Elemento Club

By GilLandicho

151K 6.6K 1.2K

May kakaibang club sa Owkward Academy. Masyadong piling-pili at exclusive ang mga members nito. May campus cr... More

MESSAGE FROM THE AUTHOR
ELEMENTO CLUB MAIN COVER SKETCH
ELEMENTO CLUB CHARACTER SKETCH
O.A. Secret Files: Entry 1
Chapter1: APOY AT KIDLAT
O.A. Secret Files: Entry 2 [OWKWARD ACADEMY CAMPUS MAP]
Chapter2: APOY AT KIDLAT
O.A. Secret Files: Entry 3
Chapter3: APOY AT KIDLAT
O.A. Secret Files: Entry 4 [HIMAW Sketch]
Chapter4: APOY AT KIDLAT
O.A. Secret Files: Entry 5 [Bela's Instagram post]
Chapter5: APOT AT KIDLAT
O.A. Secret Files: Entry 6 [Andrea Quick Sketch]
O.A. Secret Files: Entry 7 [Steve Quick Sketch]
Chapter7: APOY AT KIDLAT
O.A. Secret Files: Entry 8
Chapter8: APOY AT KIDLAT
Chapter9: APOY AT KIDLAT
Chapter10: APOY AT KIDLAT
O.A. Secret Files: Entry 9 [Steve and Andrea Quick Sketch]
Chapter11: TUBIG AT LUPA
Chapter12: TUBIG AT LUPA
Chapter13: TUBIG AT LUPA
Chapter14: TUBIG AT LUPA
Chapter15: TUBIG AT LUPA
O.A. Secret Files: Entry 10
Chapter16: TUBIG AT LUPA
Chapter17: TUBIG AT LUPA
Chapter18: TUBIG AT LUPA
Chapter19: TUBIG AT LUPA
BELA & AMIRO Quick Sketch
Chapter20: APOY AT KIDLAT
Chapter21: APOY AT KIDLAT
Chapter22: APOY AT KIDLAT
O.A. Secret Files: Entry 11
SUNNY MONTES Instagram Post
Chapter23: HANGIN AT YELO
Chapter24: HANGIN AT YELO
Chapter25: HANGIN AT YELO
Chapter26: HANGIN AT YELO
BELA * SUNNY * ANDREA Instagram post
Chapter27: HANGIN AT YELO
Chapter28: HANGIN AT YELO
Chapter29: HANGIN AT YELO
Chapter30: HANGIN AT YELO
SUNNY & PRINCE
O.A. Secret Files: THE LAST ENTRY
MESSAGE FROM THE AUTHOR
Chapter 1 | Ang Panaginip ni Andrea
Chapter 2 | Ang Pinagmulan ng mga Sagradong Nilalang
Chapter 3 | Ang Sagradong Nilalang ng Kidlat
Chapter 4 | Ang Paglaganap ng Takot
Chapter 5 | Isa sa mga Mata ni Ha-Des
Chapter 6 | Ang Lihim ni Steve
Chapter 7 | Ang Kapatawaran
Chapter 8 | Ang Bisita sa Gabi
Chapter 9 | Iisa Lang ang Kailangan
Chapter 10 | Ang Sagradong Nilalang ng Hangin
Chapter 11 | Ang Bagong Kaguluhan
Chapter 12 | Mga Pangako
Chapter 13 | Si Clayton, Ang Taong-putik
Chapter 14 | Ang Pag-ibig ng Putik
Chapter 15 | Ang Sagradong Nilalang ng Lupa
Chapter 16 | Ang Pagsundo
Si Bela at ang Kanyang mga Anyong-Tao
Chapter 17 | Ang Sagradong Armas ni Po-Saidon
Chapter 18 | Eskwelahan ng mga Baliw
HAPPY VALENTINE'S DAY!
Chapter 19 | Ang dyos ng Gabi at Panaginip
Chapter 20 | Ang Kakambal ni Steve
Chapter 21 | Ang Bagong Hari ng Kristal na Palasyo
Chapter 22 | Ang Kondisyon ni Bo-Reas
Chapter 23 | Ang Laban para sa Trono
Chapter 24 | Ang Hinirang ni Anino
Chapter 25 | Sinag at Silao
Chapter 26 | Ang Sagradong Nilalang ng Tubig
Chapter 27 | Isang Simpleng Kumpetisyon
Chapter 28 | Ang Katauhan ni Wallflower
Chapter 29 | Sa Lungga ni Ha-Des
Chapter 30 | Tagpong Ayaw Matapos
Epilogue
ELEMENTO CLUB GLOSSARY
ELEMENTO IS SOON TO BE PUBLISHED!
ELEMENTO @ Pop Fiction
BUY ELEMENTO eBook!

Chapter6: APOY AT KIDLAT

2.1K 101 16
By GilLandicho


Lunch break.

Kung walang basketball practice si Amiro Singh, kung walang meeting o student council affairs si Prince Salvanera, at kung hindi na-corner ng mga estudyanteng fans si Bela Dela Rosa, lahat ay nasa third floor ng Club House. Wala namang naghahanap kay Steve pero malimit nasa Elemento Club room rin ito kasama ng iba.

Dito nila inuubus ang oras ng lunch break bukod sa maikling pagbisita sa school canteen para bumili ng pagkain.

At dahil miyembro na rin ng Elemento Club si Andrea Guevara, nasa club room din siya sa mga oras na ito.

Ang akala ng lahat ay malimit lang mag-meeting ang club pero lingid sa kanilang alam ay nag-eensayo sila ng kani-kanilang taglay na elemento sa loob ng sikretong silid na ang lagusan ay isang pahabang salamin na mukhang normal lang sa unang tingin.

Espesyal ang sikretong silid dahil ito ay may kakayahang lumaki at lumawak hanggang sa kailangan o kahit walang hanggan! Kaya naman di impossible na magkasya ang isang basketball court o kahit ang buong Owkward Academy school grounds dito! Pabor na pabor ito sa malawakang paggamit ng kapangyarihan ng mga Elemento Club members.

At bukod sa kakayahan ng silid na lumaki ng walang limitasyon, dahil sa mga natatanging orasyon at basbas, malaya nilang nagagamit o natatawag ang kanilang elemento kahit wala sila sa labas o aktual na kalikasan.

"Lupa!" tawag ni Bela at mula sa puting sahig ng sikretong silid ay kamangha-manghang lumabas ang isang mataas na pader na lupa na naging panangga niya mula sa mga naglalakihang bato na atake ng kanyang sariling likha na taong-bato.

Dahil hindi natamaan ang katunggali ay sumugod ng direkta ang taong-bato at sinira ang pader na lupa. Pero bago pa matamaan ng suntok ng batong kamao, dali-daling tumawag si Bela ng mga makakapal na baging upang hindi ito nakagalaw.

"Tubig." sambit ni Amiro.

Saglit siyang kumindat kay Bela at tumawag ng isang tambuhalang dragon na tubig.

Hindi siya pinansin ng dalaga.

Binugahan naman ng dragon ang taong-bato ng rumaragasang tubig na syang nagpaluwag sa pagkakadikit-dikit ng mga batong bumubuo sa katawan nito.

"Kidlat!" sigaw naman ni Andrea at napuno ng kuryente ang kanyang katawan.

Sa mga unang laban ni Andrea ay nangailangan pa siya ng mga bagay na metal upang gawing sandata pero napagtanto niya na hindi sa lahat ng pagkakataon ay may makikita siya.

Naku, pano na lang kung na sa gubat ako? In the middle of nowhere? Hindi naman lagi na swerte ako at agad na makakakita ng gamit na metal! Hassle naman na may dala-dala akong metal rod, lalo na sa school!

Kaya naman napagdesisyonan niyang mas paghusayan ang direktang paggamit ng kuryente na nagmumula sa kanyang katawan. Isang malaking pabor ang kanyang kaalaman sa Taekwondo dahil sanay na siya sa harapang pag-atake.

At upang protektahan ang kanyang sarili, may dagdag siyang accessories sa katawan na hindi naman masyadong kapansin-pansin sa school at iisipin lang ng iba na mahilig lang siyang mag-bicycle or motorbike dahil sa suot-suot na fingerless cycling gloves na nilagyan pa niya ng ilang maninipis na metal sa padding para mas madaling maipon ang daloy ng kuryente sa magkabilang kamay. At imbes na tipikal na pangbabae na leather shoes or high-heels na gaya ng suot ni Bela, ang kanyang sapatos ay safety boots na may metal plates sa loob.

Gusto nga niya ang kanyang itsura. Feeling niya ang 'astig' niyang tingnan.

Sumugod si Andrea at walang pag-aalinlangang tumalon paikot at sinipa ang taong-bato gamit ang atake na 'Flying back kick.'

Puno at purong kuryente ang tumama sa taong-bato na tuluyang nagpasabog sa katawan, nagkahiwalay-hiwalay ang lahat ng parte nito.

"Magaling!" puri ni Bela.

Napa-thumbs up naman si Amiro.

"Guys, focus!" giit naman ni Prince nang ang mga pira-pirasong bato ay animo'y magnet na gumalaw at muling nagkadikit-dikit!

"Ako na ang tatapos nito!" sigaw ng student council president at tinawag ang kanyang elementong yelo.

Lumikha siya ng isang malaking espadang yelo na kahit doble ang laki at bigat kaysa sa kanya ay madali niyang nagamit at ekspertong hinati sa dalawa ang taong-bato. Nagpatuloy siya paghati hanggang sa tuluyan na itong naging pinong buhangin.

"Magaling talaga si idol!" sigaw ni Amiro.

Buong akala nina Prince at Amiro ay tapus na pero napangiti na lang si Bela.

Lumingon si Andrea sa isang taong naka-earphones at nakikinig lamang ng mga kanta mula sa cellphone. Nakaupo ito sa isang malambot na sofa sa di kalayuan.

Itong si Steve! Lagi na lang loner at di sumasali sa iba! Kaya naman siguro ayaw ng mga ito sa kanya. Haay!

Nakilala at nakausap na ni Andrea si Katherine Sta. Maria, ang school guidance councilor at ang tumatayong tagapangalaga ni Steve. At may simpleng pabor ito sa kanya.

"Andrea, sana pagpasensyahan mo na si Steve at sana intindihin. Hindi maganda ang mga karanasan niya sa buhay kaya siya mapag-isa at mainitin ang ulo. Pero tinitiyak kong mabait talaga siya at nangangailangan lang ng atensyon. Hindi naman kami nagkulang ni Jun-Jun na gabayan at payuhan si Steve pero sa tingin kong mas mainam din na may nagbabantay sa kanya na kanyang ka-edad at maging good influence... at alam ko, malakas ang kutob ko na ikaw iyon, Andrea. Sinadya ng Diyos na papunta ka dito sa Owkward Academy at maging kaklase niya dahil ikaw ang magiging daan para sa kanyang pagbabago..."

Wow talaga! Ako talaga?! Pero he'to naman ako at tumango kay Mrs. Sta. Maria. Napakabait kasi niya, marahan ang boses at parang kausap mo ang pinakabanal sa buong mundo! Nakaka-relax din ang kanyang presensya na kung magkaroon man na physical representation ang isang anghel ay bagay na bagay siya!

Ang totoo, ayaw ko man ma-involve kay Steve, pero di ko mapigilan ang sarili ko not to care for him. WEIRD. Siguro dahil sabi sa akin ni Mama Maria dati na lahat ng tao kahit masama at itinakwil ng lipunanan ay may pagkakataong magbago basta bibigyan ng pagkakataon at gustuhin nila.

Pero, gusto ba ni Steve na magbago?

Sa tingin ko ay oo dahil may mga pagkakataong nakikita ko sa kanyang mukha ang kalungkutan at pagnanais na makisalamuha. Nahihiya lang siya.

Hinusgahan na kasi din siya agad nina Prince, Bela at Amiro. Wala tuloy siyang makitang pagkakataon upang maka-reach out to them.

Naku! Naku! Andrea!? Bakit ka ba concern na concern ka sa kanya!

Okay. Keep moving forward sabi nga ni Mama Maria. I can do this!

Walang sabi-sabing hinila ni Andrea ang earphones mula sa teynga ni Steve.

"Steve, sumali ka sa aming pagpa-practice."

"Huh?! Ano ba! Istorbo ka!"galit na sigaw ni Steve.

Ngunit hindi nasindak si Andrea.

"Alam mo, minsan iniisip ko na kaya ayaw mong makisali sa ibang members ng Elemento Club dahil hindi mo kayang makipagsabayan sa kanila." pang-aasar ni Andrea.

"Anong sabi mo? Anak ng tokwa! Ako, hindi marunong makipagsabayan?" napatayo si Steve sa kanyang kinauupuan. "Bakit mo naman naisip? Anong basehan mo?! Apoy ang kapangyarihan ko! Ang pinakamalakas na elemento!"

"Weh, eh bakit nga di ka sumali sa practice para patunayan mo!" lalong diin ni Andrea, na medyo guilty na dahil kitang-kita niyang galit na galit na si Steve. "Last time, nga sa school grounds hindi ka tumulong sa pakikipaglaban sa Himaw na hangin. Bakit di ka umatake?"

Nanlaki ang mga mata ni Steve. Ramdam ni Andrea na umiinit na ang mga kamao nito.

"Para saan pa, eh kumpleto na sila! Ayaw din naman nila sa akin, lalo na ang napakagaling na si Prince na yan! Grr!"

"So tama nga ako, MAHINA ka nga at di mo kayang makipagsabayan sa kanila."

Sumobra na si Andrea nang biglang nagliyab na ang kanang kamao ni Steve.

Dito na labis kinabahan at natakot si Andrea. Magagawa ba ni Steve na saktan siya?

"Grrr! Anak ng-!" malakas na sigaw ni Steve.

Mula sa pinong buhangin na kinahinatnan ng taong-bato dahil sa atake ni Prince, biglang may sumibol na isang halaman na patuloy na lumaki at humaba.

"Paanong -!" gulat na sambit ni Prince.

Napanganga na lang sa pagkamangha si Amiro.

Abot teynga naman ang ngiti ni Bela.

"My beloved golem can't be defeated easily." may pagmamalaking sabi niya.

Ang dating taong-bato ay naging taong-puno!

Bago pa makagalaw sina Prince at Amiro laban sa taong-puno ay sumisigaw na nanguna si Steve sa pagsugod gamit ang kanyang elementong apoy.

Habang binubugahan niya ng purong apoy ay patuloy din ang kanyang pagsuntok dito gamit ang mga kamaong nagliliyab.

Asar! Asar! Asar! Nakakainis ang babaeng iyon! Ako mahina? HINDI! Hindi ako mahina! Grrrrr! Asar! Asar! Asar!

Saglit lang at tuluyan nang nasunog ang taong-puno at walang natira kundi, mga pinong uling.

"Wow, that was intense!" ang tanging nasabi ni Amiro.

Kahit si Prince ay walang nasabi.

Nakahinga naman ng maluwag si Andrea. Akala niya talaga ay sasaktan na siya ni Steve.

Naku. Next time, I better be much careful kung i-proprovoke siya. Mapanganib talaga siya.

"See? Yan ang team work!" pumapalakpak na bati ni Jun-Jun Sta. Maria na tahimik lang na nanunood sa kanila.

Dali-daling pinuntahan ni Bela ang kanyang taong-puno at inipon sa kanyang palad ang pinong abo nito.

"You did well. Good job." bulong niya dito at hinalikan ang abo.

Sandaling kuminang ang abo na naging mga pinong mga hiyas at nawala na parang bula.

"I'm jealous. Buti pa ang abo may kiss." biglang sabi ni Amiro. "Bela, my darling. Paano ako? Nasaktan at napagod din ako. Good job din ako, di ba? Can I have my kiss?" yumuko siya, dinilaan ang labi at ngumuso.

Nadiri naman si Bela.

"Halikan mo sarili mo! Ugh!" mabilis siyang pumunta sa tabi ni Andrea.

Susunod sana si Amiro para lalong mangulit dahil nag-eenjoy siya kapag nakikitang naiinis si Bela pero muling nabuo at nagbalik ang taong-bato ni Bela at humarang kay Amiro.

"What?! You're back!" iritableng sabi ni Amiro.

Nagbelat si Bela pero sinuklian naman ng flying kiss ni Amiro.

"Bela, tanggap ko ang ating long distance relationship!" tanging nasabi ni Amiro at lumayo sa taong-bato.

Tinawag ni Jun-Jun silang lahat sa Grand Six Sided table, ang lamesang budbod ng dyamante at mga hiyas kung saan sila nagme-meeting.

May sapat na lawak at haba ang lamesa kaya naman hindi magkakadikit ang anim na upuang nakapalibot dito. Pabor na pabor ito sa di nagpapansinang sina Prince at Steve at lalo na kay Bela na ayaw na ayaw makatabi si Amiro. Buti na lang may pangharang siyang taong-bato at katabi niya si Andrea.

May isa pang bakanteng upuan kung saan pansamantalang umuupo si Jun-Jun pero alam niyang di rin magtatagal ay may uupo na rin dito, ang pang-anim na miyembro ng Elemento Club.

"I'm so happy dahil sa wakas ay nakita ko kayong magkakasamang magpractice. Kung magtulong-tulong kayo, mas madali ninyong matatalo ang kalaban at maproprotektahn nyo pa ang isa't-isa." panimula ni Jun-Jun. "Umaasa ako na madadala nyo ang team work sa actual na laban. Ngayon, mas okay kung may battle strategy kayo kung sino ang nasa front line, support at ang magfinishing blow sa kalaban. Parang sa laro. Si Prince ang nagsuggest dahil we all know naman na siya ang 'Game Master.'"

Tumango si Prince, nakangiti dahil sa recognition ng guro.

Tsk. Mayabang. sabi ni Steve sa sarili.

Saglit namang nagtagpo ang tingin nila ni Andrea.

May araw ka ring babae ka! Tiningnan ni Steve si Andrea ng masama.

Napayuko na lang si Andrea.

Naku! Naku! Galit na sya! Kinakabahan si Andrea. Hindi muna ako lalapit sa kanya. Oh, Mama Maria, protect me po!

"Si Prince na ang mag-eexplain." sabi ni Jun-Jun.

Ngumiti si Prince at siya naman ang tumayo.

"Marami na akong nalaro na games at favorite ko ang tactical role-playing games na may mga iba't-ibang skills at job classes. May mga magicians, priests, swordsman, archers kahit simpleng merchants. Dahil grupo tayo at may mga individual powers, I think na magwo-work ito sa mga laban natin.

I can say na si Amiro ay pang long range attacks dahil nakakaatake ng malayuan ang kanyang mga dragon na tubig without him needing to get near the enemy."

"Nag-aaral na pala akong gumawa ng mga tubig na armas para sa long range attacks." hayag ni Amiro. "Idol Prince suggested na mag-aral akong gumamit ng bow and arrow. Para kunwari archer ako o si Cupid to struck my love arrow sa mahal kong si Bela."

Walang pumansin sa huling sinabi ni Amiro.

"Si Bela naman," nagpatuloy si Prince. "can be our safe keeper ng mga additional orasyon cards o kung ano mang mahahalagang items dahil she can summon ng mga taong-bato, puno at kahit buhangin to protect her and to attack for her. Malaking tulong din ang kanyang vines to immobilize ang ating kalaban."

"Of course guys, my golems will protect you as well bukod sa akin. I'll be your shield!" dagdag ni Bela.

"Both Andrea and um... Steve uses physical attacks na malapitan sa kalaban so sila ang mga unang aatake."

Well, tama si Prince dahil kailangan ko ngang direktang lumapit sa mga Himaw para makaatake. sabi ni Andrea sa sarili. Though sa tingin ko, eventually makakagawa din ako ng pang long range attacks kagaya lightning rods. Pwede din siguro na makatawag ako ng kidlat mula sa langit! Watch out na lang kayo, guys!

Napangiti si Andrea. Sisiguraduhin niyang magugulat sila kung sakaling magawa nga niya ang kanyang iniisip.

"Knowing Steve's tendancy na bigla-bigla na lang aatake without using his head. Bagay talaga na siya ang unang aatake." sabi ni Prince na para bang wala si Steve.

Umiling si Andrea, hindi niya malaman kung bakit ganun na lang ang galit ni Prince kay Steve.

"Eh, pano ikaw? Saan ka?!" galit na sigaw ni Steve.

"Me? Don't worry. Nasa likod mo lang ako and will be your support kung hindi mo na kaya. I'll be the one to do the finishing attack to kill the Himaw."

"Ah, ganun so gagawin mo lang kami ni Andrea na pain sa kalaban?! Pagkatapos naming maghirap sa pakikipaglaban tsaka ka aatake?! WALA KANG KWENTA!"

"You're missing the point, stupid!" sagot ni Prince.

"Sinong STUPID?! Anak ka ng -!" nanlilisik na ang mga mata ni Steve at muli na namang nagliyab ang kanyang mga kamao.

"ENOUGH!" pumagitna na si Jun-Jun. "Kumalma ka lang, Steve at ikaw Prince, as the student council president I expect you to behave appropriately!"

"Sorry po, Sir Jun-Jun." huminga ng malalim si Prince. "Pero soon I'll prove na sya talaga puno't dulo ng paglabas ng mga Himaw dito sa Owkward Academy. May dalawa na akong ibedensya at dahil dito, di ko magawang tanggapin na kasama ko siya sa Elemento Club. Isa na lang. One more evidence and I can prove na sya ang MALAS!"

Malas na Bata! Malas na Bata!

Naalala na naman ni Steve ang tawag sa kanya ng dati niyang tagapangalaga, ang taong kinalakihan niya na hindi kailan man nagparamdaman ng pagmamahal sa kanya.

MALAS NA BATA!

Naririndi na si Steve sa paulit-ulit na pagtawag sa kanya ng malas.

"HINDI AKO MALAS!" malakas niyang sigaw, nanginginig na siya sa sobrang galit.

Naalarma lahat dahil bumuga siya ng apoy sa direksyon ni Prince. Mabilis namang nakagawa ng yelong panggalang ang student council president dahil kanina pa siyang handa. Alam niyang maiksi lang ang pasensya nito.

Sa aktong susugod na si Steve upang suntukin si Prince ng kanyang nagbabagang kamao ay mabilis na tumawag ng hangin si Jun-Jun na nagpatalsik dito.

"Steve!" nag-aalalang tawag ni Andrea.

Dali-daling lumapit si Jun-Jun kay Steve upang tulungan itong tumayo. Nangangamba siyang dahil sa ginawa niya ay lalong lumayo ang loob nito sa kanya.

"Steve. Sorry." nilahad ni Jun-Jun ang kanyang kamay.

Hinampas naman ito ni Steve palayo.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo! Alam ko naman na pabigat lang ako sa inyo ni Tita Katherine! Siguro nagsisisi kayo na nag-aalaga kayo ng... MALAS!"

"Steve, nagkakamali ka -"

Ayaw na marinig ni Steve ang sasabihin ni Jun-Jun. Wala naman siyang laban. Siya ang mali. Siya ang unang sumugod. Siya ang masama. Siya ang malas!

Tumayo siya ng kanya at tumakbo papalabas ng sikretong silid.

Kitang-kita ni Andrea ang matinding tampo ni Steve kay Jun-Jun. Sigurado siya na puno ngayon ito ng sama ng loob. Naaawa siya dito.

Bakit ba parang ang mundo ay ayaw sa kanya? Lagi na lang may komplikasyon... May di pagkakaunawaan... May kalungkutan?

Ayaw ni Andrea na maramdaman ni Steve na ang-iisa siya. Malakas ang kanyang kutob na kung mapuno ito ng galit at ng sama ng loob, may mangyayaring masama!

Naku! Baka kung anong gawin niya sa kanyang sarili!

Di na nagdalawang isip si Andrea at hinabol si Steve papalabas.

"Steve! Steve!" tawag ni Andrea pero huli na siya dahil mabilis na itong nakalabas ng Club House.

Hindi niya ito naabutan. Ngayon, hindi na niya alam kung saan ito hahanapin.

Haay! Nasaan na iyon? Saan ko siya hahanapin? Andrea, why do you bother? Why do you care? tanong ni Andrea sa sarili. Kahit siya di niya malaman ang totoo at eksaktong sagot. Pero isa lang ang malinaw, sa mga panahon na ito, kailangan ni Steve ng kaibigan.

Biglang nangilabot si Andrea.

Tanghaling tapat pero may bukod tanging naka-suot ng damit at belong itim. Isang matandang babae. Nakalutang sa ere!

"Ang black lady!"

Hindi alam ni Andrea kung matatakot ba siya o magpapasalamat sa multo dahil alam niya na kung saan ito papunta ay nandoon si Steve.

Sinundan niya ito.

Lumutang ito sa ibabaw ng swimming pool na katabi lamang ng Club House. Ang ilang estudyante sa tubig ay nagtaka sa kakaibang panginginig at pangingilabot na saglit nilang naramdaman.

Dumiretsyo ito sa likod ng shower rooms.

May isang estatwa ng dyosa na nakita si Andrea. Si Laminganon, ang dyosa ng Nyebe at Yelo. Nais pa sana niyang pagmasdan ang itsura ng magandang dyosa pero sa mga panahon na ito, mas mahalaga na makita niya muna si Steve.

Tumigil ang naka-itim na babae sa may puno ng Balete sa likod ng shower rooms.

Nilahad ng multo ang kanyang maputlang-maputla na buto't balat na kamay upang abutin sana ang balikat na nakasandal na si Steve sa Balete. Nakaharap siya sa pader.

Nasa kaliwang sulok na sila ng school grounds ng Owkward Academy. Walang pumuounta o tumatambay sa parteng ito dahil sa usap-usapang may nakatirang kapre sa puno ng Balete. Ang kapre daw ay mahilig manilip sa may girls' shower room kaya naman saradong-sarado ang mga bintana na katapat dito.

"Steve!" tawag pansin ni Andrea.

Natigilan ang itim na babae at bigla itong lumingon...

"AAHHHHH!" malakas na sigaw ni Andrea nang sa wakas ay makita ang mukha ng multo!

Purong puti ang balat sa mukha at tanging mga butas lamang kung saan nakalagay dapat ang mga mata, ilong at bibig nito! Isang kalansay na mukha!

"Anong ginagawa mo dito?!" galit na tanong ni Steve.

Napagtanto na lang ni Andrea na tumayo na pala si Steve mula sa kinauupuan at ngayon ay kaharap na niya.

Saglit siyang natulala. Hindi pa siya lubusang nahimasmasan sa pagkagulat at takot.

"Um..." ang tanging niyang nasagot.

"Umalis ka na dito! Di ko kailangan ng iyong awa!" sabi ni Steve.

"Sinong nagsabi na naaawa ako sa iyo." sa wakas ay nakapagsalita na si Andrea at may pagtangging sagot.

May naaamoy siya.

"Anong nasa kabila mong kamay?" tanong ni Andrea.

"Wala kang PAKIALAM! Umalis ka na sabi, eh! Umalis ka na!"

Dali-daling hinila ni Andrea ang kanang kamay ni Steve na may tinatago sa kanyang likod.

Kilala niya ang amoy na ito. Ito ang amoy na kinaiinisan din niya sa kanyang Papa Rogelio.

"Sigarilyo!" mabilis na kinuha ni Andrea ang isang stick mula sa pagkakaipit sa mga daliri ni Steve at tinapakan. "NANINIGARILYO KA?!"

"Eh ano ngayon. Ang ayaw ko sa lahat ay pakilamera!"

"Bawal manigarilyo sa school! Bawal sa atin yan! Masama sa baga!" giit ni Andrea.

"Haha!" natawa naman si Steve. "Bawal? Eh, gradeschool pa lang ako naninigarilyo na ako. Andrea, taga ibang mundo ka ba? At tsaka, hindi na tayo, bata, oy! Haha!"

Dismayado si Andrea.

"Masama ang manigarilyo. Masama ang may bisyo!"

"Bisyo ba? Bukod sa paninigarilyo, umiinom ako ng alak, nagsusugal at di mo natatanong na try ko na rin -"

"Tama na!" nandidiring sabi ni Andrea. "Ganyan ka na lang ba, Steve? Yan ba ang gusto mo sa buhay mo? Alam ba ito nina Sir Jun-Jun? Ano na lang ang sasabihin ni Mrs. Sta. Maria?"

Hindi na nakapagtimpi si Steve at tinulak ng malakas si Andrea papuntang puno ng Balete at madiin na sinandal ito sa magaspang at matigas na kahoy nito.

"Sige. Subukan mong isumbong sa mag-asawa at makikita mo ang hinahanap mo!" banta ni Steve habang unti-unting hinihigpitan ang pagkakahawak nito sa leeg.

Mabilis namang nakawala si Andrea sa pagkakahawak ni Steve, salamat sa kanyang kaalaman sa self-defense. Hinabol niya ang hininga.

"Nagkamali ako! Buong akala ko may pag-asa ka pa. Akala ko kailangan mo lang ng kausap. Nandito sana ako para makinig. Akala ko gusto mong magbago at maging maayos ang pakikisalamuha mo sa mga tao. Hindi ko alam kung bakit BUT I WANTED TO HELP YOU. Gusto kong maging kaibigan mo..."

"Well, mali ka! Naaawa ka nga lang sa akin. Inuulit ko di ko kailangan ng iyong AWA! Hindi kita kailangan! Di ko kailangan ng kaibigan!"

Di na napigilan ni Andrea na maging emosyonal at nagsimula nang umiyak.

"Ang sabi ng nanay ko, habang may buhay, may pag-asa. Ang sabi niya kahit ano pa mang kasalanan ng isang tao, kung gugustuhin niyang magbago ay mangyayari. Steve, ayaw mo bang maging masaya? Ayaw mo bang mamuhay na walang panghuhusga?"

Umiling si Steve.

"Purong walang kwenta ang pinagsasabi mo! Lumayas ka sa harap ko kung ayaw mong saktan kita ng apoy ko!" muling banta nito.

Napabuntong-hininga na lang si Andrea.

"Sige. Aalis na ako pero sumunod ka rin dahil tapos na ang lunch break natin. May klase pa tayo. Magpabango at magkendi ka rin kung ayaw mong may makaamoy ng sigarilyo."

Hindi nakasagot si Steve. Kitang-kita niya ang lubos na pag-aalala ni Andrea para sa kanya kagaya ng pag-aalala nina Jun-Jun at Katherine. Hindi siya makapaniwala na mayroon pang isa na may tunay na malasakit para sa kanya.

Hindi Andrea. Hindi ako karapat-dapat sa iyo pag-aalala mo. I don't deserve you... or anyone...

Pero bakit may sakit sa dibdib habang pinagmamasdan niya si Andrea na naglalakad papalayo?

Tsk. Bahala na! Mas okay na akong ganito... Mag-isa.

Ngunit ito ba talaga ang gusto niya?

Nakakainis! Nakakainis! Hopeless na talaga ang lalaking iyon! Steve, nakakainis ka! Wala na akong pakialam sa iyo. Di ako pakialamera! Bahala ka na sa buhay mo! iritable si Andrea. at nakasimangot siyang bumalik sa classroom nila. Nakakaasar! Why do I even care?!

Lalo din siyang na dismaya dahil hindi sumunod sa kanya si Steve pabalik ng klase. Nagsimula na ang afternoon class nila pero wala pa rin ito.

Nasaan ka na ba, Steve?! ayaw man ni Andrea pero hindi mawala sa kanyang isip ito.

"Ms. Guevara? Ms. Guevara?" makailang ulit nang tawag ng kanilang guro.

Napansin na lang ni Andrea na lahat ng kaklase niya ay nakatingin na sa kanya.

"Ms. Guevara, it seems your mind is off to somewhere." sambit ng guro.

Totoo naman. Nasa iba nga ang isip ni Andrea at di siya maka-focus sa klase.

"Ah... Sorry po, Ma'am. Um... May I go out? C-CR lang po ako."

Buti na lang at pinayagan siya ng guro at hindi na nagtanong pa. Dali-dali namang tumakbo si Andrea pabalik sa may puno ng Balete para sunduin si Steve.

"Steve!" tawag niya pero laking gulat niya na wala na ito sa may Balete. "Naku, naman! Saan ka pumunta ngayon?!"

PSSSSSSSTT!

Nangilabot si Andrea. Nakaramdam siya ng presensya ng isang engkanto.

Isang kapre.

"Halo, miss byutipul." bungad ng kapre. "Ako si Itoy. Itoy si ako."

Nanlumo si Andrea sa malakas na amoy ng kapre na pinaghalong tabako at barakong kabayo pero pinilit niyang ngumiti.

Kasing taas nito ang puno ng Balete. Madungis ang maitim nitong balat na natatakloban ng makakapal at mahahabang balahibo. Hanggang lupa ang kanyang buhok at balbas. Bilog ang kanyang mga mata at pango ang ilong. Ang damit niya ay gawa sa mga dahon, damo, at balat ng hayop na halatang pinilit pagkasyahin masuot lamang sa malaki at mataba nitong katawan.

First time makakita ni Andrea makakita ng kapre sa personal pero pinigilan niya ang sarili na tumili.

"Hanap mo ba si batang apoy?"

"Si Steve? Kilala mo siya? Nakita mo ba siya? Nasaan siya?"

Tumango si Itoy.

"Sasabihin ko kung nasaan siya sa isang kundisyon..."

Naalala ni Andrea na ayon sa mga tsismis, ang kapreng nakatira sa may puno ng Balete ay may pagkabastos at mahilig nanilip sa mga babae.

Ugh! Of all talaga. Isang pervert na kapre!

Hindi na nagdalawang isip si Andrea at tinawag ang elemento ng kidlat. Pinagtapat niya ang kanyang dalawang palad sa isa't-isa at inipon ang malakas na daloy ng kuryente dito hanggang sa makabuo ng liwanag.

Nagulat at namangha ang kapre.

"B-Batang kidlat!"

"Itoy, wala na akong panahon sa kondisyon mo! Kung hindi mo ituturo sa akin kung nasaan si Steve, makakatikim ka ng kuryente sa iyong katawan!" banta ni Andrea.

Akala mo ha! I don't want to take the risk na maloko ako ng isang kapreng manyak! Ew!

Napasimangot naman si Itoy. Akala niya ay mahihingan niya si Andrea ng kiss.

"Ang daya nyo naman! Pareho kayong malupit at walang puso ni batang apoy!" reklamo ng kapre. "Pinagsasamantalahan nyo ang kabaitan ng isang hamak na kapre. Huhu."

"Nasaan si Steve?!" giit ni Andrea.

Ayaw na niyang mag-aksaya ng panahon. Baka hinahanap na rin siya sa klase.

"Nasa labas ng pader."

Nagulat si Andrea. " Sa labas ng Owkward Academy?!"

Tumango si Itoy.

"Paano?"

Pinakita ng kapre ang isang butas sa pader na kasya ang sino mang gagapang dito. Nakatago ito sa naglalakihang ugat ng puno na tinubuan na ng sariling mga sanga.

"Paanong nagkabutas dyan?!"

Medyo natakot na si Itoy sa biglang pagtaas ng boses ni Andrea. "Ah... Eh.. Ak-Ako."

"Ikaw?! Bakit?!"

"Si-Si batang apoy kasi, sabi niya, susunugin niya ang bahay ko kung hindi ko bubutasan ang pader. Susunugin daw niya ang puno ng Balete." dahilan ng kapre.

Kumbinsido naman si Andrea dahil kita niya ang takot sa mukha ni Itoy.

"Salamat, Itoy. Huwag kang mag-alala pagsasabihan ko ang batang apoy." pangako ni Andrea.

"Talaga? Ang bait naman pala ni batang kidlat!" masayang sambit ng kapre. "Pwede mong daan ang butas sa pader na yan kahit kailan mo gusto."

"Sige, salamat."

Medyo na dismaya si Itoy dahil imbes na gumapang si Andrea na kanyang inaasahan, inuna niya ang dalawang hita palabas at paupong gumalaw palabas. May sapat na laki ang butas sa pader at kailangan lang na iyuko ang kanyang ulo.

"Ano ka ngayon, kapre! Hindi mo ako mauutakan! Haha!" nakangiting bulong ni Andrea sa sarili.

===May 08, 2017 =============

Hello awesome people! Thanks for reading. Share some love by giving this chapter a vote! Kamusta naman ang chapter na ito? I would love to see your comments!

Follow and say hi!

Official FB Page: GilLandicho

Youtube: GilVlogs

Instagram: @gillandicho | @wondersofgil

Twitter: @gillandicho

Wattpad: @GilLandicho

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 51.5K 43
Arcadia Academy is divided into 5 Elemental Kingdoms and 1 Common Class. Red Kingdom for the Fire users. Blue Kingdom for the Water users. Green King...
1.7M 37.8K 52
Fantasia's Fairytale: Archimage Academy (School of Witchcraft and Wizardry) WELCOME TO ARCHIMAGE ACADEMY School of witchcrafts and wizardry. Children...
Encoded By Crucifix

Mystery / Thriller

33.1K 1.9K 61
(#5 - MysteryThriller) City Detectives Series 1: Encoded Bizzare crimes have been taking place in Leounet city. More than detectives Mhorein Layla Ag...
1.3M 36.7K 164
NOW Published under Pop Fiction! ---- Sa mundo natin, maraming mga kababalaghang nangyayari... Di naman kailangan pang pahirapan ang sarili. Maniwal...