[HOLD] Enchanted: The Accurse...

By tala_hiraya

778K 24.1K 2.6K

ENCHANTED: The Accursed Daughter By: EmpressWinteroo #Wattys2016 Trailblazer Winner Simula noong bata pa ay n... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 pt. 1
Chapter 43 pt. 2
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46 pt. 2
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52 pt. 1
Chapter 52 pt. 2
Chapter 53

Chapter 46 pt. 1

7.4K 276 37
By tala_hiraya

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 46 pt. 1

I R I N E

"Saan niyo dadalhin ang katawan niya?!" Pagalit na sigaw ko sa isang Stager na nagbubuhat sa katawan ni Nisha.

Sinubukan kong kunin ang kaibigan ko pero isang kamay ang humila sa 'kin patalikod.

"Nasaang posisyon ka para sumigaw sa mas nakakataas sa 'yo?" Usal ng humila sa 'kin na namumukhaan ko.

Huminga ako ng malalim. Dahil sa namumuong galit sa nararamdaman ko, halos hindi ko na makontrol ang aking mga kilos. Tiningnan ko lamang ang humila sa 'kin habang naalala ang mga nangyari.

Halos manggigil na ako sa galit dahil nang nakaalis ng tuluyan ang mga witches, ang mga Stagers na ang kumuha sa mga bangkay ng mga nasawi sa laban. Sa una ay panatag pa ako dahil si Red ang nagbuhat kay Nisha pero bigla itong kinuha ng isang Stager na nagbubuhat sa katawan niya ngayon. Kinailangan kasi ni Red na magreport kanina kaagad sa underground base para sa nangyari kaya wala siyang nagawa kundi sumunod.

At wala rin akong nagawa kundi bantayan ang katawan ni Nisha. Iba't-ibang emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Galit. Pagsisisi. Pagkalungkot.

Ayokong may ibang humahawak kay Nisha kaya kanina ko pa sinisigawan ang Stager na nasa harap ko ngayon. Kahit pa mas mataas siya, binalewala ko 'yun. Wala na rin ako sa tamang pag-iisip para alalahanin ang hierarchy sa camp.

"Ayos lang po, Deyon James. Naiintindihan ko siya," wika ng Stager sa humila sa 'kin kanina.

Kumunot ang noo ko. Ilang segundo ang lumipas nang maalala ko ang Enchanter na namumukhaan ko. Deyon James, isa sa mga kasama ni Lina at Tristan noong nakilala ko sila sa training. Siya ang enchanter na ayaw kong lapitan dahil sa intimidating niyang mga tingin.

Deyon siya. Wala akong pakealam ngayon.

Napailing nalang ang sinasabi niyang si Deyon James at inutusan ang Stager na ipunta si Nisha sa grupo ng mga bangkay na nakahiga ngayon sa lupa habang nababalutan ng puting tela.

Nang makita kong maingat ang pagkakabuhat ng Stager kay Nisha at napansin kong nakatingin siya sa 'kin para kunin ang permisong magpatuloy siya, tumango na lamang akong bahagya.

Hinayaan ko ang Stager na buhatin si Nisha at ilapag katabi ng iba pang bangkay. Hindi ko maiwasang tumitig sa nakapikit at hindi gumagalaw na kaibigan ko ngayon.

Pinagmasdan ko nakapikit niyang mga mata na alam kong hindi na bubukas pa. Bigla muling nanikip ang dibdib ko at uminit ang aking mga mata. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala. Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat ng 'to pero hindi ko magawa. Gusto kong sumigaw at hanapin muli ang witch na gumawa nito kay Nisha para mapaghigantihan siya pero wala akong magawa.

Walang kwenta. Walang kwenta ang kapangyarihan ko kung pati ang mga kaibigan ko ay hindi ko maprotektahan.

Nanginig muli ang aking mga kamay at bibig nang simula muli akong lumuha habang nakikitang inilalapag na ang katawan ni Nisha at tinatakpan na ng tela.

"Kasalanan mo 'to."

Napatingin ako kay Deyon James na nasa tabi ko pa. Pinunasan ko ang aking mga luha at tumindig ng maayos para hindi magpatalo sa pagiging intimidating niya.

"Wala akong kasalanan," sagot ko.

Tumawa siya ng mapait. "Wala? Sigurado kang wala? Hindi mo pa alam ang buong kwento ng mga nangyayari, Tyro."

"Wala. Akong. Kasalanan." Nanggigil ang mga kamao ko. Kaunti nalang sa kanya ko na ibabaling ang poot na nararamdaman ko ngayon.

"Sana nga malaman mo na ang lahat." Ngumisi siya. "Sa pagkakataong 'yon, sisisihin mo ang sarili mo. Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng 'to, Irine. Ikaw."

Nanlamig ang buo kong katawan. Napako ako sa kinatatayuan ko at pinanood na lamang siyang tingnan ako na parang sa akin niya nga sinisisi ang lahat bago umalis sa tabi ko para pumunta sa grupo ng mga Mestro.

Nang tumulo muli ang luha ko, pinunasan ko ulit ito. "Wala. Wala akong kasalanan. Wala."

Patuloy kong sinasambit ang salitang 'yon. Alam kong sa simula palang ay hindi na maganda ang pakiramdam ko kay Deyon James. Alam kong ayaw niya sa 'kin kaya pinaglalaruan niya lang ang isip ko.

Tama. 'Yon ang dahilan kung bakit sinasabi niya ang lahat ng 'to.

T H I R D   P E R S O N

Ilang oras din ang lumipas nang matapos ang pagtitipon sa underground base. Umalis nang galit na galit si King Melettus at iniwan sina Rocio, Sov. at Red kasama ang ibang pinagkakatiwalaang Stagers at Doyen. Naiwan silang tahimik at problemado.

Ramdam ang tensyon na namumuo sa bawat damdamin nila dahil sa kanilang mga nalaman.

"Kung gayon, isang tao ang may kasalanan kung bakit nangyayari 'to," pagsimula ni Rocio.

Tumayo siya at pumunta sa harap bago tumayo sa elevated mini stage ng base kung saan tumatayo ang hari kapag may pagpupulong. Pinatay ni Rocio ang wide hologram screen bago pinasindi muli ang ilaw ng buong malaking kwarto.

Purong puti ang kwarto at may mga disenyong black at dark violet linings sa mga pader–kulay ng Sovereign Power ng Amaryllis. Ang black semi circle table naman ay nakalaan para sa mga mas mabababang posisyon.

Humarap muli si Rocio sa iba. Halata sa kaniya ang pagkayamot at pagkabahala sa mga nangyayari.

"Isang traydor ang nananatili dito sa kampo. Dahil sa traydor na ito, maraming nasawi at maraming nadamay na mga inosenteng nilalang mula sa iba't-ibang siyudad. At alam niyo ang parusa para sa kanya…"

Natigilan silang lahat.

"Kamatayan."

Napatingin ang bawat isa sa kapapasok na Enchanter sa underground base. Bakas ang ngisi nito habang naglalakad at pinaglalaruan niya ang dagger na kanyang hawak at pinaikot ito sa kanyang kamay. Umupo siya sa isang upuan katapat ng inuupuan ni Red bago siya nagsalitang muli.

"Paano kung alam ko kung sino ang traydor? Maaari na ba akong itakdang Mestro bilang gantimpala para sa 'king isisiwalat na impormasyon?" Tinusok niya ang dagger sa mansanas na nasa plato at kinagat ito na parang wala siyang pakealam sa gulat na reaksyon ng iba.

"James, kapangyarihan parin ba ang iniisip mo hanggang ngayon?" Pagalit na tanong ni Sov.

Tumawa si James. "H'wag kang magpakainosente, Blue. Alam kong gusto mo rin ng kapangyarihan. Lahat kayong nandito ay gustong makaasam ng mas mataas na posisyon. Tama naman ako, hindi ba?"

Biglang nagkaroon ng tensyon sa dalawang magkaribal. Ngumisi si Doyen Blue habang tinitingnan si Doyen James na mistulang natutuwa sa atensyong nakukuha niya. Pero bago pa lumala ang sagutan, nagsalita na muli si Rocio.

"Isantabi niyo muna ang alitan n'yo at isipin kung paano mareresolba ang problema natin dito. Ngunit Doyen James…" Itinuon niya ang atensyon sa kanya. "Tama nga ba ang aking pagkakaintindi? Alam mo na kung sino ang traydor?"

Napunta kay Deyon James ang atensyon ng lahat. Labis ang pagkagusto niya sa mga nangyayari ngayon sa loob ng base. Pagkatapos niyang makita ang pagbasbas sa mga bangkay ay dumiretso siya sa pagpupulong para sa balak niyang isiwalat.

"Alam ko nga kung sino." Inilapag niya ang mansanas sa plato. "Pero sasabihin ko lang ang pangalan nito sa isang kondisyon."

"At ano naman 'yon?" Tanong ni Rocio.

"Panatilihin muna natin 'tong sikreto para pag-aralan ang galaw niya. Dahil sa kanya, humina sng proteksyon ng camp at natunton tayo ng Dark Assemblage. Kung gagalaw tayo sa hindi nila inaasahan, mas marami tayong makakalap na impormasyon. Ang kailangan lang natin ay mag-ingat, magmanman, at magpanggap na inosente."

Hindi masyadong kumbinsido si Rocio sa balak na gawin ni Deyon James. Ngunit kung alam niya kung sino ang traydor ng mas maaga, mas mabuti ngang gawin ang mga sinabing plano.

"Sabihin mo na kung sino siya Deyon James," usal ni Rocio.

Lalong mas bumigat ang tensyon sa kwarto. Pinatong ni Deyon James ang dalawa niyang siko sa mesa.

"Kilala niyo kung sino ang traydor." Inikot niya ang kanyang tingin sa bawat mata ng kanyang mga kasama hanggang sa huminto siya sa mga mata ni Red at ngumisi. "Kilalang-kilala niyo siya. Hindi ba, Red?"

I R I N E

Halos isang oras na akong naiwang tulala habang nakaupo sa battle ring gate kung saan inilabas ang mga bangkay. Hindi ako makapagsalita sa sobrang bilis ng pangyayari kaninang binabasbasan ang mga katawan nila.

"Irine, kailangan naming gawin 'yon," usal ni Mestro Leyva habang hinahaplos ang likod ko para pakalmahin.

Kaming dalawa nalang ang natira sa battle ring matapos ang pagbasbas. Tumigil na rin ako sa pag-iyak mula pa kaninang nagpapaalam ako kay Nisha. Kaya ngayon, para na akong bato sa sobrang pagkamanhid ko. Pagod na akong umiyak. Pagod na pagod.

"Pero bakit?" Tanong ko habang nakatingin parin sa gate. "Bakit kailangang ibalik kaagad ang katawan nila sa kanilang mga pamilya? Bakit kailangang palayasin ang katawan nila sa camp nang hindi man lang pinaglalamayan ng lahat ng nilalang dito? Sister…"

Tumingin ako sa kanya. "Sobrang bilis ng mga pangyayari. Gusto ko pang makasama si Nisha ng kahit ilang araw lang. Gusto ko pa siyang kausapin kahit hindi siya sumasagot. Gusto kong alalahanin ang bawat memorya ko sa kanya habang katabi ko pa siya!"

Tumayo ako at kinuyom ang aking mga kamay. "At paano naman si Cyndel, Sister?! Anong aabutan siya rito? Isang balitang, 'Patay na si Nisha', nang hindi niya man lang nakikita ang kaibigan namin?!"

"Huminahon ka, Irine–"

"Hihinahon?! Paano ako kakalma kung nawala na nga ang kaibigan ko, kinuha pa siya kaagad sa tabi ko?! Paano, Sister?! Paano?!"

Isang malakas na pwersa ang nailabas ng katawan ko dahilan kung bakit nabalutan na ng yelo ang tatlong puno na malapit sa 'min. Halos nanginginig na ako at gusto kong manira ng mga bagay. Gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko.

"Wala akong nagawa para protektahan siya. Wala akong nagawa para iligtas siya! Ano pang silbi ng kapangyarihan ko, Sister? Ano pa ang silbi ko?!"

"Irine, nagmamakaawa ako, huminahon ka–"

"Magbabayad sila! MAGBABAYAD SILA!" Inilabas ko ang lahat mula sa isang malakas na sigaw habang nakapikit at tumutulo ang aking mga luha. Naramdaman kong nairelease ko ang spirit nang wala sa kontrol ko. Halos hindi ko mapigilan ang lakas na dumadaloy sa 'king dugo at ang bigat ng kapangyarihan ng spirit mula sa 'king kanang mata.

Bumagsak muli ako at halos bumaon na ang aking mga daliri sa lupa. Ilang minuto akong nanatili sa pwesto ko. Gusto kong umalis sa camp at hanapin ang mga witches. Gusto ko silang patayin isa-isa, lalo na ang babaeng pumatay kay Nisha. Papahirapan ko siya ng buhay at sisiguraduhin kong ang bawat ugat at dugo niya ay magiging yelo. Sisiguraduhin kong magbabayad siya. Magbabayad sila!

Hinayaan ko ang sarili kong manatiling galit. Ngunit hindi ko maiwasang marinig ang kakaibang tunog ng nagliliyab na apoy sa 'king paligid. Nakuha nito ang atensyon ko.

Iniangat ko ang aking ulo hanggang sa makita ko na ang nangyayari sa paligid ko. Malayo na sa 'kin si Sister ngunit kita ko parin ang pag-aalala mula sa kanyang mukha habang tinitingnan ako. Pero napatigil ako nang mapagtanto kong isang mataas at malakas na apoy ang pumapalibot pabilog sa pwesto namin.

Unti-unti akong huminahon at huminga ng malalim. Inilibot ko ang tingin sa paligid, doon ko nakita si Red na nakatayo rin malayo sa 'kin habang pinagmamasdan ako.

Ilang segundo pa, humupa na ang apoy at tuluyan na itong naglaho. Doon kong muling napansin na nababalutan na ng yelo ang lupang kinatatayuan namin.

Napatingin ako sa 'king mga kamay. Malakas at makapal ang daloy ng ice smoke. Mas makapal ito sa karaniwan at pansin na may tumulong dugo mula sa isa kong daliri. Ang ibig sabihin ay naglabas ako ng kapangyarihan lampas sa limit ko.

Mabilis kong ibinalik ang limit ng spirit. Kung hindi nacounteract ni Red ang spirit ko,  makakapaminsala ako. Makakapatay ako. Muntikan ko nang mapatay si Sister.

Muli akong tumingin kay Sister Leyva at doon ko napansin na hawak niya ang kanyang kaliwang braso na parang injured na ito.

"S-sister…" Mabilis akong tumayo. Napansin kong natunaw na bigla ang yelo sa aking kinaapakan at mistulang nagkaroon ng daan papunta kay Sister Leyva.

Ginamit ko na ang pagkakataong 'yon para tumakbo ng mabilis sa kanya hanggang sa binalot ko ang braso ko sa kanyang beywang at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Sister, sorry. Sorry po. Hindi ko sinasadya, hindi ko sinasadya," usal ko.

Ginantihan ako ng yakap ni Sister at hinaplos muli ang aking likod. "H'wag kang mag-alala, hija. Galos lang ang natamo ko. At naiintindihan kita."

"Sorry po talaga," mahinang sambit ko na parang nangingiyak muli.

"Shhh. Hayaan na natin ang nangyari."

Tumango ako habang nakayakap parin sa kanya. Hinayaan kong manatili kami sa ganoong posisyon. Sa yakap ni Sister Leyva, para akong nakayakap sa tunay kong ina.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming magkayakap ni Sister dahil isang bagong Doyen muli ang lumapit sa 'min at tinawag si Sister kaya kumalas na kaming dalawa mula sa yakap.

"Kailangan kayong makausap ni Rocio, Mestro Leyva," wika niya.

Napabuntong-hininga si Sister bago tumango. "Naiintindihan ko."

Tumingin siya sa 'kin bago nagsalitang muli. "Babalik ako sa kwarto mo mamaya para makapag-usap tayo, hija. Tabi tayong matulog katulad noong bata ka pa?"

Ngumiti ako. "Sige po, sister."

Niyakap niya akong muli at hinaplos ang aking buhok. Ilang saglit pa ay lumayo na  siya at nagsimulang naglakad ngunit tumingin muli siya sa 'kin at kumaway kaya kumaway din ako pabalik.

Huminga ako ng malalim at pinagmamasdang mawala sa paningin ko si Sister at ang kasama niyang Doyen na papunta sa susunod na ring.

Tiningnan kong muli ang aking mga kamay. Tinitigan ko lamang ito ng walang dahilan.

"Kinailangang ibalik ang katawan nila bago pa sila maglaho."

Rinig kong sabi ni Red mula sa 'king likod pero hindi ako sumagot.

"Isang araw lang ang itinatagal ng katawan ng isang namatay sa Amaryllis. Maglalaho sila habang tumatagal kaya–"

"Kaya kailangang ibalik silang muli sa kanilang pamilya bago mangyari 'yon." Umikot ako at humarap sa kanya. "Tama ba?"

Tumingin ako ng diretso sa mga mata ni Red. Hindi na siya nagsalita pa o tumango man lang para sagutin kung tama ako. Sa sobrang bilis ng pangyayari, pakiramdam ko ay mababaliw na ako. Nakakamangha nga dahil kaya ko pang pigilan ang emosyon ko ngayon.

Isang malambot na bagay ang biglang dumampi sa paanan ko kaya napunta ang atensyon ko doon.

"Fiery," sambit ko.

Mistulang isang pusa si Fiery na hinahaplos ang balahibo niya sa balat ko. Pumaikot muna siya, huminto at tumingala sa 'kin bago ako binigyan ng kakaibang tingin na ngayon ko lang nakita. Ang intense ng malaapoy niyang mga mata pero pansin kong para siyang nakikisimpatya. Napangiti ako ng bahagya kaya kinuha siya para buhatin.

Hinaplos ko ang ulunan niya. "Thank you, Fiery."

Dinampi ko ang labi ko sa pisngi ni Fiery. Bigla naman siyang tumahol at iwinagayway muli ang buntot niya. Ngumiti na lamang ako bago siya ibinaba ulit sa lupa.

"Siguro matutulog muna ako," usal ko nang hindi tumitingin kay Red.

Nang hindi ako nakatanggap ng sagot mula sa kanya, tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papalayo. Para akong patay sa sobrang manhid ng aking damdamin. Nakatingin nalang ako sa gate kung saan ako pupunta nang hindi man lang inalintana kung napapatid na ba ako sa mga batong nadaraanan ko.

"Saan ka pupunta?" Isang mabigat na kamay ang pumatong sa ulo ko kaya tumigil ako sa paglakad.

Nilingon ko si Red. "Matutulog na nga ako–"

"Dweorh forma," sambit niya.

Bigla akong naalarma at lumayo sa kanya. "Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?!"

Nagsambit siya ng spell at bago ko pa man mareverse, umepekto na kaagad ito sa katawan ko katulad ng aking inaasahan.

Tiningnan ko aking kamay na unti-unting lumiliit. Pati ang aking paa at katawan ay sumusunod sa pagliit ng aking mga kamay. Mistulan namang lumalaki ang paligid at si Red sa paningin ko.

Napasigaw ako. "Red!"

Isang dwarf spell ang ginamit niya at ang alam ko, kailangan pa ng permiso mula sa dwarf bago magamit ang spell na ito. Ngayon unti-unti nang lumiliit ang katawan ko at lumalaki ang lahat ng bagay na nakikita ko sa paligid.

"Ang galing. Sa sobrang galing ni Red, gusto ko na siyang sapakin," usal ko nang lumiit na ako ng tuluyan na kasing liit lang naman ng isang hinlalaki.

Higante na ang tingin ko kay Red at naglalakihang mga bato na ang nakapalibot sa 'kin.

"Ah!" Napatakbo akong bigla nang makita ko si Fiery na papunta sa direksyon ko habang nakalabas ang dila.

Didilaan niya ako!

"H'wag Fiery!" Nagtago ako sa likod ng bato. Pero bago pa man ako maabutan ni Fiery, hinablot ni Red ang damit ko at bigla akong binuhat hanggang sa makatapat ko ang mukha niya.

Tiningnan ko ng masama ang nakangisi niyang mukha. Para tuloy akong tuta na binuhat gamit ang ngipin ng malaking aso.

"Ireverse mo na 'to!" Sigaw ko.

Kumunot lamang ang noo niya. Shems. Hindi niya ako maririnig sa liit kong 'to. Ano ba ang binabalak niya?!

Siguraduhin niya lang na nasa matino siyang pag-iisip kundi sa kanya ko ibabaling ang lahat ng galit ko!

~*~

Continue Reading

You'll Also Like

7.2M 433K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...
21.3M 788K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
10.2M 473K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
97.3K 3.4K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...