The Bully and the Beast

By sinagtala

178K 7.2K 1.2K

Tumahimik ang buhay ni Car noong tumuntong siya sa college. Akala niya mature na tao na ang mga makakasalamu... More

The Bully and the Beast
Everybody's Fool
The Rise of Gabriela
Boobies
Blackmail Baby
Pototoy Scandal
Then Came the Birds
Sorry daw
Going Under
Pedobear
Wasak
Sorry Uli
Creep
@ssHole
Drunken Donuts
Morning After
Unli
Truce
Clarity
Eyes on You
Challenge
Girlfriend Experience
Ice Scream
Rain Rain Go Away
Stalk
Change is Coming
Black Swan
Mwah, Mwah. Tsup, tsup.
Abangerz
Tayo
Lalaland
Chance
Alamat ng Magic Kasoy
Push
Cake
Hers
Mama's Boy
The Gift
Langit
Taning
Paglimot
Biglaan
Advice ni Ate
Duda
Cubicle
Huli
Scandal
Eng Sekhet Sekhet Bes
Nagmahal, Nasaktan, Nagredhorse
Isa, Dalawa, Tatlo
Resbak
Baliw
One Last Time
Panghihinayang
Leo
Saklap
Baby
Bitaw
Circumtances
Takbo, Leo. Takbo
Director's Cut
A Cliche Ending to a Totally Cliche Love Story
The Very Late Epilogue
Pasasalamat

His

1.8K 83 21
By sinagtala

"Hala, Season 4 na tayo?" Tanong ni Car kay Leo. Nagkibit-balikat lang ito.

Game of Thrones ang palabas. Pinagbigyan niya ito sa trip na mag-stay muna doon. Sabagay, nagpaalam naman siya sa bahay. Pero kung tatapusin nila ang buong series, baka umagahin na siya. Lampas alas onse na ng gabi.

Nag-iinuman pa sila, may stocks pala ito ng beer sa ref kaya di na nila kailangang bumili pa sa baba. Ginawa nang pulutan ang matcha cake na dala niya.

Masarap pala, super. Halos maubos na nga ni Leo yun. Gusto pala nito ng ganoong flavor. Ino-note niya iyon sa utak niya.

Ang dami na niyang discovery dito ngayon. Ano pa kaya mga trip nito?

"Look at that," ani Leo. Eksena ni Tyrion at ni Twyin Lannister. Mukhang pareho ng sitwasyon kaya siguro nakakarelate ang isa.

"I've been such a disappointment too, he always thought that way eversince."

May hawak silang tig-isang bote ng sanmig pero siya kakapirangot palang ang bawas. Si Leo pangatlo na. Namumula mula na nga eh. Palibasa, sobrang mestiso. Siguro, may tama na ito kaya madaldal na. Parang siya rin pala.

"Bakit?" Tanong niya dito. Sumimsim siya ng kaunti mula sa bote niya, wala naman siyang balak ubusin yon. Natuto na siya. Baka malasing na naman siya ng husto dito.

"I didn't take up law like he always wanted."

"Tapos?" tanong niya uli. Hindi lang iyon ang dahilan alam niya. Di naman iyon sapat para magkasakitan ng ganoon. Galit na galit yung tatay eh.

Sandali itong nanahimik. Nakatingin sa palabas sa TV pero wala na doon ang atensyon.

Huminga siya nang malalim. At least naman medyo ok na. Napatawa na nga niya kanina. Humupa na ang galit pero alam niyang andon parin iyon. Kailangan sigurong ilabas. Mahirap magkimkim. Mag-isa pa naman ito ngayon.

"Alam mo, Leo. Pwede mong sabihin sakin. Makikinig naman ako."

Bumuntong-hininga ito. "You remember that video, Car?"

Napatango naman siya. Doon sa video naman nagsimula ang pagpapahirap niya dito. Kaya pumayag na magpaalila sa kanya. Talagang ginawa ang lahat para di niya yon ilabas. Anong konek?

"I joined the fraternity on my first year, sa dating kong university. My father was a member before. Well, all my uncles and cousins as well," nagkibit-balikat ito at ngumiti nang mapait. Parang may naalala.

"My bestfriend joined too. Si Jim. You see, he was a jock. He's an athlete. He's bigger than everyone. And I was just a regular guy that's good in math but he was like the brother I never had. He wasn't going to let me join them. Nang hindi hindi siya kasama."

Oh. Naalala niya. Base nga doon sa video, hindi pa ganoong ka kalaki ang katawan ni Leo noon. So nagkaroon din ito ng Eric stage dati? Patpatin? Geek guy na mahina ang katawan? Hmmm. Bakit siya nagbago?

"At first, it was all fun. Alam no na, college, we get to do all stuff that we can't during highschool. Booze. Cigarettes. Drugs. Girls...stuff. Everthing." sabi nito. "That's what we thought. Iba na ang nangyari ng final initiation na."

Napaawang ang bibig niya habang nag ku-kwento ito. Naalala niya yung torture scene doon. Para ng siyang nanood ng smut film dahil sa sobrang tindi nang pagpapahirap. Kulang nalang maglupasay si Leo habang pinapaddle ng nakahubo at nakapiring. Tumatawa pa yung kumukuha ng video noon. Parang siyang-siya sa nangyayari.

"A cousin filmed it all. Kahit bawal. Siya pa ang nagsabi sa iba na mas malakas ang ipalo sa akin. And he did that just to humiliate me. Alam ko, galit siya sa'kin dahil ako ang paborito ng lolo namin noon. But I endured it. I did all I can to prove to my family that I can do it."

Huminga si Leo nang malalim pagtapos noon. Humigpit ang hawak sa bote sa kamay. Nakikita niya dito ang sobrang galit. Tulad noong pli-nay niya ang video nito noon.

"And then Jim volunteered to take my place. Dinig na dinig niya lahat kahit my blindfold kami, he pleaded to take the paddle instead. Alam niyang di ko kakayanin. He thought he was stronger and..." kwento nito uli.

"And they did...those f*ckers..."

"Leo.." Marahan niyang inabot ang kamay nito. Nakita naman niya ang paglumanay ng mga mata nito at paghinga nang malalim. Napayuko pa.

"He died the next day, Car. Internal hemorrhage. Those f*cks didn't even try to take Jim to the hospital. Ako pa ang nagdrive sa kanya papunta doon...dammit...I wasn't able to save him...kasalanan ko..."

Hinaplos niya nang marahan ang likod nito nang marinig ang mga yon. Hindi niya akalaing may pinagdadaan pala ito. Ngayon lang niya nalaman.

Bumitaw ang kamay nito sa bote nang alak. Napahilamos ng mukha gamit ang palad. "His parents blamed me for everything. Hindi naman sasama si Jim kung hindi dahil sakin. They tried to sue everyone in the frat but nobody wants to be a witness."

Alam niya yon. Brotherhood and shits pa more. Ilan na ang nahawakng kaso ng Tito na niya na ganoon din ang eksensa. Walang nangyayari kasi walang balak ilaglag ang mga kapatiran nila.

"So I did what I thought was right. I stole that video from my cousin, binigay ko iyon sa mga pulis. Iyon ang ginamit na evidence sa lahat. Then I took the blame again."

"Sa pamilya mo?"

Tumango ito. "My cousin was jailed. And so one of my Uncles dahil doon ang lugar ng initiation. Lolo died because of it, inatake siya sa puso. That's when Dad disowned me. He said, I should have let it pass. Na nakakahiya ang ginawa ko. Nasira siya sa mga kaibigan niya. Nasira ang pamilya namin."

Huminga siya nang malalim. Grabe pala.

"Galit silang lahat sa akin, I know. I don't care now. Umalis na ako sa kanila. I threw all the fucks I can give them."

"Leo..." aniya.

Nakita niyang nangingilid na ang mga luha nito. Halos nanginginig na nga. Ang bigat-bigat siguro ang nasa loob nito at ngayon lang nailabas.

"That's the reason I got mad at you when you played that video. I'm so sorry Car.. Hindi ko sinasadya yon."

Lumapit na siya dito. Kasalanan  iya rin, nagtanong pa siya. Ayan tuloy. "Leo...ok lang yun." Aniya.

Bigla naman itong kumilos at yumakap sa kanya. Saktong umunan pa sa boobs niya. Gusto sana niyang sawayin kaso naawa siya. Napasandal nalang tuloy siya sa armrest ng sofa.

"Ano ba...ok na nga.." Aniya, uli. "Hindi ko alam na ganon pala. Sorry din."

Hinayaan lang niya ito sa ganoong posisyon para kumalma. Ilang minuto din yon. Hinahaplos-haplos nalang niya ang buhok nito. Nag-credit scene na nga ang pinapanood niya, nakayukyok parin ito.

Hay...

"Hmm...Leo. Ok ka na?" Tanong niya. Baka nakatulog na sa dede niya. Lambot ba?

"S-so you think, I'm a weakling now do you?" Tanong nito.

Umiling siya. Marahan parin niyang sinusuklay ang buhok nito. Actually natapangan nga siya. I mean, banggain mo ang pamilya para bigyan ng hustisya ang kaibigan mo.

Hindi naman pala ito pure balasubas. May puso din pala ito at sense of justice. Mga 70.5 percent nalang ang kagaguhan level.

"Car. Thank you." Dinig niyang bulong nito.

Napangiti siya. "Wala yon no. Basta, ok ka na ha? Wag kang gagawa ng masama. Wag ka ding tatalon sa terrace bigla, ihuhulog kita don."

Natawa ito kahit nakayuko parin sa dede niya. Aba nag-enjoy na. Hmmm...parang nag-eenjoy na rin siya.

"Leo?"

Umangat ang mukha nito. Nakangiti na, labas dimples pero mapungay ang mga mata.

"You're the best thing that happened to me, Car."

Napakagat siya ng labi. Para siyang may kung ano sa dibdib. Kinikiliting ewan.

Best thing daw. Wala na naman siyang balak talagang ituloy to. Wala nang chance after two months. Hindi na siya gagambalain nito uli. Hindi na uli.

Bahagyang umangat si Leo. Sinalubong naman niya ito. Naglapat na ang mga labi nila na walang ano-ano. Bigla nalang. Sumabay lang ang katawan niya sa nararamdaman ngayon.

Enjoy the moment while it last siguro.

Kahit ngayon lang.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 83.6K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
23.5K 577 48
Meet Kurstin Dane Fuentes, one of the most promising models out there. Tired of always being in the limelight, she left modeling for awhile to live a...
11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
1.1K 133 93
Sweet, innocent, intellegent beautiful girl, that's what everyone usually thinks of that girl, zearillian liancross is the only child and because she...