MAFIA 3: DARK The Mafia Boss...

Bởi YourMyCookieHeart

1.5M 32.3K 1.9K

Aileen Ramirez ay isang probinsyanang babae na napadpad sa siyudad ng ka-maynilaan dahil sa nangyaring hindi... Xem Thêm

PRELUDE
UNO
DUE
TRE
QUATTRO
CINQUE
SETTE
OTTO
NOVE
DIECI
UNDICI
DODICI
TREDICI
QUATTORDICI
QUINDICI
SEDICI
DICIASSETTE
DICIOTTO
DICCIANNOVE
VENTI
VENTUNO
VENTIDUE
VENTITRE
VENTIQUATTRO
VENTICINQUE
VENTISEI
VENTISETTE
VENTOTTO
VENTINOVE
TRENTA
TRENTUNO
TRENTADUE
TRENTATRE
TRENTAQUATTRO
TRENTACINQUE
TRENTASEI
TRENTASETTE
TRENTOTTO
TRENTANOVE
QUARANTA
QUARANTUNO
QUARANTADUE
QUARANTATRE
QUARANTA-QUATTRO
QUARANTA-CINQUE
QUARANTA-SEI
QUARANTA-SETTE
QUARANTOTTO
QUARANTA-NOVE
CINQUANTA
CINQUANTUNO
CINQUANTADUE
CINQUANTATRE
CINQUANTAQUATTRO
CINQUANTA-CINQUE
CINQUANTASEI
CINQUANTA-SETTE
CINQUANTOTTO
CINQUANTA-NOVE
ULTIMO CAPITOLO
EPILOGO
NOTA DELLA DEA
Capitolo Speciale
G R A C I A S!

SEI

36K 761 30
Bởi YourMyCookieHeart

DARK The Mafia Boss Chapter 6

MARIIN kong ipinikit ang aking mga mata dahil sa sinag ng araw na tumatama ang nakakasilaw na liwanag nito sa aking mukha mula sa bukas na malaking sliding glass door ng silid nasaan naruroon ang terasa. Bahagya pa itong nahahawi dahil sa hangin na nagmumula sa labas.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa malaking unan na sobrang bango. Amoy downy. 

Kahit dito ay rinig na rinig ko ang malakas na hampas ng alon ng dagat.
Nakapikit pa ang aking magagandang mata habang bumabangon. Gusto ko pa sanang matulog sa malambot na kama. At para akong hinihila nito para ipagpatuloy ang beauty sleep ko kaso nagugutom na ako. Kumakalam na ang sikmura ko sa gutom. Napasimangot at nanguso ako.

Bahagya kong kinukusot ang maganda kong mata. Nilingon ko ang katabi ko. Blanko na ito. Kahit magkatabi kami ay may namamagitan parin sa aming malalaking unan.

Naku, baka manantsing pa ang lalaking iyon no'. Iba na ang panahon ngayon. Kaya tandaan handsome men are dangerous. Chos! Kung maka-english.

Bumaba na ako sa malaking kama at hinarap ang nakabukas napakalaking sliding door. Pumunta ako sa teresa at hindi ko parin mawala sa sarili ko ang pagkamangha sa aking nakikita.

Nilanghap ko ang sariwang hangin. Nakarinig ako ng pagbukas at sara ng pinto kaya kaagad akong napalingon rito.

At doon ay niluwa ang naglalakad na pandeㅡay este si Dark pala. Feeling ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko mukha dahil mas maganda pa ang view mula dito kesa kanina.

Napaka-yummy talaga ng abs ng lalaking ito. Bakit ba kasi kahinaan ko pa ang mga abs? Bakit? Marami naman akong nakikitang ganyan, pero bakit sa kanya mas nakaka-nakaka-kaka-adik. Huhubels.

Pinagmasdan ko lang siya mula rito. Nakatapis ang ibabang bahagi ng katawan nito habang tinutuyo ang sariling buhok. Huminto siya at nilingon ako ng ikinatigas ko.

Agad ko namang inilayo ang tingin ko sa kanya. Kunwari sa likod ako nakatingin at sumisipol. Nilingon ko ulit siya pero mas namumula ata akk ngayon ng makita ko siyang nakangisi.

"Like the view?" May mapaglaro sa boses nito.

Nag-iwas ako ng tingin, "O--hindi ah," i cough. Kunwari hindi ko nagugustuhan. Pero, nakakapang-akit ang abs niya. Feeling ko rin kumakaway ito.

Nagulat ako ng maglakad ito papalapit sa akin na ikinaatras ko. Sheeet! Anong ginagawa niya?

Mas lumaki ang ngisi nito, "really, huh?"

"Diyan ka lang!" Babala ko. "H-hoy!"

Napasinghap ako ng napakalapit na ng katawan nito sa akin. At naamoy ko pa after shave niya. Waah, ang bango.

Naramdaman kong wala na akong ikakaatras pa at nilingon ang likod ko. Wala na nga kaya mabilis akong lumingon sa kaya ng maramdaman ko init na nagmumula sa kayang katawan. Inilagay niya ang mga palad sa barindilya ng teresa kaya na-trap na ako.

Napakagat ako sa ibabang-labi ko na sinundan naman niya ng tingin at ibinalik sa pagtitig sa aking mga mata. Nakakalunod at para akong nahihipnotismo sa hagod ng titig nito. Diyosko! Anyare sa akin?

Para akong mawawalan ng hangin ng mas inilapit pa niya ang mukha sa mukha ko. Hindi man lang ako makapagsalita.

"Where's my good morning kiss?" He said in husky bedroom voice.

"A-anong good morning kiss ka diyan?!"
Kung hindi lang ako nakakapit sa barindilya tsak ay dumaosdus na ako sa sahig dahil sa pangangatog ng mga tuhod ko. Aileen, mah hunos-dili ka. Tama na yang kaechosan mong pag-iisip.

"A-no ba l-lumayo ka nga," Nauutal kong ani sa kanya at tinulak ko siya ng bahagya pero ang abs niya ang pinuntirya ko. Shh, tsatsansing ako. Tigas mga bes'.

Pero nagtataka lang ako. Ano ba ang kinain ng isang ito at bakit ito nagkakaganito? Ang wierd niya, pramis.

Noong isang araw lang ang sama ng tingin nito sa akin tapos ngayon. Anyare, bes'?

"Tsk! I just want a kiss from my wife is this difficult to give?" Masama na naman akong tinitigan nito.

Oh, tignan niyo, sinumpong na naman. Hindi ko siya maintindihan.

Magsasalita pa sana ako ng may suno-sunod na kumatok sa pinto. Dahilan para mabaling ang atensyon ko roon. Sinulyapan ko si Dark na nakatitig parin sa akin.

"May kumakatok," ani ko. "a-ako na ang magbubukas." Maharan ko siyang tinulak at tinungo ang pinto.

"Tss."

Pinihit ko siradura at binuksan ito. Pagbukas ko ay lumawak ang ngiti sa aking mga labi. Sabihin niyo nga, destiny ba itey o sadyang ito talaga ang nakatadhana sa aming dalawa.

Bebelabs, "Kidd," masayang sambit ko.

"Magandang umaga, Miss." Bati nito sa akin at binigyan na naman ako ng makapanlaglag panty-ng ngiti.

"Good morning, anong sadya mo dito?" Kapagkuwan ay tanong ko sa kanya.

Sasagot na sana siya ng may nilingon siya sa gawing likuran ko. Kaya napalingon rin ako rito at natagpuan ko si Dark na ang sama-sama na naman ng tingin sa akin.

Nakasout na ito ng white long sleeve na nakatupi ang manggas nito hanggang siko tapos naka-pants ito itim na sapatos. Nasa mga balikat rin nito ang itim na suit nito.

Pero tignan mo, may pagkabaliw din ang isang ito 'e. Kanina parang batang nagmamaktol tapos ngayon parang si Naruto-ng kinuhanan ng ramen sa sama na makatingin sa akin.

Akala niya siguro hindi ko makakalimotan ang ginawa niya sa akin kahapon at noong bagong punta ko rito? Nevah, 'nong binagsak niya ako sa sahig ng napakalaki niyang library? Hanggang ngayon masakit parin ang puwet ko.

Inirapan ko nga at ibinalik ang tingin kay Kidd my bebelabs. Ningitian ko siya na ginantihan naman niya.

Naramdaman kong tumabi sa akin si Dark at nagulat akong hinapit niya ang malalaking braso niya sa beywang ko at mas inilapit niya ako sa kanya. Sinamaan ko ito ng tingin pero ang lapastangan nasa harap lang ang atensyon niya.

"What are you doing here?" Kahit kailan hindi ko siya naririnig na iba ang tono ng pananalita niya. Malamig at walang kabuhay-buhay itong magsalita pwera lang kanina.

"Sir Austine wants to talk with you, sire." Sagot nito.

"What he wants?"

Sino kaya ang pinag-uusapan nila? Importanteng tao kaya ito?

Nakatitig lang ako kay bebelabs Kidd at hindi ko na alam kung ano pa ang pinag-uusapan nila dahil sa ibang planeta na ang utak kakaisip kay Dar ---Kidd.

Doon lang bumalik sa kasalukuyan ang utak ko ng malakas na sumara ang pinto. Hala! Teka, ano na ang nangyayare?

Nilingon ko si Dark na inaayos na ang sout nitong damit.

"Ahm, Dark?" Tawag ko sa atensyon nito at hindi ma lang nilingon ang kagadahang taglay ko? Nakakainsulto 'ha. "Oy, Dark!" Wala pa rin.

Para lang akong hangin na nakatayo rito sa apat na sulok ng kwartong ito. Napakamot ako sa batok ko. "Dark!? May problema ka ba?" Nakakunot-noo kong tanong. Ang bipolar niya.

Sa tanong ko, doon na niya ako nilingon na wala man lang kaemo-emosyon. "Tss," yun lang? Yan lang ang sasabihin ng lalaking ito? Tss lang? Kung tss-tss-hin ko kaya bayag niya?

Aba't- inirapan pa ako ng hudyo. Ano bang problema nito? Hindi ba ito nakakain ng umagahan kaya ganyan yan?

Ngumuso ako at papasok na sana sa banyo para makapaghanda na ako at bababa na nang may humigit sa braso ko at isang bagay lang ang alam ko. Ang malambot na naman niyang labi ang naramdaman kong dumampi sa labi ko na ngayon.

Para akong tuod na nakatitig sa kanya. Nakamaang ang mga bibig ko sa gulat.

Nakangisi naman itong nakatingin sa akin, "Good morning too, my lovely wife." He lean down until he reach my ears and whispered. "and don't cheat on me wife or else I will ravish your lips until it's swollen." at hinalikan ulit niya ako sa labi sa huling pagkakataon at pumanhik papalabas ng kwarto.

Ano raw? Cheat? Ni-hindi ko ngang magawang mandaya sa exam namin noong nag-aaral pa ako. Tapos mandya daw ako sa kanya. Ano yun exam? Malabo din ang isang iyon 'e.

Ay, oo nga pala. Aarrgh! Pangalawang beses na niya akong hinalikan at ngayon ay labi na! Nakaka-nakaka-kaka-inis! Naiinis ako kasi hindi niya tinagalan ang pagdampi roon.

I'm pouting, "kainis yun."

Nagpapandyak akong pumasok sa banyo at ginawa ang dapat ginawa.

PAGKATAPOS kong mag-umagahan ay tumambay muna ako sa hardin. Ito yung maliit na labyrinth eklavu ganun. Wala kasi akong magawa rito sa malaking bahay na ito. At hindi rin mawawala ang panay tingin sa akin ng mga men in black alien for the rescue ang nandito.

Para bang may masama akong gawin kapag nawala ako sa paningin nila.

Nasaan kaya yung dalawang babae. Si Tilia at Psyche? Kagabi ko pa sila hindi nakikita 'e. May ginagawa siguro sila. Nagkibit-balikat na lang ako.

Ang sarap sigurong maligo diyan sa dagat at magtampisaw at ang lalakas pa ng alon. At sobrang nakakapresko rin ang hangin na tumatama sa aking balat.

Ilang oras pa akong nagtagal ay napagdesisyonan ko ng pumasok sa loob. Wala rin naman akong gagawin dito sa labas. At hindi ko rin naman makikita rito si tiya. Dahil hindi ko alam kung saan siya nilagay ng sarili niya dito sa pagkalakilaking mansyon.

Pumasok ako sa mansyon at sa bawat na makasalubong ko ang mga men in black ay binabati nila ako na ikinakunot ko ng noo sa pag-tataka. Kaya hinayaan konna lang sila sa ginagawa nila at baka ako pa ang pagtripang gawing alien dito.

Bago ako makarating sa silid ay madadaanan ko ang library slash home office ni Dark. Sa pagkakaalam ko may negosyo at yun na yun.

Huminto ako sa pinto nito ng makarinig ako ng mga boses sa loob nito. Mukhang seryosong-seryoso sila sa pag-uusap. Siguro pinag-uusapan nila kung paano nila papatayin si majinbo sa pamamagitan nila goten at tranks. 

Sa hindi naman ako tsismosa, pero curious lang kaya bahagya kong inilapit ang tenga ko sa pinto upang mas marinig ko ang mga plano nila kay majinbo.

"Do you know that cruise we invaded two years ago, right?" tanong ng hindi pamilyar na boses pero sa pagkakadinig ko ay lalake ito.

"Yess, why?" Sagot naman ni Dark.

"I just want you to go in there,"

"What?! Are you fvcking kidding me? Do you want my men to get killed in place? That's too risky, Drexel." Sa totoo lang ngayon ko lang narinig si Dark na ang haba ng sinabi niya.

Mas inilapit ko pa ang sarili ko sa pinto. Ano kayang cruise iyon? Sana makasama nila ako. Gusto ko pa naman ang makasakay sa cruise. Dream come true yun, bes'.

Narinig ko pa ang marahang pagtawa ng lalaking tinawag sa Drexel.

"My cousin, gusto ko lang naman kunin mo ang mga bagay na nasa sa loob doon na nakasama ng paglubog ng barkong iyon,"

Pinsan niya ang kausap niya? Maliban kay West at East may iba pa pala siyang pinsan. Malamang Aileen, yunh dalawa lang ba ang pinsan niya, baka malay mo malaki ang angkan nila kasing laki ng mansyong ito.

Pero tama ba ang narinig ko na may bagay na nakasama sa barkong iyon, baka kayaman? Woah! Exciting 'to. Pirates of the Caribbean pala ang aktor na Dark na ito.

"Bakit hindi ang mga tauhan mo ang pakukunon 'non."

Matagal pa bago sumagot ang kausap ni Dark.

"They through a lot of things, Dark, at alam mo yun. I just want you to come and get that things dahil yan rin ang  mga bagay na kung saan interisado ang isang organisasyon na ito," mahabang katahimikan ang namayani sa loob nito na ikinakunot ng noo ko.

Hininaan ba nila ang volume ng mga boses nila kaya nagkakaganoon. "Ano ba yan," bulong ko sa aking sarili. "bakit walang man lang nagsasalita? Narealize ba nila kung gaano ako kaganda. Connect 'non Aileen? Tsk.

Aalis na sana ako sa pagkakasandal ko ng bigla na lang. itong bumukas "aah!" sa ikinaswerte ko nga naman nasalo ako ng sahig.

"Aray..." daing ko. Wow! As in wow talaga. Ang ganda ng pagkakabagsak ko. Huhuhu, sakit ng puwet ko. Pangalawang beses na ito. Kung pwede lang magkabukol ang puwet ay nagkabukol na talaga. Huhu.

Tiningala ko ang lapastangan na ito. From black shoes to his dark eyes. Alam na kung sino ag taong ito.

"He-he-he," alinlangan akong tumingin sa kanya. "Ahm, may tumulak kasi sa akin." Palusot ko.

Sige na, sana maniwala. Kumunot ang noo niyang nakatingin sa likuran ko. "Are you playing with my wife?"

Nanlaking mata ko siyang tinitigan at nagmamadaling tumayo mula sa sahig. "Oy, hindi 'a." Dipensa ko naman sa sarili ko.

Hindi kaya kami naglalaro rito. "Kung naglalaro tayo," tinitigan ko siyang mabuti. "bakit, sino ba ang taya?" Nakaka-curious kasi.

Napailing-iling siya na para bang suko na sa kagandahan kong taglay.

Nakarinig ako ng tumikhim dahilan para mapagawi ang tingin ko ang taong iyon.

Ay, siya ba yung kausap ni Dark? bes' ang posi niya. May malaabo itong mga mata. Maputi ito, matangos ang ilong at may pagkapinkish ang mga labi nito. At magkasing tangkad lang din sila ni Dark. At napapansin ko rin na may pagkahawig sila. Pero konti lang naman. Maputi nga lang talaga ito. Si Dark naman ay parang galing beach, tan kung tan ang balat na bumagay naman sa ma-maskels nitong pangangatawan.

"Is this your wife?" Tanong nito.

Hinapit naman ako sa beywang nito at mas idinikit aa katawan niya. "Yes, she is." Seryosong sagot naman nito.

Tumango naman ang huli.

Teka, hindi ako makahabol sa pinag-uusapan nila. Bakit tumatakbo ba sila? Aileen, istapit na.

Napansin ko ang pagngisi ng kaharap namin. Tumayo ito galing sa pagkakaupo at inilagay niya sa magkabilang bulsa ang mga kamay niya.

"I have to go," binaling nito ang tingin kay Dark, "pag-isipan mo ang sinabi ko." Pagkatapos ay umalis na ito ng silid.

"What are doing here?" Tanong niya kapagkuwan.

Lumayo ako sa kanya para magkatapat kami. "Wala lang," kibit balikat ko.

Ngayon naman ay tahimik lang siyang nakatitig sa kagandahan ko. Ningisihan ko siya ay sinundot ang mukha na ikinakunot ng noo niya.

"Nagagandahan ka sa akin 'no?" Pilya akong nakangiti.

"What? No,"

Bastosing, Dark 'to haㅡ

"Because you're beyond on that."

Laglag panga.

SEI pronounced as SEH-ee
#unedited #IamDyosa

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

64.9K 1K 38
"Kahit ilang beses mo pa akong tinanggihan at tatanggihan. Hindi ako titigil because I really like you." Mikee is a working student. For her, she doe...
1.8M 28K 67
I will do eveything to make her Mine. When I said Everything, I mean it. A story about Love, Possession and Obssession ~~ (Completed: May 21, 2015) P...
4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
14.7M 325K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...