[HOLD] Enchanted: The Accurse...

By tala_hiraya

778K 24.1K 2.6K

ENCHANTED: The Accursed Daughter By: EmpressWinteroo #Wattys2016 Trailblazer Winner Simula noong bata pa ay n... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 pt. 1
Chapter 43 pt. 2
Chapter 44
Chapter 46 pt. 1
Chapter 46 pt. 2
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52 pt. 1
Chapter 52 pt. 2
Chapter 53

Chapter 45

7.8K 319 81
By tala_hiraya

ENCHANTED: The Accursed Daughter ⓒEmpressWinteroo

Chapter 45

I R I N E

Ito muli ang kutob na naramdaman ko kanina. Base sa mga mata ni Nisha, hindi maganda ang maririnig ko. Halos nanginginig at naiiyak na siya habang nakaharap sa 'kin. Para bang nagdadalawang-isip kung sasabihin niya ba ang nasa utak niya ngayon o hindi.

Ngayon ko lang siyang nakitang ganito kaya halos hirap na akong makahinga sa sobrang kaba.

"Ano ba 'yon, Nisha?" Nauutal kong tanong.

Huminga siya ng malalim. "Heren defussus."

Gumamit siya ng spell. Hindi ko alam kung kailangan ko pa bang makinig sa kanya sa ganitong sitwasyon dahil sa ginawa niya. Isa 'yong spell na epektibo para hindi marinig ng iba ang pag-uusapan namin. Katulad ng spell na ginamit nila noon ni Cyndel.

"Nisha, pinapakaba mo akong masyado. Ano ba kasi 'yun?"

Napahilamos muna siya ng mukha bago tumingin sa 'kin ng diretso. "Kilala ko na ang mga magulang mo."

Natigilan ako at hindi makagalaw. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa impormasyong sinabi ni Nisha. Kumurba ang labi ko at kusang naging ngiti.

"T-talaga?" Hinawakan ko ang mga balikat niya at t'yaka siya niyugyog. "Nasaan sila Nisha? Sino sila?"

Halos mapatalon ako habang naghihintay ng sagot niya. Pero nanatili siyang kabado at pumatak na rin ang luha niyang kanina pa nagbabadyang tumulo. Bigla akong napatigil at hindi na nagawang ngumiti.

"Nisha," pabulong na sabi ko.

Doon siya humagulgol at napatakip na ng mukha. Halos madurog ang puso ko sa pag-iyak niya sa harap ko. Pero naguguluhan parin ako. Bakit siya nagkakaganito, samantalang, magandang balita ang sinabi niya?!

"Patawad, Irine." Muli niyang sabi habang nakatakip parin ang kamay niya. "Patawad dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa 'yo ang lahat."

"Nisha, please." Tinanggal ko ang pagkakatakip ng kamay niya sa mukha at iniangat ang tingin niya sa 'kin. "Sabihin mo na ang lahat. Hindi ito ang tamang panahon para patagalin pa 'to."

Pinunasan ni Nisha ang mga luha niya at huminga ng malalim para kumalma.

"Kasi, Irine, ang mga magulang mo-"

Sunud-sunod na tawa ng mga mangkukulam ang narinig namin sa bandang itaas. Hindi na natuloy ni Nisha ang sasabihin niya nang nagsidatingan ang grupo ng mga mangkukulam habang lumilipad sa himpapawid gamit ang makakapal nilang mga maluluwang na damit.

"Hindi ba dapat broomstick 'yan-"

"Irine!" Sigaw ni Nisha kaya natahimik ako sa pag-question ng paglipad ng witch.

Parang nakipag-isa ang mga witch hangin dahil malaya silang nakakagalaw sa hangin. Papunta silang lahat sa pwesto kung saan nakikipaglaban ang mga Stager at Doyen na nalagpasan ko.

"Mamaya ko nalang sasabihin ang lahat. Reversus!" Sigaw ni Nisha habang nakataas ang wand niya. Unti-unting nagising ang mga Tyro na pinatulog namin kanina at nag-a-adjust na sa nangyayari ngayon.

Tumingin muli ako sa langit. Nakita ko ang isang witch na tumigil sa pwesto kung nasaan kami habang nasa itaas siya at itinapat ang kamay niya sa direksyon namin.

Crap! Gagamit siya ng spell!

Mabilis kong tinawag ang spirit ko at tinanggal ang limitasyon. Ramdam kong muli ang pagdaloy ng kapangyarihan sa kanang mata ko. Itinaas ko ang aking kanang kamay bago sumigaw ng isang spell.

"Lucere valum orbe!" Isang flicker ang nakita ko sa aking palad at sa isang iglap ay nagkaroon ng transparent barrier na pumalibot sa buong lugar kung saan kami nakatayo.

Naharangan ng barrier ang itim na likidong lumabas sa kanyang palad. Dumausdos nalang ito pababa hanggang tumama sa lupa. Nagkaroon ng usok mula sa itim na likido at nang mawala ito, napansin kong nagkaroon ng butas sa lupa na para bang natunaw.

Ang laki ng pasasalamat kong gumalaw kaagad ako bago tumama sa 'min ang isang 'yon.

"Magmadali na tayo." Hinila ako ni Nisha. Nakatayo na ang mga Tyro at alerto nang muli sa mga witches. "Ako nang bahala sa barrier na ginawa mo para sumunod sa 'tin 'to habang tinatahak natin ang daan papunta sa safe haven."

Tumango ako bago hinarap ang iba pang mga Tyro. "Sa safe haven tayo magpunta!"

Tumango rin sila bago tumakbo. Kaagad din akong gumalaw at hinila si Nisha papunta kay Fiery. Mabilis akong umakyat.

"Aray!" Daing ni Nisha. Umatras siya mula sa 'min ni Fiery habang hinihimas ang kamay na hinila ko. Sandali, napaso ba siya?

"Bakit Nisha? Sumakay ka na-"

"Ano ka ba, Irine, kailangan ko muna ng pahintulot ni Stager Red bago ko mahawakan ang Spirit Guardian niya. Ikaw lang naman ang hinahayaan niyang makalapit kay Guardian Drax!"

Kumunot ang noo ko. "Ano?"

"Hay! Ewan ko sa 'yo. Tatakbo nalang ako. Bilis na!" Iritang utos niya bago tumakbo.

Kusang sumunod naman si Fiery na sinasakyan ko. Pero seryoso ba ang sinabi niya? Ako lang talaga ang nakakalapit kay Fiery ng ganito?

Napansin kong may ilaw na kumikislap sa dulo ang wand ni Nisha. Mukhang kontrolado niya nga ang barrier ngayon.

"Fiery, dalhin mo kami kung nasaan ang safe haven," utos ko.

Tumahol siya bago nilampasan ang mga Tyro na nasa harap namin. Kami na ang sinusundan ng lahat dito.

Isang malakas na pagsabog ang narinig ko mula sa itaas. Tumingala ako at doon ko nakitang inaatake kami ng mga witch. Nagkaroon na ng cracks ang barrier kung saan tumama ang pagsabog.

Muli namang umilaw ang wand ni Nisha. Kusang nalalapatan ng bagong barrier ang mga cracks pero masyadong mabagal ang pagpalit nito. Masyadong malaki ang barrier para mahawakang mag-isa ni Nisha.

Itinaas kong muli ang kamay ko. Pinakiramdaman ko ang kapangyarihan na nagmumula sa barrier orb na ginawa ko. Nang maramdaman kong nakakonekta na ako sa pwersa ng barrier, naglipat ako ng kapangyarihan para lumakas pa ito.

Napansin kong tumulong din ang ibang mga Enchanters at wizards sa paglakas ng barrier. Lahat sila ay ginising ang spirit o ginamit ang wands para alalayan ang barrier.

Ngumiti ako nang bahagya. Pero kaagad na nawala ang ngiti ko nang tumigil sa pagtakbo si Fiery. Pati ang katabi naming mga Tyro ay napatigil. Nilingon ko ang harap kung saan kami dumadaan.

"Ikaw na naman," mariing bulong ko.

Ang witch na nakalaban ko kanina sa gubat ay nakatayong muli sa harap namin kasama ang lima pang mga witches na nasa likod niya. Lahat sila ang may similarities sa mga suot at itsura pero ang witch na hindi ko matandaan ang pangalan ay naiiba sa kulay ng buhok. Gray kasi ito at hindi itim na katulad ng iba.

Mukhang siya ang leader.

Kumaway siya sa 'kin na parang kaibigan niya ako. "Hello! Saan kayo pupunta?"

Ngumiti siya bago inilibot ang tingin sa bawat Tyro na kasama ko. Napahawak ako ng mahigpit sa balahibo ni Fiery.

"Sino siya, Irine?" Tanong ni Nisha. Nasa tabi na siya ni Fiery at nakatingala sa 'kin.

"Siya ang nakalaban ko kanina sa gubat. Mukhang mas mataas siya kaysa sa ibang mga witches." Sagot ko.

Tumingin muli siya sa harap at tinitigan ang grupo ng mga mangkukulam. "Mukha nga."

"Ang lakas naman ng loob niyong tumakas," muling sabi ni witch na may gray na buhok. "Kailangan pa namin ang mga mata ninyo kaya magsaya muna tayo."

Napansin kong na-tense ang mga Tyro na nasa tabi ko. Pati si Nisha ay napahawak ng mahigpit sa wand niya. Kaagad akong bumaba mula kay Fiery at hinarap ang mga witches.

Nakapalibot na ang mga witches na nasa himpapawid at ang grupo ng witch na nasa harap namin. Kung tatansahin ko, hindi namin kaya ang makipaglaban sa kanila. Kulang pa sa training ang iba sa 'min dito at wala pang sapat na lakas!

Kung uutusan ko sila kagaya ng ginawa namin ni Nisha kanina. Kailangan muna naming patulugin ang mga Tyro para hindi nila makitang sumusunod ang mga witches sa 'kin. Pero kung papatulugin namin sila, mawawala ang lakas ng barrier na ginawa namin at siguradong susugod din ang mga witches para kaagad na mapatay ang lahat ng nandito.

"Irine, paano na?" Tanong ni Nisha.

Napalunok ako. "Wala tayong magagawa kundi ang lumaban."

"Ohhh?" Biglang sumabat ang witch nang marinig niya ako. "Lalaban kayo sa 'min sa maliit na grupo niyong 'yan?"

Tumawa siya na parang minamaliit nga kami. Kumuyom ang mga kamay ko. Inaamin kong maliit nga ang tyansa na manalo kami sa kanila pero naniniwala akong gagawin ng bawat isa ang lahat ng makakaya nila.

Tumabi ako kay Nisha at hinugot ko ang sword para maging handa sa maaaring mangyari.

Napaatras kaming dalawa ni Nisha nang mabilis na gumalaw ang lider ng mga witch kaya sa isang iglap ay hawak niya na ang barrier. Unti-unting kumurba ang gilid ng labi niya hanggang sa naging nakakatakot na ngisi ito.

"Bakit kasi may barrier pa?" Sabi niya.

Bumaon ang mga itim na kuko niya sa barrier. Napahawak ako ng mahigpit sa 'king sword nang napansin kong lumalalim na ang pagkabaon ng kanyang daliri hanggang sa may mamuong crack.

Humihina ang barrier dahil sa takot na nararamdaman ng karamihan dito.

"Lakasan niyo ang loob niyo!" Sigaw ko sa mga Tyro.

Itinaas na ni Nisha ang wand niya bilang pagsang-ayon at mas lumakas ang ilaw na nagmumula sa dulo ng kanyang wand. Napansin kong sumunod ang iba at bakas sa kanilang mukha ang pilit na nilalabanan ang takot.

Dumaing ang witch na para bang nasaktan siya sa pagkakahawak sa barrier. Binawi niya ang kanyang kamay nang mabilis na nasiayos ang barrier.

Tumingin siya ng kunot noo sa 'min bago itinaas ang kanan niyang kamay. Isang flicker ng ilaw ang nakita kong namuo sa kanyang palad hanggang sa lumaki ito. Unti-unting nabuo sa palad niya ang isang orb na mistulang may mga maliliit at pumapaikot na kidlat.

Ginaya ng ibang witches na nasa likod ang ginawa niya. Lahat sila ngayon ay may hawak nang orbs sa kanilang mga palad.

"Maghanda ka na," bulong ni Nisha.

Ang bawat isa sa 'min ay naging alerto. Handa sa pwedeng gawin ng mga witches na nandito. Ilang saglit pa ay itinaas na ng mga witches ang kanilang kamay at kumuha ng bwelo bago ibinato ang orbs sa barrier.

Yumanig ang barrier dahil sa isang malakas na pagsabog hanggang sa lumaki ng lumaki ang mga kidlat mula sa orbs na ibinato nila. Mistulan itong gumagapang sa barrier at nagdudulot ulit ng mga cracks. Sinubukan kong maglipat ng panibagong pwersa sa barrier pero mabilis kong naramdaman ang mahapding sensasyon sa palad ko.

"H'wag niyo nang pilitin pa. Lalo kayong manghihina kung ipagpapatuloy niyo ang paglaban sa Reversing orbs." Ngumisi ang witch na nakalaban ko kanina.

Napansin ko ang isang babaeng Tyro na katabi ni Nisha habang tinitiis ang hapdi sa kanyang palad. Tumulo na nga ang dugo mula dito dahil sa pilit niyang nilalabanan ang orbs na ginawa ng witch.

"Itigil niyo 'to!" Sigaw ko sa mga witch.

Tumawa ng mahina ang leader nila. "Hindi mo na magagawa ang nangyari kanina, Irine. Kahit na anong gawin mo, ako parin ang masusunod."

Isang malaking flicker ng ilaw mula sa kanya ang sumilaw sa 'ming mga mata. Nabitawan namin ang barrier at doon namin narinig ang pagbasag nito.

Hindi maaari 'to!

Nang mawala ang ilaw ay mabilis kong nakita ang mabilis na paglusob ng mga witches sa 'min. Akala ko ako ang kakalabanin ng leader nila pero si Nisha ang kaagad niyang nilapitan bago sinipa sa kanyang tiyan.

"Nisha!" Sigaw ko.

Tumumba si Nisha sa lupa at sinugod muli siya ng witch. Naalarma ako nang bigla niyang kinalmot gamit ang mahahaba niyang kuko ang mukha ni Nisha kaya siya napasigaw ng malakas.

Mabilis akong tumakbo at itinama ko ang hawak kong handle ng sword sa ulo ng witch. Dumaing siya at umatras mula sa 'kin kaya kinuha ko na ang pagkakataon para alalayan si Nisha at kaagad na pinatayo.

"Ayos ka lang?" Tanong ko.

Tumango siya bago umatras. Tumingin kaming dalawa sa witch na ngayo'y nakangisi na at dinilaan ang dugong sumama sa kanyang daliri mula sa mukha ni Nisha.

"Walang hiya ka," bulong ni Nisha.

Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang wand bago sumugod at itinapat ito sa witch.

"Striga beldetti!" Sigaw ni Nisha.

Naglabas ng malakas na kidlat ang wand ni Nisha. Bumulusok ito sa kalaban pero sa isang iglap lang, nasangga ito gamit lamang ang isang kamay.

Natigilan kami ni Nisha habang nakatitig sa kaharap namin ngayon. Pinagpag niya ang kanyang kamay na mistulang lamok lang ang dumapo sa kanya.

Napalunok ako. Siya nga ang leader ng mga witch.

"Minamaliit mo ba ako?" Tanong niya kay Nisha. "Ganoon lang kahina ang ibibigay mo sa 'kin? Naglolokohan ba tayo rito, isang hamak na wizard?"

Muling humigpit ang hawak ni Nisha sa kanyang wand bago tumakbo papunta sa witch. Ngunit hindi ko na nakita ang sumunod na ginawa niya.

T H I R D P E R S O N

Isang malakas na hambalos ang tumama sa batok ni Irine. Napasigaw siya sa pwersang tumulak sa kanya hanggang siya ay mapaluhod.

Mahinang hagikgik ang narinig niya sa likod kaya mabilis niyang hinawakang mahigpit ang sword bago niya ipinaikot ang katawan at iwinasiwas ang sword sa isang bagong witch na nasa likod niya.

"Ah!" Malakas na sigaw ang pinakawalan ng witch. Nadaplisan ang tiyan nito gamit ang matulis na blade ng sword ni Irine. Hinawakan niya kaagad ang dugong dumaloy mula sa nasirang damit niya sa kanyang tiyan.

Tumayong muli si Irine bago tinawag ang spirit. Naramdaman niya kaagad ang pagdaloy ng kakaibang lakas sa kanang mata niya hanggang sa lumipat ito sa mga braso niyang nanggigigil.

Nang lumabas ang usok sa braso ni Irine, sinugod niya ang witch na sinubukan siyang kalabanin.

Nagulat ang witch sa pag-atake ngunit nanatili ang depensa nito. Hindi niya inakala na malakas din pala ang anak ng kanilang pinuno.

'Siya nga ang tinutukoy nila.' Sabi niya sa kanyang isip.

Hindi alam ni Irine na ang lahat ng mga witches ay may nalalaman tungkol sa katauhan niya kaya patuloy lang siyang lumalaban, at kung kinakailangan, kinikitilan ang buhay ng mga nilalang na maaaring makapatay ng mga estudyante sa Camp.

Nawala na ang depensa ng witch sa bawat pag-atake ni Irine. Halos nawalan na siya ng lakas sa pag-reverse ng mga spells na ginagamit ni Irine at pagtanggal ng mga yelong muntikan nang bumalot sa kanya.

Nakakita ng pagkakataon si Irine nang makitang naghihingalo na ang witch na kalaban niya. Wala siyang intensyong pumatay ngunit nakita niyang biglang itinapat ng witch ang kanyang kamay sa nanghihinang enchanter na malapit sa kanya.

Ngumisi ang witch kay Irine na parang pinapahiwatig na may gagawin siyang masama sa enchanter.

"Subukan mong saktan siya, ako na mismo ang kikitil sa buhay mo!" Sigaw ni Irine.

"Hindi na kailangan pa." Tumawa ng mapait ang witch. "Ikinalukugod ka naming tinatanggap sa Dark Assemblage, Irine."

Imbes na sumambit siya ng spell, ibinalik niya ang kanyang kamay at itinutok sa kanyang ulo. Halos hindi makahinga si Irine.

"Hindi kaya-"

"Skort paraliyen!" Sigaw ng witch.

Napahawak ng mahigpit si Irine sa kanyang sword at nangngingit ang mga ngipin niya. Muling nangisay ang witch at halos tumirik na ang kanyang mga mata. Namuo ang mga nangingitim niyang balat mula sa kanyang mukha pababa hanggang mabalutan ang buo niyang katawan.

'Paralysis spell. Bakit palagi nilang ginagawa ito?' Huminga ng malalim si Irine. 'At ang Dark Assemblage...'

Bakit nga ba siya sinusunod ng mga witch? Bakit hindi siya masaktan ng mga ito hanggang sa manghina siya? Bigla siyang kinabahan sa isang ideya na pumasok sa isip niya pero pinipilit niya itong tinatanggal at kinakalimutan.

'Paranoid lang ako. Hindi maaaring mangyari 'yon.' Patuloy niya.

Pumikit ng mariin si Irine at huminga ng malalim. Dinig niya ang bawat pagsambit ng mga spells ng bawat isa sa kanyang paligid at ang mga nagbabangaang swords at iba pang mga weapons. Naririnig niya rin ang mga sigaw ng mga nasasaktan sa labanan. Pati na rin ang pagmamakaawa at mga iyak ng mga nanghihina na.

Mabilis na minulat ni Irine ang kanyang mga mata bago inilibot ang tingin sa paligid. Lahat ay talagang ginagawa ang lahat para matalo ang witch. Kasama rin namin si Fiery na tumutulong sa mga Tyro.

'Kaya pa namin 'to. May laban kami.' Nabuhayan ng loob si Irine.

Muli siyang tumakbo at tinulungan niya ang ibang mga Tyro na lumaban sa mga witches. Sa bawat atake, lalong natututo si Irine sa mga galaw ng witches. Agresibo sila ngunit hindi planado ang paggalaw ng mga ito. Sugod lang sila ng sugod.

Natalo ni Irine at ng isang Tyro ang dalawa pang witches. Tumango siya sa Tyro para sabihing tulungan ang iba. Naintindihan ng Tyro ang ibig niyang sabihin kaya tumakbo na siya papalayo.

Pipili sanang muli si Irine ng maaari niyang tulungan ngunit napatigil siya sa kanyang nakita. Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na nanlamig ang kanyang katawan.

"Nisha!" Sigaw niya.

N I S H A

Hinawakan ko ang blade ng sword na nakabaon sa 'king tiyan. Nanghina ang mga tuhod ko at nanginig hanggang sa unti-unti akong bumagsak sa lupang natuluaan na ng aking dugo.

Idiniin ko ang paghawak sa parte kung saan nakaturok ang sword. Unti-unti ko itong hinugot. Tiniis ko ang sakit habang dumudulas sa balat ko ang matulis na blade ng sword.

Dumaing ako nang matanggal ko ito ng tuluyan. Ramdam ko ang hapdi sa bawat galaw ko at ang panghihina ng aking katawan. Gusto ko nang sumuko.

"Kailangan mo nang mamaalam wizard," usal ng nakalaban kong leader ng mga witches.

Tumingala ako sa kanya kahit nahihirapan. Sinubukan kong ibuka ang aking bibig para magsalita ngunit umubo lamang ako. Lumabas sa bibig ko ang pulang likido at dumaloy sa gilid. Patuloy akong umubo ng dugo hanggang sa pati ang luha ko ay pumatak na.

"Nisha!" Sigaw niya.

Bahagya akong napangiti sa boses ni Irine. Naramdaman ko na ang pagkahilo at paglabo ng aking mata. Unti-unti na akong nanghihina at ang katawan ko ay bumabagsak na.

"Hindi maaari 'to!" Sigaw muli niya hanggang sa nasalo ako ni Irine mula sa pagkabagsak.

Ramdam ko ang yakap niya sa 'king nanghihinang katawan. Tumingala ako sa mukha niyang ngayo'y lumuluha na.

"U-u..." Napaubo muli ako ng dugo. "U-umiiyak kang...muli."

Humagulgol na siya ngunit lumalabo na ang paningin ko kaya hindi ko na siya makita ng malinaw. Tanging ang hugis nalang ng bawat parte ng mukha niya ang naaaninag ko.

"Gagamutin kita," sambit niya.

Hinawakan ni Irine ang malalim na sugat ko sa tiyan kung saan patuloy na tumutulo ang dugo. Nagsambit siya ng spell ngunit alam kong batid niya na wala nang silbi 'yon.

Itinaas ko ang nanginginig kong kamay. Magpakatatag ka, Irine. Malalaman mo rin ang katotohanan.

I R I N E

Patuloy lang akong humahagulgol sa harap ni Nisha. Nang makita kong gumalaw bahagya ang kamay niya, kinuha ko ito at inilagay sa 'king pisngi. Hinawakan ko ito ng mahigpit at hinaplos ang palad niya sa balat ng pisngi ko.

"I..Iligtas...amaryllis.." Nagsuka muli siya ng dugo. "L-loic...Aman..da..."

Naalarma ako nang medyo tumigil siyang huminga. "Nisha, please. H'wag kang susuko. Please. Nisha, makakaya mo pa 'to."

Patuloy na dumadaloy ang luha ko. Nawawalan na ako ng pag-asa pang magamot siya. May lason ang sword. Alam kong wala nang lunas at 'yon ang dumadagdag sa bigat na dinadala ko ngayon.

Ngumiti ng bahagya kaya lalo akong napaiyak. Gumalaw ang daliri ni Nisha na nasa pisngi ko at mabagal na pinunasan ang mga luhang pumatak.

Umiling siya. "H'wag..u..miyak..."

Tuluyan nang nadurog ang puso ko at nanikip. Ako ang hindi makahinga at nanginginig na nang makita kong unti-unti ng sumasara ang mga mata ni Nisha.

"Nisha!" Sigaw ko. "Kaya mo pa 'to please Nisha! H'wag kang pipikit!"

Napahawak ako sa kanya ng mahigpit. Nanlamig ang buo kong katawan sa sobrang takot na mawala ang kaibigan ko. Hindi maaaring mangyari 'to!

"Nisha..." Bahagya kong niyugyog ang mukha niya. "Imulat mo ang mga mata mo. Hindi ka pa pwedeng mawala. Nagmamakaawa ako."

Patuloy na nadudurog ang puso ko. Hindi ko na tiningnan pa ang sunud-sunod na ingay sa paligid namin. Nakatingin lamang ako sa namumutlang mukha ni Nisha. Nakapikit. Puno ng dugo.

Hinawakan ko ang kamay niya ngunit nang niluwagan ko ang pagkakahawak, kusa na itong bumagsak.

Nakapikit na si Nisha. Puno ng dugo.

Napapikit ako ng mariin at tahimik nang humikbi sa pagkakataong ito.

At wala nang buhay.

"Nisha...bakit ikaw pa?" Niyakap ko siya ng tuluyan at ibinaon ang mukha ko sa kanyang leeg.

Gusto kong paniwalaan ang sarili kong hindi totoo ang nangyayari. Gusto kong paniwalaan ang sarili kong nananaginip lang ako.

Pero wala akong magawa kundi yakapin siya at umiyak katabi ang walang buhay niyang katawan.

"AHHHH!" Tuluyan na akong sumigaw sa galit. Poot! Bakit si Nisha pa?!

Humagulgol muli ako habang hinihigpitan ang pagkayakap kay Nisha. "Nisha, magsalita ka please. Gusto kong marinig ang boses mo. Buhay ka pa 'diba? Hindi mo kami pwedeng iwanan nalang."

Lumayo ako at tiningnan ang mukha niya. Pinunasan ko ang pulang likidong lumabas mula sa kanyang bibig at pinagmasdan ang mukha ng kaibigan ko.

"Pagalitan mo ako ngayon. Tingnan mo, umiiyak parin ako." Napakagat ako sa 'king bibig at pinigilang umiyak. "Pagalitan mo ako. Sigawan mo ako. Basta magsalita ka lang ngayon, Nisha."

Ngunit nanatili siyang nakapikit at hindi gumagalaw. Hindi ko na maririnig ang bawat leksyon niya tuwing nagkakamali ako. Hindi ko na maririnig ang pagtawag niya sa pangalan ko. Hindi ko na maririnig ang halakhak niya kapag nagkakatuwaan kaming tatlo.

Halos hindi na ako makahinga. Nanginginig at wala nang pag-asa.

Nanatili ako sa pwesto ko habang tahimik na nagdadalamhati. Hanggang sa makita ko ang pares ng paang naglakad sa 'king harap. Mabagal akong tumingala at doon ko nakita ang mukha niya.

"Red," sambit ko. Muling nanlabo ang aking paningin. "Wala na siya. Wala na si Nisha."

Ilang segundo niya akong tinitigan. Nakikita ko rin ang lungkot sa mga mata niya at ang awa habang nakikita akong nahihirapan. Naramdaman ko nalang ang mainit niyang kamay na dumampi sa 'king pisngi.

Pinunasan ni Red ang mga luhang tumulo bago umupo hanggang sa makatapat ko siya.

"Umalis na sila," panimula niya. "Tapos na ang lahat."

"Tapos na?" Napangiti ako ng mapait. Peke. "Natapos nga ang labanan nang hindi nanatiling buhay si Nisha. "

Nanginig ang aking mga kamay hanggang sa naging kamao. Halos bumaon na ang mga kuko sa 'king mga palad sa sobrang galit at pagkalungkot.

Hindi ko mapapatawad ang gumawa nito sa kanya. Hinding-hindi ko mapapatawad ang mga nilalang na kumitil sa buhay ng mga kapwa ko dito sa Amaryllis camp. Lalong-lalo na sa mangkukulam na pumatay kay Nisha.

Sinusumpa ko.

Magbabayad sila.

~*~

Continue Reading

You'll Also Like

7.2M 433K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...
4M 190K 61
GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letter...
4.4M 110K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
24.2M 984K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...