When Dyuswa Meets Purita

By danjavu

2M 67K 12.2K

Dear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinata... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Part 58
Part 59
Part 60
Part 61
Part 62
Part 64
Part 63
Part 65
Part 66
Part 67
Part 68
Part 69
Part 70
Part 71
Part 72
Part 73
Part 74
Part 75
Part 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Special Chapter
Author's Note, Please Read...
When Dyuswa Meets Purita Again Book 2- Teaser
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12 (1)- Luke
Kabanata 12 (2)
Kabanata 13- Kidnapper and the Rain Lover
Kabanata 14-
Kabanata 15
Kabanata 16- Hunch
Kabanata 17- Subconsciously
Kabanata 18- Pink Lollipop
Kabanata 19- Drunken Love
Kabanata 20- To The Rescue
Kabanata 21- "Hindi gano'n kadali iyon"
Kabanata 22- Ano bang ginawa mo?
Kabanata 23- Feels Like Home
Kabanata 24
Kabanata 25- The Awakening
Kabanata 26- Outburst
Kabanata 27- Huwag Magpa-ligaw
Kabanata 28- Can You Hear Me?
Kabanata 29- Global Warming
Kabanata 30- Hindi siya ikaw
Kabanata 31- Jirits na Jirits
Kabanata 32- Siya pa rin
Kabanata 33- Super...Stupid...Bull!
Kabanata 34- All for him
Kabanata 35- Halaga
Kabanata 36- Return
Kabanata 37- Closing Time
Kabanata 38- Unfairy Tale
Kabanata 39- New World
Kabanata 40- Ship and Flower
Kabanata 41- Condo Talking
Kabanata 42- Clever
Kabanata 43- Unexpected
Kabanata 44- Claim
Kabanata 45- I'm In
Kabanata 46- Red Horse
Kabanata 47- Girlfriend
Kabanata 48- Not Today
Kabanata 49- Ang Sinturon
Kabanata 50- Fallen
Kabanata 51- The First Layer
Kabanata 52- Flirt
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
The Final Finale
Announcement MUST READ

The Finale

11.3K 300 222
By danjavu

Finale

23 years ago...

"Patawarin mo ako anak. Hindi kita kayang ipagtanggol. Pero kahit anong mangyari, mahal na mahal kita," sabi ng isang babaeng nakahiga sa hospital bed.

Kasabay ng kanyang pag-iyak ay siya ring pag-iyak ng isang sanggol sa kanyang dibdib. Mas lalo siyang naiyak nang kinuha na ang sanggol ng isang babaeng nurse.

"Isang minuto. Kahit isang minuto na lang. Gusto ko pa siyang maramdaman. Parang awa mo na," pagsusumamo niya sa isang babae na nakatayo lang sa harapan niya.

"Hindi na pwede. Anong oras man ngayon ay matutunton tayo ni Hector. Kaya kailangan ko nang ilayo ang bata pati na rin ikaw mismo. Ipapalabas natin na namatay ka sa panganganak at may kumuha sa anak mo. Maliwanag?" matigas na utos nito sa kanya.

Nahihirapan siyang tumango. "Pero ang bata. Parang awa mo na Veronica. Huwag mong pahihirapan ang anak ko. Wala siyang kasalanan dito. Ako lang dapat ang magbayad huwag lang anak ko," umiiyak niyang pakiusap.

Wala siyang may narinig na sagot mula rito. Hindi na niya alam kung anong kasunod na nangyari dahil dumilim na ang kanyang paningin.

***

JOSHUA'S POV

Biglang umiba ang reaksiyon ni mommy nang huminto ang tingin niya sa babaeng kasama ng professor ko. Maging ito rin ay nagtataka sa iniasta ng babaeng kasama nito. She must be his mother. Medyo magkahawig kasi sila.

Bahagya rin akong natigilan nang masuri ang kabuuan ng ginang. Parang may kahawig siya.

"V-Veronica?" halos pabulong nitong sabi habang nakatingin kay mommy.

Nakita ko ang pangungunot ng noo ni mommy. Tanda na parang nag-iisip siya. Siguro ay magkakilala ang mga ito noon at ngayon lang muling nagkita.

"Clara," walang ka-amor-amor na sabi ni mommy. "Long time, no see. Akala ko nga ay hindi ka na babalik dito. Thought you're enjoying your stay somewhere," may halong sarkasmo ang sinabing iyon ni mommy.

"W-We just came here a couple of months ago. And we decided to stay here for good," nag-aalangang sagot nito.

Pilit na tumawa si mommy. And I don't like it. Ganito ang tawa niya kapag may hindi siya gusto.

"Nakaka-ganda talaga ng accent at pananalita ang matagal na pananatili sa US ano?" pahaging niya.

"Ilang months lang ako roon. Lumipat ako ng Canada."

"Oh I see. They must be your family?"

"Ah. Oo. This is Richard, asawa ko. At sila naman ang mga anak ko, sina Yeshua at Yaxley," pagpapakilala nito sa mga kasama.

"Nice to see you," nakangiting bati ni mommy. Sincere ang ngiti niya kaya nakahinga ako nang maluwag. "And this is my son, Joshua."

Isa-isa akong nakipag-kamay sa kanila. Medyo awkward nga kasi rito pa talaga kami sa gitna ng mall nag-uusap.

"He's my student. He's in my class," nakangiting kwento ng professor namin.

Kilala siya bilang Professor XYZ ng mga estudyante. Tss. What a pen name. Ang baduy. Pero Yiswa naman ang tawag sa kanya ng babaeng pinakamamahal ko. And I hate it kasi magkatunog sa pangalan ko.

"Oh. How nice. So how is he in your class?"

"He's great. Not to mention him following one of my student," natatawang sagot nito.

Tarantado 'to ah. Ibubuking pa ako. Pero, damn! I don't give a slightest care.

"Mahal na mahal niya lang kasi ang taong iyon," biglang nalungkot ang mukha ni mommy pero nang tumingin sa kanya ang mommy ni Yeshua ay nag-iba ang reaksiyon niya.

What's with them? Really.

Hanggang sa makauwi kami ay iyon ang naiisip ko. Mom's not rude to anyone she just met. Pero iyong kanina, pakiramdam ko something's off.

Tahimik na naunang pumasok ng bahay si mommy. Gustuhin ko mang pumasok ay hindi ko na tinuloy. Baka kasi magkita kami ni Purita.

Hindi sa iniiwasan ko siya kundi dahil lang sa nirerespeto ko ang desisyon niya. Dumiretso na lang ako sa bahay ko at nahiga na.

Iniisip ko pa rin kung itutuloy ko pa rin ba ang sinuhestiyon ni Ginny. Ilang beses ko nang sinunod ang suggestion niya noon pero palagi na lang purnado. I hope this time it'll work. If this is what it takes to have her back.

****
PURITA'S POV

Itinigil ko na pansamantala ang binabasa. Dumating na kasi si tita Veronica at parang wala yata siya sa mood. Ngayon ay naintindihan ko na kung bakit niya nagawa iyon. I know that's too much na ilayo ako kay daddy. But she's hurt. At minsan kapag sobrang nasaktan ang isang tao, hindi na gano'n ka-wise ang desisyon niya sa mga bagay-bagay.

Gusto ko siyang lapitan ngayon at humingi ng sorry dahil sa ginawa ng nanay ko. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong malaman ang part niya. Pero hindi ko alam kung papano simulan dahil baka ayaw niya na ring pag-usapan.

Mabigat ang paghinga kong inilapag ang folder sa mesa. Tumayo agad ako nang makalapit na siya sa sala.

"Good evening po tita," nakangiti kong bati sa kanya.

Para naman siyang natauhan nang makita ako. "Good evening din iha. Kumain ka na ba?"

Lumapit ako sa kanya saka humalik sa pisngi. "Tapos na po."

Luminga-linga siya sa paligid. Sinundan-sundan ko naman ang bawat kantong pinupuntahan ng kanyang mga mata. Nakakahilo. Ano ba!

"Saan ang daddy mo?"

"Ah. Nasa study room po niya," sagot ko.

May libo-libong higad ang gumagapang sa balat ko para mag-open up na sa kanya pero sadyang matapang lang talaga ang concentration ng Safeguard sa aking katawan kaya naman hindi ko magawa-gawa.

"Can we talk, iha?" tanong niya.

Omo! Nakalusot ang 0.1% bacteria. Akalain mo 'yon. Nakakaloka! Si tita na mismo ang naghanap ng paraan para makapag-usap kaming dalawa.

"Sige po tita."

"Magkita tayo sa terrace after 10 minutes. Magbibihis lang ako, okay?" sabi niya sa tipid na ngumiti.

Kaagad naman akong sumang-ayon. Pumunta muna ako sa kwarto para ilagay roon ang folder. Ilang sandali pa ay pumanhik na ako sa terrace. Napatingala ako sa langit.

Itim ang langit. At ang tanging nagbibigay ng liwanag ay ang mga mumunting bituin na nakasabit doon at isang kalahating buwan na kumukubli sa papalahong ulap.

Kasabay no'n ay ang pagtahol ni Bhebhe Qoh at nina Summer at Spring sa ibaba. Sino naman kaya ang tinatahulan nila ngayong gabi? Napapansin ko na sa tuwing ganitong oras sila tumatahol na para bang nagdidiwang. Mga aso nga naman. Baka may nakikita silang elemento ja hindi kayang makita ng isang ordinaryong tao tulad ko.

Ay mali. Ng isang magandang ordinaryong tao tulad ko.

Ilang sandali pa ay dumating na si tita Veronica kaya naman bumalik na ako sa dati kong anyo. Naka-damit pang-swimming na siya. Joke lang. Damit-pambahay pala.

Sabay kaming umupo sa upuang nakapaligid sa hugis-oblate spheroid na mesa. Naka-inclined ito ng 23 degrees North or South with an average speed of 90,000 lightyears per nanosecond. Char-char with feelings lang.

"I have something to tell you, iha."

"Ako rin po tita. May sasabihin din po ako sa inyo."

Saglit kaming nagkatinginan saka siya ngumiti. "You go first."

Tumikhim muna ako para kumuha ng bwelo. Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa hugis-oblate spheroid na mesa na may inclination na...Hay.

Stop it Purita!

"May naikuwento po sa akin si daddy. Tungkol sa nakaraan at tungkol sa totoo kong nanay," maingat kong simula.

Alam kong maselan ang isyu na ito kaya gusto kong dahan-dahanin sa paraang hindi ma-o-offend si tita. Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko.

"Naikuwento ni daddy kung paano ako nabuo at kung ano ang ginawa ng nanay ko sa inyong dalawa," naninikip ang dibdib ko habang sinasabi sa iyon.

Parang ako kasi ang nasasaktan kay tita Veronica. At nasasaktan din ako para sa nanay ko dahil bakit hinayaan niya ang sarili niyang dumating pa sa puntong iyon. Na pati dignidad niya ay kinain niya para lang do'n.

"Alam ko pong masyado ng huli ang lahat pero ako na po ang humihingi ng patawad sa ginawa ng nanay ko? Alam kong pinagsisisihan na niya ang ginawa niya sa inyo. Patawarin niyo po sana kami tita," umiiyak kong sabi.

"Iha..."

"Naiinis po ako sa nanay ko. Gusto ko pong magalit sa kanya. Gusto ko siyang sumbatan kung bakit niya ginawa iyon. Pero hindi ko magawa. Dahil aaminin ko po na ipinagpapasalamat ko pa rin sa Diyos dahil isinilang ako sa mundong ito. Patawarin niyo po ako dahil ipinagpapasalamat ko pa ang dahilan kung bakit nasasaktan kayo."

"It's alright iha. Nakaraan na iyon. At hindi na ako galit sa iyo. Do you think na makakausap kita ngayon kung hindi pa okay ang lahat? Ako ang dapat humingi ng tawad sa'yo dahil pati ikaw na inosente ay nadamay sa galit ko."

"Naiintindihan ko po tita."

"Kaya huwag mo nang sisihin ang sarili mo okay?" sabi niya at pinunasan ang luha ko.

"Salamat po tita. Pero sana po mapatawad niyo na rin po ang nanay ko. Para po sa ikatatahimik ng kaluluwa niya. Dahil naniniwala po ako na kung buhay lang siya ngayon, hindi po siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang kapatawaran niyo."

Umayos siya sa pagkakaupo. Hinawakan niya ang mga kamay ko at tiningnan ako sa aking mga mata.

"Patawarin mo ako iha pero...buhay siya."

"Po?"

"Buhay ang nanay mo."

Para akong binuhusan ng tubig na galing sa North Pole. Parang hindi kayang i-proseso ng utak ko ang narinig. Hindi kaya 'namamalik-tenga' lang ako?

"B-Buhay ang nanay ko?" pag-uulit ko.

Gusto kong ma-kumpirma. Gusto kong marinig ulit. Baka sakaling nagkamali lang ako ng dinig. Baka sakaling binibiro lang ako ni tita.

"Oo, iha. Buhay ang nanay mo. At...nagkita kami kanina."

Alam mo 'yong pakiramdam na hindi na ikaw ang kumukontrol sa emosyon mo? Na sa pagkakataong ito ay alila ka ng sarili mong emosyon. Sunod-sunod ang pagpatak ng aking mga luha. Walang tigil. Walang palya. Hanggang sa mga mata ko na mismo ang sumuko dahil wala na itong mailuha.

Buong akala ko ay wala na ang nanay ko. Na namatay ito sa panganganak sa akin. Pero nagkamali ako.

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong i-react o sabihin. Nagmistula akong punching bag na sinasalubong ang malalakas na bayo ng mga suntok. Paulit-ulit.

Ramdam mo ang epekto subalit wala kang masabi. Gusto mong sumigaw ngunit walang namumutawi sa iyong labi.

Hindi ko na nga rin alam kung papaanong nakarating ako ng aking kwarto. Ang tanging umu-okupa lang sa utak ko ay ang katotohanang buhay ang nanay ko.

Buhay siya. Dapat nga ay matuwa ako. Dahil gusto-gusto ko siyang makita. Pero nang nalaman ko ang ginawa niya, hindi ko na alam kung kaya ko ba siyang harapin.

***
JOSHUA'S POV

Ilang oras na akong nakamasid dito sa labas ng bahay ng professor namin. Gusto kong makausap ang mama niya. Si Tita Clara- ang tunay na ina ni Purita.

Nang nalaman ko iyon kay mommy ay sobrang nagulat ako. Sinabi niya lang sa akin na ito ang nanay ni Purita. She's limited in her words. Pero hindi ko na muna pinansin iyon.

All that matter right now ay ang katotohanang buhay ang nanay ni Purita. At masaya ako dahil do'n. I know how she longed to see her mother. Na gusto niya itong pasalamatan dahil isinilang siyang maganda.

Gusto ko siyang sorpresahin. I'm doing this hindi dahil sa magkakaroon ako ng pag-asang babalikan niya ako. I'm doing this because I want to. I want her to be happy.

I keep on tapping my fingers on the wheel. Hindi ko maiwasang mapangiti habang ini-imagine ang mga ngiti ni Purita. I really missed her laugh. Iyong tawa na totoo at hindi pilit. Iyong tawa na walang arte. Iyong tawa na ako ang dahilan.

Ilang sandali pa ay bumukas ang gate at lumabas doon si Yeshua. Naka-jogging attire siya. Napakunot-noo ako. It's already past five in the afternoon. Weird din ng taong ito. Magkapatid nga silang dalawa.

Mabilis akong lumabas ng sasakyan para salubungin siya. Inaayos niya ang kanyang earphone na nakakonek sa MP3 player niya. Bahagya pa siyang nagulat dito. Pero saglit lang iyon dahil nginitian niya rin ako pagkatapos.

Damn. Why I didn't see their similarities before? Is it because I'm jealous of him? At sino ba naman ang mag-aakalang buhay ang nanay ni Purita?

"Hey. What brought you here? Tapos na ang klase ah. And see? I'm not wearing a teacher's uniform," sabi niya.

"I came here to see your mother," deretso kont sagot sa kanya.

Nangunot ang kanyang noo at tinanggal ang earphones sa kanyang tenga. "Anong kailangan mo sa kanya?" tanong niya na medyo sumeryoso ang mukha.

"I just want to talk to her. Nasa loob ba siya?"

"About what?"

Medyo nauubusan na ako ng pasensiya. I know wala siyang alam tungkol sa nakaraan ng nanay niya kaya naman hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang pakay ko.

"Personal reason, " sabi ko at pilit na ngumiti sa kanya.

Pagod siyang bumuntong-hininga saka ngumiti sa akin.

"Your mom's name is Veronica, right? I wasn't able to see her face before but I heard her name. Always."

"What do you mean?"

"You should talk to my mom," sabi niya sabay bukas ng gate at iminuwestra ang daan papasok.

Nagtataka akong tiningnan siya.

"Control your emotions. At huwag kang magagalit sa nanay ko," sabi niya at tinapik ako sa balikat.

Tumalikod na siya sa akin at nagsimula nang tumakbo. Naiwan akong naguguluhan. Ilang sandali pa ay nahimasmasan na ako at pumasok na sa loob para kausapin ang sadya ko.

Sinalubong ako ng isang katulong at sinabi ko sa kanya na gusto kong kausapin si tita Clara. Sinamahan niya ako papuntang pool. Doon ko siya nadatnan at ang isang dalagitang nakita ko ring kasama niya noon.

"Mama naman. Crush lang naman 'yon eh. Saka hindi ko na rin naman siya makikita," nakangusong sabi nito.

"Yaxley, iha, wala namang problema sa crush. Suportado kita ro'n. Nagtatanong lang naman ako. Why are you so defensive?" natatawang sabi niya sa anak.

"But it seems like you're accusing me or something. Dinrawing ko lang naman siya eh."

"I know. I know. At bilib talaga ako sa talent mo sa art. Biruin mo, isang gabi lang kayong nagkita pero nakabisado mo ang mukha niya. Gusto mo bang maging architect?"

Hindi na nakasagot si Yaxley dahil napako ang tingin niya sa direksiyon ko. Namilog ang mga mata nito at napatakip pa ng bibig. Nakangiting sinundan ng tingin ni tita Clara ang tinitingnan nito. Kitang-kita ko rin ang pagkagulat sa mukha niya.

Magkahawig talaga sila ng mukha. Parang nakikita ko ngayon ang isang bata at isang matandang Purita.

"Oh no! This can't be happening!" hindi makapaniwalang bulalas ni Yaxley.

Nakangiti akong lumapit sa kanila.

"Magandang gabi po. I'm Joshua dela Paz," pagpapakilala ko.

Bago pa nakapagsalita si tita ay lumapit na sa akin si Yaxley at kumapit na sa bisig ko.

"Totoo ka nga. Akala ko namamalik-mata lang ako," masayang sabi nito.

Tumayo si tita at lumapit sa akin. "Yaxley, umayos ka. Bisita 'yan," mahinahong saway sa kanya.

"May girlfriend ka na po ba? Kung wala pa, pwede bang hintayin mo na lang akong lumaki pang masyado?"

Hindi ko napigilang tumawa. Damn. Nasa lahi na ba talaga nila ito?

"Yaxley!" medyo tumaas na ang tono ni tita kaya naman kumalas na ito sa pagkakapit sa bisig ko at dali-dali itong tumakbo palayo.

"Pagpasensyahan mo na ang anak kong iyon. February 29 kasi iyon pinanganak eh. Kaya kung susundin talaga ang birthday niya eh tatlong taon pa lang siya," biro niya.

No wonder. Dito kinuha ni Purita ang sense of humor niya.

"Siya nga pala. Anong sadya mo iho?"

"Andito po ako para sa anak niyo. Si Purita. Si Ayissha Kyleigh Raymundo."

Bigla siyang natahimik sa sinabi ko. Naging un-easy siya.

"I don't get what you mean, iho."

"I know the truth, tita. Sinabi sa akin ni mommy. Na ikaw ang tunay na nanay ni Purita."

Kitang - kita ko ang pabago-bago ng reaksiyon niya. Isa sa mga namana rin ni Purita sa kanya.

"M-may, sinabi pa ba siyang iba sa'yo?"

"Tulad po ng ano?"nagtataka kong tanong.

"Ah, wala. Ahm...a-ano bang tungkol sa kanya?"

"Wala po ba kayong planong makipagkita sa kanya?"

Umupo siya at halatang hindi siya komportable sa pinag-uusapan namin.

"Para ano pa? Alam kong masaya na siya ngayon kasama si Hector. At bakit pa niya kakausapin ang inang hindi siya pinanindigan? Sa tingin mo matutuwa pa kaya siya kapag nalaman niyang buhay pa ako?" matamlay ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.

Ngumiti ako sa kanya. "Hindi niyo lang po alam kung gaano niya ka-gustong makita at makilala ang tunay niyang ina. Gusto niyang magpasalamat sa inyo dahil daw ipinanganak niyo siyang maganda. At sigurado po akong magiging masaya siya kapag nakita niya kayo."

Ang kaninang matamlay niyang mga mata ay napalitan ng bagong pag-asa. "S-sigurado ka ba riyan, iho?"

"Positive po, tita. She'll understand. Lumaki po siyang may positibong pag-uugali. She's so full of life na lahat ng taong kasama niya ay nahahawaan niya," nakangiti kong kwento sa kanya.

"Pero...hindi ko alam kung papano..."

"Ako pong bahala."

Ng mga sandaling iyon ay pumatak na ang kanyang mga luha.

"Maraming salamat, iho. Salamat," humihikbi niyang sabi habang nakatakip ang kanyang mukha.

***

PURITA'S POV

Kanina pa ako rito naghihintay sa restaurant na sinasabi ni Ginny. Dito raw kami kakain ngayong tanghalian pero nakaubos na ako ng limang baso ng service water eh wala pa ring akong makita kahit na anino niya. Humanda talaga sa akin ang babaeng iyon.

"P-pasensya ka na at medyo nahuli ako," anang boses sa likuran.

"Aba eh dapat lang na humingi ka ng tawad! Kanina pa ako..." hindi ako nakapagpatuloy sa pagtataray nang makitang hindi si Ginny ang nasa likuran ko.

Sandali akong napatda sa aking kinauupuan. Pakiramdam ko kasi ay nakatingin lang ako sa future mirror. Future dahil medyo may edad ng babae itong kaharap ko. Parang ganitong-ganito ang porma at anyo ng mukha ko kapag naging gurang na ako.

Alanganin siyang ngumiti sa akin at naglakad patungo sa upuang kaharap ko.

"Pwede bang...umupo? " maingat niyang tanong.

Hindi ako nakahuma. Nagwawala ang sistema ko sa loob. Nagbabangayan ang dalawang parte ng utak ko. Andami kong gustong sabihin pero ang tanging lumabas sa bibig ko ay...

"Sino ka?"

Kitang-kita ko ang pagpipigil ng kanyang mga luha. Kinakagat ko na rin ang aking dila para lang mapigilan ang nararamdaman.

"A-ako si Clara. Ako ang nan..."

Itinaas ko ang aking kanang kamay para hindi na niya maipagpatuloy ang sasabihin. Pakiramdam ko ay huminto ang pag-inog ng mundo. Na para bang ang lahat ay nakatutok lang sa aming dalawa.

Kasabay nang pagpatak ng luha ko ay ang pagpatak din ng sa kanya.

"Anak..."

Kaagad kong pinunasan ang aking mga luha saka pilit na tumawa. Kinuha ko ang phone ko at dinayal ang numero ni Ginny. Subalit unattended na ito.

"Ano ba 'yan. Baka maling restaurant ang pinuntahan ko," sabi ko sa sarili.

Nang akma na akong tatayo ay hinawakan niya ang kamay ko. At aaminin ko na iyon na ang pinakamasarap sa pakiramdam na naramdaman ko. Ang hawak ng isang ina. Pero hindi ko iyon pinahalata. Nanatili akong ilag sa kanya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" nakikiusap niyang tanong sa akin.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. Hinawakan ko iyon nang mahigpit at ramdam ko ang init na nanggagaling doon. Pero bago pa man ako matangay ay tinanggal ko na ang pagkakahawak sa kanya.

Gusto kitang makausap. Pero huwag muna ngayon. Dahil nasasaktan pa rin ako sa ginawa mo sa akin at sa kina daddy at tita.

"Pasensya na po pero may importante pa akong pupuntahan," sabi ko at dali-daling lumabas ng restaurant.

Nang makarating ako sa parking lot ay roon ako umiyak nang umiyak. Nagi-guilty ako sa iniasta ko kanina pero hindi ko pa rin mapigilan ang makaramdam ng galit sa kanya. After all these years, ngayon lang siya naglakas ng loob para makipagkita sa akin? Nasaan siya noong mga sandaling kailangan ko rin ng makakaramay?

Nagulat ako ng biglang lumabas sa isang sasakyan sina Dyuswa at Ginny. Kaagad silang lumapit sa akin. Kaagad akong dinaluhan ni Ginny.

"What happened?" tanong ni Dyuswa.

"Ano masaya ka na? Bakit ka ba nangingialam sa may buhay ng may buhay? Para ano? Sa tingin mo ba matutuwa ako sa ginawa mo? Na makikipagbalikan ako sa'yo dahil pinaglapit mo kami ng nanay ko? Pwes, maling-mali ka Dyuswa!"

"Purita..."

"Ano?!" sigaw ko. "Gusto mong malaman ha? Gusto mong malaman ang totoo??" galit kong sigaw sa kanya.

Pilit akong pinapakalma ni Ginny pero umabot na sa puntong hindi na ako nakakapag-isip ng matino. Sagad na hanggang sukdulan. Kinokontrol na ako ng sari-saring emosyon.

"Para lang sa kaalaman mo, kung hindi dahil sa ginawa ng nanay ko, wala ka sa mundong ito! Kaya dapat kang magpasalamat dahil kung hindi dahil sa kanya, wala ka. Narinig mo ako? Kung hindi ginawa ng nanay ko 'yon eh di sana, wala ka. Wala rin ako. Hindi sana tayo nasasaktan pare-pareho ngayon! Pero wala eh. Magaling ang nanay ko! Dahil sa ginawa niya, nandito tayo pareho," para na akong baliw na iyak-tawa sa mga sinasabi ko.

"Purita, ano ba! Nandiyan ang nanay mo sa likuran mo, " saway sa akin ni Ginny.

Nilingon ko ang tinutukoy ni Ginny. Nakatakip ang kamay nito sa kanyang bibig at umiiyak. Si Dyuswa naman ay gulat na gulat at pinoproseso ang mga sinabi ko.

Nagtatangkang lumapit sa akin ang nanay ko subalit umaatras lang ako.

"Anak, patawarin mo ako," umiiyak nitong sabi.

Pinunasan ko ang aking mga luha at ng may dumaang taxi ay sumakay na ako.

Pero bago pa man nakaalis ang taxi ay nakita kong napaluhod si Dyuswa sa semento habang hawak-hawak abg dibdib nito. Doon ay humagulhol ako nang humagulhol.

***
Kung may labis man akong pinagsisisihan sa buhay ko ngayon, iyon ay ang pinairal ko ang galit at sakit dito sa puso ko. Pinili kong huwag nang masaktan pa sa pamamagitan nang pagtaboy sa mga taong nagmamahal sa akin.

Pero ang hindi ko alam, mas lalo pa akong nasaktan sa pinili kong daan. Akala ko mapapadali na ang buhay ko kung mag-isa na lang ako. But I was wrong. Really, really wrong.

Marami akong isinakripisyo para lang sa kagustuhan kong huwag nang masaktan pa. Naduwag ako. Natakot. Tinakbuhan lahat ng problema. Sobra akong nagpaka-tanga sa desisyon ko.

Akala ko matatakbuhan ko na ang problema. Pero mali na naman ako. Dahil kahit anong takbo ko, hinahabol pa rin ako nito.

It feels like I'm running in circles. Walang dulo. Walang finish line. Paikot-ikot lang. Hanggang sa ma-realize mo na lang na wala ring patutunguhan ang pagtakbo mo. Dahil nakakapagod na ring tumakbo.

At kung kailan nakaramdam ka na ng pagkahapo, kung kailan huminto ka na sa kakatakbo, roon mo malalaman na wala na palang humahabol sa'yo.

I'm so busy running forward without knowing that someone chasing me is long gone.

Napagod na. Huminto. At tuluyan nang namahinga.

Nanginginig ang aking mga kamay habang tini-trace ang pangalang JOSHUA PARKER DELA PAZ na nakaukit sa isang malamig na semento.

Kasabay nang pag-ihip ng hanging amihan ay ang pagpatak ng aking mga luha. Mas lalo akong naiyak nang mabasa ang isang linya sa ilalim ng kanyang pangalan.

'I won't give up on us, baby.'

Napaupo na lang ako sa berdeng damuhan. Ngayon lang pumasok sa utak ko na huli na talaga ang lahat. Na kahit anong gawin ko ay hindi na siya babalik pa.

"Ang daya-daya mo naman eh! Bakit hindi mo ako hinintay? Bakit nauna ka? Akala ko ba mahal mo ako? Akala ko ba walang iwanan?" umiiyak kong sabi.

"Patawarin mo ako, Dyuswa. Sana mapatawad mo ako. Mahal na mahal kita. At kahit kailan ay hindi magbabago 'yon."

Muling umihip ang malakas na hangin. Napapikit ako at muling nagpakawala ng luha. Ramdam ko ang lamig na yumayapos sa buo kong katawan.

"Niyayakap mo ba ako? Nararamdaman mo rin ba ako, bhe? Dahil ako, ramdam na ramdam ko. Sobrang nararamdaman kita. "

Ilang sandali pa ay bumuhos na ang malakas na ulan. Hindi nagtagal ay nabasa na ako. Tumingala ako sa langit at parang nakita ko roon ang imahe ng nakangiting si Dyuswa habang binabati ako ng 'Happy Birthday, Purita'.

Yumuko ako at umiyak nang umiyak. Hindi ko kaya. Ayoko. Ayoko ng ganito. Kung panaginip man ito, gisingin niyo na ako. Parang awa niyo na!

"Hindi siya matatahimik sa kinaroroonan niya ngayon kung nakikita ka niyang nagkakaganyan," anang lalaking boses kaya napatingala ako.

"Mahal na mahal kita, Purita. Lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari, nasa tabi mo lang ako palagi. Nagbabantay at nagmamahal sa'yo."

Parang gusto kong umiyak lalo sa sinabi niya. Tiningnan kong muli ang pangalan ng lalaking pinakamamahal ko. Hanggang dito na nga lang siguro tayo.

Hinding-hindi ko pagsisisihan na pinagtagpo tayo ng tadhana. Hanggang sa muli nating pagkikita.

© WHEN DYUSWA MEETS PURITA
. . . danjavu

***

A/N: Thank you guys for reaching this far. I love you all!!!

.... To be continued.

Final Finale soooooooon. Mwaaaaah.

Continue Reading

You'll Also Like

677K 1.4K 2
Highest ranking #11 in Action Top #1 in Fantasy as of June 6, 2019! Top #15 (01/15/19)
116K 6.3K 23
"A life for a life, A soul for a soul" Are you ready to face death? What will you do if it suddenly comes to you? They say when you're dead, you're...
11.3M 481K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
107K 9.1K 44
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...