Heartbound

By Missmaple

1.1M 56.9K 9.2K

[BOOK 2 OF SOULBOUND] Bumalik sina Avery at Zirrius sa Alveria, upang hanapin ang medalyong kinuha ni Seth at... More

Prologue
Heart 1: Hold Back
Heart 2: Pure Scent
Heart 3: Aris
Heart 4: Us
Heart 5: High Priestess
Heart 6: Otherworld Gate
Heart 7: Colors
Heart 8: Blinded
Heart 9: A Mess
Heart 10: Hate
Heart 12: Deathbed
Heart 13: Tehnran
Heart 14: Antidote
Heart 15: Necromancer
Heart 16: Deal
Heart 17: Forged Invitation
Heart 18: King Sean
Heart 19: Earthquake
Heart 20: Apologize
Heart 21: Promise
Heart 22: Gatekeeper
Heart 23: A
Heart 24: Freed
Heart 25: Back Home
Heart 26: Tomorrow
Heart 27: Stay Behind
Heart 28: Betrayal
Heart 29: Elf
Heart 30: Dreamy
Heart 31: Distract the King
Heart 32: A Lost Soul
Heart 33: Conflicted
Heart 34: Map
Heart 35: Heart Can Tell
Heart 36: Smart Kid
Heart 37: Seth
Heart 38: Catastrophe
Heart 39: Back to Earth
Heart 40: Our Thrones
Epilogue
Author's Note
Another Author's Note

Heart 11: Sumeria

27.8K 1.4K 155
By Missmaple

"Zirrius, I do understand..."


AVERY


Lumapit sa 'kin si Shin. It's already time for his ritual. He will control our shifting. Hindi ko man gustong pabigatin ang dinadala niya, wala akong pagpipilian. This is a dangerous magic. A black magic.


Tomorrow, we will enter Sumeria. Gumawa sina Kendrick ng kariton na hihilahin ng mga kabayo at paglalagyan ng mga prutas at kahoy na nakuha nila sa kagubatan. We will pretend to be merchants. Unfortunately, Zirrius and Kendrick must hide in the cart because they are wanted criminals. Tiyak na nakakalat ang wanted posters nila sa siyudad ng Sumeria. It's already under Seth's control.


"I got some stones from Sumeria. Hindi pinapapasok ang kahit na sino sa lugar kung wala nito. These stones are for identification," he started.


"How did you get these stones? You shift and entered their registry office?" salubong ang kilay na tanong ko. He puts himself in danger without letting us know.


"I just investigated a little," he answered. Hindi niya pinansin ang inis sa boses ko. Siguro nga wala akong karapatang mainis sa kanya dahil sa ngayon, wala pa akong kayang gawin upang tulungan sila. I feel helpless in this state.


Mabigat akong bumuntong-hininga. Gusto ko siyang pagalitan pero hindi ko maisatinig ang mga gusto kong sabihin. I could feel how the frustration eats me up.


Kinalma ko ang sarili ko. Gusto kong maintindihan niya ang bawat sasabihin ko. "Shin. I want you to be safe. If you will do something that can put you in danger, let us know. You're not alone. You have us to back you up." Mabigat ang tinig ko. I don't want to rely on his ability but he's the most capable right now.


"Sige. Kapag nasa Sumeria na tayo, ipapaalam ko na ang mga gagawin ko," sagot ni Shin. "The ritual will start soon. Tomorrow, we will be in Sumeria. How's your eyesight? Not getting any better?" seryosong tanong niya.


Umiling ako. "Still not better," I answered. I can't figure what faces he makes. Maybe he's disappointed like I am feeling. Maybe he's a little sad too.


"Siguro may makikita tayong manggagamot sa Sumeria. Let's not lose hope," sambit niya. Matipid akong ngumiti at marahang tumango. "The magic circle is already done. Let's now head there." Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan sa paglalakad. I could clearly see the magic circle he made in the midst of darkness.


It's not just the magic circle but I can see the energies tracing their forms too. I hope my sight gets even better when we reach Sumeria. Damon, Zirrius and I will undergo the ritual. Ayen will assist Shin. Sa loob ng malaking magic circle, may apat na hugis bilog at bituin kung saan kami tatayo. These small circles and stars are positioned at the North, South, East and West sides of the magic circle.


I stood in the South. Shin was in the North. Zirrius in the East and Damon in the West. I can figure our their locations through their energies. Inside the magic circle, I could see the lines linking us together to the middle where a pentagon is located. Inside the pentagon, is a pentagram.


Shin started the ritual by calling the gods and asking for mercy. After that, he chanted the main spell. He pulled a knife and unsheathed it. I can hear it. Sa hula ko, hihiwain niya ang sarili para sa dugo na kailangan sa ritwal.


"Give me power.

Give me control.

Link our bodies as one.

Guide the shift.

According to my will,

Let me mold them."


He dropped his blood on the magic circle. A light sound came from it. I could clearly see how his blood lit up the lines linking us together. The magic circle is like water and the drop of his blood creates invisible waves. Those invisible waves reached my body. I felt like my body was struck and I couldn't even move. I bet it's time for him to control my body. To control my shifting. He already had the power on me.


Malakas na umihip ang malamig at sariwang hangin pero hindi sapat ito para mapawi ang namumuong pawis at tensiyon sa mukha at katawan ko. Tila babaliktad ang sikmura ko.


The blood reached my circle. I'm not sure if he's using too much blood for this ritual. I can't see it. My circle lit up. All of our circles lit up. Hindi ko na talaga maigalaw kahit ang mga daliri ko. He chanted another set of spell.


The whole magic circle lits up in different colors. Red. White. Blue. Gree. Yellow. Sumesenyas sa hangin si Shin. Minsan, naririnig ko ang impit niyang pagdaing. It sounds like he's in pain. Napansin ko ang paggalaw ni Ayen sa kinatatayuan. She said a thing but she's also worried. Maging si Kendrick ay napatayo.


Maybe this ritual is too much for Shin's body. Gusto kong magsalita pero kahit ang bibig ko ay hindi ko maibuka.


Siguro, ganito rin ang nararamdaman nina Zirrius at Damon dahil walang namumutawing salita mula sa kanila.Shin made diagrams of hexagonal stars in the air. Gumalaw ito patungo sa 'min. This hexagonal stars surrounded each one of us as if we're caged.


He let out another drop of blood. I want to ask him to stop but it was already too late. He'll lose too much blood in this ritual but I can't do anything about it.


I felt the sudden transformation. He's now guiding the shift while he's waving his hands in the air. I could feel my body getting a bit smaller. I hear the strange sound of some breaking bones. Napangiwi ako dahil sa pagsakit ng katawan ko. So, it's not really easy to shift. I need to alter my bone structures to do it. My ears slowly became smaller. Like human ears.


Mahina akong napadaing sa ilang butong nababali sa katawan ko. Shin didn't alter my appearance. But he adjust my height and matched it with a smaller face, ears and jaws so I can perfectly look like a normal human. I could feel it even if I can't confirm it with my own eyes.


I could hear Damon and Zirrius grit their teeth. They had a bigger body built and stronger bone structures so they might be suffering a lot.


Bumigat ang paghinga ko. I could feel Shin's energy as it flows throughout my body. He was chanelling his energy to us so he can control the shift. Natitiyak kong nahihirapan na siya ngayon. Hindi lang isa ang kokontrolin niya, kundi tatlo.


I could hear Shin's heavy breathing when he chanted the last part of the spell. He was closing the magic circle. He was ending the ritual now. I'm a bit relieved. It will be over soon.


Kulay pulang liwanag ang sumilaw sa 'min bago natapos ang ritwal. It was a bright color of blood. Nang mawala ang hexagonal stars na pumalibot sa katawan ko, dahan-dahan ko ng naigalaw ang mga daliri ko. Unti-unting nabura ang magic circle na ginawa ni Shin pero narinig ko ang pagbagsak niya sa lupa.


Malakas siyang napasigaw. Natulos ako sa kinatatayuan.


"Mahal na Prinsipe!" sigaw ni Ayen. Tiyak na kanina pa siya nag-aalala kay Shin. Agad niyang dinaluhan si Shin. Maging sina Zirrius at Kendrick ay tumulong din. "You can't shift to human form in that condition," naiiyak na sambit ni Ayen.


"I have to use the last bit of my power. I can no longer move my body," mahina at nahihirapang sabi ni Shin. Muli siyang napasigaw. Hinihingal na siya. After his heavy breathing, everyone turned silent.


"The shift is done but he lose consciousness," paos na wika ni Ayen.


"Maraming dugo ang nawala sa kanya. We need to treat him as soon as possible. Let him rest and give him food," Zirrius instructed.


"Nag-aapoy ang kanyang lagnat," nag-aalalang sabi ni Ayen. "Let's move him now."


"I'll prepare some hot water and bandages," sabi ni Damon.


I just heard Shin's unclear shallow breathing. Humakbang ako papalapit sa kanya pero tila walang lakas ang mga tuhod ko kaya napaluhod ako. Hindi ako sanay sa ganitong katawan. Namamanhid ang bawat pandama ko. I lost my sensitive sense of hearing and smell.


Kahit ang mga aurang bumabalot sa kanila ay malabo sa paningin ko. Mariin kong kinagat ang mga labi ko. I can't get my focus back. My brain panicked. I was a bit disoriented. Mariing ikinuyom ko ang kamaong nakalapat sa lupa. Mariin kong hinawakan ang mga damong nakulong sa kamao ko.


"Avery," nag-aalalang tawag sa 'kin ni Damon at agad akong nilapitan. Hinawakan niya ako at agad na inalalayan.


"Kailangan mo ring magpahinga," mahinang sambit pa ni Damon.


"Kamusta si Shin?" nag-aalalang tanong ko.


"He lost too much blood but he'll get by," sagot niya. Tumango ako habang tumatayo. Ipinasok na nila si Shin sa tent kaya sumunod kami sa kanila. Walang malay si Shin at naupo ako sa tabi niya. His energy is slowly fading away. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa mga mata ko o talagang nanghihina na ang kapangyarihan niya.


Wala sa sariling ipinatong ko ang kamay sa noo niya. Mataas nga ang lagnat niya. Kung iisipin ko kung ano ang itsura niya ngayon, tiyak namumutla ang mukha at labi niya. I could feel the beads of sweat on his forehead. Mahinang umuungol din siya na tila nagdedelihiryo.


"Get well, Shin," tanging nasabi ko na lang. Pinupunasan nila ng maligamgam na tubig ang katawan niya. Minsan, pinapainom namin siya ng tubig at pinipilit na kumain. His body weakens. Halos buong magdamag kaming gising para lang bantayan siya.


~~~


Nagising ako sa mga huni ng ibon at sa mataas na sikat ng araw. Hindi ko na napansin na nakatulog na pala ako. Nang damhin ko ang noo ni Shin, bahagya lang bumaba ang lagnat pero hindi pa rin ito nawawala. Nasa loob din ng tent si Ayen.


"We must bring him to the city. Kailangan natin ng manggagamot," serysosong wika ko.


"Naghahanda na po silang umalis. The carts are ready. Nasa 'kin na rin ang mga bato na kailangan sa pagpasok sa Sumeria. We need to treat him and also your sight, Empress Avery," paos na wika ni Ayen.


"Everything's ready," pahayag ni Damon nang pumasok siya sa tent. "Kendrick and Zirrius will hide under the fruits and logs. May inilaan din kaming puwesto na maaaring higaan ni Shin. You can sit beside him, Avery."


Tumango ako pero naramdaman kong bumundol ang kaba sa puso ko. "Unfortunately, we can't shift back to our original form without Shin's help. We need to be more careful," mahinang wika ko. "Iwasan natin ang gulo habang hindi pa maayos ang lahat."


"Yes. Sa ngayon, ako at si Ayen lang ang malayang makakagalaw sa pagpasok natin sa Sumeria. Malaking problema kung masasangkot tayo sa gulo. Hindi ko pa nasubukan ang mahika ko sa anyong ito," seryosong ani Damon.


"Try with the Sumerians. You can read minds," seryosong sabi ko.


"I will. Ayen, alalayan mo na si Avery. Ako na ang bahala kay Shin," he commanded. Sinunod naman agad ni Ayen ang utos ni Damon. She guided me to the cart. Naupo ako sa bakanteng upuan sa likod. Dahan-dahan namang ihiniga ni Damon si Shin. Ayen covered Shin's body with a blanket. Hindi pa rin nagigising si Shin hanggang ngayon. I held his burning hand.


Sa ilalim ng kariton, gumawa sila ng espasyo para mapagtaguan nina Zirrius at Kendrick. They also hid our weapons in there. Ayen and Damon took the front sits after folding the tents. We all wear our hoods. Pinatakbo na ni Damon ang mga kabayo. We will reach Sumeria before nightfall.


~~~


I could feel the mild heat of the sun. The sun will set soon. I could hear clanking of metals and the rusty sound of the gate. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Narinig ko ang pag-uusap ng ilang tinig. We're near the gate. I could also smell fire. Hindi na matalas ang pandama ko, hindi katulad noon.


Tahimik lang sina Damon at Ayen. Pinatigil ni Damon ang kabayo.


"Sino kayo? Let down your hoods." magaspang utos ng ng isang tinig. I let down mine.


"Magandang araw sa inyo. Nagpunta kami rito upang mangalakal. Ito ang katibayan na binigyan kami ng permiso," magaang saad ni Damon. I'm sure he was using his charming smile now. "Please see these stones too."


Natahimik ang kausap niya. I could see their faint aura. May naglakad sa kinaroroonan namin. Ininspeksiyon nila ang laman ng kariton at maging kaming dalawa ni Shin ay hindi nakaligtas sa kanilang atensiyon. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko. They will be shock if they noticed my white eyes.


"Ipagbibili mo rin ba ang babaeng ito sa lungsod?" malisyosong tanong ng isang lalaki. Napangiwi ako. Kung nakikita ko lang ang mukha niya, babalikan ko siya para turuan ng leksiyon.


"Asawa ko siya. May sakit ang anak namin kaya kailangan siyang dalhin sa magaling na manggagamot. Sa lalong madaling panahon," seryosong sabi ni Damon. Mapapansin ang diin sa tono niya. My face stayed still. Iniiwasan kong makahalata ang kawal. Damon is good at lying. Hindi mahahalata ang pag-aalinlangan sa tinig niya. I don't want to blew his efforts away.


Lihim akong kinakabahan.


Lumayo naman sa 'kin ang lalaki na lihim kong ipinagpasalamat. "Kung ganu'n, maaari na kayong tumuloy," wika ng isang kawal.


"Maraming salamat," seryosong sagot ni Damon. Nagpatuloy na kami. Nang tuluyan na kaming nakalayo, muli siyang nagsalita. "Nasa loob na tayo ng Sumeria. Dumidilim na pero sa tingin ko, makakarating tayo sa lungsod bago lumalim ang gabi."


Nakarating kami sa lungsod at may nahanap agad kaming matutuluyan. Lumabas na rin sina Zirrius at Kendrick sa kanilang pinagtaguan.


"Shit! Akala ko maluluto ako sa loob dahil sa sobrang init," reklamo ni Kendrick nang makalabas siya.


"You fell asleep. No need to complain," seryosong wika ni Zirrius. Kumuha kami ng isang malawak na silid na may tatlong kama.


"Ano na ang gagawin natin ngayon? Hindi pa rin gumagaling si Shin," nag-aalalang sabi ni Kendrick. Nakaupo ako sa gilid ng kama ni Shin. I was a little restless. Tapos na rin kaming kumain. Minsan nagigising si Shin pero nakakatulog din agad. Nasa loob na kami ng teritoryo ni Seth. Isang maling hakbang lang namin, tiyak na madidiskubre niya ang lahat.


"Lalabas muna ako upang maghanap ng manggagamot," seryosong pahayag ni Ayen.


"Sasama ako," pagboboluntaryo ni Zirrius. "Gusto ko ring malaman ang kalagayan sa loob ng kahariang ito. If our portraits are really out, then it's not safe for me and Kendrick to wander around especially in the day."


"Kung ganu'n, ipauubaya ko na ang lahat sa 'yo," wika ni Damon. Gusto ko sanang tumutol dahil sa pag-aalalang nararamdaman ko para sa kanya pero marahan kong kinagat ang dila ko.


"Tutuloy na kami," seryosong sabi ni Zirrius. "Ako na ang bahalang magbantay kay Ayen. Hindi rin ligtas na mag-isa siyang gagala sa kalaliman ng gabi. It looks like they are selling women in this kingdom. We can't risk her life." Narinig ko ang tunog ng armas na itinatago niya sa kasuotan niya.


"Mag-iingat kayo," nag-aalangang sambit ni Kendrick.


Mabigat ang dibdib ko sa pag-alis niya. I can't utter my selfish request for him to stay and I can't even tell him to take care. I can't wander around without my eyesight. Tiyak na hindi sila papayag na umalis ako sa inn. Gagawin nila ang lahat upang bantayan ako.


"Nag-aalala ka ba?" mahinang tanong ni Damon. Tiyak na pinag-aaralan niya ang mukha ko.


Umiling ako. Kahit nag-aalala ako, gusto kong magtiwala kay Zirrius. Hindi siya mapapahamak. They will come back, safe and sound.


"He'll be fine," wika naman ni Kendrick. "He became stronger when he returned from your kingdom. I'm a little surprised. He's dependable now." I noticed that his words are laced with pride. He's proud of his King. "Though, he became a little cold and sad, and that's my only concern. He felt responsible for everything. I wonder what's holding him back."


"He carries too much burden in his shoulders. Everything is just too much. I understand. I feel responsible for everything too," pag-amin ko sa kanila. "He's cold and sad for so many reasons. And some terrible things are about to begin."


"Ngayong nandito na tayo, ano na ang dapat nating gawin?" seryosong tanong ni Kendrick. Bumuntong-hininga ako.


"Damon, pwede mo bang kunin ang mapa na ibinigay ni Reyna Veana? Gusto kong malaman kung ano na ang nangyayari sa Hysteria," seryosong sabi ko. "We must do our part. Now that we are here, we can't waste time."


Tumayo si Damon. He looked for the map. "The war is already starting. Hysteria is under siege," seryosong sabi ni Damon. "Pilit nilang binubuwag ang depensa ng Hysteria. Sa hula ko, pinapabagsak nila ang makapal na pader at gates. They can't hold it for long."


Pinisil ng ilang daliri ko ang ibabang labi ko. Nag-isip ako. Binitawan ko ang labi ko at hinaplos ang sintido ko. "Kailangan natin ng impormasyon tungkol sa hari ng Sumeria. He's under Seth's control. Maybe there's a way to free him from that black magic. Maybe he can help us too."


"We brought the book with us. I've been scanning it these past days. Maybe the library has some information about that black crescent moon mark. If they didn't burn books yet, then we have a chance," seryosong sabi ni Damon.


"Alright. We'll start the search tomorrow," sabi ko.


~~~


Madaling araw na nang bumalik sina Ayen at Zirrius. I was pretending to be asleep. Nakatagilid ako kaya hindi niya nakikita ang mukha ko.


"How is it?" tanong agad ni Damon. Damon shifted in bed. Kanina, hindi kami makatulog habang naghihintay sa kanila. I'm actually worried but Damon forced me to sleep.


"We found a healer," sagot ni Zirrius. "We can meet him tomorrow. Pwede nating dalhin sina Shin at Avery sa kanya pero kailangan nating maging maingat. The whole place are heaviliy guarded. Lalong-lalo na ang lugar kung nasaan ang magic circle na ginawa ni Seth at maging ang palasyo. Ipinagbabawal na rin ang paggamit ng mahika sa lugar na ito. They are also burning magic books."


Mariin kong nakagat ang labi ko. "Malaking problema kung lahat ng libro ay nasunog na. Pag-usapan natin ang buong detalye sa umaga. Kailangan nating madala sina Avery at Shin sa manggagamot bago tayo kumilos."


"Sige," mahinang sambit ni Zirrius. "By the way, why are you sleeping next to Avery?" seryosong tanong niya. My heart felt the warmth.


"Why? She's my wife," he playfully answered.


"Enough for your delusions. Let Ayen sleep beside her." Zirrius didn't buy what he said. He sounded annoyed.


"Ayen, you can sleep beside Shin," utos ni Damon. There are three beds inside this room. Kendrick is alone in his bed. Hindi ko alam kung anong itsura ni Zirrius ngayon. Siguro, nakasimangot siya? O baka hindi maipinta ang mukha niya. Humiga na nang maayos si Damon sa tabi ko. I heard Zirrius hiss.


"Goodnight," sabi pa ni Damon. Ginagalit talaga niya si Zirrius. He's doing it in purpose. He's unbelievable.


"Yeah. Hope you suffer from a nightmare," inis na sabi ni Zirrius. I'm sure he laid beside Kendrick.


Damon chuckled. "I don't think so. She's the one I dreamed of."



Nakagat ko ang labi ko. Is he picking a fight?


****

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 101K 44
Exactly 17 years after book one comes the story of Scarlet Cress and how her life changed when she accidentally 'fell' in Middle Kingdom and met Prin...
60.6K 3.3K 34
Anong klaseng citizen ka? Taong gusto ng pagbabago pero ayaw magbago o taong ayaw nmagbago para sa pagbabago? Araw-araw ka bang nag-eemote? Hobby mo...
3.5K 240 22
❝ Na-seen ka na nga, itinuloy mo pa. ❞ • Buong buhay ni Andrei, nakontento siya sa pagtanaw sa crush niyang si Noah mula sa malayo. Mula first grade...
1.9M 137K 85
Aswang, kapre, engkanto, diwata, at mga anito, ang akala ni Arki ay kathang isip lang ang lahat ng mga kinwento sa kanya noon ni Lola Bangs. Wala si...