam sa galaw ni Fiery habang nababalutan ng dilim. Mahirap na, baka bigla niya akong lunukin.

Ilang minuto rin akong tahimik na naghintay at sa mga minutong 'yon, hindi parin ako nilulunok ni Fiery. Dapat ba talaga akong mapanatag na nasa loob ako ng bibig ng isang fox at napapalibutan ng nakakamatay na mga ngipin?

"Stager Red."

Naalarma ako nang makarinig ako ng bagong boses ng lalake. Napansin ko ring hindi na gumagalaw ang orb kaya baka huminto na sa paglalakad si Fiery.

"Papasok ako," sabi ni Red.

"Walang problema, Stager. At sa aking palagay sasama rin ang Spirit Guardian?"

"Tama. Kailangan ko si Drax sa loob."

Napatahimik ang kausap ni Red ng ilang saglit bago siya nagsalitang muli.

"Nakakapagtakang isasama mo siya ngayon. Hindi ba't lagi siyang may binabantayan sa Tyro ring-"

"Papasok kami." Seryosong sabi niya. Medyo kinalibutan ako sa tono ng boses ni Red.

"M-masusunod. Patawad sa panghihimasok, Stager Red. Pumasok na po kayo sa Stager Ring."

Bigla akong natigilan. Kumunot ang noo ko. Ano raw? Stager Ring?

"Velcomé ce Stager Ring," muling sambit ng bagong boses ng lalake.

Sa Stager Ring talaga kami papasok! Nakanganga akong nakaupo sa orb. Naglakad na muli si Fiery at sa pagkakataong ito, mabilis na siya kumpara kanina.

"Stager ring? Ipapakita ba sa 'kin ni Red ang Stager Ring?" Mahinang tanong ko sa 'king sarili.

Curious nga ako sa kung ano ang mayroon sa Stager Ring o kung ano ang itsura nito kaya gusto kong makapasok man lang pero...

Utang na loob. Ipinagbabawal ang pagpasok ng isang Tyro sa kabilang Ring na hindi pa nag-advance ng posisyon at mapapatalsik ako sa camp kapag nahuli kami.

Itinuon ko ang pansin sa galaw ni Fiery at ang mga ingay na naririnig ko. Sama-sama na aking naririnig ang mga tunog ng mga nag-uusap na mga genus, yapak ng mga paa, at ang pamilyar na tunog ng pagtatama ng mga blades ng swords.

Napatawa ako na halos hindi makapaniwala. Ano kaya ang itsura ng Stager Ring? Pareho kaya ng nasa Tyro? May Night Market din kaya dito? Guilds?

Napaisip ako. Maaaring may Guilds din sa Stager Ring. Ibig sabihin, naglalaban din ang bawat grupo? Ano naman kaya ang mga competitions dito?

Napakagat ako ng labi. Gusto ko nang lumabas at makita ang kabuuan ng Ring.

Ilang minuto rin akong hindi mapakali habang nakaupo sa madilim na bibig ni Fiery kaya nakaipon ako ng mga tanong. Kailan niya kayo ako ilalabas? May libreng tour kaya ako sa Stager Ring? Sandali, baka naman mabuking na Tyro ako?

"Nandito na tayo," sabi ni Red.

Halos kumabog ang dibdib ko sa kaba. Pinagmasdan ko ang unti-unting pagbukas ng bibig ni Fiery. Nakita ko na ang liwanag mula sa labas hanggang sa binukas niya na ang bibig niya ng tuluyan.

Napasinghap ako.

Nakita ko muna ang kamay ni Red na inabot ang orb na aking sinasakyan. Binuhat niya muli ito hanggang sa bitawan niya akong muli kaya lumulutang muli ako sa ere.

Mabilis kong inilibot ang aking paningin sa paligid. Kumunot ang aking noo sa mga bagay na nakikita ko ngayon.

Ah, hindi. Isang bagay lang.

Bato.

"Nasa kweba ba tayo?" Tanong ko.

Bato lamang ang nakikita ko sa paligid at maliban dito, may isang malinaw na ilog sa gitna. Hindi pangkaraniwan ang hugis ng lugar na kinaroroonan namin dahil pabilugan ito at mukhang nasa gitna kami ng kweba.

Tumingin ako kay Red. Itinaas niya ang kanyang kamay at pumitik sa hangin.

"Reversus," usal niya.

Pumutok ang orb na sinasakyan ko ngunit lumulutang parin ako. Sumunod na umepekto ang pag-reverse ng spell sa 'king katawan. Pinagmasdan ko ang aking mga kamay na unti-unting bumabalik sa dating laki nito. Nagiging normal na rin ang aking paningin hanggang sa tuluyan na akong nakaapak sa sahig.

Sa wakas! Bumalik na ako sa dati.

Tumingin kaagad ako kay Red. "Anong binabalak mo ha?"

Napatigil siya ng kaunti at pinagmasdan muna ako bago nagkibit-balikat at muling naglakad papunta sa harap ng ilog.

"Red naman! Nasaan ba tayo? Alam kong nasa Stager Ring tayo pero saang parte? Paano kung may makakita sa 'tin ha? Patay tayo kapag nagkataon."

Tumakbo ako at pumunta sa tabi niya.

"Walang makakakita sa 'tin dito, Irine. Ako lang ang nakakaalam sa lugar na 'to." Tumingin siya sa 'kin.

Napansin kong napangisi si Red habang nakatitig sa 'kin. Napaubo ako ng peke. Bakit parang 'di maganda ang kutob ko rito?

"At ang ibig sabihin, tayo lang dalawa ang nandito. Pwede nating gawin kung ano man ang gusto natin," patuloy niya.

Humakbang siya papalapit sa 'kin kaya napaatras ako. Bumilis ang tibok ng puso ko at bigla akong pinagpawisan.

H-hindi magandang biro 'to ha." Patuloy akong umatras habang lumalapit siya sa 'kin.

"Sino ba nagsabing biro 'to?" Ngumisi siyang muli.

Napansin kong tumaas ang kamay niya hanggang sa mahawakan niya ang pinakataas na butones ng polo niya. Nanlaki ang aking mga mata nang tinanggal niya ang pagkabutones.

Lumipat sa mas mababa ang kanyang kamay at tinanggal niyang muli ang sumunod.

"R-red, itigil mo 'to!" Sigaw ko. Nagpanic ako nang nabunggo ko na ang bato sa 'king likod.

Tatakbo na sana ako palayo ngunit isang bisig ang humablot sa 'king bewang at ibinalik ako sa pagkakasandal sa bato.

"Red!" Sigaw kong muli. Ikinulong niya ako sa gitna ng dalawa niyang mga braso.

Napahawak na lamang ako sa 'king damit nang mapansin kong halos ilang pulgada nalang ang lapit namin sa isa't-isa. Ramdam ko na ang init ng katawan niya.

Naramdaman kong may humawak sa 'king pisngi at itinaas ang aking mukha hanggang sa tumama ang paningin ko sa mga mata ni Red. Napalunok ako. Sari-saring emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya at ako mismo ay hindi ko mapaliwanag.

Pinagdikit niya ang aming mga noo. Halos lumabas na ang puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito.

"Alam mo bang matagal ko nang gustong gawin 'to?" Mahinang sabi niya.

Nalunod ako sa kanyang mga titig hanggang sa napansin kong ayaw na ng aking katawan na pigilan si Red.

Muling lumipat ang isa niyang kamay sa kanyang polo. Unti-unti niyang tinatanggal ang pagkakabutones hanggang sa umabot siya sa dulo.

Sa pagkakataong ito, lumipat ang kanyang tingin sa 'king mga labi. Hinila ako ni Red hanggang sa mawala na ang espasyo sa pagitan namin. Napahawak ako sa polo niya. Napapikit ako nang maramdaman ko ang paghinga niyang papalapit nang papalapit sa 'king labi.

Hinintay ko ang posibleng mangyari ngunit bigla yatang nag-iba ang kutob ko. Ilang segundo na ang nakalipas pero hindi nangyari ang inaasahan ko kaya minulat ko na ang aking mga mata.

Doon ko nakitang ang mga labi ni Red na nagpipigil na sa pagtawa. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig nang mapagtanto ko ang ginawa niya.

Huminga muna ako ng malalim. "Walangya ka talaga!"

Tinulak ko siya. Mabilis na humiwalay si Red sa 'kin at lumayo. Doon na siya tuluyang tumawa habang napahawak pa sa kanyang tuhod.

Halos tumaas na ang dugo ko sa 'king ulo sa sobrang pagkainis at hiya. Ginulo ko ang aking buhok at napapadyak na lang sa panggigigil.

"Sabihin mo sa 'kin..." Tumigil siya para pigilan ang pagtawa niya. "Anong inaasahan mong gagawin ko sa 'yo?"

Nanggigil ang mga ngipin ang mga kamao ko pero ngumiti parin ako ng peke sa kanya. "Alam mo, mas magandang maging masungit ka nalang sa 'kin kaysa sa pinaglalaruan mo ako ng ganito, Red."

Ginising ko ang aking spirit. Dumaloy muli ang puting usok sa 'king mga braso. Napansin ito ni Red kaya biglang nawala ang ngiti niya.

Itinaas ko ang aking kanang kamay bago ako naglabas ng kapangyarihan mula sa spirit. Unti-unting namuo ang maliit na bolang yelo sa ibabaw ng aking palad habang lumulutang sa ere. Mabilis na lumaki ang yelo na aking ginawa.

Tumingin si Red sa 'king kamay. Kumunot ang kanyang noo sa balak kong gawin. Ngumisi na lamang ako bago mabilis na ibinato ang bolang yelo sa mukha niya.

Bumulusok ang bolang yelo sa ere. Ngunit nangyari ang inaasahan ko. Itinaas ni Red ang kanyang kanang kamay para salubungin ito hanggang sa tumigil sa tapat ng kanyang palad ang yelo habang lumulutang. Ilang segundo pa't mabilis itong lumiyab at naging isang bolang apoy.

Itinapon kaagad ni Red ang bolang apoy sa ilog. Tumingin muli siya sa 'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Napahawak siya sa kanyang sintido bago napabuntong-hininga.

"Sige na." Umiwas siya ng tingin. "Patawad."

Napatigil ako dahil gumaan kaagad ang loob ko. Humingi na ba siya ng tawad dati? Wala akong maaalala ngunit masaya ako nang marinig si Red na humingi ng tawad. Sa itsura niya kasi, mukhang hindi niya ibinababa ang pride niya.

Magsasalita na sana akong muli ngunit nagsimula muli si Red. Tinanggal niya na ng tuluyan ang suot niyang polo kaya tumambad sa 'kin ang maganda niyang pangangatawan....

Kinurot ko ang sarili ko. Magtigil ka nga Irine!

Umiwas kaagad ako ng tingin. "A-ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

"Naghuhubad."

"Red!" Tumalikod ako.

Narinig ko siyang tumawa ng mahina. "Humarap ka nga dito. Linisin mo 'yang marumi mong utak."

Mabilis akong humarap sa kanya. "Maruming utak? Bakit ka ba kasi naghuhubad?"

Tinanggal niya ang kanyang sapatos bago tumingin muli sa 'kin. Buti naman 'di niya tinanggpal ang pants niya. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay na para bang niyayaya niya akong lumapit.

"Halika na," ani Red.

Kumunot ang noo ko. "Ano? Saan tayo pupunta?"

"May ipapakita ako sa 'yo, Irine. Ayaw mo ba?"

Pinanliitan ko siya ng mata. Sa palagay ko, lulusong kami sa tubig kaya niya tinanggal ang polo at pares ng sapatos niya. Kung nasa ilalalim ng ilog ang ipapakita niya, may malaki akong problema.

"Hindi ako marunong lumagoy," sabi ko sa kanya.

Nagkibit-balikat siya. "Kaya nga ako nandito, 'diba?"

Napatigil ako at tiningnan siya ng mabuti. Kung ang layunin niya man ay kalimutan ko muna ang mga nangyari ngayon, sasama ako. 'Yon ba ang gusto mong mangyari, Red?

Huminga ako ng malalim. Mabuti na rin ito para mawala ang atensyon ko sa mga bagay.

Tinanggal ko na rin ang pares ng sapatos ko bago lumapit kay Red. Iniabot ko ang aking kamay at hinawakan niya ito ng mahigpit. Bahagya siyang ngumiti kaya napaiwas ako ng tingin. Kung hindi pa siya titigil, baka tumalon na palabas ang puso ko!

"Bibilang ako ng tatlo bago tayo tatalon, maliwanag?" Sabi niya.

Napatingin ako kay Red. "Pero paano si Fiery?"

Nilingon naming dalawa si Fiery na nakahiga na at natutulog.

"Magsisilbi siyang bantay, h'wag kang mag-alala." Bahagya muling humigpit ang pagkakahawak niya sa 'king kamay.

Tumango na lamang ako. Tumingin muli kaming dalawa sa ilog. Napaisip ako, malalim kaya 'to? Ano kaya ang mga nilalang na nasa ilalim?

"Isa," panimula niya.

"Wala namang halimaw 'di ba?"

"Ano sa palagay mo?" Tumingin siya sa 'kin. "Dalawa."

"Uh-meron?"

Nagkibit balikat siya. "Tatlo."

Huminga ako ng malalim bago kami tumalon sa ilog. Nagpanic pa ako nang nabitawan ko ang ang kamay ni Red ngunit mabilis niya akong nahanap at hinila papalapit sa kanya.

Hinawi niya ang buhok ko habang nasa ilalim kami ng tubig. Mistulang nakipag-usap ang kanyang mga mata na nagtatanong kung ayos lang ba ako.

Ngumiti na lamang ako at tumango. Tumango rin siya bago nagsimulang lumangoy pailalim ng tubig. Ginaya ko siya sa kanyang paglalangoy habang hinihila niya ako. Kumakabog ang dibdib ko sa kaba nang makitang mas malalim at malawak pa sa 'king inaasaan ang ilog na ito.

Hindi ko na inilibot pa ang paningin ko sa madilim na parte. Nakapokus nalang ako sa liwanag na nakikita ko kung saan din ang direksyon na nilalangoy namin.

Tinanggal ko na lamang 'yon sa 'king isipan. Napansin kong malapit na kami sa liwanag. Isang malaking siwang na parang kweba ang nakita ko at doon kami pumunta ni Red. Lumangoy papaakyat si Red sa pagitan ng bawat bato habang hila ako kaya't hinayaan ko nalang siyang dalhin ako kung saan.

Ilang saglit pa'y nakalabas kami sa siwang at tumambad sa 'king ang mas masikip na daan. Napansin kong ang ilaw ay naggagaling na sa taas at doon na ang direksyon ng paglangoy ni Red. Pinagmasdan ko na lamang ang liwanag hanggang sa papalapit kami ng papalapit.

Kumunot ang noo ko nang mapansin ang imahe mula sa ilaw. Mga bato. Kung ganoon, aahon na kami.

Bumilis ang paglangoy ni Red hanggang sa tuluyan na siyang nakaabot sa dulo at nakaahon. Hinila niya ako para makasunod kaya't humugot kaagad ako ng hangin. Napakapit kaagad ako sa balikat ni Red at mabilis niya naman akong hinawakan sa beywang para hindi lumubog.

"Nasaan ba tayo?" Tanong ko.

Hinawi muli ni Red ang aking buhok at pinunasan ng bahagya ang mukha ko. "Lumingon ka sa likod."

Tumaas ang dalawa kong kilay at tiningnan siyang mabuti. Nasaan ba kasi kami?

Sinunod ko na lamang ang sinabi ni Red kaya lumingon ako sa likod. Halos nalaglag ang panga ko sa tumambad sa 'kin ngayon.

"I-isang cherry blossom tree?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Na nasa.."

Tinuro ko ang malagong Cherry Blossom Tree.

"N-nasa loob ng kweba?" Hindi ko maialis ang aking tingin sa puno ng Cherry Blossom na nakatanim sa gitna ng pabilugang ilog.

Kumikinang ang buong puno at ito ang nagbibigay ng ilaw sa buong kweba. Nagsisilaglagan din ang petals ng mga bulaklak na parang isang ulan. Ngunit ang nakaagaw ng pansin ko ay ang petals na nawawala na parang bula tuwing nalalaglag sila sa tubig.

Itinaas ko ang aking kamay at hinayaang malaglag ang isang petal sa palad ko, pero biglang nalaglag ang petal hanggang sa mapunta ito sa tubig.

Laking gulat ko nalang nang biglang nag-flicker ang ilaw na nagmumula sa petal nang mahawakan nito ang tubig.

"Irine..." Isang pamilyar na boses ang narinig ko kasabay ng pamumuo ng imahe ni Nisha sa parte ng ilog kung saan nalaglag ang petal. Ngunit mabilis din itong nawala.

Nanginig ang ibaba kong labi. "Anong nangyari?"

Tumingin ako kay Red para humingi ng sagot.

"Mas mabuting umahon muna tayo," usal niya.

Tumango nalang ako at sumabay sa paglangoy ni Red papunta sa malalaking ugat ng puno. Nang makaabot kami, hinawakan ni Red ang beywang ko para tulungan akong makaahon ng tuluyan mula sa tubig. Ginamit ko ang aking tuhod para makasampa sa malalaking ugat. Napansin ko namang isang malaking bato ang pinapatungan ng Cherry Blossom Tree.

Tumayo ako bago pumunta sa gitna at hinawakan ang puno. Hinintay ko nalang si Red na makaahon din at magsimulang ipaliwanag sa 'kin ang lahat. Naramdaman ko naman kaagad ang presensya niya sa likod ko. Hindi ako nagkamali dahil bigla nalang sumulpot si Red sa tabi ko at hinawakan din ang puno.

"Hindi ordinaryong puno ang Khelia," panimula niya. "Memory tree ang tawag ng karamihan sa kanya."

Tumingin ako kay Red. "Memory tree?"

Tumango siya. "Nababasa ng bawat petals ang nasa isip ng isang nilalang. Maaari rin niyang ipakita o iparinig ang mga bagay na nasa isip ng ibang tao kung gugustuhin mo."

Huminga ako ng malalim nang mapagtanto ko kung bakit niya ako dinala rito. Alam kong alam niya na importante sa 'kin ang maaaring sabihin ni Nisha bago siya malagutan ng hininga. Hindi ko man lang kasi nakausap ng maayos si Nisha dahil hirap na siyang magsalita noong naabutan ko siya.

"Gusto mong kunin ko ang pagkakataong ito para makita at marinig ulit si Nisha, hindi ba?" Tanong ko.

Nilingon ako ni Red at tinitigang mabuti. Ilang segundo rin siyang natigilan bago huminga ng malalim at umupo sa ugat ng puno na malapit sa ilog. Tumingin siya sa malayo bago nagsalita.

"Pumupunta ako rito kapag gusto kong makita si Meisha," sabi niya.

Meisha? Ang kapatid niya.

Napansin kong inabangan ni Red ang isang petal mula sa taas at kaagad na kinuha niya ito. Tinitigan muna ni Red ang petal na nasa ibabaw ng palad niya bago inilaglag sa ilog. Lumutang ang petal sa tubig.

Nag-flicker ang ilaw mula sa petal at mistulang kumalat ito sa ilog. Unti-unting namuo ang imahe na nasa ilog na para bang isang palabas.

"Kuya!" Sigaw ng isang babae na tumatakbo. Bakas ang saya sa mukha niya at ang excitement habang hawak ang isang libro.

Tumingin ako kay Red. Mukhang point of view niya ang napapanood ko.

"Tingnan mo oh!" Nakahinto na si Meisha at pinakita ang libro kay Red. "Nagawa ko ang spell na 'to! Nagawa ko siya kuya!"

Tumawa si Meisha at tumalon-talon na parang isang bata. Narinig kong tumawa rin ng mahina si Red bago inakbayan si Meisha para tumigil.

"Nagmana ka talaga sa kuya mo," usal niya bago ginulo ang buhok ni Meisha. Nagmaktol ang kapatid ni Red kaya tinulak niya ito at inayos ang nagulo niyang buhok.

"Kuya naman eh!" Natawa na lamang ako nang napanguso siya.

Pero napatahimik kaagad ako nang tumawa rin si Red mula sa aking napapanood. Napaka-genuine ng tawa niya. Ngayon ko lang narinig simula noong nakilala ko siya.

Biglang huminto si Meisha at tumitig kay Red. Ngumiti siya at mabilis na niyakap ang kuya niya.

"Salamat Kuya," bulong ni Meisha habang mahigpit na nakayakap kay Red.

Unti-unti nang nawawala ang imahe na nasa tubig. Lumalabo na rin ang nakikita kong mukha ni Meisha na nakangiti. Hanggang sa tuluyan nang bumalik sa dati ang itsura ng ilog at nawala na ng tuluyan ang imahe.

Hindi muna ako nagsalita. Hinintay ko si Red na siya muna ang magpaliwanag ng lahat, o kaya naman ay magkwento.

"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo ngayon, Irine. Tulad mo, naranasan ko rin ang mawalan ng minamahal," usal niya.

Ngumiti ako ng bahagya. "Mahal na mahal mo siguro si Meisha."

"Sobra," sambit niya. "Sobra pa sa buhay ko."

Pinagmasdan ko ang expression ni Red ngayon. Bakas ang pagiging seryoso sa sinabi niya habang nakatingin parin sa parte ng ilog kung saan lumabas ang imahe ni Meisha. Hindi ko alam pero bigla akong nainggit sa kapatid ni Red. Hindi ko pa kasi naranasan na mahalin katulad ng pagmamahal ni Red kay Meisha.

Kahit hindi tama pero naiinggit ako.

Naglakad ako sa direksyon ni Red at umupo sa tabi niya. Napalingon siya sa 'kin pero hindi ko na siya tiningnan dahil sa ilog na ako nakatitig ngayon.

"Maliban kay Sister Martha, alam mo bang simula pa noon, hindi ako nakaramdam ng pagmamahal, kahit sa tunay na magulang ko man lang. Pati nga ang best friend ko ay iniwan ako," sabi ko at tumawa ako ng mapait. "Kaya nakakainggit si Meisha. May mabuti siyang Kuya na katulad mo at nagmamahal nang walang katumbas sa kanya."

Nilingon ko nang tuluyan si Red bago ngumiti.

"Ramdam ko ang bawat emosyon mo, Red."

Nahuli niyang muli ang mga mata ko at ikinulong sa mga titig niyang mistulang nilulunod ako. Kaya unti-unting nawala ang ngiti ko sa 'king labi dahil sa pagbago ng expression ni Red. Nagsimulang magwala ang puso ko at halos tumalon na sa 'king dibdib.

Puso, please kumalma ka.

Tumaas ang kanang kamay ni Red hanggang sa umabot sa 'king mukha. Hinaplos niya ang pisngi ko bago hinawi ang basa kong buhok at bumalik sa paghaplos ng pisngi ko gamit ang hinlalaki ng daliri niya. Ramdam ko ang init ng palad niya dahilan kung bakit ayokong lumayo.

"Lalo mong pinapahirap ang sitwasyon, Irine," usal niya.

Bahagyang kumunot ang noo ko. Naalarma ako nang bigla siyang tumingin sa labi ko at hinaplos ang ibaba ng aking labi. "Lalabagin ko ang batas para lang sa 'yo."

Hindi ako makapagsalita. Hindi rin ako makahinga ng maayos.

Puso, sabing kumalma ka.

Muntik nang nanlaki ang mga mata ko nang tuluyang gumalaw si Red papalapit sa 'kin. Pinagmasdan ko lamang ang mga mata niyang nakatingin parin sa labi ko. Pinagmasdan ko ang bawat features ng mukha niyang lalong nagiging malinaw habang papalapit siya sa 'kin.

Napapikit na lamang ako nang ilang inches nalang ang layo niya sa 'kin. Halos tumalon ang puso ko nang naramdaman ko ang mainit na paghinga niya sa labi ko.

Bahagyang itinaas ni Red ang ulo ko hanggang sa maramdaman ko na ng tuluyan ang labi niyang dumampi sa 'king labi. Napahawak ako ng mahigpit sa 'king damit. Naramdaman kong gumalaw ang ibaba niyang labi hanggang sa ipinarte niya ang labi ko.

Nagsama-sama na ang lahat ng emosyon sa 'kin. Pero nananaig ang saya ko. Sobrang saya nang nararamdaman ko ngayon at sa hindi malamang dahilan, pakiramdam ko ay kaming dalawa lang sa mundo. Gusto kong kalimutan ang lahat para lang sa kanya. Lokohin ko man ang sarili ko o hindi, alam kong gusto ko siya. Gusto ko si Red at doon ako naiinis.

Biglang pumasok sa isip ko ang lahat ng mga balakid. Ang Amaryllis at ang batas nito. Ang spirits naming dalawa. Ang katotohanang hindi kami pwedeng dalawa.

Fire enchanter siya, ice enchanter ako. Ang apoy at yelo ay hindi kailanman dapat na magsama.

Napapikit ako ng mariin bago itinulak papalayo si Red sa 'kin. Napayuko ako at hindi ko nang binalak pang tingnan siya. Lalong humigpit ang hawak ko sa 'king damit at huminga ako ng malalim.

Hindi pwede 'to. Kasalanan ang nararamdaman ko.

"Patawad," mahinang bulong ni Red.

Huminga muli ako ng malalim bago naglakas ng loob na tumingala muli para tingnan siya.

"Alam mong..."

"Alam ko," pagputol niya sa 'kin. "Alam kong labag sa batas ng Amaryllis ang nararamdaman ko. Pero-"

"Tama na, Red. Mapapahamak tayong dalawa kapag may nakaalam sa nangyari. At alam mo ang parusa." Napalunok ako. "Maaari tayong mamatay."

Napansin kong kumuyom ang kamay niya hanggang sa naging kamao. Napapikit siya ng mariin at huminga ng malalim na para bang pinapakalma niya ang sarili niya.

"Hindi ko hahayaang mangyari 'yon, lalo na sa 'yo, Irine. Siguradong dadanak ang dugo-"

"Red-"

"Hindi ko 'to ititigil." Tumingin muli siya ng direkta sa 'king mata. "Mahal kita, Irine, at hindi ko hahayaang mawala ka pa sa 'kin."

~*~

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 227K 77
"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." 🖇 COMPLETED Date Starte...
61.7M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
3M 154K 81
Flare Fyche Henessy is her name. Living an adventurous life across the four continents of Elysian Empire. She's a daredevil, blunt, and feisty woman...
21.3M 788K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...