Forty Seven : Queen always protects it's King
************************************
In the game of chess, the Queen is always protecting its King. Same for the game of life and death.
//
"La morte è il vostro karma!"
"I-Icy?"
I just smiled coldly.
"Umalis ka na. Kalimutan mong may nangyari ngayon. Kalimutan mong may nalaman ka. Kilala mo ako. Pasalamat ka, ayokong pumatay ngayon."
Dali dali siyang naglakad at muntikan pang madapa malapit sa pintuan.
Lumabas ako ng kalmado at tumahak muli sa kung saan sila Britney.
"Anong nangyari? Did you k—"
"No. I need her. I need her service."
"So that means... she knew it?"
"Already."
From Sine: Ice, labas tayo mamaya. Sunduin kita sa labas ng Bev after school. Love you <3
Kinilig na naman ako iiihhh.
***
After class nga lumabas akong Bev at nakita ko si Sine na nagaabang roon.
"Tapos na class niyo?"
Tiningnan ko lang siya.
"Yup. Tara na. Saan ba tayo pupunta?"
"Mamasyal. Tara."
***
Pumunta kaming mall at nanood ng movie. Pagkatapos nun, pumunta kaming arcade. Kung ano ano ang nilaro namin rito hanggang sa napagdiskitahan kong kumanta sa videoke.
Umupo ako sa upuan sa harap nang nagsimula nang tumugtog yung kanta. Yung entablado sa harap na may Christmas lights. Kaharap ko ngayon si Sine na nasa baba.
"Hello... mic tests."
Nang nagsimula yung kanta... siya lang yung tinititigan ko. Kasabay ng pagawit ko ay ang pagtibok ng abnormal kong puso.
[Song: Baby, I do by Juris]
"You're always on my mind.
Since I've had this feeling... I found you in a dream... I believe to be true. Finally, you got me falling like this, and I don' wanna end of feeling like this..."
Ngunit habang tumatagal akong nakatingin sa kanya, nakokonsensya ako sa mga bagay na ginawa ko... Ang pagpatay kay Diamond, ang tangkang pagpatay sa mga Jacksonvile, ang pagpapasabog sa Jacksonville High.
Ang bigat sa pakiramdam. Ano kayang magiging tingin sakin ng lalaking to kapag nalaman na niya ang lahat?
"... You know I want to... Share the world with you. I promise to you, my feelings will never change. You know I want to, forever live in this moment. I wanna spend the rest of my life with you, I do..."
Matitingnan mo pa kaya ako ng ganyan, Sine? Makakangiti ka pa kaya sakin ng ganyan? Ma...mamahalin mo pa ba ako, Sine?
"Dreaming of a life, a happy ever after.
I couldn't imagine, if I wouldn't be with you.
Each day is like a fairytale come true...
I wouldn't ask for more than being with you... You know I want to... Share the world with you. I promise to you, my feelings will never change. You know I want to, forever live in this moment. I wanna spend the rest of my life with you, I do..."
This song reminds me of my feelings for him. Sobrang hirap lang ng sitwasyon ko ngayon. Ang bigat sa pakiramdam. Ang bigat sa puso.
"You know I want to... Share the world with you. I promise to you, my feelings will never change. You know I want to, forever live in this moment. I wanna spend the rest of my life with you, I do... I wanna spend the rest of my life with you, I do. With you, I wanna sped the rest of my life, Baby I do."
Pagkatapos ko nung kanta ay ngayon ko lang napansin na maraming tao pala ang nakakanood sakin. Hinila ako ni Sine at lumabas ng arcade.
"Ang galing mo palang kumanta Ice," saad niya habang paupo kami ngayon dito sa may Mcdo.
"Alam ko."
Ngumiti muli siya sakin. "Ang daming bagay pa pala ang hindi ko alam tungkol sa yo."
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
"Marami pa talaga Sine. Marami ka pa talagang bagay na hindi alam tungkol sakin."
Nangunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Sine... kapag may nalaman ka tungkol saking di maganda, ganyan pa rin ba ang pagtrato mo sakin?"
"Ano bang klaseng tanong yan, Ice? Kinakabahan ako sa sinasabi mo."
"What if... wala. Kain na tayo."
Sakto namang dumating yung pagkain namin.
"Maiba tayo, Ice. Uhm, kailan mo ba ako balak sagutin?"
"Gusto mo sagutin na kita ngayon?"
"Talaga?!"
"Ang sagot ko, hindi pa."
"Hmmm, ikaw talaga. Pero okay lang. Alam ko namang mahal mo ko di ba?"
Oo mahal kita... kaya ayaw kitang masaktan. Kaya nga nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sayo ang lahat o hindi.
"Basta wag kang magpapaligaw sa iba, hah?!"
★
{Jacksonville — Beverly Promenade)
Third person's POV
"Welcome to Jacksonville - Beverly Promenade. This is the night where we will continue the legacy and good relationship between Beverly and Jacksonville. A night that full of songs, and a night that full of love. As we start, may I call on the Student Supreme President of both Schools. Miss Skie Annika Beverly and Deniel Jacksonville to lead the entrance ceremony." Mahabang saad ng isang babaeng estudyante, na nakamaskara ng isang maningning na kato mask. Nakasuot ito ng mahabang black gown at isang napakapulang lipstick.
Pumunta sina S.A at Deniel sa gitna. Humarap at nagbow sila sa isa't isa.
"Why are you shaking? Are you nervous?" Tanong ni Deniel, pagkahawak niya sa kamay ni S.A, para simulan ang sayaw.
"Pakisabi kay Ice, sorry."
"What are you saying?"
"Just after this cotillion, pumunta ka kay Ice, sabihin mo nanganganib ang buhay ng lahat ng tao ngayon rito."
They dance with the music na pang-fairytale, for just a minute at nagbow muli sa isa't isa.
Pumasok ng by pair ang mga estudyante.
"Nasa paligid lang siya, Deniel. Nagmamanman. May gagawin siyang hindi maganda. Just please, I know Ice can stop this mess." Nagsimula ng lumuha si S.A ngunit hindi niya pinahalata, at ngumiti nalang.
Kabilang sina Sine at Ice sa ilang pair na sasayaw ngayon sa cotillion. Isa isang nagbow ang mga ito at pagkatapos ay pupunta sa kailang designated areas.
"Ice, ano ba talagang trip mo? Ba't ka nakarubber shoes?" bulong ni Sine sa kanya. Nakaformal silang lahat, nakapang- cotillion na suot, kaya lang si Ice lang ang naglakas loob na magrubber shoes, while the others are on their own heels.
"Gusto kong naiiba?!"
"Ang weirdo mo talaga."
Nagsimula na ang cotillion. Nagsimula nang ipatugtog ang fairytale na music.
"I can't understand. Sinong siya? At bakit si... Ice?!" nagtatakhang tanong parin ni Deniel, habang patuloy na sumasayaw sila.
Ngumiti si S.A kahit labag sa kalooban niya. Para hindi siya mapansin ng taong nagmamanman sa kanya.
"Siya lang ang makakapagligtas sa ating lahat ngayon, siya... siya si Queen Icy."
***
Mga ilang minuto rin ang habang performance. Pagkatapos nun ay nagsalita muli ang MC at naghanap na ng mga pwesto ang mga estudyante.
"Stay tuned, students of Jacksonville and Beverly. Ang tunay na palabas ay magsisimula palang..." pangiting saad sa panghuli ng emcee.
***