Unlucky Princess

By BeWIXyGirl_Wp

107K 3.4K 968

May pag-asa pa kayang maibalik ang dating pagmamahal ng taong iyong nilalayuan,pinagtatabuyan at higit sa lah... More

Unlucky Princess-Prologue
Chapter 1-Photograph
Chapter 2-The Girlfriend
Chapter 3-BAE
Chapter 4-Why Not Me?
Chapter 5-With Someone
Chapter 6-Boyfriend?
Chapter 7-Moving On
Chapter 8-Reserved
Chapter 9- Fight For Him
Chapter 10-Use Me
Chapter 11-Hope
Chapter 12-Paris
Chapter 13-Kiss Me
Chapter 14-Akin Ka
Chapter 15-Bohol
Chapter 16-I Won't Give Up
Chapter 17-Text Message
Chapter 18-Party
Chapter 19-Pictures
Chapter 20-Giving Up
Chapter 21-True Love
Chapter 22-She Left
Chapter 23-Forgetting You
Chapter 24-Forgotten Feelings
Chapter 25-Picture Frame
Chapter 26-Letter
Chapter 27-Thinking Out Loud
Chapter 28-Your Smile
Chapter 29-Rain
Chapter 30-Jealous
Chapter 31-Gown
Chapter 32-Waiting
Chapter 33-Trash Can
Chapter 34-Luha
Chapter 36-Realization
Chapter 37-Eunice's Plan
Chapter 38-The Son
Chapter 39-The Punishment

Chapter 35-Elevator

1.6K 61 2
By BeWIXyGirl_Wp

VJ's POV

"Tama na 'yan Vincent.Hayaan mo na muna si Bernice." napalingon ako sa likod ko ng may tumapik sa balikat ko.

"Tito Arthur?"

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong nito sa akin. "Nagsiuwian na ang lahat." dugtong pa niya.

"Sure Tito."

Kahit na kinakabahan ako sa klase ng pananalita ni Tito pero pumayag pa rin ako.

"Salamat.Sa library tayo." yakag niya sa akin at saka nauna na sa paglakad. "Maupo ka." itinuro niya sa akin ang upuan habang hawak ang remote ng aircon ng kanang kamay para i-on.

Humugot ako ng malalim na hininga.May pakiramdam ako na may sasabihin siya tungkol sa amin ni Bernice.

"Ano po ba ang pag-uusapan natin Tito?" tanong ko.

"Tungkol sa iyo,at sa prinsesa namin." sumandal siya sa upuan. "Ano ba ang balak mo sa kanya?" deretso niyang tanong sa akin. "Mahal mo ba siya o paasahin mo lang?Alam kong kamamatay lang ng girlfriend mo.Pero bago pa namatay 'di ba mayroon ng pangyayari na hindi namin alam?" tuloy-tuloy niyang saad.

"T-tito?" wala akong mahagilap na sasabihin sa kanya.Siguro sinabi sa kanya ni Bernie ang lahat.

"Vincent,nagbubulag-bulagan lang ako pero kitang-kita ko ang lahat.Ama ako ni Bernice kaya alam ko kung ano ang nararamdaman niya kahit sa kilos niya lang.Alam ko kung nasasaktan siya o may problema kahit 'di pa niya sabihin." huminto siya saglit ng sasabihin na tila bang nahihirapan na ipagpatuloy. Kaya nahihirapan din ako dahil alam pala ni Tito ang lahat.Bigla akong nahiya sa kanya. "Noong una,bago pa ang aksidente ni Bernice alam ko ng mahal ka niya.Pero hinayaan ko lang dahil ang akala ko ay mawawala ang nararamdaman ng aking anak sapagkat alam niyang may girlfriend ka.Pero mali pala ako.Mas minahal ka niya." patuloy niya.Naguluhan ako sa sinabi niya.

"Anong aksidente po?" ang katagang ito ang nakapukaw sa atensiyon ko.

"Aksidente.'Yong pagkakaroon niya ng sakit sa puso." biglang lumungkot ang ekspresyon niya.Kaya nakonsensiya na naman ako dahil alam kong ako ang dahilan niyon.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil ang aksidente na tinutukoy niya ay ang pagkaroon ng sakit sa puso ni Bernice.

"Alam mo Vincent,gusto kitang sisihin sa nangyaring iyon sa anak ko.Pero alam ko naman na hindi mo kasalanan na minahal ka niya." nagpakawala siya ulit ng malalim na hininga.

"I'm sorry Tito." mabilis na agaw ko sa sasabihin niya. "'Di ko naisip ang mararamdaman noon ni Bernice dahil ang akala ko ay isa lang siyang makulit na babae.Kasi noong mga time na iyon ang sarili ko lang ang aking iniisip.Takot akong saktan si Eunice noon at takot din ako na masaktan sa pag-aakalang 'di ko kakayanin ang sakit kapag nawala ang babaing mahal na mahal ko." paliwanag ko.

Bigla na namang tinusok ang puso ko.Naalala ko na naman kung gaano ako kasama kay Bernice noon.

"Pero pinaasa mo siya Vincent." may pagdidiin na saad niya.Kaya napatingin ako ng deretso sa mga mata niya.Nakikita ko ang namumuong galit rito pero halatang pinapakalma niya ang kanyang sarili.

"T-tito..." ang tanging na-i-sagot ko.Ano pa ba ang i-paliwanag ko sa kanya?Totoo naman ang mga sinabi niya.Pinaasa ko noon si Bernice.Pinaasa ko siya sa lahat.Sa Boracay,noong napilayan siya,noong lasing ako at hinalikan siya,at doon sa Bohol.Ang dami ko palang ginawang bagay na lalo siyang umasa.Ngayon ko lang narealize ang lahat ng iyon.

"Tama ako 'di ba?" ngumisi siya.This time ay hindi na niya pinigilan pa ang galit niyang tono.

Tumango ako ng ilang beses bilang pag-sang-ayon sa kanya.Wala naman na akong sasabihin sa kanya.At kahit anong paliwanag ang gagawin ko, kasalanan ko pa rin ang lahat.Wala akong sapat na dahilan.

"Alam mo Vincent,mahal na mahal ko ang aking mga anak.Kaya walang detalye ng buhay nila ang hindi ko nasusubaybayan kahit pa 'di sila mag-open up sa akin.At sana naisip mo ang mga bagay na iyan bago ka gumawa ng kabalastugan sa anak namin.Sana inisip mo na kami ang lubos na masasaktan kapag nasasaktan ang mga anak namin." halos manunubig na ang mga mata niya.Ramdam na ramdam ko ang tunay niyang nararamdaman sa mga binitawan niyang salita. "At nitong bumalik kami galing U.S.noong nakita kita,gusto kitang paglapatan ng mga kamao ko."

Napa-angat ako bigla ng aking ulo.

"Pero naisip ko,na baka isa ka rin sa maging dahilan ng paggaling ni Bernice.Baka kako mapadali ang pagbalik ng alaala niya kapag nakita ka niya.Kaya hinayaan kita na lumapit sa anak ko.Hinayaan kita na ipasyal mo siya kahit labag sa kalooban ko." ngumiti siya ng pilit.

"I'm sorry t-tito.Wala akong masasabing i-dahilan dahil totoo naman ang mga sinabi mo.At handa akong tanggapin kung anumang parusa ang gusto mo para sa akin." matapang na sagot ko.

"Let me finish first Vincent.Huwag ka munang magsalita hangga't hindi pa ako tapos." ikinumpas pa niya ang kamay simbolo na huwag nga akong sumagot muna.

"Nitong mga huli,may napapansin na naman ako.At mukhang 'di ko na naman nagustuhan 'yan.Huwag na huwag mo na ulit paasahin ang anak ko Vincent.Dahil kapag nangyari iyon,kahit anak ka pa ng kaibigan ko,'di ako magdadalawang isip na saktan ka." may halong pagbabanta ang mga huling sinabi niya. "At kanina,alam ko ang dahilan ng pagsakit ng ulo ng anak ko Vincent.Nagdadahilan lang siya dahil nasasaktan siya sa mga sagot mo." umigting ang panga niya na tila ba kinikinita pa ang pangyayari kanina. "Ang akala ko pa naman mahal mo na siya dahil napapansin ko sa iyo 'yon at iyon ang inaasahan kong sagot mo.Pero nakakagago pa rin pala ang sagot mo.Be a man Vincent.Huwag kang maging duwag dahil walang mangyayari sa iyo.Paano ko ipagkakatiwala sa iyo ang anak ko kung ganyan ka?Paano kita gugustuhin para sa anak ko,kung isa kang duwag?'Di mo siya kayang ipaglaban."

Parang isang malaking bato na sumapol sa ulo ko ang mga binitawang salita ni Tito.Tama nga siya.

"Ngayon Vincent,sagutin mo ang tanong ko para 'di ko tuluyang ilalayo ang anak ko sa iyo.Ito na ang una at huling kausap ko sa iyo.Pagkatapos ng tanong kong ito,hindi kita o kayo, papakialaman pa." mabigat pa rin na sabi niya.

"Ano po 'yon Tito." deretsong tanong ko sa kanya.Hindi na ako kinabahan dahil ayoko nang ipakita sa kanya ang kaduwagan ko.

"Mahal mo ba ang anak ko,o hindi?Sumagot ka ng walang pag-alinlangan Vincent.Oo o hindi lang." tanong niya.Tiningnan pa niya ako ng walang kakurap-kurap.Sinisiguro niya yata kung magsisinungaling ba ako o hindi.

"Yes Tito.Oo,mahal na mahal ko si Bernice." nakangiti kong sagot. Pakiramdam ko,nawala ang alalahanin at bigat na pinapasan ko sa aking dibdib ng umamin ako sa aking sarili na mahal ko talaga siya.Mahal ko si Bernice. "At handa na po akong patunayan sa inyo na mahal ko siya ng walang pag-alinlangan." pakiramdam ko nga,nangislap pa ang mga mata ko habang binabanggit ang mga katagang iyon.

"Mabuti at inamin mo na rin Vincent.Ngayong alam ko na ang sagot mo,aasahan ko 'yan na huwag nang masaktan pa ang anak ko." mahinahon na niyang saad.Ang kaninang galit sa anyo niya ay unti-unting napalitan ng ngiti. "'Yan lang ang gusto kong marinig sa iyo Vincent." tumayo na siya. "Salamat sa pagbigay mo ng oras.'Di ko na kayo papakialaman.Kung anuman ang kahihinatnan ng pagmamahalan niyo,suportado ko pa rin kayo.Maging kagaya ka sana namin ng daddy at tito Benjamin mo Vincent na handang ipaglaban ang pag-ibig kahit anuman kahirap 'yon." dugtong pa niya.

Bigla akong nakahinga ng maluwag.

"Pangako ko po sa iyo Tito na hinding-hindi na iiyak si Bernice sa piling ko." masaya kong pangako sa kanya.

"Huwag mong sabihin Vincent.Gawin mo." anito at saka tinapik ako sa balikat.

"Tito salamat." pahabol ko pa nang papalabas na ako.

Tumango lang siya at bahagya akong nginitian.

Masaya na ako dahil may bendisyon na ako mula sa ama ng babaing mahal ko.

Mahal ko?

Tama.Mahal ko si Bernice at ngayon ay sigurado na ako.Hindi na ako magdududa pa sa nararamdaman ko sa kanya.Mahal ko siya bilang si Bernice Romero 'di bilang si Eunice Esguerra.

Bernice's POV

"Anong ginagawa mo rito?" gulat kong tanong sa kanya.Sino ba naman ang hindi magugulat kung pagbukas mo ng pintuan ay siya ang mabungaran ko?Nakasandal pa siya sa dingding na halatang may hinihintay.

"Sinusundo ka.Hinihintay ka." sagot nito nang humarap sa akin.Nakangiti pa ang loko na tila bang walang nangyari kagabi.

"Tigilan mo ako Vincent Jacob." saad ko at saka nilampasan ko siya.

"Akin na ang bag mo." anito.Hinablot pa ang shoulder bag ko kaya nakuha na niya ito.

"Tapos ka nang mag-move-on?" sarkastiko kong tanong ng mapahinto ako sa paglalakad.Hinarap ko siya at masama ang mga tingin na ipinukol ko rito.

Ang ibang narito sa office ay nakatingin lang sa amin na naka-kunot-noo.Pero ng mapansin nila na tiningnan ko sila ay nagkunwari nang mga busy.

"Akin na 'yang bag ko." inabot ko ang aking bag ngunit hindi niya ibinigay. Pinaningkitan ko siya ng aking mga mata pero isang matamis lang na ngiti ang ibinigay niya sa akin.

Siraulo na yata ang mokong na 'to.

Tinalikuran ko na siya dahil ayoko nang makipag-usap pa sa kanya.

Pansin ko na nakasunod siya sa akin.

"Bernice,hindi naman ako nagmove-on." halos pasigaw na saad nito.Kaya napalingon ako sa kanya.

'Di siya nag-move-on?Ibig sabihin ayaw niya talagang makalimutan si Eunice na iyon?

Tiningnan ko siya muli ng masama dahil kumirot na naman ang aking puso.Ang kagabing sakit na nararamdaman ko ay unti-unti na namang bumabalik.Parang hinihiwa na naman ang puso ko.Ang akala ko kasi kagabi ay sasabihin niyang may napupusuan na siya ngayon.Kasalanan ko dahil umasa ako sa kanya kahit 'di dapat.Kahit galit ako sa kanya,pero umasa pa rin ako.

"'Di ako nag-move-on dahil..." pinutol niya ang kanyang sinabi. "...dahil wala akong dapat na i-move-on." dugtong niya na siyang nagpabilis ng tibok ng aking puso.Pero sa simpleng salita niya lang ba ay kikiligin na ako at mawawala na 'yong galit ko sa kanya?Of course not!Ano siya siniswerte?

Nilapitan ko siya na nakangiti.Kaya ang lawak din ng ngiti niya.At nang makalapit na ako,bigla kong hinablot ang aking bag.

"Akin na nga 'to.Kung anu-ano na 'yong mga pinagsasabi mo diyan." Kulang na lang ay ihampas ko 'to sa kanya.

Mabilis ko siyang tinalikuran.

"'Di ako nag-move-on dahil bakit ko naman gagawin iyon kung wala man lang akong sakit na naramdaman dahil may mahal akong iba?At ikaw 'yon Bernice.Mahal kita.Mahal kita!" sigaw pa niya.

"Whoa!"

"Ayeahh!"

"Go sir Vincent!"

Namula ako ng biglang magsigawan ang mga empleyado rito.Napatigil din ako sa aking paglalakad at huminga ng malalim.Gusto ko siyang lingunin.Gusto kong kiligin,pero sapat na ba ang mga sinabi niya para mapawi ang sakit na palagi kong kinikimkim?Sapat na ba iyon para tuluyan kong kalimutan ang nawasak kong puso?

No!

Hindi gan'on kadali ang lahat.

Pumatak ang aking mga luha.Damang-dama ko ang pagguhit ng kirot sa aking puso.

Patakbo akong lumabas ng opisinang ito.

"Bernice!" dinig kong sigaw niya pero hindi ko na siya nilingon pa.Lumabas na ako at nagpatuloy sa kinaroroonan ng elevator.Gusto ko muna siyang layuan.Ayoko nang marinig pa ang mga paasa ni VJ.

Mabuti dahil nag-bukas kaagad ang elevator ng pindutin ko ang down button.Pagkapasok ko sa elevator ay napasandal ako sa dingding at dito'y umiyak.Maigi dahil ako lang mag-isa rito.Ewan ko ba,pero nasasaktan ako ng sobra eh.Nasasaktan ako lalo sa mga sinabi niya.Bakit gan'on?

Napansin ko na 'di pa pala gumagalaw ang elevator.At pagkuwa'y bumukas ito at iniluwa siya.Wala na akong takas pa.

"Bernice..." malamlam ang mga mata niya ng tumingin sa akin na para bang gusto niya akong yakapin.Isinara niya kaagad ang pintuan ng elevator.

Hindi ko na siya pinansin.Bagkus,pasimple kong pinunasan ang aking mga luha.

"Princess,alam kong nasaktan kita.Pero gagawin ko ang lahat para makabawi sa iyo." anito.Ni pagtingin sa kanya ay hindi ko ginawa. "Mahal kita.Totoo ang sinabi ko sa iyo na mahal kita.Kaso naguguluhan lang ako nang mga time na iyon." paliwanag niya.Tahimik lang ako at 'di pa rin tumitingin sa kanya.Naramdaman ko na lang na ginagap niya ang kamay ko.Pero pinasadahan ko lang ito at 'di pa rin siya sinulyapan. "Naging gago ako sa damdamin ko sa iyo dahil ang akala ko ay nakikita ko sa iyo si Eunice."

Dito na ako napatingin sa kanya.Tingin na gusto ko siyang mamatay na lang sa harapan ko.Muli,'di pa rin ako umimik dahil kapag ginawa ko 'yon,baka humagulhol na ako sa sakit.

"Pero mali ako dahil na-realize ko ang lahat at napagtanto ko na mahal kitang talaga."

Dinala niya ang likod ng palad ko sa mga labi niya at hinalikan ito.

"Mahal na mahal kita bilang ikaw at hindi bilang ibang katauhan." patuloy niya.

Dito na pumatak ang mga luha ko.Ang sakit isipin na may pagdududa pala ang sinabi niyang I love you sa akin noon.

"B-bitawan mo ako." banta ko sa kanya.Ngayon,kahit pala balat niya ay ayokong maramdaman na.

"Princess..." nanlulumo niyang sabi.

"Huwag mo akong matawag-tawag na princess!" sigaw ko sa kanya.Uminit ang ulo ko sa pagtawag niya sa akin.Baka pati 'yan ay napipilitan lang siya

"Hindi ko bibitawan ito hangga't sa maramdaman mo ang pagmamahal ko sa iyo." hinigpitan niya ang pagkaka-hawak dito.Kaya lalo akong naghurementado.

"Ayaw mo ba tala-!

At siyang pagtunog ng isang bagay na siyang palatandaan na nandito na kami sa ground floor.

Nakahinga ako ng maluwag ng magbukas ang elevator.

Continue Reading

You'll Also Like

454K 21.2K 45
Completed September 2022 Xera Thompson -Yung mayaman ka at sobrang ganda pero binasted ka ng first love mo. -Yung ikaw ang pinaka maarte, baby, at...
4.5M 57.7K 51
Nagkulang ba ako sa kanya? Binigay ko naman sa kanya ang lahat, ang puso ko, ang kaluluwa ko at ang katawan ko pero bakit niya sakin nagawa ito? Akal...
390K 11.3K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...
1.9M 88K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...