Unlucky Princess

Oleh BeWIXyGirl_Wp

107K 3.4K 968

May pag-asa pa kayang maibalik ang dating pagmamahal ng taong iyong nilalayuan,pinagtatabuyan at higit sa lah... Lebih Banyak

Unlucky Princess-Prologue
Chapter 1-Photograph
Chapter 2-The Girlfriend
Chapter 3-BAE
Chapter 4-Why Not Me?
Chapter 5-With Someone
Chapter 6-Boyfriend?
Chapter 7-Moving On
Chapter 8-Reserved
Chapter 9- Fight For Him
Chapter 10-Use Me
Chapter 11-Hope
Chapter 12-Paris
Chapter 13-Kiss Me
Chapter 14-Akin Ka
Chapter 15-Bohol
Chapter 16-I Won't Give Up
Chapter 17-Text Message
Chapter 18-Party
Chapter 19-Pictures
Chapter 20-Giving Up
Chapter 21-True Love
Chapter 22-She Left
Chapter 23-Forgetting You
Chapter 24-Forgotten Feelings
Chapter 25-Picture Frame
Chapter 26-Letter
Chapter 27-Thinking Out Loud
Chapter 28-Your Smile
Chapter 29-Rain
Chapter 30-Jealous
Chapter 31-Gown
Chapter 32-Waiting
Chapter 34-Luha
Chapter 35-Elevator
Chapter 36-Realization
Chapter 37-Eunice's Plan
Chapter 38-The Son
Chapter 39-The Punishment

Chapter 33-Trash Can

1.5K 63 11
Oleh BeWIXyGirl_Wp

Bernice's POV

“Come in!” pinapasok ko ang aking secretary.Alam kong siya lang naman ang kumakatok.Bumalik na rin kasi ako sa trabaho ko dahil ilang linggo na rin akong namamahinga.Kaya na rin lang ng katawan ko.Isa pa,bored na bored na ako sa bahay.

Madali lang naman akong natutong muli ng mga trabaho ko dito sa company ni daddy Arthur.

“Ma'am may pinapabigay po si Mr. Vincent Samonte.” anito na inaabot sa akin ang mga bulaklak.

Pinasadahan ko ito ng tingin.Nakita ko pang may chocolates at card na kasama.

Bumilis ang tibok ng aking puso.Gustong-gusto kong tanggapin kaagad ang mga bagay na ito pero lalo lang naninikip ang dibdib ko.

“Throw it in a trash can.” ma-awtoridad na utos ko.May panghihinayang sa aking puso pero ayokong tanggapin ang mga 'yan.

“But ma'am,Mr.Sam—”

“Ang sabi ko,itapon mo 'yan!” tumaas ang boses ko. “Hindi mo ba ako naiintindihan miss Cervana?” galit na tanong ko sa kanya.Tiningnan ko pa siya ng masama. Nagagalit ako dahil hangga't maari ay ayoko pang makita ang mga bagay na iyan.Lalong-lalo na kung alam kong nag-effort si VJ.It's breaking me.Nadudurog ang puso ko at ang pagkatao ko sa tuwing ginagawa niya ang mga ka-cornihan niya.

“Pero ma'am, kailangan mo daw kasing tanggapin 'to.” nakayukong paliwanag niya.

“So,sino ba ang susundin mo sa aming dalawa?Ako na boss mo,o siya?” hinampas ko pa ang table ko kaya gumawa ng ingay.Napakislot naman siya.

“S-syempre ikaw po ma'am.” halos manginig pa ang boses nito.Mabait naman ako sa kanya.Nagiging masungit lang ako kapag may pinapabigay si VJ sa kanya na para sa akin.

“Good.” hindi ko na siya tiningnan pa.Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko siyang papunta na sa basurahan. “But wait...” nang may naisipan ako. “...give it to me.” dugtong ko.

Dali-dali naman siyang lumapit sa akin na naguguluhan at ibinigay ang mga bulaklak at ang chocolates.Nakangiti pa siya.

Subalit,nanlaki ang mga mata niya ng bigla ko itong itapon sa basurahan.

“Oh ayan.Sabihin mong tinanggap ko muna bago ko itapon sa basurahan.” tinalikuran ko na siya. “Hindi ka na magi-guilty niyan.” nilingon ko pa siya. “You may now leave miss Cervana.Tawagan na lang kita sa intercom kapag may kailangan ako sa iyo.” patuloy ko at saka ako umupo sa aking swivel chair.

Bago siya lumabas ng office tinapunan pa niya ng tingin ang basurahan at napapailing.Siguro nanghihinayang siya sa mga binibigay ni Vj sa akin araw-araw dahil tanging ang trash can lang na 'yan ang nakikinabang.

Bumuga na lang ako ng hangin ng makalabas siya at saka sinimulang trabahuin ang naka-assign na trabaho dito sa akin.

Sa kalagitnaan ng aking mga gawain ay biglang nag-vibrate ang phone.

Text message

Nagdalawang-isip pa ako na i-open ko na ang message o huwag muna.

At nang sa huli,napag-pasyahan kong basahin na rin.Baka si mommy at ipapa-alala na naman sa akin ang iba ko pang mga gamot na patuloy kong iniinum hanggang ngayon.

'It's breaking my heart knowing na tinatapon mo lang lahat ng mga pinapadala ko sa 'yo Bernice.'

Tsk!

Lalong pinipiga ang puso ko.Masakit pa rin kasi at narito pa ang kirot.

Nakailang minuto din akong nakatitig sa message niya.Pinag-iisipan kong mabuti kung re-reply-an ko ba siya.Baka kasi ano pa ang masabi ko.

Nagtipa ako sa reply box pero maya't maya naman ay binubura ko dahil hindi dapat iyon ang reply ko.

Paki ko ba?

Really?

Nakaka-ramdam ka ba n'on?

Ilan lang 'yan sa mga na-i-tipa ko para sana sa reply pero binura ko nga lahat.Medyo napaka-immature kasi.

Nag-isip muli ako ng ire-reply.

'Oh e di tigilan mo na.Hindi ko naman sinabi sa iyo na padalhan mo ako ng mga basura.'

Hindi na ako nag-alinlangan pa.I sent my reply.

Hinintay ko ang message niya pero walang may dumating.

Bigla akong na-guilty sa ginawa ko kay VJ.Pero iyon ang nararapat 'di ba?

Pagkatapos kasi noong wedding anniversary party ng grandparents niya ay iniwasan ko na talaga siya.Gusto kong makita na kahit paano ay nahihirapan din siya.'Yan ay kung totoo lahat ng mga sinabi niya sa akin.

Sa tuwing magkikita kasi kami,tinatarayan,sinisigawan at hindi ko siya kinikibo.Pero hindi ko akalain na may ugaling makulit din pala si VJ.

VJ's POV

Bigla akong napahagod sa kaliwang dibdib ko.Parang karayom na tumusok sa puso ko ang kirot ng nireply niya sa akin.

Alam ko naman na tinatapon niya lang ang mga ito sa basurahan pero hindi pa rin ako sumuko kahit nasasaktan din ako.Kung tutuusin kasi,kulang pa 'yan sa sakit na pinaranas ko sa kanya noon.

Nakakagulat lang ang mga pangyayari dahil ilang linggo na ring ganito si Bernice sa akin pagkatapos noong wedding anniversary ng grandparents ko.

Flashback

“Bakit mo ba ako iniiwasan Bernice?” agad na tanong ko ng mahuli ko siya sa braso bago pumasok sa banyo.Sinundan ko kasi siya ng makita kong tumayo na siya.

Malapit nang matapos ang party pero panay iwas ang ginagawa niya sa akin.

“Dahil ayokong makausap ka Vj.” matapang niyang sinalubong ang nagagalit kong tingin sa kanya.Naging ganito na siya sa akin nang magkasama sila ni Alden kanina.Kaya gumalaw na naman ang panga ko sa galit ng maalala ko ang paghalik niya kay Bernice bago ito umibis ng sasakyan.

“Ayaw mo akong makausap?” ngumisi ako sa inis. “Bakit,dahil ba kay Alden?Dahil ba mas masarap ang mga labi niya kaysa aki—”

Sampal ang siyang nagpatigil ng panunumbat ko sa kanya.

Gan'on na ba ang tingin mo sa akin Vj?Porke ba't malaya mong naaangkin ang mga labi ko ay gan'on na kababa ang tingin mo sa akin?Kung kani-kanino na lang magpapahalik?!” sigaw niya sa akin.Mabuti na lang dahil maingay ang tugtog kaya walang nakakapansin sa amin.

Nangingilid na rin ang mga luha niya sa galit.Pero pakiramdam ko, nagsinungaling siya kaya lalo akong nagagalit sa iisiping iyon.

“Nakita ko kayo Bernice.Kaya huwag mong i-deny sa akin at huwag mo akong gaguhin dahil kitang-kita ng dalawa kong mata na hinalikan ka ng tarantadong 'yon bago ka bumaba ng kotse.” may mga pagdidiin kong sabi sa kanya.

Saglit na nangunot ang noo niya bago nagsalita.

Napaka-judgemental mo.Ni hindi mo nga inalam kung totoo 'yan. Ni hindi ka nagtanong.Pero sige,gusto mong umamin ako?”

Abot-abot ang kaba ko ng sinalubong niya ang aking nga titig sa kanya.Ayokong marinig mula sa kanyang mga labi na totoo 'yon.Parang bigla akong nagsisisi kung bakit isinumbat ko pa sa kanya.Hindi ko pala kayang tanggapin ang katotohanan mula sa mga labi niya.

“Oo VJ.Hinalikan niya ako sa mga labi.” anito.

Pakiramdam ko,bumigat ang aking katawan.Para na akong nilalamon ng lupa dahil hindi ko maintindihan ang dapat kong maramdaman.Galit,selos at pagsisisi. “And now,pwede na ba akong pumasok sa banyo?” wika niya ng mapansin niya na hindi ako nakapag-salita. “Excuse me...” tinabig pa ako bago pumasok.

End of flashback

Hanggang ngayon,naaalala ko pa ang kagaguhan kong iyon.Pinagsisihan ko man ang mga bagay na iyon,pero hindi pa rin mawala ang galit at selos ko sa tuwing maiisip ko na pati si Alden ay nakatikim na ng mga labi ni Bernice.Sa akin lang dapat 'yon.Ako lang ang pwede.

Muli akong napabuntong-hininga.Paano ko pa kaya mapapaamo si Bernice?

Gagawin ko rin ba ang ginawa ni daddy kay mommy?Iyong pwersahan.Ang tanong,makakaya ko kayang gawin ito kay Bernice.

No!

Hindi ko gagawin ang mga ginawa ni daddy kay mommy noon.Sabi nga niya,ang mga lalaki daw ay may kanya-kanyang diskarte.Kaya iyon ang pag-iisipan ko.

Wala sa sarili na tumayo ako.Hindi pwedeng u-upo na lang ako dito habang ang isipan ko ay na kay Bernice.Hindi na nga ako nakapag-isip ng matino nitong mga huling araw dahil sa kanya.Nawawalan na ako ng focus sa trabaho ko kaya ang ibang kliyente ko ay tinatanggihan ko na ang mga gustong ipagawang project.

Mabilis akong lumabas mula sa silid ng office ko.

“Excuse me sir Vincent.You have a call from Mr.Navarro.” habol sa akin ng secretary ko.Hirap din pala kapag mataas ang position na ibinigay sa iyo.Halos sa iyo isangguni lahat.

“Tell him.I'm on the meeting.I will just call him later.” habilin ko.Ni hindi ko na nga siya nilingon.

“Yes sir.” mabilis na sagot nito.

Si Mr.Navarro ay ang makulit naming kliyente.

Kinuha ko ang aking phone sa bulsa ng pants ko.

At habang naglalakad ako sa hallway papuntang elevator ay sinusubukan kong mag-type ng isasagot ko sa reply ni Bernice kanina. Focus lang ako sa pag-iisip ng sasabihin ko sa kanya kaya hindi ko namamalayan na may nabangga na ako.

“Hindi kasi tumitingin sa daraanan.” masungit na saad nito.

“I'm sorry mi—Mrs.Esguerra?bulalas ko nang mamukhaan ko siya.

“Vincent Jacob?” anito na tila na sinisigurado kong ako nga 'to.

“H-how are you p-po?” nauutal kong tanong sa kanya.'Di ko alam kung ano ba talaga ang dapat na sabihin ko sa kanya.Nahihiya din kasi ako sa kanya kaya hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.

“Okay naman ako.Okay na ako Vincent.” malungkot na sabi nito at saka iniwas ang tingin sa akin.

Sa mga sandaling ito,hindi ko alam ang dapat na maramdaman.Gusto ko siyang yakapin at humingi ng tawad dahil 'di ko sila sinamahan sa pakikiramay nila kay Eunice.

Oo.Mommy siya ni Eunice.Minsan niya na rin kasi ako ipinakilala rito.

“I'm sorry...” madamdaming saad ko.Ngayong kaharap ko ang ina ni Eunice,pakiramdam ko,kausap ko na rin siya.Magkamukha kasi sila.At lalo tuloy akong na-konsensiya.

Gumuhit ang kirot sa puso ko na akala ko ay hindi ko na maramdaman.

“I'm sorry...” ulit ko.Hindi ko na napigilan ang aking sarili,niyakap ko na siya.

“V-vincent...” marahan siyang kumalas mula sa pagkakayakap ko. “...hindi ka dapat humingi ng sorry sa akin.Wala kang kasalanan.K-kasalanan namin d-dahil...” pumiyok siya at biglang pumatak ang mga luha niya. Kitang-kita sa mga mata niya ang sakit. “...'di namin sinabi sa iyo.” tumingin siya sa akin saglit ng malungkot at mabilis na iniwas ito.Parang siya pa 'yong nagkaroon ng guilt.

“No Mrs.Esguerra.Ako ang dapat humingi ng tawad dahil wala akong nagawa.” sabi ko.

Totoo naman ang mga sinabi ko.Wala nga pala talaga akong nagawa sa pagkamatay ni Eunice.

Ang laki kong gago!

Naiisip ko ngayon na wala pala talaga akong kwentang lalaki.Alam ko noon na namatay na ang babaing naging bahagi ng buhay ko pero mas inuna ko si Bernice.Mas inuna ko ang aking sarili.

“Let's not talk about it, Vincent.Let's just m-move-on kahit masakit.” muli ay pumatak ang mga luha niya.

“I need to talk to you mrs Esguerra.Gusto kong malaman ang lahat.” wika ko nang wala na akong masabi.Pagka-konsensiya at kirot ang nararamdaman ko sa tuwing nagsasalita siya.

Gusto ko siyang kausapin para malaman ko kung ano ba talaga ang nangyari kay Eunice.Hindi sapat sa akin ang nalalaman ko.

“No need na Vincent.Ang sulat na ipinabigay niya sa iyo ay sapat na 'yon.Totoo ang lahat ng 'yon Vincent.Kaya please lang,huwag mo na akong kausapin tungkol sa kanya dahil masakit na masakit pa rin.” humagulhol na siya.

Alam niya rin ang tungkol  sa sulat ni Eunice?

Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya bilang ina.Kung ang mga magulang ko nga hindi na mapakali kapag may mga sakit kaming magkakapatid,siya pa kaya na nawalan ng anak?

“Kung 'yan po ang gusto niyo,'di ko na kayo pipilitin.I'm sorry ulit.”

Sa tuwing babanggitin ko ang mga katagang 'I'm sorry' ay lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko.

“I have to go Vincent.Basta tulad ng sinabi ko.Kung ano man ang nakalagay sa sulat na iyon,'yon ay totoo.” humakbang na siya papalayo sa akin.

Sinundan ko na lamang siya ng tingin.Ang sulat na iyon.Doon ko nalaman ang lahat.Doon ko rin nalaman na na kay Bernice ang puso ni Eunice.

Bakit sa tuwing iniisip ko na kay Bernice ang puso ni Eunice ay nasasaktan ako at naaawa?Hindi ko alam kung kanino ako naaawa.kay Eunice ba,o kay Bernice?

Kaya lang ba ako nagkaganito kay Bernice dahil alam kong,nasa kanya ang puso ng babaing minahal ko?Kaya ko lang ba nararamdaman na mahal ko siya, dahil kay Eunice?

---------------------------

Unedited
No Reviews





Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

1.4M 47.4K 40
Heartbreakers Series #4: Uriah Kylo Penalver Si Aryn Valerie "Areli" Lopez ay ang isa sa mga maraming taga-hanga ni Uriah Kylo Penalver, the Cold Hea...
61.1M 944K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
454K 21.2K 45
Completed September 2022 Xera Thompson -Yung mayaman ka at sobrang ganda pero binasted ka ng first love mo. -Yung ikaw ang pinaka maarte, baby, at...
390K 11.3K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...