Part 5

28.1K 899 99
                                    

***

Purita's POV

Seryoso na talaga ako kay Dyuswa. Alam mo yung feeling na napapanganga ka kapag nakikita mo siya? Yung tipong nagmumukha kang buwaya na manlalapa ng elepante. Hihi. Ganun.

Sabi nila kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. Kaya plano kong batuhin siya ng sibrang laking bato para batuhin niya ako ng malaking tinapay. Abay pag nangyari yaon eh isang buwan na akong nakalibre sa pagkain.

Pero mahal ko talaga si Dyuswa. Kaso natatakot pa akong magpakilala sa kanya. Umiipon pa ako ng lakas ng loob para gawin yun. Kahit na mukha akong walang hiya at sobrang halay kapag nagpapadala ako ng mensahe sa kanya. Ganun naman talaga dba? Kapag madaldal ka sa text, chat o sulat sa personal naman ay sobrang keep quiet mo ganun ako ih.

Kaya salamat talaga kay Alexander Graham Bell sa pag imbento ng telepono. Dahil wala kami nun ay wala kaming dagdag na gaatusin sa bahay. Hihi.

Hay. Ngayon nandito ako sa labas ng bahay nina Flower. Este Florentino pala. Umaga ngayon ih. Hihingi ako ng sorry sa pagsampal sa kanya. Nabigla lang talaga ako sa sinabi nya eh. Alam ko namang nag aalala lang sakin ang baklang bestie ko na yun.

Nag doorbell ako. Ay oo nga pala. Walang bell sa bahay nila. Ni wala ngang gate eh. Hihihi. Kaya papasok na lang ako sa loob.

Hindi na ako kumatok kasi sya lang naman ang tao dito sa bahay nila. Binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa aking nakita kaya napatili ako ng malakas.

"Aaaaaaaaaah!!!!"

***

"Aaaaaaaaaah!!!" Napatili ako nang makita ang isang malaking itim na aso sa loob ng bahay nila Flower

Hinagilap ko ang dingding ng bahay saka nag-walling at umiyak.

May phobia kasi talaga ako sa aso eh . ayoko ng aso. Bakit meron sya nito sa bahay nila.

"Flower! Flower! Huhuhu."

Humahangos na bumaba sa hagdan si Flower na nakatapis lang dahil sa malakas kong palahaw.

"Anyare???" nag aalala niyang tanong.

"Bakit may malaking aw aw ka dito sa bahay nyo??"

"Ay sorry. Hindi ka nman kasi nagpasabi na darating ka. Ayan tuloy. Muntikan na akong madulas nang marinig ang sigaw mo."

"Alisin mo yan. Please. Alam mo namang natatakot ako d'yan eh," utos ko at nilabas niya ang aso.

"Oh wala na. Forever na didikit ka na lang ba d'yan sa dingding?"

"Ah. Sorry."

"Eh anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Gusto ko lang humingi ng sorry. Nasampal ko kasi ang makinis mong fes," sabi ko sa kanya sabay hawak sa pisngi niya. Mabilis nyang tinanggal ang kamay ko sa pisngi niya.

"Kadiri ka talaga girl! Lesbian ka na ba at kung makatingin ka sakin ay parang pinagnanasaan mo ako?"

"Asaness! Kahit gwapo ka eh bakla ka pa rin ano. Pareho tayong turtle ang hinahanap," nakanguso kong sagot.

"Whatever."

"Sorry na ha? Bff na tayo ulit," sabi ko.

"Oo na. Basta wag na masyadong malandi ha?"

"Mmm try ko. Alam mo namang nagiging hayop ako kapag si joshua na kaharap ko. Hihi."

"Ewan ko sayo."

"Pero infairness bakla ha? May abs ka! Magpakalalaki ka na lang kasi!"

"Para ano? Para pagkamalang boyfriend mo? Yuck! Wag na oy!" maarte niyang sagot.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon