MAFIA 3: DARK The Mafia Boss...

By YourMyCookieHeart

1.5M 32.3K 1.9K

Aileen Ramirez ay isang probinsyanang babae na napadpad sa siyudad ng ka-maynilaan dahil sa nangyaring hindi... More

PRELUDE
UNO
DUE
TRE
QUATTRO
CINQUE
SEI
SETTE
NOVE
DIECI
UNDICI
DODICI
TREDICI
QUATTORDICI
QUINDICI
SEDICI
DICIASSETTE
DICIOTTO
DICCIANNOVE
VENTI
VENTUNO
VENTIDUE
VENTITRE
VENTIQUATTRO
VENTICINQUE
VENTISEI
VENTISETTE
VENTOTTO
VENTINOVE
TRENTA
TRENTUNO
TRENTADUE
TRENTATRE
TRENTAQUATTRO
TRENTACINQUE
TRENTASEI
TRENTASETTE
TRENTOTTO
TRENTANOVE
QUARANTA
QUARANTUNO
QUARANTADUE
QUARANTATRE
QUARANTA-QUATTRO
QUARANTA-CINQUE
QUARANTA-SEI
QUARANTA-SETTE
QUARANTOTTO
QUARANTA-NOVE
CINQUANTA
CINQUANTUNO
CINQUANTADUE
CINQUANTATRE
CINQUANTAQUATTRO
CINQUANTA-CINQUE
CINQUANTASEI
CINQUANTA-SETTE
CINQUANTOTTO
CINQUANTA-NOVE
ULTIMO CAPITOLO
EPILOGO
NOTA DELLA DEA
Capitolo Speciale
G R A C I A S!

OTTO

31K 633 13
By YourMyCookieHeart

DARK The Mafia Boss Chapter 8

"ANG GANDA mo talaga," puri ko. Hindi ko talaga maalis-alis ang pagkamangha ko sa babaeng kaharap.

Tignan mo nga naman 'o parang dyosang bumaba sa lupa para ikalat sa lahat ng mga mortal ang kagandahang taglay nito. Naks! Iba rin siya oh.

Umikot ng isang beses ang babaeng kaharap ko. Bagay talaga sa kanya ang damit. Bagay na bagay. Kulang na lang ay itapon sa basurahan. Di joke yun. Bumagay talaga sa kanya ang pulang floral dress na hanggang tuhod nito. At binagayan pa ng pagka-messy braid nitong buhok at light make-up lang ang gamit nito.

Para siyang dyosa na bumaba sa mount Olympus para ipalaganap ang kagandahang taglay nito. Hindi nakakapagtaka na agad mo talaga.

Umikot ulit siya sa huling pagkakataon. "Omg!" Gulat kong sambit na ikinataranta ng mga tagapagsilbi sa likod ko

"ayos lang po ba kayo, miss?"

"May masakit po ba sa inyo?"

"Ano po ang nangyare?"

Tinitigan ko sila isa-isa, oo nga pala may ina-sign saakin na tatlong babae. Sila si Ana yung maikli ang buhok na nasa gitna nila. Kaliwa naman nito ay si Cose at si Cole na kapatid ni Cose. Sila daw yung mga magbabantay sa akin. Daig ko pa nga ang bata nito sa dami nila.

"Okay, lang ako." Napahinga naman sila ng maluwag.

"e ano po yung ikinatili ninyo, miss?" Tanong sa akin ni Cose.

Napatingin ulit ako sa harapan na ngayon ay nakikita ko parin ang babae sa harapan. Napahalukipkip ako at inilagay ang hintuturo sa baba ko. "Kasi..." pabitin muna. "ang ganda ko talaga." Ani ko.

"Po?" Utal naman ni Cole.

Tinitigan ko siya mula sa salamin. May pagtataka sa mukha nito. Kung pwede lang ay may mag-pop-up sa itaas ng ulo niya. Hindi ba niya gets ang sinasabi ko? Urgh, wag na nga lang. Ayaw kong mai-stress ang kagandahan ko.

Napalingon ako sa pinto ng may marahan na kumatok rito at iniluwa 'non si Dark. Natigilan ito sa pagpasok na ikinakunot ng noo ko. Nakatuon ang mga mata nito sa akin.

Ang assuming ko naman kung ako ang tinitigan niya. Kaya nilingon ko ang likuran ko. Subalit sarili ko lang ang nakikita ko sa salamin at inilipat ulit ang tingin ko sa kanya na ganoon pa rin.

Ahm, may nakikita ba siya na hindi ko nakikita? Sabihin niya lang, takot ko lang na may manyika rito. Ayaw ko pa naman sa mga ganoon. Magpakita na sa akin lahat ng multo o halimaw basta wag lang ang manyika. Nakakatakot kaya sila. Feeling ko kasi gumagalaw sila at papatayin ako.

Nabalik ako sa wisyo ng magsalita si Ana na nakayuko. "Master, handa na po si Lady Aileen."

Napakurap-kurap naman ang huli at tumikhim. "G-good," nauutal pa itong saad. Anyare bes'?

Tumikhim ulit ito at pumasok sa silid na agaran namang ikinaalis nila Ana, Cose at Cole. Ang ibig-sabihin ay kaming dalawa ang naiwang ngayon sa kwartong ito.

Hindi ko magawang alisin ang pagtitig sa kanya. Nakakapanlambot talaga ng tuhod ang uri ng titig nito.

Marahas akong huminga ng malalim dahil sa lapiy nito at hindi ko maitangging napakagwapo niya sa suot nito. Nakikita ko naman siyang ganito pero iba ngayon.

He is very handsome in his tuxedo. Walang kahit na anong gusot man lang ito. And a his simple black hair, na para bang dinilaan ng kalabaw ang ayos ng buhok nito at pwede ng madulas ang bangaw rito. Binagayan din ng kulay ang necktie nito ang suot ko ngayon.

"Done checking me out?" He smirk while saying those words. Oy, English yun 'a.

Sasagot na sana ako sa kahanginan nito pero ayaw ko na siyang patulan pa dahil baka kung ako lang ang magsalita ay baka kanina pa siya nilipad ng bagyong taglay ko. Duh, itong kagandahang taglay ko ay walang kupas.

"Ahm, lalabas na ba tayo?" Kapagkuwan ay tanong ko sa kanya na ngayon ay nakatitig lang sa akin. Napakurap-kurap ako. Ano pa ba ang hinihintay niya? Pasko o biyernes santo? Gusto ko pa naman sa birthday ko. Pfft.

Seryoso na, talaga naman kasi nakakailang ang titig nito sa akin. Kung makatitig kasi parang ako yung pinakamagandang tao sa balat ng universe. Maarte na kung maarte pero nakakailang lang. Alam ko naman na maganda talaga ako. Bakit pa ipahalata. Flip hairlalu.

Iwinawagayway ko ang kamay sa kanyang harapan na ikinakurap niya. "What?" What daw oh. Kung makatitig kanina parang walang bukas ang kagandahang taglay ko.

"ganda ko 'no?" Tudyo ko sa kanya at itinaas-baba ang dalawa kong kilay.

"Tsk!"inirapan niya ako na ikinanganga ko. Aba! Aba! Inirapan niya ang kagandahan ko. "We have to go."

Napaiktad ako ng may mga brasong pumulupot sa aking beywang. Sheeet na malagkit! May kiliti pa naman ako diyan.

"Why are you laughing?" Seryoso ang pagkakatanong nito pero hindi parin mawawala sa mukha ang walang emosyon nito kahit nakakunot ang noo nito.

"Eh...kasi..." mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa beywang ko. Hiniwakan ko ang isang daliri nito na agad ko namang binawi dahil sa bigla na lang akong nakuryente. Hala ka oy! Ano yun?

Tumingala ako dahil sa katangkaran nito at dahil sa pandak na maganda na ako. Kahit na mag-heels pa ako ng ilang pulgada ay hindi ko parin mapapantayan ang isang ito.

"What?" Iritado na ang boses nito.

"N-nakikiliti ako," saad ko sabay sulyap sa braso niyang nakapulupot sa akin.

Nang mapansin niyang nakatingin ako doon ay mas hinigpitan pa niya ang kapit dito. Kainis naman, nakikiliti talaga ako 'e. "O-oy ano ba b-bitaw na nga!"

"Masanay ka na," sabi niya at nagpatiuna sa paglalakad.

Muntik pa nga akong matapilok buti na lang at nasalo ako ni Dark. Naku muntik ko ng makalips to lips si pareng sahig. "Tsk, be careful," sermon niya na ikinasimangot ko.

Kung siya kaya ang magsout ng limang pulgadang takong na sapatos na ito tignan natin kung hindi siya matatapilok. Gaaa, isampal ko ito sa kanya 'e.

Nasa hallway na kami at nakikita ko na ang barindilya ng hagdan nang makita ko si mybebelabs Kidd na kapareho pa rin ang sout nito kanina. Yumuko ito bilang pagalang at agad naman itong inangat. Gwapo talaga nito. Nakaka-nakaka-kakagigil sa kagwapuhan.

"They're waiting, Dark." Aniya na may tipid na ngiti sa mga labi.

Nalipat ang tingin ko kay Dark nang ilipat nito ang mga kamay ko sa braso niya. Nakakawit na ako ngayon sa matitipuno nitong mga braso. "Hold on tight," mahina pero sapat para marinig kong sabi.

Agad akong binundol ng kaba. Iniisip ko palang na maraming tao ang nasa ibaba ay parang masusuka ako. Mas malala pa ito sa reporting sa klase. Huhubels. Kibakabahan talaga ako.

Kasi mula rito ay naririnig ko na ang malamyos na musika na nangagaling sa speaker at ang mga boses ng mga tao.

Wala sa sariling napakagat ako sa ibabang-labi ko ng magsimula na kaming maglakad. Mahigpit akong napahawak sa braso ni Dark at dress ko nang mapalingon sa gawi namin ang lahat ng bisita ss baba at matigil ang kanilang mga ginagawa.

Paghanga, gulat, tuwa at mautoridad ang nasa mga mata ng mga taong andito. Naghihintay para makababa kami ni Dark sa engrandeng hagdad.

Hindi ko alam pero mas dumoble ang kabang nararamdaman ko ngayon. Dahil ba ito sa mga taong naririto o sa ibang bagay. Hindi ko alam. Hindi ko alam.

ILANG malalaking tao ang ipinakilala sa akin ni Dark pero isa sa kanila ay hindi ko matandaan man lang ang kanilang mga pangalan. Dahil hind ko forte ang mag-memorize ng pangalan ng isang tao.

Dapat, minsan rin, ang mga magaganda tulad ko ay hindi na kailangan matandaan ang mga pangalan nila ay sapat na para maatandaan nila ang nagmamay-ari ng magandang pangalan na 'Aileen'.

Dahil isa iyong insulto sa part ko na hindi nila ako kilala.

Napasimangot ako ng tuluyan ng hilahin na naman ako ni Dark sa kung sino. Argh! Nararamdaman pa ang lalakeng ito? Kase, kanina pa nananakit ang mga paa ko dahil sa pamatay buhay na heels na ito. Nunka, na wala pa itong upuan simula ng mag-grand entrance ang damuho. Masyado kasing papansin.

Lumapit kami isang grupo. Nasa isa silang lamesa at nagtatawanan. Maliban sa dalawa na nag-aaway? Ata. Nakatalikod ito mula sa amin kaya hindi kami nito napapansin.

"Kainis! Sabi ko gusto ko 'nung chocolate pero ang ibinigay mo hindi chocolate? May sapak ka ba ha?!" pinukol niya ng masama na tingin ang katabi. "Ano bang pinagkaiba ng chocolate sa salad, ha?!" Dugtong niya, sabay atras sa platong may salad.

Inatras pabalik ng lalake sa babae na katabi nito na kanina pa napipikon. Kulang ba lang ay may lalabas ng usok sa ilong nito.

"Chocolate is not healthy, Rose." Walang emosyong ani ng lalake. Parang narinig ko na ang boses na iyon.

Naningkit naman ang mata ng babae, "wala kang pake kung hindi healthy ang chocolate basta gusto ko 'nun."

"No," may pinalidad sa boses nito.

Marahang napasabunot naman ang babae sa buhok niya. "Nai-stress ang utak ko sayo, hilaw!"

Tumayo ito at aalis na sana nang matigilan na makita kami. Tipid akong ngumiti sa kanya.

Napakaganda niya sa dark-green off-shoulder dress niya na ikinabagay sa mapuputi nitong balat. At naka-curl din ang dulo ng buhok nito at nakaside-ways din ang bangs niya. Sa tingin ko hindi ito nagmake-up kasi parang nagmake-up na rin siya dahil sa mapupulang pisngi at labi nito. Dark-brown eyes at matatangos na ilong---

"Oh," napatigil ako sa pagd-discribe sa kanya ng sinapak niya ang lalake na katabi niya na ikinalaki ng mga mata ko. Napanganga ako dun 'a.

"Fvck!" Singhal naman ng lalakeng sinapak niya at masama siyang tinitigan na ikinatawa lang ng mga kasamahan nito. "What is it?!" Napikon ata.

"Yung pinsan mong baliw," aniya na ikinatingala ng lalake. Nakahalukipkip lang ang babae sa harap naman.

"Tsk!" Tumayo yung lalake at pinatitigan ko siya. Tama nga ako. Siya yung pumunta rito noong isang linggo. Yung kausap ni Dark sa opisina niya. "Dark," simula nito at nakipag man-hug sa pinsan.

"Hey man," bati ni Dark sa kanya na obviously, wala pa ring emosyon. Napansin ko ring tumayo ang mga kasamahan nito at marahang yumuko.

Ang pormal nila. "Atlast, pinakilala mo na rin siya sa amin." Wika ng lalake sa gilid 'nung babaeng sinapak ang katabi. Nanapansin ko, parang magkamukha sila.

Napalingon ako sa lalakeng ito at ningitian ako. "By the way, I'm Kevin, and this woman beside me is my twin sister and..." huminto siya at pinatitigan ang lalakeng katabi ng sinasabi niyang twin sister, kaya pala magkamukha sila. "...this is Drexel."

"Her boyfriend." Dugtong naman ni Drexel. Masama niyang tinitigan si Kevin.

"Kahit na kailan hindi ko pa rin matanggap na boyfriend mo na ang lalakeng ito, Jakie." Jakie pala pangalan niya.

Inirapan lang siya ng kakambal na ikinanguso nito. "You don't have anything to do now, she chose me because she love's me." Puno ng kumpyansang saad naman ni Drexel. Dahil sa sinabi nito ay parang namumula ang ilong ni Jakie. Cute.

"Jakie, makipaghiwalay na ka sa kanya. Inaaway niya ako oh!" Sumbong nito.

"Aargh! Kainis!" Sabi lang nito at umupo na.

Napalingon ako sa tumikhim. At pansin ko ay kanina pa sila nakatayo.
"Pwedeng umupo na kami?" Ngumiti yung lalake. Bale lima silang lalake at may kasama itong babae na nakikita ko ay bata pa ito at singkit ang mga matang nakangiti sa akin na ginantihan ko naman ng malawak na ngiti.

Tinanguan lang sila ng huli at agad itong umupo. Inilipat naman ni Drexel ang tingin sa amin o more like kay Dark. "So, what your decision?" Napakunot ang noo ko.

Ito ba yung plano nila kung paano papatayin si majinbo? Hanggang ngayon naalala ko parin, kasi gusto kong sumama sa plano nila.

Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Wala ba silang plano na magsalita man lang? Ganito ba sila magpi-pinsan? Walang imikan? Ganern? Kung ganito ang lahi nila, sana pala nagbigti nalang kayo mga bes'.

Napabuntong-hininga si Dark, "okey," saad nito.

"What okey?" Tanong naman ng pinsan niya.

"Okey." Sagot na naman ni Dark.

"What okey?" Ulit na naman nito.

Para silang mga baliw. Tama nga ang sabi ni Jakie. Mga baliw nga sila.

"Pwede bigti na lang kayo?" Singit ko sa kanila. Parang ako ata ang mamo-mroblema sa mga ito. Para lang timan. Takas ata 'to sa mental ang dalawang ito.

Sabay silang natingin sa akin na magkarugtong na ang mga kilay nila.

"What?" Tanong sa akin ni Dark.

"Aah, kasi...he-he-he..." sabi ko na lang at nagpeace-sign sa kanilang dalawa.

Ayoko ng sumingit sa usapan nila baka mahawa pa ang kagandahan ko sa kabaliwan nilang dalawa.

#unedited #IamDyosa

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 27.9K 66
Its all about a student with her weird and possessive professor. She doesn't know anything about him, but she can feel all the access to him. Will th...
2.8K 211 60
MATURE CONTENT: READ AT YOUR OWN RISK! Mayaman at nakukuha ang lahat ng magustuhan niya, iyon ang nakagisnan na buhay ng isang Rald James Gonzalvo. H...
23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
155K 2K 21
Date started: October 9, 2017 Date finished: June 25, 2019 #3 IN DIVORCE