Kabanata 12 (1)- Luke

9.2K 356 72
                                    

PURITA'S POV

Magaan na ang pakiramdam ko pagkagising kinaumagahan. Hindi na rin masyadong sumasakit ang puson ko unlike kagabi. Effective talaga ang Dragon Sid.

Bumangon na ako sa aking higaan at hinahanda ang sarili para sa kakaharaping panibagong hamon sa aking buhay.

At isa na sa mga hamon doon ay ang samahan si Michelle sa hair salon. Ang dami-dami naman kasing arte sa katawan. Nakaka-jirits lang. Pasalamat siya at mabait siya sa akin kung hindi ay baka matulad siya sa tatlong anak ni Zuma.

Speaking of them, nakikini-kinita ko na ang magiging reaksiyon nila kapag nalaman nilang ako na naman ang part time employee of the month. Siguradong luluwa na naman ang mga mata nila sa akin. Kapag nakuha ko ang prize, bibilhin ko talaga 'yong pink na halter dress na 'yon.

Pero sa ngayon ay idi-deliver ko muna ang 499 boxes of condoms kay Luke. Dadalhin ko kaya ito sa loob ng building? Eh ang dami-dami nito. Baka ano pa ang isipin ng ibang tao kay Luke kapag nakita nilang ibinenta ko ito sa kanya.

Dali-dali kong kinuha ang phone at tinext siya

Ako:
Luke! Saan ko idi-deliver itong condoms? Saka ihanda mo na rin ang payments ha?

After one minute ay nakatanggap ako ng reply niya

Luke:
Woah! Ang aga-aga condoms agad ang ibinungad mo sa akin? Wala man lang bang good morning muna?

Napaismid ako sa nabasa. Hindi pa man ako nakakapagreply ay tumunog na ang calling ringtone ko. Kaagad ko itong sinagot.

"Hoy Bangag! Ano namang pakialam mo kung hindi kita babatiin ng magandang umaga ha? Hindi mo ba alam na nakakabawas ng ganda iyon?" walang preno kong sabi sa kanya.

"Sinong bangag?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses sa kabilang linya. Tiningnan ko ang phone ko. Si Fantastic Beast pala.

"Ah si Luke 'yon. Akala ko kasi siya 'yong tumawag. Ka-text ko kasi siya ngayon," paliwanag ko.

"Alright."

"Ba't napatawag ka nga pala?"

"Hindi na raw muna magpapa-salon si Michelle dahil may conference meeting sila the whole day," mabigat niyang sabi.

Bakit yata parang may problema ang isang 'to? Ke early-early in the morning, bad mood? Sabagay, kailan pa ba naging sobrang masayahin ang lalaking ito di ba?

Pinaglihi yata ito sa sama ng loob eh.

"Okay. So wala pala ako gagawin today?" masaya kong tanong sa kanya.

"Meron."

Napalis ang ngiti ko sa narinig. Nakakainis talaga ang lalaking ito.

"Ano naman?"

"Report to my office before lunch. May ipapagawa ako sa'yo."

"O sige na nga kamahalan."

"Alright. See you then. Good morning."

Bago pa ako makapagsalita ay pinatay na niya ang tawag. Ang bastos lang talaga. Urgh.

Binasa ko ang text ni Luke.

Luke:
Kukunin ko na lang d'yan sa bahay niyo mamaya after work. If that's okay with you?

Ako:
Sure. Pupunta rin naman kasi ako d'yan mamaya. Mabuti na at may maghahatid sa akin sa pag-uwi.

Luke:
Great!

Anong great do'n? Eh kung iisipin, siya nga ang lugi sa amin. Nadugasan ko na naman siya. Certified bangag na talaga ang lalaking iyon.

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now