Pakopya (Published Under Viva...

By Mhannwella

1.2M 30.3K 5.9K

Malaki ang paniniwala ko na hindi naman masamang mangopya. Pero unti-unting nagbago ang paniniwala kong iyon... More

Pakopya
Pakopya 1
Pakopya 2
Pakopya 3
Pakopya 4
Pakopya 5
Pakopya 6
Pakopya 7
Pakopya 8
Pakopya 9
Pakopya 10
Pakopya 11
Pakopya 12
Pakopya 13
Pakopya 14
Pakopya 15
Pakopya 16
Pakopya 17
Pakopya 18
Pakopya 19
Pakopya 20
Pakopya 21
Pakopya 22
Pakopya 23
Pakopya 24
Pakopya 26
Pakopya 27
Pakopya 28
Pakopya 29
Pakopya 30
Pakopya 31
Pakopya 32
Pakopya 33
Pakopya 34
Pakopya 35
Pakopya 36
Pakopya 37
Pakopya 38
Pakopya 39
Pakopya 40
Pakopya 41
Pakopya 42
Pakopya 43
Pakopya 44
Pakopya 45
Pakopya 46
Pakopya 47
Epilogue
Author's Note
A Gift
Gift #1
Special Announcement!
LOVE AT FIRST WRITE
MANILA INTERNATIONAL BOOK FAIR
BOOK SIGNING

Pakopya 25

18.2K 507 134
By Mhannwella

Matamlay akong naglakad papunta sa classroom namin. Lahat ng nakakasalubong ko ay mukhang masaya, ako lang ata ang hindi. It's a very bubbly Monday pero parang ang gloomy-gloomy ng aura ko.



Wala pa kasi akong maayos na tulog simula noong pumunta kami nila Fel sa amusement park. Simula noong gabing 'yon, palagi ko na lang napapanaginipan ang nangyari sa horror house. Minsan nga natatakot na akong matulog dahil ayoko nang mapanaginipan pa yung mga nakita ko sa salamin. Natatakot akong ipikit ang mga mata ko dahil baka anytime ay dalawin ako ng masamang bangungot na iyon.



Nagsimula ang klase. Nakikinig naman ako pero parang walang pumapasok sa utak ko. Ipinatong ko na lang ang ulo ko sa aking desk at tumingin sa labas ng bintana.



Nakakarelax pagmasdan ang langit. Maulap ngayon at hindi masyadong mainit.



"Listen everyone!" napatingin ako sa unahan nang marinig kong sumigaw ang teacher namin. Mukhang may importanteng announcement kaya umayos ako ng upo.



Nagsalita na ulit ang aming guro nang tumahimik ang buong klase. "You are all aware na malapit na kayong grumaduate. And as a final requirement sa subject ko at project na rin para sa finals, you have to make a biography about your classmate." umingay ang mga kaklase ko kaya itinaas ni Ma'am ang kanyang kamay para patahimikin ang mga ito. "I'll be the one to choose your partner at siya ang gagawan niyo ng kwento. Maliwanag?" napipilitang um-oo ang mga kaklase ko.



Nagsimula nang mag-announce ng partners ang teacher namin. Bumuntong-hininga na lamang ako at ibinalik ang aking tingin sa labas ng bintana habang tahimik na pinakinggan kung sino-sino ang magkakapartner.



"Sarah De Jesus and Darren Dela Vega." nanlaki ang mga mata ko at napatingin ulit sa unahan.



Tama ba ako ng rinig? Ako lang naman ang Sarah De Jesus dito at isa lang naman ang Darren na kilala ko na nandito sa classroom namin ngayon.



Nagsalita ulit ang aming teacher matapos niyang i-announce lahat ng magkapartner. "Huwag niyo nang subukang magreklamo kung ayaw niyong ibagsak ko kayo sa subject ko at hindi na kayo grumaduate. Maliwanag ba?" most of my classmates groaned pero walang nagreklamo. We are sure as hell na hindi nagbibiro si Ma'am Andaya sa sinabi niyang ibabagsak niya kami kapag nagreklamo kami. She's known to be terror like that.



"I'll give a month to work on your project. Madali lang naman gumawa ng biography lalo na't classmates niyo naman ang gagawan niyo. But I don't want a simple biography. Make sure na detalyado ang buhay ng kaklase niyo diyan." inayos niya ang kanyang suot na salamin. "And remember, late submissions won't be accepted."



"Yes, Ma'am." we answered in chorus.



Nagdiscuss lang siya ng ilang mga bagay tapos dinismiss niya na kami ng maaga. She asked us to talk to our partners and start on our projects as soon as possible. Tatayo na sana ako para lapitan si Darren pero nag-alangan ako nang makitang kinakausap siya ni Karen. Napabuntong-hininga na lang ako at umupo na lang ulit. Siguro hahanap na lang ako ng tsempo para makausap siya. Hindi rin naman siya makakagawa ng project kung hindi niya ako kakausapin diba? Unless he already knows everything about me.



Wala pa akong masyadong alam kay Darren maliban sa pangalan niya at ilang walang kwentang impormasyon. Great. Now, how will I start my final requirement in this damned subject? Nakakahiya naman kung ang laman lang ng sinulat ko ay ang decription na, "He is Darren Dela Vega, a fourth year high school student, and he is my crush."



Ayos.



***



Nakaupo ako sa ilalim ng puno na nasa field, my usual tambayan. Binabasa ko yung ipinasa kong report tungkol sa mga multo at iba pang kababalaghan. Ibinalik na sa amin ito ng aming professor. Hindi na ako nabigla nang makita kong mataas ang marka na nakuha ko. Hindi naman sa nagmamayabang pero nagresearch talaga ako ng maigi dito.



Sayang nga lang at hindi ko pa alam ang tungkol kay Shiara noon. Eh di sana mas marami akong nailagay na makatotohanang impormasyon sa report ko.



Napabuga ako ng hangin nang maalala ko si Shiara. Hindi ko talaga maintindihan kung ano bang kailangan niya sa akin o sa aming lahat. Kami lang ba ang minumulto niya o may iba pa siyang pinaparamdaman at pinapatay?



Nabasa ko noon na ang maaaring dahilan para multuhin ka ng isang multo ay kung ginagambala mo sila o may kailangan sila sayo. Maaaring humihingi sila ng tulong, nais maghiganti, o may kung ano man silang kaugnayan sayo at sa mga taong konektado sayo noong nabubuhay pa sila.



Gayunpaman, hindi ko naman ginagambala si Shiara kaya sigurado akong hindi yun ang dahilan. Hindi ako sigurado kung may kailangan sa amin si Shiara o humihingi ng tulong kasi kung ganun nga ang pakay niya, dapat hindi siya nananakit at lalong hindi siya dapat pumapatay.



Kung nais naman maghiganti ni Shiara, bakit naman? Wala naman kaming atraso sa kanya. At hindi ko alam kung may kaugnayan ako o kung sino mang kakilala ko sa kanya. Wala naman akong nababalitaan na may kamag-anak o kakilala kaming Shiara ang pangalan.



Ah ewan. Balang-araw, malalaman ko rin ang dahilan sa likod ng lahat ng pagpaparamdam at pagpatay ni Shiara.



Dati-rati sa horror movies at stories ko lang nakikita itong mga ganitong senaryo. Pero ngayon, ako na mismo ang nakakaranas. Hindi ko na tuloy alam kung natatakot ba ako o hindi naman talaga naalis sa akin yung takot, pinipilit ko lang hindi maramdaman.



Hay nako. Bakit ba kasi nauso pa ang multo?



"Hoy."



"Ay multo!" nabitawan ko yung folder na hawak ko at muntik nang lumipad yung mga papel. I exhaled loudly and faced the intruder. "Bakit ba—- ah Darren, ikaw pala." nawala agad yung pagkairita ko sa nang-istorbo sa akin nang makita ko kung sino.



Umupo siya sa harap ko at tinitigan ako. Nakipagtitigan rin ako ng ilang sandali pero masyadong intense yung titig niya. Hindi ko matagalang titigan ang gwapo niyang mukha lalo na't nakatingin siya sa akin kaya umiwas ako nang tingin at naiilang na tumawa. "Hehe, a-anong kailangan mo?"



"Naniniwala ka ba sa multo?" tanong niya na ikinagulat ko.



"Multo?" nag-aalangang tanong ko. "Dati, hindi. Hindi talaga ako naniniwala. Pero ngayon, oo. Siguro. Ewan." naiilang na saad ko.



"Para sayo, kalian mo nasasabing naniniwala ka sa isang bagay?" seryosong tanong niya.



Hindi ko alam kung ano ang patutunguhan ng usapan namin kaya sumagot na lang ako. "If there's enough proof." I answered honestly.



"Is seeing it with your own eyes an enough proof for you to believe?" tanong niya.



Nag-isip muna ako ng ilang sandali bago sumagot. "Depende. Minsan, I still seek for appropriate explanation. Pero kadalasan, oo. Mas pinapaniwalaan ko yung isang bagay lalo na kapag nakita ko na ito."



"Diba sabi mo, dati hindi ka naniniwala sa multo? So what made you change your mind and made you believe that they really exist? Nakita mo na ba sila?" tanong niya.



I opened my mouth to answer pero walang lumabas na kahit ano kaya napalunok na lang ako. "B-bakit ba ganyan ang mga tanong mo?"



"Alam ko ang nangyari sa resort, Sarah." kinilabutan ako nang banggitin niya ang panglan ko.



"Hindi kita maintindihan." nalilitong saad ko. "Syempre alam mo ang nangyari sa resort kasi nandun ka rin."



"Hindi yun ang ibig kong sabihin. Yung muntik nang pagkalunod ng kapatid mo, yung pagkamatay ni Gerard, pati yung nangyari sa dalawang schoolmate natin na namatay. Pati yung sa horror house." namutla ako sa mga sinabi niya. Wala pa siyang dinedetalyeng kahit ano pero parang nagsisink-in na sa akin kung ano ang gusto niya sabihin.



Napatingin ako sa paligid at muling ibinalik ang tingin sa kanya nang makitang walang tao o estudyante na malapit sa amin. "A-ano bang gusto mong iparating?" kinakabahang tanong ko.



Unti-unti siyang lumapit sa akin. "Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sayong may third-eye ako?" mahinang saad niya.



Napatunganga lang ako sa kanya nang sinabi niya iyon.



He slowly leaned to me and whispered in my ear. "Shiara is her name, right?"



"Paano mo—-"



Naramdaman kong lumapat ng bahagya ang labi niya sa tainga ko at pakiramdam ko'y nagsitaasan ang balahibo ko. "I can see her..." sagot niya. "And in fact..."



Biglang umihip ang malakas na hangin at nanginig ang buo kong katawan.

"She's here."



Continue Reading

You'll Also Like

30.9K 2.5K 29
Matapos ma-aksidente ng simpleng mangingisda na si Manuel, nakumbinse siya sa sarili na siya ang second coming ni Jesus Christ. At siya'y naghanap ng...
211K 13.1K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"
935K 36.5K 99
"I prefer to be alone and to be left alone. I like reading books, I can cook, I can't swim, I don't play any sports, I can't play any instruments, I...
694K 48.2K 74
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...