Heartbound

By Missmaple

1.1M 56.9K 9.2K

[BOOK 2 OF SOULBOUND] Bumalik sina Avery at Zirrius sa Alveria, upang hanapin ang medalyong kinuha ni Seth at... More

Prologue
Heart 1: Hold Back
Heart 2: Pure Scent
Heart 3: Aris
Heart 4: Us
Heart 5: High Priestess
Heart 6: Otherworld Gate
Heart 7: Colors
Heart 8: Blinded
Heart 9: A Mess
Heart 10: Hate
Heart 11: Sumeria
Heart 12: Deathbed
Heart 14: Antidote
Heart 15: Necromancer
Heart 16: Deal
Heart 17: Forged Invitation
Heart 18: King Sean
Heart 19: Earthquake
Heart 20: Apologize
Heart 21: Promise
Heart 22: Gatekeeper
Heart 23: A
Heart 24: Freed
Heart 25: Back Home
Heart 26: Tomorrow
Heart 27: Stay Behind
Heart 28: Betrayal
Heart 29: Elf
Heart 30: Dreamy
Heart 31: Distract the King
Heart 32: A Lost Soul
Heart 33: Conflicted
Heart 34: Map
Heart 35: Heart Can Tell
Heart 36: Smart Kid
Heart 37: Seth
Heart 38: Catastrophe
Heart 39: Back to Earth
Heart 40: Our Thrones
Epilogue
Author's Note
Another Author's Note

Heart 13: Tehnran

25.7K 1.3K 64
By Missmaple

"But when you lean on fear and doubt..."


ZIRRIUS


The woods are getting darker and darker. Hindi na nasisinagan ng buwan ang bahaging ito ng kagubatan. Parang pumapasok kami sa isang malaking tunnel ng mga puno at halaman. Halos hindi na namin nakikita ang aming dinadaanan pero mukhang kabisadong-kabisado ni Savanna ang lugar na ito.


Akmang gagawa ako ng apoy upang ilawan ang daan pero pinigilan ni Savanna ang kamay ko. Halos tila anino na lang siya sa paningin ko dahil sa sobrang dilim ng paligid.


"You'll attract unwanted creatures," halos pabulong na wika niya. "They are sleeping. Don't wake them up."


Naikuyom ko ang kamao nang bitawan niya ang kamay ko. "Malayo pa ba tayo?" mahinang tanong ko habang ipinagpapatuloy ang paglalakad. Tahimik lang si Damon habang matiim na nagmamasid sa paligid.


"Wala pa tayo sa kalhati ng ating patutunguhan. Pero kailangan nating magmadali. Tiyak na malalagay sa panganib ang aking ama dahil sa paggamit niya ng mahika." Seryoso ang tinig ni Savanna. Mariin niyang ikinuyom ang kamao.


"Ano'ng ibig mong sabihin?" takang tanong ni Damon sa kanya. Maingay ang mga kuliglig sa paligid na tanging tunog na aming maririnig.


"In no time, the palace will detect his magic. Tiyak na huhulihin siya anumang oras at ipapapatay. And if he dies, that will be your fault. I won't forgive you," mariing sabi niya na ikinatigil ko.


"Bakit hindi mo sinabi sa 'min agad?" Magkahalong gulat at pagkainis ang tono ng boses ko. Mapapahamak din sina Avery. Mas matindi ang pag-aalalang nararamdaman ko dahil hindi siya nakakakita. My palms are sweating. I hope Kendrick and Ayen can save all of them. Darn! Hindi maaaring mawala si Shin o si Manong Theo. Wala dapat mapahamak sa kanila!


"If my father stop the ritual, the child will die. He knows he can no longer stop. Kailangan niyang gawin nang walang tigil ang ritwal at dahil doon, mas malaki ang tsansa na matunton siya ng mga kawal. Kahit sabihin ko sa inyo, hindi rin natin siya mapipigilan. He never abandoned a life before, especially not a child's life." Mabigat ang tinig niya.


"Kung ganu'n kailangan nating magmadali," mariing sabi ni Damon.


Tumatambol ang tibok ng puso ko. I can't calm down. I need to see them as soon as possible.


"Kill the magical nocturnal beast, Tehnran. That way, everything will be faster and easier. But I doubt it. Swerte na kung makakuha tayo kahit isang patak lang ng dugo niya," sagot niya. "I'll collect its blood. Keep it busy."


We walked for another hour. Minsan tumataas ang balahibo sa batok ko dahil tila may mga matang nagmamasid sa 'min. The woods are too dark for my human eyes. It will be better to use an elf eye in this kind of situation. May ilang paniki na biglang lumilipad sa kinatatayuan namin.


Sa 'di kalayuan, natanaw ko ang mga puno na magkakadikit ang mga katawan at halos gumawa ng korteng bilog. Their branches are entangled with each other that create a big dome. May iba't ibang uri ng ibon na nagpupugad sa ibabaw nito. Some of their feathers are burning of whiteness in the night. Sila ang nagbibigay liwanag sa buong paligid.


Nang matanaw kami ng mga ibon, bigla silang humuni at tila kumakanta. Or maybe they are giving someone a warning. Savanna hissed under her breath.


"Ipinapaalam nila sa Tehnran ang pagdating natin," seryosong sabi niya. "The beast live inside that tree dome." Itinuro niya sa 'min ang daan. May nakita kaming maliit na siwang sa pagitan ng dalawang puno.


"The Tehnran is a demon in ghostly beast form but no one ever seen its form. It is savage. A beast capable of tricks and deceptions. Don't get deceived. I never encountered this beast before but my father used to tell stories. It never showed its true form. Sometimes, it's a beautiful lady. Sometimes, a wolf. Sometimes, a unicorn. Or just part of a tale. No one came back after going here. No one can confirm the stories and tale. And part of the stories is that its blood can cure any disease."


"It's just a story?" takang tanong ni Damon.


Umiling si Savanna. "Not just a story. Its blood is really an ingredient of the ritual. Some witches stole knowledge from demons and they made a book out of it. Or some witches barter their souls for that information. The child is already hopeless case. The Tehnran's blood is our only miracle."


Mariin kong naikuyom ang kamao. This is our only miracle. Miracle! When we say miracle, it's near impossible.


Ipinilig ko ang ulo. I'll make everything possible even if it means death. For Shin. For all of us.


Maingat na pumasok kami sa loob ng dome. Napakalawak ng espasyo sa loob nito. Basa at maputik ang lupa dahilan upang bahagyang lumubog ang mga sapatos na suot namin. Mahamog ang buong lugar. Sa gilid ng mga puno, makikita ang maliliit na itim na apoy na lumulutang sa paligid. Malamlam ang liwanag sa loob dahil sa mga apoy na ito. Sa itaas, makikita ang sanga-sangang puno. As if there are a lot of floors made of branches above us. Hindi namin makita ang nocturnal beast na sinasabi ni Savanna.


There's an eerie air circulating inside the dome accompanied with death. Ginamit ko ang mahika ko upang palabasin ang espada sa kamay ko. Maging si Damon ay naghanda na rin sa pakikipaglaban. Deadly daggers rested on his hands.


Ihinanda naman ni Savanna ang pana at palaso niya at walang takot na naglakad sa loob ng tirahan ng beast. Inilibot niya ang paningin sa buong paligid.


Naririnig pa rin namin ang mga huni ng ibon mula sa labas ngtree dome. Hindi sila tumitigil. The sound made my skin crawl.


Mula sa itaas, narinig ko ang ingay na nagmumula sa mga sanga. Tunog ng mga nababaling sanga ang umalerto sa 'min. Malakas na alulong ang umalingawngaw sa paligid. A wolf or a hound? But the sound is more pronounced and deeper, scarier. The Tehnran was coming down for us. To get us.


Nakatingala kami habang naghihintay sa pagdating ng Tehnran. Our body went stiff when the fog thickens around us. Naningkit ang mga mata ko sa pagpupumilit na mas maging alerto pero sa kasamaang palad, unti-unting naglaho sina Savanna at Damon sa paningin ko.


Nabalot ng makapal na hamog ang buong paligid. Nakaramdam ako ng panlalamig na naging dahilan upang tumaas ang mga balahibo ko sa batok. I swing my sword in my hand when I heard movements. Damon and Savanna are already moving. Are they being attacked?


Napasinghap ako nang may isang mabilis na kasing-itim ng anino ang biglang umatake sa 'kin. Tumagilid ako upang umiwas pero dumaplis pa rin ang matatalim na kuko nito sa tagiliran ko kaya napangiwi ako. I stabbed it but it was fast enough to dodge using its claws and disappeared in the thick fog. The claw marks are visible on my clothes and the blood drips on my side.


Narinig ko ang sigaw ni Savanna at tunog ng sandata ni Damon. I run with urgency towards the sound. The mud was sticky on my feet. It's preventing me to move even faster. Pero biglang sumulpot sa paanan ko ang Tehnran at pinatid ako. Hawak ng malalaking kamay nito ang isang paa ko. I tried to slash the Tehnran with my sword but it was good at evading my blows.


The Tehnran swings me in circles before throwing me away with its mighty strength. It has beastly strength that I couldn't match. My back hits the tree trunk with a loud thud. Halos gumalaw ang mga puno dahil sa lakas ng pagkakatama ng likod ko rito. They vibrate. I could taste the blood on my mouth. I spat.


I heard another loud thud and I Damon growled in pain and frustration. If only we are in elf form, our senses might help us a lot. Mas mabilis din kaming makakagalaw at masasabayan namin ang bilis ng Tehnran.


My back aches when I stood up and regained my balance. May narinig akong malakas na sigaw mula sa itaas ng tree dome. Someone's up there. It's Savanna's voice! Or did she hit the ceiling? I heard a loud thud.


Napakunot ang noo ko nang mapansin ang paghupa ng hamog. Unti-unti itong naging manipis. Narinig kong muli ang sigaw ni Savanna. She was sent flying towards my direction. Agad akong tumakbo upang saluhin siya. She was wounded all over her body. Nabitawan na rin niya ang pana niya samantalang ang mga palaso ay nahulog sa lupa.


Mabilis ang paglipad niya patungo sa direksiyon ko kaya nang saluhin ko siya napaurong ako at nawala ang balanse ko. Muntik ko na siyang mabitawan, mabuti na lang at naagapan ko. Napaluhod ako sa putikan habang buhat siya.


Nawala na ang hamog. Maayos ko ng nakikita ang paligid.


"Move away from her!" sigaw ng isang babaeng tinig na nagmumula sa gitnang bahagi ng tree dome. Natigilan ako nang makita ko si Savanna. Horror and dread flooded her face as she looked to another Savanna. I can't tell which one is the real Savanna. Both are wounded. Sumeryoso ang Savanna na buhat-buhat ko.


"Don't bother with her. I'm the real one. We need to collect its blood now. My father will be in danger," she said. Siya na ang nagkusang umalis sa pagkakabuhat ko. Pinagpag na ang damit at naglakad upang kunin ang pana at mga palaso niya. Maging si Damon ay naguguluhan kung sino ang paniniwalaan.


Itinutok ng isang Savanna ang pana at palaso niya sa kanya. "Don't use my father here. Take another step and I'll release this fucking arrow." Matigas ang boses niya at nanlilisik sa galit ang mga mata.


Natigilan si Savanna at naningkit ang mga mata. Malayo pa siya sa mga palaso niya. Hindi niya tinangkang ipagpatuloy ang sunod na hakbang. Tumingin siya sa 'ming dalawa ni Damon. "I told you. Take care of the Tehnran while I collect its blood."


Mas lalong namutla ang mukha ni Savanna na may hawak na pana at palaso. "You can see through someone's memories?" hindi makapaniwalang sabi niya.


Napaawang na lang ang labi ko. I couldn't move. Which one to attack?


Mariing kinagat ni Savanna ang labi niya dahil naiinis na siya. "No. My memory is my own. I don't need anybody's memories to be me. Don't pretend to be me."


Tumingin sa 'kin si Savanna. Nakataas ang kilay niya. "I got the vessel." Ipinakita niya ang maliit na lalagyan na nakasabit sa kanyang kwintas. Dito niya balak ilagay ang dugo ng Tehnran.


Napatingin kami sa Savanna na may hawak ng palaso. "I got the vessel too! She's an imposter!" Ibinaba ni Savanna ang mga palaso niya at kinuha ang kwintas kung saan nakasabit ang vessel na kagaya ng ipinakita ng unang Savanna.


Mariin kong hinawakan ang espada ko. Nang tumingin ako kay Damon, he nodded at me and pointed at his head. He was telling me to let my guard down. The shield on my mind must be lowered. I nodded back. Hinayaan ko siyang makipag-usap sa 'kin gamit ang kapangyarihan niya.


"Both are identical. The wounds and clothes," he said.


"Ang problema, hindi natin alam kung ano ba talaga ang totoong ugali ni Savanna." Natigilan kami nang gamitin ni Savanna ang pagkakataon na ito upang tumakbo at kunin ang pana at palaso niya. Agad na naging alerto ang isang Savanna. She released her arrow but the other one evaded it. Nagawa niyang kunin ang


"We have no choice. Let's attack both and see who among them will not fight back," seryosong sabi ni Damon. Magkasalubong ang mga kilay niya.


"I agree."


Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Agad kong tinakbo ang Savanna na may hawak na pana at palaso. She was still hitting the other one. Damon ran and attacked Savanna who just retrieved her bow and arrows.


Savanna was shocked when I swing my sword in an attempt to strike on her side but she recovered quickly. She did a backhand flip to evade my attack. Isang sipa ang pinatama niya sa panga ko. She used magic to defend herself on my next strikes.


"What are you doing?" she demanded with a hiss. Napansin ko na umaatake rin kay Damon ang isa pang Savanna. My opponent summon fire on her hands. This is harder than we thought. We can't determine which one is the real Savanna.


Naningkit si Savanna sa hawak kong espada. "The Sword of Truth, Magenta. A gift from an angel. An ancient relic."


Kumunot ang noo ko dahil sa mga sinabi niya.


"You have no idea how I hate that sword," Savanna said.


Maybe she's the imposter. Nang lingunin ko si Damon, Savanna is evading his every blow and dagger.


"Can you get through Savanna's mind?" tanong ko kay Damon. "My opponent said she hates my sword. She knows something about it. She said it's the Sword of Truth, Magenta. Maybe she's the imposter."


"I can't. Her mind is guarded. No. There's something off about this one. There's no entry point on her mind. I can't determine if she actually has a mind."


Nakagat ko ang labi ko. Maybe the real Savanna just hates my sword?


"Maybe she's an illusion?" kunot-noong tanong ko.


"Maybe the Tehnran just hides its mind well."


"Try it with my opponent. Check if you'll see any difference," seryosong sabi ko. Nang lumingon sa 'kin si Damon, tumango siya. We ran to switch opponents.


My sword hits Savanna's bow. Nabali ito pero nagawa niyang ilagan ang espada ko. She used magic to evade my sword. Hindi niya rin niya hinahayaang dumaplis ang espada ko sa balat niya. Naiinis na tiningnan niya ang espada ko. She hissed under her breath.


"Damn sword," she cursed.


"How is it, Damon?" tanong ko sa utak ko.


"Same. No entry points."


"Fuck!"


Which one is real?


AVERY


It's already midnight. Hindi ko pa rin lubusang nakikita ang paligid ko. Sometimes, I could caught a glimpse but it would immediately fades away.


"Magpahinga ka muna, Empress Avery," sabi ni Ayen.


Mariin kong ikinuyom ang kamao ko. Hindi ako maaaring magpahinga. Maybe I can help Shin if I can see his real condition. Maybe I can do something too.


"Matulog ka na Ayen. Alam kong wala ka pang pahinga dahil sa pagbabantay kay Shin," sabi ko na lang.


"Nag-aalala ako kay Manong Theo. He's not eating for almost a day. He can't stop the ritual until they're back. He can't sleep and rest," mahinang sabi ni Ayen. "Tubig na lang ang naibibigay sa kanya ni Kendrick. Nag-aalala ako para sa kanilang dalawa ni Prinsipe Shin."


Nakagat ko ang pang-ibabang labi. We can't set aside our worries no matter what we do. No matter how we push to think that everything will be alright.


Natigilan kami ni Ayen nang may marinig kaming sunud-sunod na katok sa pintuan. Narinig ko ang agad na pagtayo ni Ayen. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bumalik na ba sila? Nagtagumpay ba silang makuha ang lunas? Wala sa sariling napatayo rin ako. Ayen ran for the door. Dahan-dahan akong tumayo. Maingat ang mga hakbang ko upang hindi ako madapa o matakid.


I want to hear their voices. Kinakapa ko ang mga kasangkapan na nadadaanan ko. Unfortunately, these things doesn't have magical auras. But sometimes, I can see some residual magic in them. Especially when the object was used for some magical purposes.


"Sino kayo?" seryosong tanong ni Ayen. I could hear the dread in her tone. "Ano'ng kailangan ninyo?" Matigas ang tono ng pananalita niya. Natulos ako sa kinatatayuan. Kung ganu'n, hindi sina Zirrius ang dumating.


"May gumagamit ng mahika sa lugar na ito," malalim at seryosong sagot ng isang lalaki. "Papasukin ninyo kami," utos niya.


"Teka! Baka nagkakamali lang kayo? Ano'ng basehan ninyo?" nauutal na sabi ni Ayen. I could hear the conviction in her voice. She wouldn't let them check the house. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad. Nagmamadali na ang bawat hakbang ko at halos madapa na ako. I saw their big figures because of their aura.


Nakaharang sa pintuan si Ayen.


"We traced the magic's origin. Sumeria is under a magic spell where we can detect the use of magic anywhere within the territory. Hindi na namin kailangang magpaliwanag sa inyo," he answered with annoyance. "Halughugin ang buong lugar!" utos niya sa iba niyag kasama. Napansin ko pa ang paggalaw ng mga kamay niya na sumesenyas sa kanyang mga kasama.


He moved away from the door. Agad na kumilos si Ayen at lumabas naman ng silid si Kendrick mula sa silid ni Manong Theo. He heard the commotion. Hinawakan niya ang kaliwang braso ko.


"Pumasok ka na sa silid mo," giit niya.


"No! I'll fight," mariing sabi ko. I willed my magic and a sharp sword made of Angel Fire was revealed. "Don't worry. Kaya kong lumaban. I can sense their energies."


He hesitates but when Ayen was pushed aside, he moved quickly, aiming his swords to the guards. Mabuti na lang, mesa at mga upuan lang ang gamit sa loob. I already know where these furtunitures are located. I did touch them earlier.


One of the guards aimed at me. I heard the clanking of swords. He raised his both hands with a swordman's posture. Unfortunately, I can't see his sword, only his aura. But I can easily make up a sword out of his stance. I evade his strike with my sword. My sword went ablaze. I'm not sure if I'm melting this man's sword. I hope so.


He tried to kick my stomach but I twisted my body. I moved with swiftness and accuracy. My sword landed a blow on his side. Napaigik siya. He tried to strike straight to my heart. A flying kick hits his head. He landed flatly on the floor. I slit his throat and he's already done for.


Sa bilang ko, sampung kawal lang ang sumugod dito. Napaigik ako nang may dalawang patalim na lumipad patungo sa 'kin at bumaon sa magkabilang balikat ko. I can only see the auras of these men but not the flying objects. I'm only good at close range fights. Napasinghap at napaungol ako nang bunutin ko ang mga patalim. Namuo ang malalaking butil ng pawis sa noo ko. I could feel the thick blood staining my clothes and skin.


"Avery!" nag-aalalang sigaw ni Kendrick. Limang kawal ang nagtutulungan upang patumbahin siya. Si Ayen naman ay tatlo. May isang kawal na tumatakbo patungo sa 'kin. Siya ba ang naghagis ng patalim sa 'kin? May lalo akong naging alerto. I closed my eyes. I let instincts overtake my senses.


The guard swings his hands in the air. He released another needle. I could hear it approaching. I used magic to dodge it. Nang marinig kong nahulog na ang kutsilyo sa sahig, tinakbo ko ang kawal. He had a sword so he dodged my blow. He managed to even kick my side and my back hits the table. I gasped. He charged at me and his sword was aimed to slice me in two.


I twisted my body. Gumulong ako sa mesa at hinarap siya. Bumaon ang espada niya sa mesa. Pilit niya itong hinila pero agad kong nasipa ang panga niya. Natitiyak kong nabitawan niya ang espada niya. Napaurong siya at halos mapaupo sa sahig. I lunged forward and my sword landed straight to his heart. He's gone. Agad akong lumayo sa kanya.


Napatumba na rin ni Ayen at Kendrick ang mga kawal na umatake sa kanila. But two of them managed to run.


"Ako na ang bahala sa kanila!" sigaw ni Ayen. She shifted into a bird and flew away.


Kailangan na talagang bumalik nina Zirrius sa lalong madaling panahon dahil kung hindi mas lalong dadami ang kawal na susugod dito. 


****

Continue Reading

You'll Also Like

358 54 14
VON(REMEMBER US) BABZ07AZIOLE FANFIC/MYSTERY/THRILLER Pakiramdam na pati ang utak mo'y lumilipad sa kawalan, Sumasagitsit ang kirot, Hanggang sa pa...
16.3K 1.7K 73
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
41.3K 1.6K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...
403K 16.9K 37
When Denise Raven receives a mysterious email from someone claiming to be her from a parallel universe, her whole world changes forever. Dahil sa men...