Part 65

12.2K 450 31
                                    

Purita's POV

Kinaumagahan ay pinayagan na rin ako ng doktor na umuwi na ng bahay matapos kong pinakita sa kanya ang mga damuvs ko na makapigil hininga talaga. Empres na empres sya sa akin eh. Ako pa ba? Hihihi.

Sinundo na rin ako nila tito Hector at tita Veronica. Syempre hindi rin nagpahuli ang grandparents ko. Ay mali. Ni Dyuswa lang pala.

"Sigurado ka bang wala nang masakot sa iyo apo?" naniniguradong tanong sa akin ni grandlola.

"Siguradong-sigurado po."

"Oh lumabas na tayo at nang makapahinga ka ng maayos doon sa bahay. Dahil ako mismo ay allergy sa ospital eh,"sabad naman ni grandlolo.

Ilang sandali pa ay sumakay na kami ng sasakyan. Kasama ko sa sasakyan ay sina grandlolo at grandlola. Nagpaiwan na sina tito at tita da hospital dahil daw may emergency meeting ang mga ito. Iba talaga pag sa hospital nagtatrabaho eh. Palaging emergency.

"Nasaan po si Dyuswa?" tanong ko kay grandlola na hindi pinapahalata sa boses ko ang pagtatampo.

"Hindi ko alam apo. Kaninang pag alis namin ng bahay eh wala na siya roon."

Saan naman kaya pumunta ang lalaking iyon? 'Yan ba ang ugali ng isang lalaking nanliligaw? Nakakaasar.

Hanggang sa pagdating namin ng bahay ay nawalan na talaga ako ng gana. Hindi rin kasi nagrereply ang mokong na yon sa mga texts ko.

Kaagad akong dumireto sa kwarto ko saka nahiga sa kama. Napabuntong hininga ako. Buti na lang at hindi naman nagalit o nalungkot sina grandlola dahil naudlot ang pagpapakilala nila sa akin. May next time pa naman daw. Pinapangako ko sa sarili ko na wala na talagang next time. Ayoko na talagang magpagulong gulong pa sa hagdan. Baka tuluyan na talaga akong balian ng buto.

Mamaya ay kakausapin ko na si Dyuswa tungkol doon..kahit na masama ang loob ko sa kanya sa di pagsundo sa isang magandang babaeng katulad ko sa hospital. Baka mayroon na silang update tungkol sa nawawalang kapatid niya.

Kakausapin ko na rin sibl tito Hector. Nakakahiya man dahil baka hindi ko matupad ang deal namin na magpapatuloy muna ako sa pagpapanggap kapalit nang pagbayad niya sa bahay namin. Haay. Babayaran ko na lang siya kapag naka graduate na ako sa college at may marangal ng trabaho.

Gustong gusto ko na rin naman kasing umuwi sa amin eh.

Nasa ganoon akong pag-iisip nang may kumatok sa pinto. Napaisip ako. Nako baka si Dyuswa na 'yan. Gusto ko sana siyang pagbuksan pero naiinis pa rin ako sa kanya. Tinakpan ko ang ulo ng unan para hindi ako matuksong pagbuksan siya. Mga ilang minuto rin siguro ang nakalipas ay huminto na ang katok. Tinanggal ko ang unan sa ulo ko saka napatingin sa pinto.

Kita mo nga naman. Hindi niya rin pala ako ganon kagustong makausap eh. Ilang minuto pa nga lang, sumuko na agad siya. Nakakainis talaga ang lalaking iyon! Urgh! Sa sobrang inis ko ay binato ko ng unan ang pinto.

"Matamaan ka sana!" sabi ko saka inihagis pa ang isang unan. Hanggang sa maubos na ang mga unan sa kama ko ay Hindi pa rin humuhupa ang inis ko kay Dyuswa.

"Naman eh!" napapakamot ko sa ulong tumayo para kunin ang mga unan.

Eksaktong pagdampot ko ng isang unan ay siya namang pagbukas ng pinto ko at iniluwa no'n si Dyuswa na nakakunot ang noo at may hawak na mga susi sa kanang kamay niya.

"Bakit naka lock ang pinto mo? At bakit nandito sa sahig ang mga unan mo?" nagtataka niyang tanong sa akin.

Inismidan ko lang siya. Sinara niya ang pinto at lumapit sa akin.

"Dito ka matutulog?" tanong niya sa akiin sabay tingin sa mga unang nakakalat sa sahig.

"Oo bakit? May problema ba? Malinis naman 'yang sahig," katwiran ko pero hindi talaga ako matutulog dyan sa sahig. Ano ako, timang?

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon