To Last

By PrioriShin

966K 14.3K 524

FANFICTION CLAUDETTE MONTEFALCO PIERRE TY More

Simula
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Wakas

Chapter Twenty-Six

18.4K 249 8
By PrioriShin


CHAPTER TWENTY-SIX

Itigil

Isang linggo mula ng umuwi sina Pierre sa Davao. We text and it's casual. Greetings to the morning and evening. He tells me to eat when it's near meal time. And as a safety+ freak, he always said to take care. Sabi din niya ay iwasan ko si Silver na hindi ko matanto ko sinusunod ko ba dahil binigyan ko nga ng isa pang chance si Silver.

Nagbrobrowse ako sa Instagram sa account ni Kuya Azrael at tinitignan ko ang mga comment sa picture niya na nakaderp siya. Wala talagang kahihiyan si Kuya!

Hanggang sa may makita akong comment. Hindi ko ba alam kung bakit kapag may nakita akong chineses related ay hindi ko mapipigilan ang sarili ko na hindi i-istalk.

Pumunta ako sa account ni nung Chen_Geana.

May post siya na last 9 hours ago. May caption na 'drunk' and picture na naroroon siya at may hawak na wine glass.

Matagal nagload ang picture na 12 hours ago pa naka post. Its caption was 'You both look good as ever, IrinaChen!'

Ganoon na lamang ang naging dismaya ko na stolen picture iyon sa mukhang family gathering. Iyong babae at lalaki ay magkatabi at masayang nag-uusap. Na tila ba wala silang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanila.

Si Pierre lang naman ang lalaki at nakangiti siya na tipong lumalabas yung dimple niya habang iyong babae ay mangha lang siya pinagmamasdan. Kahit hindi ko sabihin ay alam kong Chinese itong babae na kasama niya.

Hindi ko na itinuloy ang pags-stalk dahil pakiramdam ko ay hindi na kakayanin ng puso ko. Tama talaga ang naging desisyon ko. Dahil alam kong kahit maamin man niya sa akin na mahal niya ako, we will still won't end up with each other dahil hindi ako Chinese.

Seryoso lang ang tingin ko sa mga frame na nadisplay sa bahay ng mga Ty sa Hillsborough. Yung toddler pictures ni Pierre ay hindi ko maipagkakaila na kamukhang kamuhka niya si Klare noon.

Lumaki siyang close sila ni Hendrix at magkasundo. Unlike my brothers na nung magkahiwalay lang nagkasundo.

One picture caught my attention. Sigurado akong prom iyon. Naka tux si Pierre doon at seryosong nakatingin lang sa camera at hindi man lang nakangiti habang ang kasama niyang babae ay malaki ang ngisi na para bang proud na siya ay date ni Pierre.

Singkit ang babae at kahit hind ko pa nakikita sa personal ay alam ko na maputing maputi ito. Matangkad din siya dahil hindi sila nagkakalayo ng height ni Pierre kahit pa sabihin nating three inches ang heels niya that time. Alam ko iyon dahil magkapantay na sila sa picture.

And the thing I'm verys sure right now is she's Chinese at siya iyong Irina Chen na kasama ni Pierre sa party na nakita ko sa instagram.

Napa-iwas na lang ako ng tingin at naalala ko iyong narinig kong pag-uusap about sa Chinese tradition. Iyong dineny nong lalaki iyong babae para lang sa tradition nila. Maybe my decision was right once again.

"Only got one picture here, Clau." Nakita ko ang paglapit sa akin ni Pierre at tinuro ang last birthday niya kasama ang mga Ty. Nung 20th noon ay hindi pumunta sina Erin sa inihanda ni Tita Helena. Ako lang nagpunta noon para ipagdiwang ang birthday ni Klare.

Tumangi ako."I can see that." Inayos ko ang buhok ko at tumingin kay Klare.

"Must be hard to be a Chinese." Wika ko.

Kumunot ang noo niya at bumaling saglit sa nagtatawan na na si Elijah at Azrael." Ba't mo nasabi?"

"You have... some different family rules right? Chinese is strictly for Chinese only?" Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Napakagat ako sa labi ko nang pinagmasdan ko ulit ang mga frame. Isa lang ang picture ni Pierre na may kasamang babaeng Chinese na nakadisplay pero si Hendrix ang marami. At iisang babae lang 'yon.

Kumunot ang noo niya sa akin at tuluyan na bumaling sa nagtatawag na si Elijah.

Pumunta na rin ako doon at pinanuod kung ano bang lalaruin nila sa xbox nila Klare.

Hindi namin inaasahan na pupunta ang mga kaibigan nila Hendrix na si Vaughn, Andrei at Jack.

Nagexcuse sina Kuya dahil alam kong magiging awkward siya pag kausap ang mga bagong dating. I know him, he's antisocial pag lalaki pero pagbabae sobrang pa feeling close niyan.

Tatayo na rin sana ako para sundan sina Kuya sa patio nila Klare pero pinigilan ako nung Jack.

"You're leaving too?" Nagtaas ako ng kilay at umiling saka umupo ulit.

"So... graduating ka rin this coming school year, Claudette?" Tanong niya. Siguro ay nalaman niya na magkabatch kami ni Klare dahil naikwento niya ito sa kanila.

"Yup." Simpleng sagot ko. I know how to converse with boys pero hindi madalas. Ako kasi yung tipong hindi friendly tulad ng iba kong babaeng pinsan.

"Same course kayo ni Klare hindi ba?"Siya lang ang may ganang magtanong sa akin. Busy iyong Andrei sa cellphone niya at si Vaughn naman sa kakatingin kay Klare.

"Yup.Business Ad. Ikaw, ano bang course mo o graduate kana?" I asked him back para naman hindi niya mahalata na ayaw kong makipag-usap sa kanya. His face's structure was foreign ganun din ang built niya. Siguro ay half Brazilian siya o ano.

"Chemical Engineering. Same with Pierre, Andrei and Vaughn." Napatango ako. So nag-aaral pa pala siya at gragrduate din siya nito. Siguro ay matagal nang magkakaibigan ang mga ito kaya ganito sila magbond. Mayroon pa kaya silang ibang kaibigan sa Davao na ganito nila ka close?

Napatingin ako sa gawi nina Kuya na tahimik lang na nanonood sa amin.

"What about your hobbies?" Napangwi ako sa tanong niya. Is this some kind of slambook? Baka naman mamaya when is your birthday na ang itanong niya.

Napaisip ako sa hobbies ko. Wala akong gusto sports. Puro kpop at anime lang ang hilig ko at sa pagbebake lang ako proud dahil kahit papaano ay maalam ako doon. Ako ang nagturo kay Erin kung paano magbake e.

"Uhm, baking?" Di ko siguradong sagot.

"Oh! So you know how to bake?" Humalakhak siya at mas lalong nadepina ang panga niya. "Since business major ka naman, siguro magandang mag negosyo?"

"Well, hindi ko naisip na i-apply ang baking skills ko sa negosyo. I still don't have plans yet." Ngumiti naman siya at nagkwento nang balak niya after niyang makagraduate. Nasabi niya na gusto niya magtrabaho sa company nila para mai-apply yung natutunan niya sa course niya. Factory yata iyon para sa mga farm needs. Pesticide and etc...

"Dapat pala sumama ako sa kina Vaughn nung nagtransfer sila dito." Halakhak ni Jack habang kausap si Andrei na pangisi ngisi lang sa tabi.

Nagvibrate ang cellphone ko at nagibg mabilis ang pintig ng puso ko nang malaman kung sino ang text sender.

Pierre:

I'm mad and I seriously wanna punch Jack right now.

Kahit naguguluhan ako ay hindi ko mapigilan matuwa sa text ni Pierre. How did he know na nandito kami sa bahay nila at kasama namin ang mga kaibigan niya? Nilingon ko si Klare sa tabi ko, did she tell?

Ako:

How'd you know we're here at your house at ang mga kaibigan n'yo?

Dalawang minuto lang ay nakapareply na siya.

Pierre:

Tss. Remember what I told you. Don't talk to him and be with your brother. The first thing I'll do with him when I see that Jack will leave some bruises in his face.

Alam ko ang mga bilin mo Pierre pero ngayon pa man ay babaliin ko na ito.

But I end up doing what he told me at umupo na lang ako sa pagitan ni Klare at Kuya Azrael. Mabuti na lang at hindi na ulit ako masyadong dindal ni Jack dahil andyan si Kuya. Nagpapasalamat tuloy ako dahil nandyan siya.

We got shocked nang mabalitaan namin na magpapakasal na sina Eba Ferrer at Damon. Si Eba Ferrer ay ang babaing kinahuhumalingan ni Damon dati at ang sabi pa ay may anak na sila dahil nabuntis siya ni Damon nung second year college sila. Lumayo si Eba because my cousin is a jerk. Pero ngayon ay mukhang hindi na at natutuwa ako dahil magpapakasal na sila. Alam ko namang mahal na mahal siya ni Damon dahil pinahanap niya ito nung nawala.

Natapos na ang summer class ko nung Thursday at nagkaroon ng family dinner nung Friday kung saan nabuking na naman nila Erin at Chanel si Klare at Elijah. I get their point. Gusto lang naman nilang wag na ulit magkagulo ang pamilya at huwag na ulit mangyari iyong dati na kinagalitan silang dalawa. Wala naman akong nakikitang mali sa ginagawa nila, nagmamahalan lang naman sila.

"Hey." Nagulat ako sa boses na bumulong sa tenga ko.

"Jesus!" I exclaimed. He just chuckled and let me remind you it was helluva sexy! God! I'm starting to like his chuckles now.

"Did I startle you?"Nakangiting tanong niya.

Umirap naman ako at nagpatuloy na sa paglalakad. "Hindi ba halata?" I said sarcastically. And then again he chuckled.

"Okay then, let's enroll now." Napa-iling na lang ako. Dapat ay bukas pa kami mageenroll ni Erin at prinoproblema ko ngayon kung paano sasabihin kay Erin na hindi ko na siya masasamahan bukas dahil ang lalaking ito ay nag-ayang mageroll ngayong araw at hindi ko matanggihan.

Kaninang alas otso ay tumawag siya at sabi niya ay susunduin daw niya ako sa bahay para sabay kaming mag-enroll. Nataranta ako kaya sabi ko magkita na lang kami sa mall ng alas nuwebe y media. Dahil magtataka si Kuya kapag gising na siya kung sino ang sumundo sa akin.

Mabuti na lamang at tulog pa ito hanggang ngayon kaya nagpahatid na lang ako sa driver.

Hindi ko alam kung nauna ba siya dito sa mall at sadyang nagtago lang siya para paghintayin ako at gaya nga ng kanina ay ginulat niya ako. That is so not cool.

"Didn't we talk about publicity?" Tanong ko nang makarating kami sa loob ng sasakyan niya at nagsimulang magdrive.

"Yeah. And still I don't care about that." Balewalang sagot niya at tamad na nagdrive. Napa-iling na lang ako. Hindi pa nga siya sigurado tapos pa I don't care I don't care siya ngayon? Ni wala nga kaming label. Friends. Yan lang siguro.

Medyo asiwa pa ako dahil maraming babae ang nakatingin kay Pierre habang nakataas ang noo niyang naglalakad sa campus. Napa-iling na lang ako. Sino nga bang hindi maagaw ang atensyon kapag dumaan ang isang tulad niya na kahit nakasimpleng polo shirt, maong pants, wayfarers at top sider lang ay naguumapaw na sa kakisigan? Paano pa kaya kapag nakita ko siya sa personal na naka tux?

Nakakahiyang tuloy tumabi sa kanya kaya inuunahan ko na siya sa paglalakad.

"Slow down Claudette. Bukas pa ang last day ng enrollment." Humalakhak siya. Iritado ko naman siyang sinamaan ng tingin at ipinarating ko gamit ang mga mata ko yung pinag-usapan naman na publicity. Nagkibit balikat lang naman siya.

Nahuli akong mag enroll dahil may kulang pa ako sa requirements na dapat ay kukuhanin ko kay Mrs. Boromeo na nasa faculty.

Kitang-kita ko habang papalapit ako kung paano niya igonrahin ang mga babae na sinisipat siya. Diretso lang ang kanyang mga mata sa akin. Nagpapasalamat ako dahil habang inaasikaso ko ang requirements ko na iyon ay ipinila ako ni Pierre para hindi na ulit ako umulit sa pila.

"Ako na dyan." Wika ko nung makalapit ako sa pwesto niya. Siguro ay mga sampu na lang bago ang turn ko.

"Hindi na. Umupo ka na lang dun." Nginuso niya ang bakanteng upuan sa di kalayuan.

Umiling naman ako. "Ako na."

"Just sit there Claudette. Pumunta ka na lang dito pag turn mo na." Pagpupumilit niya kaya hindi na ako nakipagtalo. Ngumuso na lang ako habang naglalakad papunta dun.

Hindi ko alam kung ilang minuto na siyang nakatayo roon na magmula pa kanina. At tantya ko ay mga fifteen to twenty minutes pa ang aabutin bago ang turn ko.

"Where do you want to eat?" Marahan niyang tanong. Lunch time na ngayon pero wala akong ganang kumain kahit pa hindi ako nakapagbreakfast sa bahay kanina dahil kay Pierre.

Tapos na akong makapag enroll and thanks to him dahil hindi nga ako napagod sa pagpila dahil sa pag iinitiate siya. Siya naman ay hindi yata napagod kahit mukhang isang oras at kalahati na siyang nakatayo.

"Kahit saan." Tamad ko sagot. Nagcheck ako ng cellphone at text ni Kuya Azrael at Knoxx ang mayroon don.

Kuya Azrael:

Where are you Dette Dette?

Kuya Knoxx:

I can't contact mom and dad. Paki sabi sa isang linggo ako makakauwi.

Nagreply ako sa kanilang dalawa.

Ako:

Kuya Azi, nag-enroll lang ako. Sabi ni Kuya Knoxx ay sa isang linggo pa daw siya makakauwi for Damon's wedding.

Ako:

Okay, Kuya Knoxx.

Tinext ko na rin sila mommy tungkol sa paguwi ni Kuya Knoxx.

"Who texted?" Tanong ni Pierre.

"My brothers." Simpleng sagot ko kaya tumango siya.

Nang magpark siya sa Miss Bon Bon ay gusto kong magpakawala ng mura. Just... Just why did he pick this resto? Marami na nga ang nakakita kanina sa school na magkasama kami ay paano pa kaya ang iisipin nila kapag nakita nila kami sa romantic resto na ito?

Nag order ako lang ako ng light meal at ganoon din siya. This is our second time na kumain sa labas na kami lang dalawa.

Naunahan niya akong makatapos sa pag kain. Pasensya na at talagang mabagal ako e.

Pinagmamasdan niya ang bawat subo ko kaya napaparanoid ako at the same time ay naiinis.

"Stop staring..." Utas ko. Tumigil ako sandali sa pagkain para humarap sa kanya.

Ang mga daliri niya ay nasa labi niya at pinaglalaruan iyon habang tinitignan lang ako.

"Let me. I just couldn't stop my eyes to stare at the beautiful scenery in front of me." Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya kaya napa inom ako sa tubig pero bad idea yata dahil nasamid ako.

Naramdaman ko ang pagtayo niya at paghagod sa likuran ko. Kumuha ako ng tissue para punasan ang bibig ko.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya.

"I-Im fine." Nautal kong sagot. Bakit naman kasi siya masyadong naging blunt na ganon.

Kumalma na ako saka uminon ulit ng tubig mabuti na lang at hindi na ulit ako nasamid.

Tinaggihan ko ang offer niya na ihatid ako sa bahay namin pero mapilit siya at bahala na nga mamaya pagna abutan ako ni Kuya Azi at magtanong ulit kung sino ang naghatid sa akin.

"Kailan ulit ang kasal ni Damon?" Tanong niya.

"Last week ng May." Wika ko.

"So, I'll just go. Thanks for today." Pale ang ngiti ko. Ito na ang huling beses na magkakasama kaming dalawa dahil buo na ang desisyon ko pero hindi ko naman masabi sa kanya.

Huminto ang kanyang Accord sa tapat ng gate namin. Tinanaw ko ang garahe namin at napagtanto na wala na ang ginagamit na sasakyan ni Kuya Azrael. He's probably out or baka nag gym o na kila Josiah.

Sakto namang nagpark din sa harap ng kotse ni Pierre si Silver. Nakita ko ang galit sa mata ni Pierre ngayon.

"Huwag ka munang bababa." Matigas na sabi niya habang pinagmamasdan si Silver na naglalakad patungo sa gate.

"I-I need to." Sagot ko.

"Why?" Iritado niyang utas. "Didn't I tell you to stay away from him?"

"I gave him another chance." Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para makatingin ng diretso sa mga mata niya.

"What the fuck?" Halos mabingi ako sa lutong ng mura niya.

Akma niyang bubuksan ang engine at alam ko ang gagawin niya ngayon. Ilalayo muna niya ako sa bahay para hindi ko maharap si Silver pero pinigilan ko siya.

"Don't step Pierre!" Mariin kong sabi. Nagtatangis na ngayon ang bagang niya. Bakit na naman ba siya nagkakaganito? Dahil hindi ko sinunod ang utos niya? At nagseselos siya? Hindi ba niya alam ang tungkol sa tradition nila?!

"Why? You want to be with him? You like him already?" Nahihirapan niyang tanong. Nag-iwas ako ng tingin.

"Pierre, please huwag na nating pahirapan ang mga sarili natin. Kung ano man yang sinasabi mong feelings mo ay itigil mo iyan. Itigil na rin natin ang pagkikita na ganito!" Pagkatapos kong isigaw sa kanya iyon ay mabilis ako lumabas ng kotse niya.

The pang in my heart suddenly got bigger. Masakit oo, pero kailangan gawin dahil iyon ang makakabuti sa maing dalawa para hindi na kami mahirapan pa.


Continue Reading

You'll Also Like

469K 8K 82
↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko...
6.3K 162 27
R-18 I gave myself to him. To the one I love, to the one I want to spend the rest of my life with or so I thought. Little did I know, that I just...
29.7M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
714K 17.6K 98
PART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo ni...