Part 53

12.8K 418 90
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

CHAPTER 53

PURITA'S POV

Muntik na akong mapasigaw nang paglabas ko ng kwarto ay nadatnan kong nakasandal sa dingding si Dyuswa na bahagya pang nakapikit. Nagmo-mowdel ba siya? Eh nasaan 'yong futugrafer? Ibinaling ko ang tingin sa kabilang direksiyon. Hindi ba't iniiwasan ko siya? kaya dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa pababa ng hagdan. Para akong isang magnanakaw sa sarili kong bahay. Ay oo nga pala. Hindi ko naman pala totoong bahay ito.

"Sabay na tayong pumunta ng school."

Para akong naparalisa nang marinig ang boses niya. Lilingunin ko ba siya? Pero nahihiya pa rin ako eh. Ayokong makipagtitigan sa kanya. Baka kasi tuluyan nang hindi ako maka-move on. Ako na naman ang madedehado sa huli. Kaya imbes na lingunin o sagutin siya ay pinagpatuloy ko na lang ang paghakbang pababa.

"Narinig mo ba ang sinabi ko?"

Oo. Dinig na dinig ko. Hindi naman ako manhid katulad mo ano.

Wala na akong choice kundi lingunin siya. Pilit akong ngumiti sa kanya.

"May dadaanan pa kasi ako eh. Ay mali. May bibilhin pa pala ako para sa project namin sa Biology," pagdadahilan ko.

"Sasamahan na kita. And besides, wala ng Biology class sa third year," sabi niya at nauna nang bumaba.

Inis kong binatukan ang sarili ko. Ang bobo ko talaga. Magsisinungaling na nga lang, palpak pa. Napatigil ako sa pagmamaktol nang lumingon siya sa akin. Pilit akong ngumiti ulit sa kanya.

"And what's with the fake smile? It doesn't suit you," naiiling niyang sabi at naglakad na palayo. Napalabi tuloy ako sa sinabi niya.

Habang nakasakay kami sa sasakyan ay wala kaming imikan. Ayoko namang maunang magsalita dahil nga sa nahihiya ako. At kung magsalita man ako ay malamang sa malamang, hindi naman niya ako kakausapin. Binibili kaya niya ang mga salitang binibitawan niya. Unfair lang kasi hindi bumabaho ang hininga niya kahit magdamag siyang nagsasalita. Asar di ba?

"Akala ko ba may dadaanan ka?"

Oy malaking himala. NAGSALITA SIYA. Wala naman talaga akong dadaanan o bibilhin eh. Ayoko lang talagang makasabay siya o makasama ngayon.

"Ah, mamaya na lang pala. Magpapasama na lang ako kay Ginny."

"Ano bang bibilhin mo?" nakakunot ang noo niyang tanong sa akin.

Ba't masyadong matanong ang lalaking ito ngayon? May pumasok ba na bubuyog sa katawan niya?

"Ano...kuwan...napkin," natatawa kong sabi. Kitang-kita ko sa mukha niya ang bahagyang pagkagulat. Buti nga. Para tumahimik na siya at huwag nang matanong. Baka madala ako sa agos at malunod na naman sa kanya. Hay.

"Charmee?"

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Modess?" tanong ulit niya.

"H-ha?" nauutal kong sabi.

"Sisters?"

Hala ka. Si Dyuswa ba talaga itong kasama ko? Nawiwindang talaga ako.

"Ano, kuwan..."

"Whisper with wings?"

Pagkasabi niya no'n ay natawa ang driver namin kaya hindi ko na rin mapigilan ang matawa.

"Anong nakakatawa?"

Natatawa ko siyang tiningnan habang siya naman ay seryoso pa rin ang mukha.

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now