Kabanata 26- Outburst

10.1K 368 75
                                    

Napahinto ako sa paglalakad nang makita kong may babaeng nakatalikod na nag-aabang sa labas ng bahay ko. Nagtataka akong lumapit. Kumunot ang noo ko nang mapagsino ito. Si Diane.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.

Nilingon niya ako. Bahagya akong nagulat nang makita ang mukha niya. I can't see the bitchy Diane before.

"Purita," sabi niya at malungkot na ngumiti.

"Bakit ka nandito? Wala akong oras makipag-usap sa'yo Diane," sabi ko at binuksan na ang gate ng bahay.

"Purita, sandali."

Hindi ko tuluyang nabuksan ang lock ng gate. Hinintay ko lang siyang mag-salita.

"Alam kong hindi mo pa ako napapatawad sa ginawa ko pero kakapalan ko na ang mukha ko Purita. Please, tulungan mo ako."

Hinarap ko siya at nakitang unti-unting pumapatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Nawala ang inis ko sa kanya ng mga sandaling iyon.

"Wala akong pera kung iyan ang hinihingi mong tulong sa akin."

"Hindi naman iyon ang kailangan ko eh."

"Eh ano?"

"Pwede mo bang makontak o makausap si Florentino? Hindi ko na siya makausap noong pinagtapat ko na sa kanya ang ginawa ko sa inyo dati eh. Nagalit siya sa akin bakit ko raw ginawa 'yon. Hindi na niya ako kinakausap. Ilang linggo na kaming hindi nagkikita. Iniiwasan niya ako Purita. Sobrang nagsisisi na ako sa ginawa ko sa inyo. Purita, ayokong mawala siya sa akin. Mahal na mahal ko si Florentino," humahagulhol niyang sabi sa akin.

For the first time, ngayon lang ako nakaramdam ng awa. Mahal na mahal niya nga talaga ang bestfriend ko. She will not lower herself in front of me kung hindi niya mahal si Florentino. Saan naman ba kasi ang baklang iyon?!

"I'll do my best to contact him."

"Thank you Purita. Really thank you," sabi niya sabay punas ng mga luha.

"May itatanong lang ako sa'yo."

"A-ano 'yon?"

"What made you change?"

"Binago niya ako Purita. He changed me. I mean, pinilit ko ang sarili kong magbago para sa kanya. I love him kaya ginawa ko ang lahat para mahalin niya rin ako. It's a very long process but it really worked."

"Okay," naisabi ko na lang.

Posible pala talagang magbago ang isang tao dahil sa pagmamahal.

"Do you still love him?"

"No," kaagad kong sagot.

"Kung sakali bang bumalik si Josh dati sa'yo, tatanggapin mo pa rin siya?"

"Wala na 'yon Diane. Nakalipas na 'yon. Saka hindi ko na siya tatanggapin pa. He doesn't deserve me."

"That coward jerk! I told him to chase you back here after his accident. I even bought him a plane ticket pabalik dito without letting tita Veronica knows about it."

"A-aksidente? Naaksidente si Dyuswa?"

"Yeah. Five years ago. Hindi mo alam?" nagtataka niyang tanong.

Umiling ako.

"I don't know the reason bakit siya naaksidente. Ang alam ko lang ay ayaw na niyang bumalik ng Pilipinas after that."

Napabuntong-hininga ako. Bakit siya naaksidente? Dahil ba sa ginawa ko? Nagpaalam na sa akin si Diane. Hanggang sa pagpasok ko sa bahay at naiisip ko pa rin ang sinabi ni Diane sa akin.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon