Love & Bullets

By midnightbIue

118K 4.8K 1.1K

"My lips are the gun. My smile is the trigger. My kisses are the bullets. Label me a killer." Kill or be kil... More

Love and Bullets
Bullet One
Bullet Two
Bullet Three
Bullet Four
Bullet Five
Bullet Six
Bullet Seven
Bullet Eight
Bullet Nine
Bullet Ten
Bullet Eleven
Bullet Twelve
Bullet Thirteen
Bullet Fifteen
Bullet Sixteen
Bullet Seventeen
Bullet Eighteen
Bullet Nineteen
Bullet Twenty
Bullet Twenty One
Bullet Twenty Two
Bullet Twenty Three
Bullet Twenty Four
Epilogue
Last Bullet
Special Bullet
Special Bullet

Bullet Fourteen

3.2K 115 11
By midnightbIue

Tattoo

"Haba ng hair!" Sabi ni Kourtney sabay batok sakin. "landi mo."

"Gago, bat ako?" Umirap ako.

"Mashado kang bitter, Koko." Tumawa si Misty.

"Kasi naman tong si Dakotiti eh," Tumawa si Kourtney. "ganda mo talaga, bhe. Nagkacrush kaagad sayo yun."

I frowned at her. "Hindi ako crush nun."

"Wushu!" Ngumisi si Misty.

"Hampas ko kaya sayo tong sandok?" Umirap si Kourtney. "hindi pa ba obvious?"

"Tumahimik ka," Sabi ko sabay agaw ng sandok mula kay Kourtney. "bat ka ba nagluluto? Hindi ka naman marunong."

Nandito kami sa condo ko, nagluluto ng Chicken Marsala para kay Xavi. Isa itong Italian-American dish at paboritong paborito to ni Xavi. May lahing Italyano din naman si Xavi dahil Italian ang Mama niya.

"Aba, bastos to ah!" Binatukan ako ni Kourtney. "marunong naman akong magluto ah."

"Oo, itlog tsaka hotdog lang," Tumawa si Misty. "Da, tapos na. Nahalo ko na tong flour, salt, pepper and oregano."

"Thanks, Mist," Sabi ko sabay kuha nung bowl na naglalaman ng mga nakahalong ingredients. "oh eto, Koko. Basahin at sundin mo lang tong nasa cook book, okay?" Sabi ko sabay abot nung cook book sa kanya pati na rin nung bowl.

Pumutla naman siya. "H-Hindi ako marunong magluto, diba?"

"Marunong kang magbasa, diba?" Sabi ko at tumango naman siya. Sinamaan ko siya ng tingin. "yun naman pala eh! Edi sundin mo lang yung nasa libro! Pambihira ka naman eh, akala ko ba gusto mong makipagfriends kay Xavi? Lutuan mo siya!"

Tumawa ng malakas si Misty. "Ayiiee, makipagfriends o makipagbalikan?"

"Mga hayop!" Kinurot niya kaming dalawa ni Misty. "fine! Ako nang magluluto, susundin ko lang tong nasa cook book. Kapag naging maayos ang resulta, gagawin niyo ang lahat ng gusto ko sa isang araw. G?"

Ngumisi kami ni Misty. "G." Sabay naming sabi.

****

"Pucha, ano to?! Tae ng baka?!" Malakas na sigaw ni Misty mula sa kusina.

Kakatapos ko lang maligo at palabas na ako sa kwarto ko nang marinig ko ang sigaw ni Misty. Napangisi ako habang tinutuyo ang buhok ko gamit ang tuwalya ko.

See? Hindi niya talaga kayang magluto nang mag-isa. Buti nalang at marami pang ingredients ang natira at marami pang manok ang naiwan.

Actually, may party naman si Xavi mamayang gabi pero naisipan namin na regaluhan siya ng paborito niyang pagkain. Dapat kasali si Logan dito kaso nagkamission siya eh tas mamayang gabi pa siya matatapos. At least, makakapunta siya sa party.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa kusina. Napamura ako nang makaamoy ako ng mabahong pagkain. Agad ko namang tinakpan ang ilong ko gamit ang tuwalya na nakapatong sa balikat ko.

Nilapitan ko sina Misty at Kourtney na nasa may stove. Pinatay ni Misty yung stove at inalis yung pan dun.

"Tsk," Sabi ni Misty bago inalis yung kamay niya sa kanyang ilong. "wala na talagang pag-asa yang cooking skills mo."

Ngumuso si Kourtney. "Sabi kasi dito sa cook book, 55 minutes daw pero bat ganito ang kinalabasan?"

Tiningnan ko naman yung cook book. Agad ko siyang pinalo ng sandok nang marealize ko ang katangahan niya. "Idiot! Kasi sa maling page ka nakatingin! Sa Chicken Cacciatore ka kasi nakatingin eh, Chicken Marsala yung lulutuin natin!"

Nasa page 267 ang Chicken Cacciatore habang yung Chicken Marsala ah nasa page 268. Hay nako, Kourtney.

"Lumayas ka na nga dito sa kusina, ako nang bahala dito." Sabi naman ni Misty sabay tulak kay Kourtney.

Umakto na parang naiiyak si Kourtney. "Ihhh, turuan mo nalang ako Misty. Gusto ko talagang magluto eh."

"Determinado ka talagang lutuan si Xavi, ano?" Pang-aasar ko.

Namula siya. "Shempre, hindi! Gusto ko lang talaga matutong magluto."

"Palusot mo bulok," Sabi ko bago naglakad palabas sa kusina. "magbibihis na ako, ah. Magbibis na rin kayo after niyan."

"Copy that!" Sabay nilang sabi.

Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko yung sinabi nila. Mabuti nalang at nakalabas na ako sa kusina para hindi sila magtaka. Sumandal ako sa pader nang may memorya ni Caden na pumasok sa isip ko.

"Stay close to me, okay? Wag kang titingin sa ibang lalaki, sakin lang."

"Kahit sa Papa ni Misty?" Pang-aasar ko.

"Fine, pwede sa kanya dahil birthday niya."

"Copy that," I grinned. "wag ka ring titingin sa ibang babae, babalian kita ng buto."

"Copy that." He smiled.

Pumikit ako na mariin at huminga ng malalim. Stop thinking about him, Dakota. Mahihirapan ka lang magmove on sa pagkamatay niya dahil dito.

****

"Happy birthday, Xav!" Masaya kong sabi bago siya niyakap at hinalikan sa pisngi. "sana magustuhan mo yung niluto namin."

Humalik sa pisngi ko si Xavi bago humiwalay sakin. "Shempre, magugustuhan ko yun. Galing kaya sa inyo yun."

"Kahit galing kay Koko?" I smirked.

Nasira ang mukha niya. "Baka nilason yun ng babaeng yon!"

I chuckled. "Don't worry, hindi niya nilason yun. To be honest, focused na focused siya sa pagluluto kanina tas determinado talaga siya," Pabiro ko siyang sinuntok sa braso. "ayie, kinikilig."

Pinitik niya ang noo ko. "Hindi, ah. Bat naman ako kikiligin?" Umirap siya at nag-iwas ng tingin. Nakita ko namang ngumiti siga ng palihim.

Natawa nalang ako at nagpaalam na kukuha lang ng mainom. Softdrinks na muna ang iinumin ko, baka kasi malasing ako agad. Magmamaneho pa ako eh.

Nang makainom ako mula sa Mountain Dew ko ay kinuha ko ang cellphone ko. Sumimangot ako nang makitang wala pa rin akong text mula kay Glenn.

After kasi naming mag gym kahapon, hindi niya na ako kinausap. Galit kaya sakin yun? Bat naman?

"Nakakaselos kasi eh," Bumuga siya ng hangin. "pero wala naman akong karapatan."

Ay pucha naman! Shempre, alam ko kung anong ibig sabihin nun. Hindi naman ako bobo tsaka nang dahil kay Caden, nakaintindi ako ng mga konteng bagay tungkol sa 'pag-ibig' chuchu na yan.

Pero teka lang, kanino naman siya nagseselos? Dun kay Andrew Padilla? Pfft!

Ano, itetext ko na ba? Baka iseenzone lang ako? Pero baka naman walang load. Weh? Hindi ata bagay sa kanya ang maubusan ng load.

Ngumuso ako habang nakikipagtalo sa sarili ko. Eto talaga ang pinakaaway ko, ang makipagtalo sa sarili ko.

In the end, napagdesisyonan ko nang itext nalang siya. Naisip ko rin na hindi naman kasi talaga kailangan na lalaki yung laging magffirst move. Wala namang masama kung ang babae ang gagawa ng first move. Hindi malandi ang tawag dun, ang tawag dun ay pagiging pantay sa lalaki.

To: Glenn

Oy, okay ka lang? Galit ka ba sakin?

Nang makalipas ang 30 seconds at hindi pa rin siya nagrereply, tinago ko na yung cellphone ko sa bulsa ko. Bumuga ako ng hangin bago naglakad papunta sa lamesa ko. Baka busy.

Pagkaupo ko sa upuan ng lamesa namin ay inubos ko na yung inumin ko. Ang nandito lang sa lamesa namin ay sina Logan at Misty na mukhang naglalandian kaya di nalang ako nagsalita. Si Koko at yung iba naman ay nagsosocialize.

Well, I'm just here. Alone.

Ginala ko ang tingin ko sa venue. Sa function hall ng subdivision kung saan nakatira sina Mr. and Mrs. Sawyer, ang ina at ama ni Xavi, ginanap ang birthday party niya. Gusto kasi ni Xavi pati ng Mama niya ang magpaparty. Spoiled kasi tong si Xavi dahil only son lang siya.

Kumunot ang noo ko nang may iba akong nararamdaman sa corner ng hall. Agad akong tumingin sa right side ko pero wala naman. Parang may sumisilip o nakatingin samin.

Tumingin ako sa gilid ko at nakitang tapos nang maglandian si Misty at Logan. Nagcecellphone na si Logan habang si Misty naman ay nakasimangot habang nakatingin sa crowd.

Hmm, nafeel niya rin siguro.

Tumingin siya sakin at nagsalita. "Something's not right," She said and I nodded. "masama ang kutob ko dito."

"Me too," Sabi ko habang ginagala ang tingin ko. "should we tell the others?"

"We should." Sabi niya at tumango naman ako. Kinausap niya si Logan at ako naman ay tumayo na.

Pucha, Dakota. Deactivated ka pa, diba? Ugh, fuck this.

Kinuha ko yung earpiece na nasa bulsa ko at agad na nilagay yun sa tenga ko. Pinindot ko yung button para makausap yung ibang agents.

"This is Torres. Maging alerto kayo sa paligid niyo, something's not right. Masama ang kutob namin ni Williams dito. Secure the hall, guard the entrance and the exit. Ready your guns and yourselves." Sabi ko bago naglakad lakad dito sa hall.

Masaya lang na nag-uusap ang mga bisita, hindi sila aware na parang may masamang aura dito sa party.

Nakita kong naglalakad papunta sakin si Xavi at Koko kaya tumigil ako sa paglalakad.

"Da, anong meron?" Tanong ni Xavi.

"Xav, kilala mo ba ang mga bisita mo? Silang lahat?" I asked.

"Hindi lahat," Sabi niya bago tumingin sa mga tao. "yung iba ay kaibigan nina Mama at Papa."

Tumango ako. "Okay. Kourtney, gusto kong tumulong ka sa pagsecure sa lugar na to."

"Roger that," Sabi niya. "mag-iingat kayo." Sabi niya bago umalis.

"Ikaw, dito ka lang at kausapin ang mga bisita mo. Party mo to kaya hindi ka pwedeng mawala. Kakausapin ka lang namin sa earpiece kung kailangan ka namin, okay?"

"Okay, Da." Ngumiti siya sakin bago bumalik sa crowd.

I sighed. Sana walang problema ngayon, wala ako sa mood.

Habang naglalakad ako ay nakakita ako ng anino na papasok sa cr. Agad akong pumunta dun, pumasok ako sa banyo at pinatumba yung taong na dun. Agad kong diniin ang mukha niya sa sahig.

"Aray!" Sigaw niya.

I frowned. "Kourtney?!"

"Oo, ako to! Lintek, pwedeng umalis ka na diyan sa ibabaw ko? Ang bigat bigat mong elepante ka." Reklamo niya habang nakadikit ang pisngi niya sa sahig.

Agad akong bumangon at tinulungan siyang makatayo. "Bat ka kasi nandito?! Hindi ba sabi ko sayo ay tumulong kang isecure tong hall?!"

"Gago, shempre nandito ako para umihi! Punong puno na yung pantog ko kakainom ng tubig eh." Umirap siya bago pumasok sa cubicle. Narinig ko ang mabilis na agos ng kanyang ihi kaya napairap ako.

"Babaeng to talaga," Bulong ko. "pagtapos mo diyan, gawin mo na yung trabaho mo, ha."

"Oo na, boss." Sabi niya habang umiihi.

Umirap ulit ako bago lumabas sa banyo. Muntik na akong mapasigaw nang malakas nang makasalubong ko si Xavi.

"Pucha, Xavi. Muntik na akong atakihin sa puso nang dahil sayo." Sabi ko bago pinatong yung kamay ko sa puso kong mabilis ang tibok.

"Sorry," Sabi niya. "may kahina-hinalang mga lalaki dito sa party. Yung isa ay mag-isang nakaupo sa lamesa at nakatingin lang sa crowd. Yung isa naman ay kanina pang nakasandal sa pader sa may exit. Kanina pa silang nakatingin sa inyo habang nakikipag-usap ako sa mga bisita ko. Parehong nakaleather jacket ang mga lalaking to. Should we make a move?"

"Bat di mo nalang ako kinausap sa earpiece?" Tanong ko habang inaayos ang earpiece ko.

"Risky. Kanina pa akong binabantayan nung lalaking nakaupo, baka kung anong isipin kung kausapin kita gamit ang earpiece. Feel ko nararamdaman na nilang nakaalerto na tayo," Sabi niya bago sumulyap sa crowd. "ano, should we make a move?"

"Let's--.."

Hindi na ako natapos sa sasabihin ko nang makarinig kami ng putok ng isang baril. Nagsigawan yung mga tao at nagpatuloy ang pagputok. Agad kaming yumuko ni Xavi at dali daling pumasok sa banyo.

Si Kourtney, kakalabas lang sa banyo at kinukuha ang baril niya mula sa kanyang belt.

"Leche, nagulat ako dun!" Sabi ni Koko.

"Sshh, keep it down." Mahinang sabi ko.

Sinara ni Xavi yung pinto at nilock yun. Kinuha niya ang kanyang baril at kinasa yun. Umupo ako sa sahig at sumandal sa pader.

"What's the plan, boss?" Tanong ni Xavi bago umupo sa tabi ko. Umupo rin sa tabi ko si Koko.

Mas mataas kasi ang rank ko sa kanila kaya tinatawag nila akong boss. Kapag nasa trabaho o mission lang kami.

"Teka," Sabi ko bago pinindot any earpiece ko. "Agents, status report."

Konte lang ang nagreport ng mga status nila, siguro yung iba ay busy sa pagliligtas ng mga tao dahil patuloy pa rin ang ingay sa labas.

"This is Collins," He paused. "ligtas na ang iba pero nawawala si Misty. Hindi rin namin siya macontact gamit ang mga earpiece namin."

"Anong sabi ng agency?"

"They tried reaching her pero wala talaga. Napatumba na namin ang mga nagpaputok ng baril kaya hahanapin na namin siya. Nasan ka?"

Tumayo na ako at sumunod naman silang dalawa. "Nasa banyo kaming tatlo nina Xavi at Koko. Lalabas na kami at hahanapin si Misty."

"Okay, mag-iingat kayo. Baka may mga naiwan pang mga bastardo diyan sa loob ng hall. Contact me if you need backup, copy?"

"Copy," Sabi ko kay Logan. "I'll see you later, mag-iingat kayo."

Tumingin ako kina Xavi at Kourtney bago kinuha ang baril ko mula sa aking belt at kinasa yun. Kahit naman nakadeact ako, dinadala ko pa rin kahit saan ang earpiece at baril ko. Just in case, diba.

"Ready?"

"Ready." Sabay nilang sabi kaya tumango.

Huminga ako ng malalim bago binuksan yung pinto at dali daling lumabas mula sa banyo.

Naging maingat kaming tatlo at naging tahimik. Alerto kami sa paligid namin dahil baka may mga hayop pang naiwan dito.

Magulo na ang hall at maraming patay na katawan sa sahig. Halos lahat ay nakaitim at nakamask, ito ata yung mga hayop na pinatumba nila Logan.

Bang!

Napatingin naman ako sa gilid kong nang magpaputok si Xavi. Napatumba niya yung hayop na kakapasok lang sa hall. Marami pang nagsipasok kaya agad kaming nagpaputok. Dali dali kaming naghanap ng matataguan para hindi kami matamaan.

"Ayos lang ba kayo?" Tanong ko sa kanila gamit ang earpiece.

"Sawyer," He paused. "I'm fine." Sabi ni Xavi.

"Laxaviel. I'm good." Sabi naman ni Koko.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Hinanda ko ang baril ko bago nagsalita ulit sa earpiece ko. "Good. Walang mamamatay, copy?" Mariin kong sabi.

"Copy, boss." Sabi nilang lahat.

Tumango ako at agad na lumabas mula sa pinagtataguan ko at pinagbabaril ang mga hayop na to.

Ako ang tinatarget nila kaya kinakailangan kong magtago ulit para makaiwas sa mga bala nila.

Tumingin ako kina Xavi at Koko na pinagbabaril ang mga bastardong yun.

"Bat parang si Dakota ang pakay nila?!" Sigaw ni Kourtney habang nagbabaril.

"Pansin ko rin!" Nanggigigil na sabi ni Xavi. "hala sige, ubusin natin tong mga tarantadong to!"

I frowned. Oo nga, bat parang ako ang pakay nila?

Nilabas ko ulit ang sarili ko at pinagbabaril ang mga gagong to. Napatingin ako dun sa kamay nung binabaril ko at nakitang may maliit na marka dun. Agad ko itong pinatumba at pinatumba rin yung iba.

Saktong naubos ang bala ko ay naubos din namin silang lahat. Nakita kong bumuga ng hangin sina Xavi at Kourtney bago napaupo sa sahig.

"Mga tanginang to, akala siguro nila matatalo nila tayo." Inis na sabi ni Xavi.

"Napagod ako, ah." Sabi ni Kourtney.

Agad kong nilapitan yung lalaking may marka sa kanyang kamay. Tiningnan ko ng maigi yun at mukhang logo ata yun. Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan yun.

Tumingin ako sa kanilang dalawa bago nagsalita. "Tara na, sundan na natin yung iba."

Tumango sila at dali daling tumayo. Tumakbo na kami palabas dito sa hall at papunta sa parking lot.

"Collins, status report!" Sigaw ko sa earpiece habang tumatakbo.

"Collins. Naikot na namin ang buong subdivision pero wala si Misty. Palabas na kami sa subdivision, babalik kami sa agency para kumuha ng mga bagong baril at bala. Pinapatawag din tayo ni Chief."

Fuck it! I'm sure she's been kidnapped by these fucking assholes!

"Alright, susunod kami." Sabi ko bago kinuha yung susi ng kotse ko sa aking bulsa at pinatunog ang kotse ko.

Dali dali kaming sumakay dun, agad kong binuhay ang makina at nilock ang mga pinto. Agad ko piinaharurot ang kotse ko palabas dito sa subdivision at papunta sa agency.

Kung ako ang pakay nila, bakit nila kinuha si Misty?

Nag-init ang dugo ko dahil sa kagagawan ng mga hayop na yun. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa manibela.

Mananagot sakin ang may pasimuno nito at yung tattoo na nasa litratong kinuha ko ang makakatulong samin para matukoy namin kung sino ang pasimuno sa pag-atakeng ito.

________

Oooohhhlala :>


Continue Reading

You'll Also Like

12.9K 664 14
NOVELETTE | COMPLETED Mars Benedict Chasseur was both happy and stressed after finding out that his mate was a 7-year-old Pouvoirer-evil-Goddess-vamp...
210K 7.2K 31
Alpha's are the Wisest, Strongest, the highest ranking member who holds control towards their territory. And those territories, those lands were rule...
760K 40K 40
(REAGAN SERIES #3) Scarlett Amara Torres is the shy and outcast heiress of Torres Apparel Corporation. She discovered her fiance had cheated on her w...
9.2K 891 37
Lethal Call (Mycroft Detective Coalition Series 1) |Collaboration Series| A lingering sense of unease fills the air. Was it a misdialed number or a d...