Kabanata 7

10.5K 335 86
                                    

#WDMPGirlPower
by:ohheyDAN

Halos mabasag ang eardrums ko sa sigaw ng dalawa kong bestfriends. Sino pa nga ba? Eh di si Ginny The Great Chismosa at si Eileen Maldita. Ikinuwento ko kasi sa kanila ang pagpapanggap namin ni Dyuswa bilang mag-jowa.

"I really can't believe this!" Paypay ni Ginny sa sarili niya.

"Purita! What the hell? Are you out of your mind?" tanong naman ni Eileen habang nakatingin sa mga naka-display na mga dress.

Oo nga pala. Nandito kami ngayon sa Department Store ng isang mall. Dito ko pa talaga sinabi sa kanila ang ganitong bagay. Wala lang. Para maiba naman. Boring kasi kapag sa restaurant o sa bar namin ito pag-usapan. So cliche. Chos!

"Okay lang naman eh. Saka moved on na rin ako sa kanya. At may girlfriend na siya," sabi ko sabay kuha sa kulay dilaw na damit na naka-hang.

"Kahit na. Hindi ba awkward iyon? Working with your ex. At anong klaseng work pa? Pretending to be his girlfriend? My goodness. Ang gandang plot niyan 'te!" bulalas ni Eileen at inagaw sa akin ang hawak-hawak kong damit.

"Oy akin 'yan!"

"Bakit nabili mo na ba?"

"Ka-jirits ka!"

"Hay nako girl. Baka maging disaster na naman ang kalalabasan niyang pagpapanggap niyo. Wala ka talagang kadala-dalang babae ka," ani naman ni Ginny na inagaw rin kay Eileen ang iinagaw nitong damit sa akin.

"Hoy! Akin 'yan!" inis na sabi ni Eileen.

"Bakit nabili mo na ba?" nakataas ang kilay na tanong ni Ginny.

Gaga talaga 'tong si Ginny. Lakas makapang-asar eh. Inirapan lang siya ni Eileen at tuloy ang pagtingin-tingin namin sa mga damit.

"Paano kung ma-inlove ka ulit sa kanya?" biglang tanong ni Eileen.

"Malabong mangyari 'yan. Ano ba kayo, kaya ko 'to. Hello. Si Purita ito na super galing ng mag-English. May dapat ba akong ikatakot?" natatawa kong sabi sa kanila.

Sabay silang napailing at iniwan ako. Kita mo nga naman ang ugali ng dalawang baklang ito. Walk-out-an ba naman ako habang nagmo-moment? Sabunutan ko kaya ang mga ito at nang matauhan.

Pero ang layo na nila kaya hindi ko na iyon magawa. Wala akong choice kundi ang habulin sila.

Pumila sila sa cashier para bayaran ang mga damit na pinamili nila. Wala naman akong kinuha dahil kinuha na ni Eileen kanina. Na kinuha naman ni Ginny. Kaloka lang. Kaya ang ending ay hinintay ko na lang silang makapagbayad para makalibot na kami sa mall.

Bigla namang tumunog ang phone ko kaya kaagad ko itong kinuha sa loob ng shoulder bag ko.

May nag-text.

Unknown number? Binasa ko naman agad iyon.

Where are you?

Napataas ako ng kaliwang kilay. Ayoko na sa kanan. Baka hindi ko na naman maibaba tulad ng dati. Ayoko nang magmukhang timang.

Kaagad akong nagreply.

Ano namang pakialam mo kung nasaan ako ha? Una sa lahat, hindi kita kilala. Pangalawa, I don't talk to strangers. At saka pangatlo, hindi ako nakikipag-textmate. Kaya babooosh! Maghanap ka nang kausap mo.

P.S. Nagbebenta nga pala ako ng condoms.

Iyon lang at sinend ko na ang text ko. Wala pang 5 seconds ay nakatanggap ulit ako ng mensahe.

Unknown number:
Kahit sa text ang dami mo pa ring sinasabi. It's Joshua. Your boyfriend.

P.S. I AM NOT INTERESTED WITH YOUR CONDOMS!

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon