Part 32

18.1K 552 64
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

PART 32

###

PURITA'S POV

Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon. Bakit kaya bigla na lang akong niyakap ni Dyuswa? Tuluyan na ng aba talagang nahulog ang loob niya sa akin? Hihi. Naku naman Lord. Masyadong maaga naman po ang blessing niyo sa akin. Pero anestly, ini-expek ko talaga 'to. Promise. Hehehe. Pabaling-baling ako ngayon sa aking higaan. Ite-text ko ba siya at tatanungin kung bakit niya ginawa 'yon? Hmm, huwag na nga lang. Mas masarap mag-assume kesa umasa. Kaya i-a-assume ko na lang na ginawa niya 'yon kasi mahal na niya ako. Kesa umasa ako na mahal niya ako di ba? Magkaiba 'yon. Hihihi.

###

BHON'S POV

Patulog na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko. Ella calling...

Kaagad koi tong sinagot. "Hello?"

"Oy Bhonjing!"

"Oh bakit Ellangot?" natatawa kong sabi.

"Kamusta na kayo ng babaeng gusto mo?"

"Woah. Tumawag ka lang para itanong 'yan?" naiiling kong tanong.

"Oo. Bakit masama ba?"

"Wala eh. Hindi pa rin ako makapagsalita kapag kaharap ko siya."

"Mmm, ba't di mo kaya subukang sabihin sa akin. Kunyari ako 'yong babaeng gusto."

Natawa ako sa suhestiyon niya. "Sigurado ka?"

"Oo nga. Practice lang. Para kapag nag-confess ka na sa kanya eh hindi ka na kabahan."

"Nakakahiya naman."

Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. "Ano ka ba. Para ka namang bakla eh."

"Hindi ah. Ako pa?"

"Okay. So go na."

Tumikhim muna ako bago nagsalita. "I don't how to say this. Pero nakuha mo na ang atensiyon ko nang una tayong magkita. Gusto na yata kita..."

Mga ilang Segundo pa ang hinintay ko bago tumunog ang phone ko tanda na naputol ang tawag sa kabilang linya. Naubusan na yata ng pantawag si Ellangot. Humiga na ako sa aking higaan nang biglang may nag-text.

From Ellangot

Bhonjing! Sorry. Naubusan na ako ng tawag. Hahah. Bukas na lang ulit. Goodnight. ;(

Napakunot-noo ako. Sad face? Tumunog ulit ang phone ko.

From Ellangot

;) pala. Hahaha.

After kung mag-reply sa kanya ay humiga na ako. Ano na kayang ginagawa ni Ayissha Kyleigh ngayon? Okay lang kaya siya? Napakamot ako ng aking ulo. Bakit ko ba siya naiisip? Hindi ba at girlfriend na siya ni Joshua?

"Hindi ko siya girlfriend."

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabing iyon ni Joshua. Hindi niya girlfriend si Ayissha Kyleigh pero boyfriend siya nito? Woah. Kakaiba talaga ang babaeng iyon. No wonder na nakuha niya talaga ang atensiyon ko. Her uniqueness made me like her more. Napabuntong-hininga na lang ako sa isiping iyon. Siguro may dahilan kung bakit nag-krus ang landas naming dalawa. At sana magkatugma ang dahilan na naiisip ko sa dahilan ng tadhana.

###

Hindi pa rin makapaniwala si Mario sa narinig niyang paliwanag ni Florence. Alam niyang may kambal si Florence. At si Florentino iyon. Hindi niya alam na bakla ito. At mas lalong hindi niya alam na nagpanggap itong bilang si Florentino dahil sa kahilingan nitong bantayan si Purita.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon