Vampire Kiss

Por lucypherrr

27K 1K 50

Have you ever heard about the "NEW GENERATION VAMPIRE" ? They don't drink blood but they kiss human to surviv... Más

Panimula
Kiss 1
Kiss 2
Kiss 3
Kiss 4
Kiss 5
Kiss 6
Kiss 7
Kiss 8
Kiss 9
Kiss 10
Kiss 11
Kiss 12
Kiss 13
Kiss 14
Kiss 15
Kiss 16
Kiss 17

Kiss 18

36 2 1
Por lucypherrr


Pag alis na pag alis ni Kier sa loob ng kaniyang silid ay bigla na lamang syang napa upo at bumuhos ang kaniyang mga luha. Hindi siya makapaniwala na nagawa nitong pag taksilan sya. Itinuring nya itong higit sa Protector nya kaya hindi niya inaakala na magagawa ito ng binata.

Nakita nya si Kier na nag lalakad papunta sa silid nya, tatawagin nya dapat ang binata ngunit may kung anong nag tutulak sa kaniya para sundan ito. Narinig nya ang lahat ng sinabi nito sa kaniyang kabiyak. 

Hanggang ngayon hindi nya maintindihan kung anong dahilan ni Kier para pag taksilan sya nito. Hindi nya naman ito tinuring na iba, ginawa nya rin ang lahat para protektahan ito ngunit bakit sya nito pinag kalulo sa council. 

Samantalang si Zero ay nakatitig lang sa dalaga, kitang kita nya na sasaktan ito sa nangyari. Kahit galit sya sa dalaga sa ginawa nitong pag papainom ng dugo sa kaniya at nilapitan nya padin ito ay niyakap. 

Niyakap nya lang ng mahigpit ng dalaga, rinig na rinig nya ang pag hagulgol nito. Alam nya ang sakit ng mapag taksilan kaya naiintindihan nya ang pinag dadaanan nito. Hinayaan nya lang umiyak ang dalaga hanggang sa maiiyak na nito ang lahat ng sakit na nararamdaman. 

Ilang saglit pa ay naramdaman nito ang pag bagal ng paghinga nito at nang tingnan nya ang dalaga ay nakatulog na ito sa kakaya iyak. Binuhat nya ang dalaga at inihiga ito sa higaan nito. Tiningnan nya ang dalaga at humihikbi padin ito sa pag tulog ay patuloy padin ang pag agos ng mga luha nito. Parang may kung anong humaplos sa kaniyang damdamin.

Pinunasan nya ang luha sa mga mata nito gamit ang kaniyang mga kamay. Nakaramdam sya muli ng isang emosyon na akala nya ay hindi na nya uli mararamdaman pa simula ng mamatay ang kaniyang magulang. Nasasaktan sya. 

Kinumutan nya ang dalaga saka ito hinalikan sa noo bago nilisan ang silid nito. 

Pag uwi nya sa kanilang bahay ay sinalubong sya ng kaniyang kapatid "Kuya! Akala ko hindi kana babalik" pag yakap sa kaniya ng kaniyang nakababatang kapatid. 

Agad nyang ginantihan ang yakap nito at ilang saglit pa ay naramdaman nya ang pag tulo ng mga luha nito. Agad nyang hinarap ang mukha ng kaniyang kapatid sa kaniya at tinitigan ito, naka titig sya sa kulay aboy mata nito na ngayon  ay puno na ng luha.

"Walang Hunter na umiiyak" mahinahong sabi nya rito habang pinupunasan ang mga luha nito. 

"Akala ko Kuya iniwan mo na rin ako katulad nila mama at papa" humihikbing saad nito habang naka titig sa kaniya.  May kung anong dumaan na emosyon sa kaniyang mga mata na naging dahilan upang hagkan nya ang kaniyang nakababatang kapatid "Tandaan mo Zenon, kahit anong mangyari hinding hindi ka iiwanan ni Kuya" 


- - - 


Nagising si Serenity na mag isa sa kaniyang silid, sa buong buhay nya ngayon lamang nya nakaramdam ng ganitong pakiramdam. Akala nya ay hindi na muli sya makakaramdam ng ganitong sakit.  

Tumayo sya sa kaniyang kama at tumapat sa salamin, nakita nya ang kaniyang mga mata na walang kahit anong emosyon. Kinapa nya ang kaniyang bulsa para kuhanin ang kuwintas ng kaniyang protector. Pagak syang napatawa ng makita ito. 

Punong puno ng hinanakit nya itong hinawakan at ibinuhos nya ang kaniyang lakas upang sirain ito hanggang sa maging abo ito at unti unting mawala sa kaniyang mga palad. Hindi sya makapaniwala na gagawin nya ito, alam nyang malalaman ito ng mga council at malalagot siya pero wala na syang pakielam sa ano mang mangyayari, simula ng tangkain nitong saktang ang kaniyang kabiyak at ang pagtaksilan sya ni Kier alam nya sa sarili nya na kahit ang kamatayan nya pa ang maging kapalit wala na siyang pakielam. 

Kung kanina ay naguguluhan sya, ngayon ay siguradong sigurado na sya hindi hindi na nya kailan pa pag kakatiwaan si Kier o kung sino man. 

"Pati ba ang iyong kabiyak?" may kung anong tinig na nag tanong sa kaniyang isipan, isang tanong na hindi sa nya pa masasagot ngayon. 

Naguguluhan sya, alam nyang ayaw sa kaniya ng binata ngunit alam nya na hindi siya nito iniwan hanggang sa makatulog sya. Muli nyang naalala ang mga tingin nito sa kaniya, may kung anong mali sa mga tingin nito at hindi nya alam kung ano iyon. 

Mabilis syang nag teleport papunta sa bahay ni Kier, agad niyang tinahak ang silid nito at pagkabukas nya ng pinto nito ay syang pag angat ng tingin ni Kier sa kaniya. Sinalubong sya nito ng mga mugto nitong mata. 

"Serenity..." mahinang bulong nito, bakas sa mukha nito ang saya na makita sya ngunit wala paring emosyon ang kaniyang mga mata. Puno ng puot ang kaniyang puso at maging ang kaniyang mga mata ay hindi magawang maipakita ang emosyon na nararamdaman nya. 

Tinitigan nya ito sa mga mata at ginamit nya ang kaniyang kapangyarin upang patulugin ito. Nang masiguro nya na tulog na ito saka niya ito nilapitan. 

Dahan dahan nyang hinaplos ang mukha nito, hindi sya makapaniwala na ang taong tinuring nyang higit pa sa kaibigan ay nagawa syang pagtaksilan. Gumuhit sa kaniyang mga labi ang isang malungkot na mga ngiti. 

Hinawakan nya ang ulo ni Kier gamit ang kaniyang kamay saka pumikit "Lahat ng ala-ala mo na kasama ako ay mawawala, ako ay ituturing mo na lamang katulad na iba bilang isang prinsesa na iyong pag sisilbihan hanggang sa iyong kamatayan" kasabay ng pag bigkas nya ng mga katagang iyong ang pagliwanag ng kaniyang kamay na nag nangangahulugan na unti unti ng nawawala ang memorya nito na kasama sya. 

Sa huling pagkakataon bago nya pakawalan ang binata, binigyan nya ito ng isang halik sa noo na puno ng emosyong hindi nya maipaliwanag saka tuluyang nilisan ang silid. 


- - - 


"Gusto kong malaman kung sino si Zero papa at kung paano syang naging hunter gayon na may kakaiba kaming nararamdaman ni Kier mula sa kaniya" tanong ni Leana sa kaniyang ama sa loob ng study room nito sa kanilang bahay. 

"Mula ang pamilya ni Zero sa pinakamakapangyarihang hunter, isa ang angkan nila sa pinakakinatatakutan ng mga immortal na makasagupa dahil wala silang awa" sagot ng ama sa kaniya

"Pero kung galing sya sa isang makapangyarihan angkan, bakit silang magkapatid lang ang nakikita ko" 

"Dahil pinatay ang buong angkan nila ng isa sa mga apo ng council sa pinakamasalimuot na paraan. Ininom ang dugo ng mga ito hanggang sa pinaka dulo sa kanilang harapan, swerte na lamang nila at nakaligtas silang magkapatid sa trahedyang iyon" 

"Kaya pala ganoon nalang kalaki ang galit nito sa mga bampira pero... nasaan na ang bampirang may gawa noon?"

"Bigla rin itong nawala matapos ang insidente na iyon at hindi na nag pakita sa kahit kanino. Bakit ba ang dami mong tanong sa pamilya ni Zero, sya ba ang iyong kabiyak?" tanong ng kaniyang tatay 

"Hindi, siya ang kabiyak ni Serenity" 


- - -


Muling nakaramdam si Zero ng isang pakiramdam na matagal na noong huli nya ito naramdaman mabilis umalis ang binata sa tabi ng natutulog nyang kapatid at nag kulong sa cr. Mabilis nitong kinuha ang lalagyan na gamot sa kaniyang bulsa saka nito nilagay ang dalawang tableta sa kaniyang bibig. 

Dali dali syang nag hilamos upang mahimasmasan "Muntik na.." mahinang tugon nya ng makita nya ang kaniyang repleksyon sa salamin tanaw na tanaw ang totoong kulay ng kaniyang mga mata. 


- - - 


Note: please leave a comment or vote if ever man may nag babasa pa nito.

Seguir leyendo

También te gustarán

1.9M 150K 54
Anna Merliz Callista is a wizard from Fevia Attero. To be born into a prominent wizarding clan should have made her happy, but as someone who was bor...
3.8M 134K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...
170K 5K 62
EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang bansa at ng dati nitong emperyo. Nahumaling...
14.9M 481K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...