Unlucky Princess

By BeWIXyGirl_Wp

107K 3.4K 968

May pag-asa pa kayang maibalik ang dating pagmamahal ng taong iyong nilalayuan,pinagtatabuyan at higit sa lah... More

Unlucky Princess-Prologue
Chapter 1-Photograph
Chapter 2-The Girlfriend
Chapter 3-BAE
Chapter 4-Why Not Me?
Chapter 5-With Someone
Chapter 6-Boyfriend?
Chapter 7-Moving On
Chapter 8-Reserved
Chapter 9- Fight For Him
Chapter 10-Use Me
Chapter 11-Hope
Chapter 12-Paris
Chapter 13-Kiss Me
Chapter 14-Akin Ka
Chapter 15-Bohol
Chapter 16-I Won't Give Up
Chapter 17-Text Message
Chapter 18-Party
Chapter 19-Pictures
Chapter 20-Giving Up
Chapter 21-True Love
Chapter 22-She Left
Chapter 23-Forgetting You
Chapter 24-Forgotten Feelings
Chapter 25-Picture Frame
Chapter 26-Letter
Chapter 27-Thinking Out Loud
Chapter 28-Your Smile
Chapter 29-Rain
Chapter 30-Jealous
Chapter 31-Gown
Chapter 32-Waiting
Chapter 33-Trash Can
Chapter 35-Elevator
Chapter 36-Realization
Chapter 37-Eunice's Plan
Chapter 38-The Son
Chapter 39-The Punishment

Chapter 34-Luha

1.5K 62 6
By BeWIXyGirl_Wp

VJ's POV

Nandito kaming lahat sa bahay nina Bernice dahil may pa-dinner ang mommy niya.Ganito naman silang magkakaibigan.Minsan sa bahay din at minsan kina Tita Jychel.Kailangan ding narito kaming lahat pati mga anak.

“So Bernie,kailan mo ba ipapakilala sa amin ang girlfriend mo?” binalingan ni Tito Arthur ang kakambal ni Bernice.Nasa kabesira kasi ito nakaupo.

“Baka next week dad.” sagot nito na patuloy lang sa pagkain.

Kaya naman pala nitong mga huling araw ay hindi na ako kinontra iyon pala ay may iniibig na.Siguro naiintindihan niya na.

“Wow!Mabuti dahil nagkaroon ka rin ng girlfriend nephew.” si Tita Jychel na tuwang-tuwa para sa pamangkin.Ni minsan kasi wala itong pinakilalang girlfriend.

“Good for you Bernie.” si daddy. Kasalan na ba 'yan?Mabuti ka pa.” dugtong pa niya at saglit na pinasadahan ako ng tingin.Iyong tingin na tila bang pinapa-inggit ako.

Lahat sila ay masaya para kay Bernie.Kantyawan at tuksuhan ang napala niya.Dagdagan pa ng mga kapatid ko,si Rhenz na kapatid nila at mga pinsan din nila.

Nag-iingay ang lahat pero kami lang yata ang tahimik ni Bernice.Magkatabi nga kami sa upuan pero walang imikan.Ewan ko ba kung sadyang pinagtabi nila kami ng upuan o nagkataon lang.Parang nagpapakiramdaman lang kaming dalawa.

Nitong mga huling araw kasi ay hindi ko na siya madalas na nakikita dahil hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako sa nararamdaman ko sa kanya.Ayoko namang gamitin siya na panakip-butas ni Eunice.Gusto kong masigurado kong totoong mahal ko siya.

“So ikaw VJ,kailan ka muling magkaroon ng girlfriend.” si Tito Benjamin na ang nagtanong sa akin.Kaya ang lahat ng mga mata ay nasa akin na.

Nagulat pa ako ng bigla niya akong tanungin kaya hindi kaagad ako naka-imik.

Malamang na na-i-kwento na ni mommy sa lahat ng mga kaibigan niya ang nangyari sa amin ni Eunice o ang pagkamatay nito.

“I don't know Tito.” nagkibit-balikat ako. “Siguro kapag nakita ko na ang babaing mamahalin ko muli.” gusto kong sulyapan si Bernice pero naduwag ako.Ayoko ring sabihin sa kanila na mayroon na pero tulad ng sinabi ko,naguguluhan pa ako.

Pansin ko na may isang pares ng mata ang matalim na nakatingin sa akin.At nang binalingan ko ito,tama nga.Si Bernie,galit ang mga tingin niya sa akin. “S-siguro kapag naka...” napahinto muna ako ng sasabihin at ibinalik ang paningin sa pagkain.Nag-aalangan ako kung dapat ba na sabihin ko ito. “...move on na ako ng tuluyan.” patuloy ko.At kasabay niyon ay ang pagbagsak ng tinidor sa mesa.Si Bernice.Nabitawan niya ang hawak-hawak niyang tinidor.

Nakuha niya lahat ng atensiyon.

“Are you okay Princess?Natamaan ka ba ng tinidor?” nag-aalalang tanong ni Tita Cath.Napatalon kasi mula sa lamesa ang tinidor papuntang hita niya.

“Are you okay?” taranta kong tanong sa kanya kasabay ng pagdampot ko ng tinidor subalit,kasabay ng pagdampot ko rito ay siya ring pagdampot niya kaya nahawakan ko ang mga kamay niya.

“I-i'm okay...” anito at saka inirapan ako.Hinila pa niya ang kamay niya na hawak ko na pala.

Nang maglapat ang aming mga balat,may isang bahagi ng puso ko ang biglang nagdiwang.Gusto ko na tuloy na yakapin siya.Gusto ko na mahawakan muli ang kamay niya para malaman ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko sa tuwing magkalapit kami.

Ang nararamdaman ko noon sa kanya sa tuwing magsasama kami ay siyang pinanabikan ko nitong mga huling araw.At ngayon nga,nahawakan ko siya at nakita na muntikan nang masaktan ng dahil sa tinidor ay natakot ako.Natakot ako na masaktan siya.

Ito na ba ang mga sagot sa pag-aalangan ko ng damdamin ko para sa kanya?

“Bitawan mo na ang kamay ko.” pabulong niyang sabi ng mapansin na hawak-hawak ko pa pala ito.Iniwas niya ang tingin sa akin ngunit bago niya iyon ginawa,nakita ko ang sakit at ang galit doon.

“I think,okay lang naman siya Tita.” si Abegail na ang bumasag sa katahimikan ng lahat.Nakatingin lang kasi sila sa eksena namin ni Bernice.

Binitiwan ko ang kamay niya.Napalunok pa siya ng tumingin sa akin muli.

“Uy kumain pa kayo.” pukaw ni Tita Cath.'Di ko mawari ang nararamdaman pero pakiramdam ko may tensiyon sa pagitan naming lahat.

'Di ko maintindihan ang aking sarili.Kahit hindi naman sila nakatingin sa akin pero pakiramdam ko,lahat sila ay nagkakaintindihan sa pamamagitan ng tinginan.May hindi ba ako nalalaman?

Nagsimula muli ang kwentuhan nila.Pero kami ni Bernice ay tahimik lang.Walang imikan ni tinginan.

Nang ilang minuto na ang nakalipas,'di na ako nakatiis.Ginagap ko ang kamay niya na nasa hita niya.Napakislot siya nang una pero pagkuwa'y hinayaan na lamang niya ito.

Marahan kong pinisil-pisil ang mga palad niya—ang malambot niyang palad.'Di ko lubos maisip na kahit pala sa paghawak lang ng kamay niya ay pinanabikan ko ito.

Sinulyapan niya ako at gan'on din ang ginawa ko.Nginitian ko siya nang magtama ang aming mga paningin pero wala man lang makikita na emosyon rito.Ni ngiti nga ng bahagya ay 'di niya magawa.Maya't maya pa ay nakita ko na ang lungkot sa mga mata niya.Iyong lungkot na tila ba iiyak.Ah hindi ko maipaliwang.Naiiyak ba siya o nalulungkot.

Muntikan na akong mapatampal sa aking noo nang maalala ko ang mga sagot ko kanina.'Di kaya ay naging dahilan 'yon ng modo niya?

Shit!

Ano na naman ba ang ginawa ko?Sinaktan ko na naman siya.

Pero sinaktan ko nga ba siya o sadyang ayaw niya lang akong katabi at ayaw niya 'yong ginagawa ko.

Nalimutan ko nga pala na iniiwasan na niya ako.So ibig sabihin hindi 'yong sinagot ko kanina ang dahilan kung bakit ganyan ang modo niya ngayon.Ayaw niya lang talaga akong makatabi.

Muli kong pinisil ang palad niya.Nasasaktan ako sa iisipin na ayaw niya akong makita—na iniiwasan niya ako.

Pasimple niyang iwinaksi ang kamay ko at tiningnan ako ng masama.

“Excuse me.” napatingala ako sa kanya nang tumayo siya.Gan'on din ang lahat.Biglang napalingon sa kinaroroonan niya. “I think I need to rest.Sumakit po kasi ang u-ulo k-ko.” nautal siya sa dalawang huling kataga.

Nakatingin lang ako sa kanya na naka-kunot-noo.Gusto ko siyang pigilan,pero wala akong lakas para gawin iyon dahil narito kami sa harapan ng mga pamilya namin.

Ang duwag ko pala.Ang duwag ko pagdating kay Bernice.

“Go ahead Princess.Ah Bernie...” binalingan ni Tito Arthur ang kakambal ni Bernice. “...ihatid mo muna ang kakambal mo.”

“Ako na po Tito.” bigla akong tumayo.May kung anong nag-udyok kasi sa akin upang i-presenta ang aking sarili.Gusto kong masolo si Bernice.Gusto kong makausap siya.

“Ako na lang dad.Kaya ko naman ang aking sarili.” mabilis na tanggi niya. Excuse me again.” anito at saka tumalima na.

Gustong humakbang ng mga paa ko para habulin siya pero napako na ako sa kinatatayuan ko.

“Oh akala ko ba Vincent ikaw ang maghahatid kay Bernice?Bakit nakatunganga ka diyan?”

Napatingin ako kay Bernie nang magsalita ito.Bigla yatang okay na sa kanya na sundan ko si Bernice.

“Sundan mo na.” utos pa nito.

'Di na ako nagsayang ng oras pa. Sinulyapan ko muna si Bernie at nagpapasalamat sa pamamagitan ng tingin ko at saka mabilis na hinabol si Bernice sa hagdanan.

“Bernice!” tinawag ko siya pero binilisan niya lang ang paghakbang.Halatang iniiwasan ako.Biglang bumundol ang kaba sa dibdib ko.Baka kasi mahulog siya sa pagmamadali sa pag-akyat. “Okay.Hindi na kita hahabulin.Dahan-dahan lang.” paalala ko.

“Pakialam mo ba?” mataray niyang saad habang patuloy pa rin sa pag-akyat.Kaunti na lang ay nasa second floor na siya.Kung bakit kasi ang taas ng hagdan na ito at mahaba pa?

“Natatakot ako na baka mahulog ka.” sagot ko sa kanya.'Di ko na alintana kung naririnig pa nila sa baba ang usapan namin.

“Natatakot ka na mahulog ako?” ngumisi siya.Napahinto pa siya at isang lintang na lang nasa taas na siya.Ako naman ay malapit na sa kinaroroonan niya.

Nagtama ang aming mga mata.

“Alam mo,mas mabuti nang sa hagdan ako mahuhulog eh.Atleast,alam kong may sahig na sasalo sa akin kahit pa masaktan ako.” puno ng kahulugan na turan niya.

Tumalikod na siya at nagtuloy-tuloy na papuntang kwarto niya.Pero dahil nga sa mabilis akong nakahabol sa kanya,nahawakan ko ang kanyang braso bago pa siya tuluyang pumasok sa loob.

“Ano ba Kuya?Masakit ang ulo ko kaya mamahinga na ako.”

Pilit niyang tinatanggal ang kanyang braso na mahigpit kong hinahawakan.

Tinawag na naman niya akong Kuya.Ibig sabihin galit siya sa akin.Hanggang ngayon ay galit pa rin siya.

“Pwede ba VJ.Tigilan mo na nga ako.Huwag ka na ring mag-effort pa dahil alam mong hindi ko ina-appreciate 'yon.” inis na sabi niya.Alam ko naman na balewala sa kanya ang mga effort ko noon bago pa ako naguluhan ulit sa naramdaman ko sa kanya. “Mag-move-on ka muna.” diniinan niya ang katagang move-on.Ibig bang sabihin ay doon talaga siya nagagalit?

Gusto kong ngumiti sa iisiping iyon.Ibig sabihin ay nagagalit siya dahil iba ang ini-expect niyang sagot.

“Bernice,makinig ka.Iyong sinabi ko kanina...” ibinitin ko ang aking sasabihin dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya. “...wala lang kasi akong maisip na i-dahilan.” dugtong ko.

Damn!

Hindi 'yan ang dapat ko na ipaliwanag.Sablay na naman ako.

“So 'yon lang ba?” tumaas ang kilay niya. “Ngayon,alam ko na.Kaya pwede ka ng bumaba.” sarkastiko niyang sabi.

“I'm sorry Bernice...” hinging-paumanhin ko sa kanya.Marahan kong binitawan ang braso niya na hawak ko pa rin hanggang ngayon.Bakit ba,pagdating sa kanya ay ang duwag ko?Ni hindi ko maipaliwang sa kanya ang totoo.

Unti-unti ko siyang tinalikuran dahil bumibigat ang aking kalooban.

“N-napakasinungaling mo V-vincent J-jacob...”

Napalingon ako sa kanya ng marinig ko ang nangiginig niyang boses habang binabanggit ang buo kong pangalan.

Nakita ko siyang nakasandal na sa dingding habang nakasuklay ang mga daliri sa kanyang buhok.Nakita ko rin ang pag-agos ng mga luha niya sa kanyang pisngi.

“S-sinungaling ka dahil ang sabi mo sa akin ay m-mahal mo na a-ako.” pautal-utal man ang mga sinabi niya ngunit puno naman iyon ng galit.

Nagsusumigaw ang aking puso sa nakikitang sitwasyon ni Bernice.Nasasaktan ako.Kaya mabilis ko siyang binalikan.

“Bernice...” nang makarating ako sa harapan niya. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at ipinagtugma ang aming mga mata. “...totoong m-mahal kita.I'm sorry dahil naduwag lang ako.I'm sorry dahil naguguluhan ako.” ramdam ko ang pagka-konsensiya sa mga sinabi ko. “I'm sorry kong pinagdudahan ko ang aking nararamdaman sa iyo.I'm...” pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang aking mga daliri na hinayaan niya naman ako. “...so sorry...I love you Bernice.Mahal kita.Mahal na kita...” dahan-dahan kong inilapit ang mga mukha namin. “I love you Bern—”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil malakas na sampal ang iginawad niya sa akin.

“Tama na VJ please.Huwag mo na akong paasahin pang muli.Ang sakit na kasi eh.Ang... sakit...sakit na...” humagulhol siya at pumasok na sa kwarto niya. “Ayoko nang makita ka,kailanman!” sigaw niya kasabay ng pag-click ng lock ng pintuan niya.

“Bernice...” kinatok ko siya. “...alam kong hindi sapat ang sorry ko.Pero babawi ako.”

Bawiin mong mukha mo!I have enough VJ.Nasaktan mo na ako noon,hanggang ba naman ngayon ay gan'on pa rin ang gagawin mo?” pumiyok pa siya.

Sinaktan ko siya noon?

Biglang bumundol ang kaba sa dibdib ko.Ibig bang sabihin ay bumalik na ang alaala niya?

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 36.9K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
27.1M 449K 43
Shiela tried her best to be civil with Magnus, her one-night stand--after all, they have twins to take care of. But when circumstances bring them tog...
2M 72.3K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
1.7M 78.9K 18
(Yours Series # 3) Kelsey Fuentes thought that after her failed experience in marriage, she would never dare try again. She was contented with her wo...