Invisible

Oleh michiimichie

13.1K 308 49

what if tanungin ka ng pinakamamahal mo na ganito, "Pwede bang si *insert name ng ibang girl* ka na lang? Can... Lebih Banyak

Invisible
INVISIBLE 1: (ALEX)
INVISIBLE 2: (ALEX)
INVISIBLE 3: (ALEX)
INVISIBLE 4: (AINA)
INVISIBLE 6: (AINA)
INVISIBLE 7: (ALEX)
INVISIBLE 8: (AINA)
INVISIBLE 9: AINA
Invisible 10: AINA
Invisible 11: LEO
Invisible 12: AINA
Invisible 13: ALEX
Invisible 14: ALEX
Invisible 15: ALEX
Invisible 16: AINA
Invisible 17: AINA
Invisible 18: ALEX
Invisible 19: AINA
Invisible 20: AINA
Invisible 21: AINA
Invisible 22: AINA
Invisible 23: AINA
Invisible: Epilogue

INVISIBLE 5: (AINA)

401 13 1
Oleh michiimichie

“Okay ka lang, Aina?” tanong sa akin ni Edward.

Nanginginig ang mga kamay ko at pinagpapawisan ako ng malamig. Tumango ako kay Edward. “Yeah, I’m fine.” Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto. “I’ll just go to the toilet.”

“Okay. Bilisan mo lang at tutugtog na tayo,” sabi lang niya. Hindi na siya nag-abalang tumingin sa akin dahil abala siya sa kanyang gitara.

Kakalabas ko lang ng kwarto nang makasalabong ko si Leo.

“Oh, Aina ko, saan ka pupunta?” nakangiting bati niya sa akin.

“Go to the toilet,” I just said.

“Namumutla ka, you fine?”

Tumango ako. “I’m fine.”

“You sure?” pangungulit pa niya.

Napangiti ako. “Yeah. I’m sure.”

“Samahan na kaya kita? Parang any moment magcocollapse ka eh.”

Tiningnan ko si Leo. “I’m okay, so don’t worry, okay?”

Hindi nagsalita si Leo pero tiningnan niya ako ng matiim at dinama ang noo ko. Tinanggal ko naman agad iyon at nagsalita. “I just need to go to the toilet.”

“O-okay,” sang-ayon na lang niya.

Alam kong nagtataka siya dahil ngayon niya lang ako nakitang ganito. I am sick. For how many years? I do not know. Maybe when I was born I already have this sick. But I don’t give a damn. Basta ang alam ko, magaling na ako. I just need to drink my maintenance medicine, the word maintenance. Damn! I forgot it earlier.

Lumabas ako dahil pinadala ko na lang sa driver ko ang gamot ko. Nang makuha ko na iyon ay uminom ako agad kahit wala akong dalang bottled water.  Nagpahinga lang ako saglit sa kotse at pagkatapos ay lumabas na din agad. Baka hinahanap na nila ako. Ako pa naman ang vocalist ngayon.

Dumiretso ako sa may banyo para makapagretouch. Baka mukha na pala akong bangkay ngayon eh. Pumasok lang ako saglit sa isang cubicle dahil nakaramdam na naman ako ng paninikip ng dibdib. Kailan ba matatapos ito? Kapag namatay na ako? Napangiti ako ng mapait dahil sa naisip ko. Wala pa akong balak mamatay kaya konting tiis lang Aina.

Napapikit ako habang nakaupo sa may bowl habang nakasandal ang ulo ko sa may wall. Ang sakit ko ang dahilan kung bakit kailangan kong iwan si Alex. Hindi ko na nasabi sa kanya dahil wala nang pagkakataong makapagpaalam. I was comatose in one of the Hospital here in Philippines and I do not know, when I woke up, I am in Canada already. They transferred me here without even consulting me.

Paano nga naman sila makakapagpaalam sa akin gayong para akong buhay na patay na nakahiga lang sa kama na tanging mga apparatus lang sa Hospital ang bumubuhay sa akin.

Napahinga ako ng malalim at tumayo na. Inayos ko ang buhok ko at lumabas na ng cubicle. Napalingon ako sa babaeng kasabayan kong lumabas sa katabing cubicle.

“Hi, Son,” bati ko sa kanya. I forgot, inimbitahan nga pala siya ni Alex ngayon. Akala ko kahit ngayon lang masosolo ko si Alex, ‘yong wala akong sakit na mararamdaman nang dahil sa selos.

“Hello, Aina! Good luck sa ‘yo mamaya,” nakangiti nitong bati sa akin habang abala siya sa pag-aayos ng sarili.

“Thank you!” nahihiya kong pasasalamat. Pakiramdam ko ang sama kong tao dahil itinuturing ko siyang kakompetensiya kay Alex habang siya naman ay walang kaalam-alam.

“Are you always wearing that black eyeliner and mascara?” tanong pa ni Son sa akin. Nagallagay na kasi ulit ako ng eyeliner.

Tumango ako. “Yeah. Kasama ‘to sa get-up.” 

“Ang galing mo naman. Di kasi ako marunong maglagay niyan eh. Napapa-iyak ako,” sabi niya habang pinapanood ako sa ginagawa ko. Medyo naiilang ako.

 

Nang matapos na ako ay humarap ako sa kanya. “Sa una lang ‘yon. Kapag nasanay ka na madali na lang. Hindi ko na maiiyak.”  Humarap na ako sa salamin at inabala ang sarili ko sa paglalagay ng mascara. Kailangan ko ito para maitago ang lungkot sa mga mata ko.

“Hindi ka nahihirapang maglagay ng mascara?”

“Hindi. Madali lang naman ‘to,” I answered. She’s really comfortable talking to me habang ako naman ay ilang na ilang. Kung pwede lang sabihin na h’wag niya muna akong kausapin kaso I don’t want to be sounds so mean in her.

“Naglagay niyan ako once. Napapikit ako kaya ‘yon, nagmukha tuloy akong mumu dahil nagkalat ang mascara,” natatawa niyang pagkukwento.

Natawa ako ng mahina sa kwento niya. “Ang kulit mo talaga.” Kaya ka siguro nagustuhan ni Alex. “Gusto mo lagyan kita?” I just want to know kung ano ang magiging reaction ni Alex kapag nilagyan ko ng kolorete ang mukha ni Son.

 Lumawak ang pagkakangiti ni Son. “Sige sige. Para maiba naman ang itsura ko,” sang-ayon niya sa akin.

 Lumapit ako sa kanya at sinumulan ko ng lagyan ng eyeliner ang eyelid ng mga mata niya. “Tingin ka lang sa taas. Madali lang ‘to,” mahinang sabi ko.

 Sumunod naman siya sa mga sinasabi ko. Napapaluha na siya. 

“Naluluha na ako,” namumula ang mga matang sabi ni Son. 

“Mascara naman. Ganyan ka lang. When I’m done, don’t close your eyes,” sabi ko lang.

 “Sige sige,” sang-ayon niya lang kahit sobrang naluluha na ang mga mata niya.

 

Nang matapos ang paglalagay ng kalorete sa mga mata ay pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Napangiti siya sa nakita niya. “Ganda ng mata ko. Naeemphasize siya ng bongga.” 

“Maganda na naman mata mo kahit di ka maglagay ng mga ganyan eh,” sabi ko.

 “Talaga?” natutuwang tanong niya at napatingin sa akin na wari ay hindi siya naniniwala na gusto niyang maniwala.

Tumango ako. “Oo.”

 “Salamat sa paglalagay, ha? Tara na! Iniintay pa ako ni Alex sa labas eh. Hahanapin pa namin sila Ikey.”

Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Si Alex ang tipo ng taong hindi hahayaang iwan ang taong mahal niya sa isang lugar na maraming tao. He’s so protective to whoever the lucky girl he love. Unfortunately, hindi na ako iyon. “Nasa labas si Alex?” kunwari ay hindi ko alam.

 

“Oo. Tara na. Alam mo ba kung saan nakaupo sila Ikey?” tanong niya pa at hinila na ako papalabas ng CR.

 “Oo,” sagot ko lang. Nakakaramdam kasi ako ng kaba kapag naiisip kong makikita ko si Alex. Natutuwa na nalulungkot dahil makikita ko na naman kung paano niya ako balewalain kapag kaharap si Son. Natatakot din ako na ituring niya akong hangin, invisible.

Nang makalabas na kami ay una ko agad ay si Alex na nakasandal sa may gilid ng banyo. Nakatingin siya sa malayo habang nasa bulsa ang kanyang kamay.

Alex. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ko siya iniwan. Gusto kong sabihin na mahal na mahal ko pa siya hanggang ngayon. Pero balewala na rin naman ‘yon. May mahal na siya. Ang masakit ay hindi na ako iyong mahal niya.

“Lex?” tawag ni Son kay Alex kaya napatingin siya sa amin. Ngumiti ako sa kanya pero hindi man lang dumaan ang paningin niya sa akin. Diretso agad kay Son.

 Ngumiti si Alex kay Son lang at lumapit. “D’yan ka na pala. What happened to your eyes?” Napansin niya agad kahit medyo madilim sa lugar namin.

 Ngumiti naman si Son. “Maganda ba? Nilagyan niya ng eyeliner.” Itinuro ako ni Son at do’n lang ako napansin ni Alex. Nararamdaman ko na nag-iinit na naman ang mga mata ko at parang pinipiga ang puso ko. Gano’n na ba ako ka-invisible sa kanya ngayon?

Sumama ang mukha ni Alex at ibinalik ang paningin kay Son. “Pangit,” komento niya agad na alam ko namang iyon na agad ang sasabihin niya. “Di ka dapat naglalagay ng ganyan. Maganda ka na kahit wala niyan.”

 Nagpout si Son dahil sa comment ni Alex. “Ei… maganda kaya.”

“Hindi bagay sayo,” mahinahon niyang sabi kay Son at tumingin siya sa akin na ikinalukso ng puso ko pero nalungkot din agad ako ng marinig ko ang sinabi niya, “next time wag mo ng lalagyan ng ganyan si Son.”

 Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.

Hinila ni Son ang kamay ni Alex. “Uy, h’wag ka namang ganyan kay Aina. Ako naman ang may gusto nito eh. Nagandahan lang ako sa mata niya.” Tumingin sa akin si Son. “Aina, pasensya na, ha? Masyado lang siyang OA pagdating sa ‘kin.”

Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung naitago ko ang lungkot na nararamdaman ko. Basta nasasaktan ako ngayon. “Sunod nalang kayo sa ‘kin. Andito sila Drew,” pag-iiba ko ng usapan at nauna nang magalkad sa kanila. Mas masakit makitang sabay silang naglalakad sa harapan ko habang dati ay ako itong nakakasabay at inaalalayan niya.

Alex. Pasimple kong pinusan ang luha ko.

Nang makarating na kami sa table nila Ikey at tinawag ko agad si Drew. “Drew, tara na.” 

Tiningnan ako ni Drew at napakunot-noo siya. Siguro may kumalat na eyeliner sa mata ko dahil sa pagpatak ng luha ko kanina. Paniguradong tatanungin na naman niya ako mamaya. Manhid lang naman siiya sa sarili niyang nararamdam pero pagdating sa aming mga kaibigan niya at alam niya agad kapag may problema ang isa.

Tumayo si Drew at inakbayan ako. “Oh? Balik na lang ako mamaya pagkatapos namin,” paalam ni Drew at umalis kami.

“Ano na namang iniiyak mo diyan, Aina?” tanong niya sa akin ng makalayo na kami. “Si Alex na naman? Tama na, Aina, pinapahirapan mo lang ang sarili mo.”

Tumango ako ay tumulo na naman ang luha ko. “Wala na ba talagang pag-asa? Hindi na ba talaga pwedeng maibalik na ako ulit ang mahalin niya? Para namang walang nararamdaman si Son kay Alex eh. Baka pwede pa ako, Drew. Hindi naman biro ang nararamdaman niya sa akin dati eh.”

Naramdaman ko na humigpit ang pagkaka-akbay niya sa akin. “Hindi ko masasabi pero kilala mo rin naman si Alex, right? Hindi siya iyong klase ng taong magbabago ang nararamdan agad dahil lang bumalik ka. Iniwan mo kasi siya eh. Hindi ka nagpaalam man lang. Alam mo ba kung gaanong nasaktan si Alex noong umalis ka? Hindi siya maka-usap. Lagi lang siya sa isang tabi at naghihintay na darating ka.”

Lalo akong napaluha sa sinabi ni Drew. Kung alam mo lang, Drew kung gaano ko kagustong bumalik kay Alex pero hindi kaya ng katawan ko. Ang daming nakasaksak sa akin apparatus at halos tatlong buwan akong nasa Hospital lang.

“Sabi ni Alex may sasabihin ka pa sa kanya kaya kahit tapos na ang araw na napag-usapan niyo ay bumabalik-balik pa rin siya sa restaurant kung saan niyo balak magkita. Lagi siya doon, isang buwan… dalawang buwan… nagpapabalik-balik siya doon kahit sinsabihan na naming pumunta ka ng Canada. Kahit ang pag-aaral niya ay napabayaan niya. Pero nag-give-up din siya. Hindi na siya pumunta pa do’n. Hindi na siya nakipag-usap sa amin. Madali siyang mapikon at mawalan ng pasensya. At magmula noon, hindi na niya itinuring na tao ang mga babae maliban sa kanyang kapatid na si Alexa at sa Mama niya. Parang isinumpa niya ang mga babae noon. Itinuring niyang invisible lahat nang babae.”

 

Invisible.

 

Kaya pala hindi niya ako napapansin. Dahil isa na ako sa mga invisible. Hindi lang dahil nasaktan ko siya kung hindi dahil talagang itinuturing niya na invisible lahat ng babae.

“Pero bakit si Son?” mahinang tanong ko.

“Hindi ko rin alam eh. Isang araw na lang, may nilapitan siyang babae na ikinabigla namin. Kina-usap niya ito ay nginitian. Hanggang sa hindi namin alam, naging malapit na sila. Lahat kami natuwa dahil at last okay na siya, at last nakamove-on na siya sa ‘yo. Ang tagal niya rin kasing naghintay sa ‘yo. Sorry ha? Pero sa palagay ko, wala ka ng pag-asa. All eyes na siya kay Son at kahit isang beses ay hindi ko man lang siya nakitang mapatingin sa ‘yo kapag nasa paligid si Son.”

 

Napagat ako sa lower lip ko para pigilan ang paghagulhol.

Wala na ba talagang pag-asa kahit konti?

Wala na ba talaga?

Kahit second option lang sana. Okay na ‘yon. Basta napapansin niya ako. Basta makikita niya ako.

Kahit option lang ako.

----

mensahe ni michiimichie

oh my! Kahit option lang daw. Mahirap yun, Aina. Lalo ka lang masasaktan. May LEO Ka naman.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
1.2M 44.6K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...