Part 75

8.6K 352 79
                                    

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Dyuswa. Naiinis ako sa kanya. Mali. Galit ako sa kanya. Sa pagsisinungaling niya sa akin. Kaya hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya ng mga sandaling ito.

"Purita," mahina niyang sabi.

Hindi pa rin ako lumilingon pero nanatili lang akong nakatayo. Pinakiramdaman ko siya. Hinawakan niya ako sa kamay at dinala sa terrace.

"May problema ba tayo?"

Parang gusto kong isigaw sa kanya na meron. At siya ang dahilan ng lahat ng iyon. Ang pagbabalikan nila ni Diane. Ang di niya pagsabi sa akin na alam na pala ni itay ang totoo. Pero pinigilan ko lang ang sarili ko na isigaw iyon sa kanya. Dahil kapag marinig ko ang sagot niya, baka mas lalo pa akong masaktan.

"Purita, sagutin mo ako. May problema ba tayo?"

"Wala Dyuswa. Wala tayong problema. Ang saya saya nga natin di ba? Hahahaha."

Napabuntong hininga siya saka tiningnan ako sa mga mata.

"May hindi ka ba sinasabi sa akin?"

"Ikaw? May hindi ka ba sinasabi sa akin?" tanong ko sa kanya at nakipagsukatan ng tingin sa kanya.

Ilang sandali pa ay umiwas siya ng tingin sa akin.

"Wala. Wala akong may itinatago sayo."

Sinungaling! Kung nakakapagpabuntis lang siguro ang pagsisinungaling malamang sa malamang kanina pa lumubo ang tiyan ko rito sa pagsisinungaling niya.

"May gagawin ka bukas?" tanong niya sa akin.

Oo. May gagawin ako bukas na makakapagpabago ng buhay natin.

"Wala. Bakit?" malamig kong sagot sa kanya.

"Mag-date tayo. Tayong dalawa lang. Sa lugar na walang makakakilala sa atin," seryoso niyang sabi.

Kung hindi lang sana ako galit ngayon, malamang kinikilig na ako. Pero napagtanto ko na may hangganan din pala ang kilig.

"Bakit? May tinatakasan ka ba?"

Bahagya siyang nagulat sa tanong ko. Alam mo talaga sa isang tao kapag may tinatago. Halata sa ekspresyon ng mukha eh.

"No. Gusto ko lang bumawi sayo."

"Bumawi? Para saan? May ginawa ka bang malaking kasalanan sa akin kaya obligado kang bumawi?"

"Purita, please. Stop asking many questions."

Tumahimik na lang ako. Ilang sandali pa ay tumalikod na ako.

"May gagawin nga pala ako bukas. Importanteng bagay. Iba na lang ang yayain mo. Sigurado akong papayag ang taong unang pumapasok d'yan sa isip mo."

"Hindi na nga siya pumayag eh," mahina niyang sagot.

Ang manhid talaga niya. Hindi ba niya alam.na nasasaktan ako? Shet lang.

"Kaya pala ako na lang ang naisipan mong yayain dahil hindi siya pumayag," sabi ko at dere-deretso nang umalis.

Nang makapasok ako ng kwarto ay doon ako umiyak nang umiyak. Parang hindi ko na talaga kilala sarili ko. Napaka-iyakin ko na ngayon. Hindi ako ito di ba? Masayahin ako eh. Masaya lang dapat.

Tumunog ang phone ko. Si inay nagtext.

Anak, nklaya na ang itay mo. D2 na xa bhay. Gs2 ka nyang makita ngaun. Pwd kb?

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon