Part 72

9.8K 260 21
                                    

Purita's POV

Friday afternoon. Ito na 'to! Paalis na kami ng bahay ni Dyuswa. Syempre pupunta na kami ng Iloilo. Excited na talaga ako. Bakit? Kasi sasakay daw kami ng eroplano. Perstaym ko to eh. Dati kasi pagpunta namin dito sa Maynila nag-barko lang kami eh. Kaya heto hindi na ako mapakali.

Saka buti na lang pinayagan kami nila grandlola at grandlolo. Wala ngayon sillna tito at tita dahil nasa Davao sila ngayon para sa isang medical mission daw.

"Halatang excited ka ah?" nakangiting bungad sa akin ni Dyuswa.

"Sino ba ang hindi? Eh mahigit tatlong taon na kaya akong di nakauwi ng Iloilo."

Tumango lang siya at binitbit na ang travelling bag ko pababa. Three days at two nights lang kami doon pero ang dami kong dala. Samantalang siya naka backpack lang. Wala eh. Ganyan talaga kapag mga babae. Hehehe.

Nagpahatid na lang muna kami sa driver namin sa airport. Ayaw naman kasing ipagamit ni Dyuswa ang bago niyang sasakyan kaya iyong sasakyan na pang service papuntang school na lang ang sinakyan namin. Pero ayos lang. Walang makakapigil sa sayang nararamdaman ko ngayon.

Nang makarating na kami ng airport ay Dali dali akong bumaba.

"Hoy babae! Hintayin mo ako," tawag sa akin ni Dyuswa kaya nahinto ako sa paglalalad.

Woah. Ganito pala hitsura ng airport? Andaming tao..nakakaloka. Saka may nakita pa akong ilang mga parener. Sigurado akong mga Kano iyon. Mapuputi eh. Hehehe. Napahinto ako sa paglilibot ng tingin nang kinalabit ako ni Dyuswa at pumunta na kami sa may boarding gate namin. May gate din pala sa airport? Wow. Parang school lang din naman pala. May canteen kaya sila rito? Cr? Ahm, classrooms? Hihihi.

"Why are you smiling?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Wala lang. Ahm bhe, anong pakiramdam kapag nasa eroplano ka na?" inosente kong tanong sa kanya.

Napatingin naman sa amin ang ibang tao kay napangiti ako sa kanila.

"Wala lang," tinatamad niyang sagot sa akin.

Sus. Wala lang pala. Parang sumasakay ka lang niyan siguro sa jeep eh.

[<>]

Kahit naka seatbelt na kami ay panay pa rin ang hawak ko sa kamay ni Dyuswa. Jusko! Kanerbiyos naman pala sumakay ng eroplano. Napasigaw pa ako nang biglaang gumalaw ang eroplano. Napatingin sa amin ang ibang pasahero. Pakialam ko ba? Eh sa perstaym ko. Manigas sila d'yan. Nang mag-steady na ang eroplano ay medyo nakaramdam na ako ng ginhawa. Kinalabit ko si Dyuswa kaya naman napatingin siya sa akin.

"Hindi ba tayo mababangga?"

"Hindi."

"Wala bang traffic dito? Walang traffic light? Yung may pula, green saka orange?"

Nabigla ako nang tumawa siya ng malakas kaya napatingin na naman sa amin ang mga pakialamerang pasahero.

"Tanga mo talaga. Hahahaha."

"Wow. Maka tanga ka naman d'yan. Parang hindi ka nag drama kagabi ah," nakalabi kong sabi.

Natahimik naman siya sa pagtawa saka nginitian ako. Ilang sandali pa ay hinawakan niya ako sa kamay. Kaya hayun, nawala na ang tampo ko sa kanya. Hay buhay talaga, oo. Kinikilig lang ang mood ko ngayon. Hihihi.

"Maayo nga pag-abot diri sa Iloilo International Airport."

Sabi ng babaeng announcer na hindi ko alam kung saan nakatago. Nang namatay ang ilaw ng seatbelt sign at huminto na ang takbo ng eroplano ay isa-isa nang nagsitayuan ang mga pasahero. Sumunod na rin kami ni Dyuswa hanggang sa makarating na kami sa arrival area. Ilang sandali pa ay nakalabas na kami ng airport at napakaraming tao ang nag aabang sa labas. Omg. Na-miss ko talaga ang lugar na ito. Lalo na ang pananalita rito.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon