When Dyuswa Meets Purita

By danjavu

2M 67K 12.2K

Dear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinata... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Part 58
Part 59
Part 60
Part 61
Part 62
Part 64
Part 63
Part 65
Part 66
Part 67
Part 68
Part 69
Part 70
Part 71
Part 72
Part 73
Part 74
Part 75
Part 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Special Chapter
Author's Note, Please Read...
When Dyuswa Meets Purita Again Book 2- Teaser
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12 (1)- Luke
Kabanata 12 (2)
Kabanata 13- Kidnapper and the Rain Lover
Kabanata 14-
Kabanata 15
Kabanata 16- Hunch
Kabanata 17- Subconsciously
Kabanata 18- Pink Lollipop
Kabanata 19- Drunken Love
Kabanata 20- To The Rescue
Kabanata 21- "Hindi gano'n kadali iyon"
Kabanata 22- Ano bang ginawa mo?
Kabanata 23- Feels Like Home
Kabanata 24
Kabanata 25- The Awakening
Kabanata 26- Outburst
Kabanata 27- Huwag Magpa-ligaw
Kabanata 28- Can You Hear Me?
Kabanata 29- Global Warming
Kabanata 30- Hindi siya ikaw
Kabanata 31- Jirits na Jirits
Kabanata 32- Siya pa rin
Kabanata 33- Super...Stupid...Bull!
Kabanata 34- All for him
Kabanata 35- Halaga
Kabanata 36- Return
Kabanata 37- Closing Time
Kabanata 38- Unfairy Tale
Kabanata 39- New World
Kabanata 40- Ship and Flower
Kabanata 41- Condo Talking
Kabanata 42- Clever
Kabanata 43- Unexpected
Kabanata 44- Claim
Kabanata 45- I'm In
Kabanata 46- Red Horse
Kabanata 47- Girlfriend
Kabanata 48- Not Today
Kabanata 49- Ang Sinturon
Kabanata 50- Fallen
Kabanata 51- The First Layer
Kabanata 52- Flirt
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
The Finale
The Final Finale
Announcement MUST READ

Kabanata 59

8.8K 257 81
By danjavu

Offer

Matapos ang event ay dumiretso kami sa hotel kung saan idadaos ang celebration. Successful daw ang fashion show at tuwang-tuwa ang mga sponsors. Halos ayaw namang bitawan ni miss Pia ang mga kamay ko.

"Oh my goodness Ayissha! Sobrang hot ng production niyo ni Parker. Kinilig talaga ako, promise! Nakakadala kayong dalawa," maluha-luhang sabi niya.

"Hindi po ba panget tingnan. Kasi may ginawa ang lalaking iyon na hindi kasama sa plano eh."

Itinagilid niya ang kanyang ulo na parang nag-iisip.

"Ang alin do'n?" maang niyang tanong sa akin.

"Ang..."

Emerged. Parang nahihiya naman daw akong sabihin ang ginawa ni Dyuswa.

"Ang kiss?" nakangiti niyang sabi habang nakaangat ang kanang kilay niya.

Uminit ang magkabilang pisngi ko. Nakakaloka! Mahina akong tumango.

"Ano ka ba. Walang problema iyon Ayissha. In fact, dumagdag iyon sa kagandahan ng show. Naiisip ko rin iyon kaso naisip ko rin na hindi ka papayag kasi hindi mo naman boyfriend si Craig."

"Ah, eh. Gano'n po ba?"

"Oo. Ah, siya nga pala. Where's Parker?" tanong niya.

Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid kaya iyon din ang ginawa ko. Hindi ko na kasi siya pinansin pagkatapos ng show kanina. At hindi ko rin alam kung sumunod ba siya rito sa hotel o wala.

WALA. AKONG. PAKIALAM!

Saglit muna akong iniwan ni miss Pia para harapin ang mga representatives na dumalo rin sa celebration.

Lumapit sa akin si Craig at ginulo ang buhok ko. Inis ko siyang tiningnan subalit nginisihan niya lang ako.

"Feel na feel mo kanina ah," nang-aasar niyang sabi.

Nagsimula akong maglakad at nakabuntot naman siya sa akin.

"Anong pinagsasabi mo d'yan?"

Lumapit ako sa buffet para kumuha ng makakain. Kumuha ako ng pinggan.

"Alam mo habang pinapanood ko kayo, kitang-kita ko talaga ang pagnanasa mo sa boyfriend mo."

Pakiramdam ko ay lumaki ang butas ng ilong ko sa sinabi niya. Hindi ko natuloy ang pagsalin ng pagkain sa pinggan ko.

"Huwag kang gumawa-gawa ng kwento Craig ha! Ipalunok ko sa'yo 'to eh, " pagbabanta ko sa kanya habang iwinawasiwas ang serving spoon sa ere.

Natatawa naman siyang itinaas ang mga kamay. Inirapan ko lang siya ay nagpatuloy na sa paglagay ng pagkain sa pinggan ko.

"Pero ang lubos kong ipinagtataka ay bakit siya ang nandoon instead kay Ronnie?" tanong ko habang naglalakad papuntang bakanteng mesa.

Inilapag ko ang aking dala sa mesa at naupo na. Umupo naman si Craig sa upuang nakaharap sa akin. He folded his arms on his chest habang nakangisi sa akin.

"Alam mo kanina ka pa ha. Anong inginingisi-ngisi mo d'yan?"

He shrugged his shoulders pero nasa labi pa rin ang kakaibang ngisi. Naasar na ako.

"May problema ka ba? Para kang abnormal d'yan."

"Wala naman."

Hindi ko na lang siya pinansin. Hinarap ko na lang ang pagkain saka nagsimula nang kumain.

"Ang sarap palang asarin ng nobyo mo, ano?" natatawa niyang sabi.

Inangat ko ang aking ulo at tiningnan siya. "Anong ibig mong sabihin?"

Craig's POV

Nang lumabas si Ayissha ay muli akong binalikan ni Pia. I know she's just holding back her anger towards me kanina dahil nandiyan pa si Ayissha. Now that she's out of our sight, kakarate-hin na ako nito.

"What the hell did happen Craig?" pagsisimula niya.

"Naikuwento na sa'yo ni Ayissha di ba?"

"Oo nga! Pero bakit hinayaan mong mangyari iyan sa'yo?" nanliliit ang mga mata niyang sabi.

"I was caught offguard okay?"

Talaga namang nagulat ako sa pagsugod na iyon ni Joshua. Kaagad akong tumihaya sa sahig at sinalubong na lang lahat ng mga suntok niya.

"Wala ka man lang ginawa!"

"So gusto mong gantihan ko siya?"

Kaagad naman siyang umiling. "Eh di sana umiwas ka na lang! Alam mo namang may boyfriend na si Ayissha sumama ka pa sa kanya sa Campuestuhan. And for Pete's sake, Craig. May girlfriend ka na rin!"

Napabuntong-hininga ako. I don't know what happened. Ella was my first love and I still love her. Pero ewan ko ba. Parang may nagbago na sa nararamdaman ko. We seldom communicate lately. She's busy in US at naiintindihan ko naman iyon. May ginagawa naman ako rito pero hindi ko naman ma-consider na busy ako.

Kung mag-usap man kami, hindi naman sa magandang usapan napupunta. Nagagalit siya sa mga walang kwentang bagay. Minsan naiisip ko na baka naghahanap na lang talaga siya ng paraan para ako ang unang sumuko sa amin. Para ako ang mang-iwan sa kanya. Ako ang magmukhang masama at sa akin mapunta ang sisi.

"Magkaibigan lang kami ni Ayissha."

"Magkaibigan? Baka para kay Ayissha. Eh ano para sa'yo? Kaibigan pa rin ba siya sa'yo? Eh hindi ba noon na muntik mo na siyang ligawan kung hindi lang muling nagparamdam si Ella? At ngayong wala na naman si Ella, nasa kay Ayissha na naman nabaling ang atensiyon mo. Umayos ka Craig!" panenermon niya sa akin.

Alam ko kung ano ang meron sa amin ni Ayissha. At aaminin ko na mahigit pa sa kaibigan ang turing ko sa kanya. Noong wala pa si Ella ay gustong-gusto ko na siyang ligawan. I found something in her na hindi ko makikita sa kahit na sino mang babae. Kahit na kay Ella pa. Pero nahinto ang balak kong iyon dahil bumalik si Ella at sinabing mahal niya pa ako.

Mahal ko pa rin naman si Ella kaya I chose her kesa sa nararamdaman ko kay Ayissha. And I am very much aware na may iba siyang gusto.

Pero ewan ko ba. Hindi nawawala ang nararamdaman kong iyon kay Ayissha kahit nandiyan na si Ella at kahit may boyfriend na rin siya. Siguro hindi na ito mawawala. Minsan darating sa punto ng ating buhay na may magugustuhan tayong tao kahit na taken na tayo. Hindi ko alam kung matatawag ba iyang kalandian pero I am experiencing that feeling.

"Tingnan mo, anong nangyari diyan sa mukha mo! "

"Relax ka lang."

"Relax? You think I can relax gayong hindi ko alam kung sino ang papalit sa'yo mamaya?"

"Let me handle this, okay? Ako ang bahala sa'yo," nakangisi kong sabi sa kanya.

"Kung hindi lang kita pinsan matagal na kitang pinaalis sa agency!"

"Oh well, thanks a lot cousin. Saka ayaw mo namang malaman ng iba na mag-pinsan tayo di ba? Kaya chill. I'll find a way!"

"Eff you! "

Pinagtawanan ko lang siya ng malakas.

"Go find a boyfriend, cousin!" pahabol ko sa kanya habang nagmamaktol siyang lumabas ng office.

Nang sarado na ang pinto ay saka ko kinuha ang phone sa aking bulsa. Buti na lang at na-save ko ang number niya.

"Hello?" bungad niya sa kabilang linya.

"Yes. Si Craig ito!"

Tumunog ang phone tanda na binabaan niya ako ng tawag. Tarantado 'to ah!

Craig:
We'll having a sensual fashion show later. Sensual pare. You know what that means? I' ll touch every part of your girlfriend.

Naiiling na nakangiti pa akong sinend ang message na iyon sa kanya. Inilapag ko ang phone sa table at sumandal sa upuan.

Ilang sandali pa ay tumunog agad ang phone. Tiningnan ko kung sino iyon.

Panget calling...

Mga ten seconds pa ang pinalipas ko bago sinagot ang tawag.

"Hayop ka! Don't you dare do that to my girlfriend. Hindi lang mukha mo ang mababangasan kapag ginawa mo 'yan!"

Gusto kong matawa dahil sa sinabi niya. Inis na inis ang loko.

"Kung ayaw mong mangyari' yan, magkita tayo mamayang hapon," sabi ko at binaba na ang tawag.

Alam ko ring magbaba ng tawag pare!

***
PURITA'S POV

"Eh kasalanan mo pala! Ikaw ang nag-isip na siya ang pumalit sa'yo!" naghihimutok sa inis kong sabi sa kanya.

"Ako nga. And I don't regret it," nakangiti niyang sabi.

"Nakakainis ka! Iniiwasan ko nga ang tao tapos ikaw pa ang naglalapit sa akin sa kanya?"

Saglit siyang natahimik. "Mahirap na kasing naiiwan kang mag-isa Ayissha."

"Bakit?"

"Kasi hindi ko na mapipigilan ang pag-aaligid sa'yo ng ibang lalaki. Mas mabuting kasama mo palagi ang boyfriend mo para hindi makalimutan ng ibang lalaki na taken ka na. Na may mahal ka ng iba. Na hindi ka na tumitingin pa sa iba, " sabi niya at tumingin sa ibang direksiyon.

" Tss. Kahit na. Sana sinabi mo sa akin ang plano mo para aware naman ako kahit papano!"

"Kung sinabi ko ba papayag ka?"

Natigil ako sa pagsubo at tiningnan siya. "Hindi."

" See? Kaya mas mainam na hindi ko nasabi sa'yo."

Hindi ko na naipagpatuloy ang pagsasalita at kumain na lang nang kumain. Ang sarap naman ng mga pagkain rito. Sino kayang nagluto ng mga ito?

"Oh, dahan-dahan lang. Baka masira tiyan mo niyan."

Inismidan ko lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Nahinto lang ako nang may lumapit sa amin. Si miss Pia at iyong isang representative na tibo na panay ang tingin sa akin dati. Pareho silang nakangiti sa akin.

"Miss Imelda, heto nga pala si Ayissha. Isa sa top models ng ASMA!" nagmamalaking sabi ni miss Pia.

Nilunok ko na lang bigla ang nasa bunganga ko saka tumayo.

"Good evening po, Miss Imelda," magalang kong sabi.

Ngumiti siya sa akin but the curiosity in her face is still there.

"Good evening. Mas lalo ka palang maganda sa malapitan iha."

"Hindi naman po masyado, miss Imelda," kunwari ay nahihiya kong sabi.

"Humble na po siya sa lagay na iyan, Miss Imelda," natatawang singit ni Craig kaya naman palihim ko siyang sinamaan ng tingin.

"Anyway, Miss Imelda came here to tell you something," masayang sabi ni miss Pia sa akin.

Bahagya akong kinabahan. "A-ano po 'yon?"

"I have an offer."

Napalunok ako ng aking laway. Alam ko na. Baka kunin niya akong maging model sa labas ng bansa. Omow!

"And I want to discuss it with you privately," nakangiti niyang sabi.

Parang gusto ko agad i-reject ang offer niya. Sinasabi ko na nga ba at tomboy ito eh. May pagnanasa sa akin. Emerged. Ayoko!

"K-kelan po?"

"We can discuss it now if you want. Don't worry. Mabilis lang naman ito," hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi.

"Ah, s-sige po."

"Good. Let's go?" anyaya niya.

Nakangiti namang tumango sa akin si miss Pia gayon din si Craig. Wala naman sigurong masamang mangyayari di ba?

***
Matapos ang pag-uusap namin ni Miss Imelda ay bumalik na ako sa venue ng celebration. Hindi na siya sumama dahil may aasikasuhin pa raw itong importante. Pinahatid niya lang ako sa isa sa mga bodyguard niya.

Nadatnan kong nandoon na si Dyuswa. Masaya siyang nakikipag-usap sa mga co-models ko. Nandoon na rin ang ahas na si Tiffany.

Nag-iwas ako ng tingin at dumiretso sa direksiyon kung saan naroroon si Craig. May kausap siya sa phone. Nakakunot ang noo. Baka si Ella. Nag-aaway na naman ba sila?

Binaba niya ang phone niya nang makita ako.

"Si Kelly."

"Oh bakit? Anong nangyari sa kanya? ", nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Nasa airport siya. Nagpapasundo. Ayaw niya namang sumakay ng taxi dahil natatakot siya lalo na at gabi pa."

"Gano'n ba? Samahan na kita," pagboboluntaryo ko sabay sukbit ng aking bag.

Kaagad siyang umiling. "Nandito ang boyfriend mo, Ayissha."

"Eh ano naman ngayon?"

"Maawa ka naman sa mukha ko, Ayissha,"natatawa niyang sabi. "Maawa ka sa nararamdaman ko," dugtong niya at biglang lumamlam ang kanyang mga mata.

Bakit kaya parang may kakaiba sa sinabi niyang iyon?

Ilang sandali pa ay tumawa siya saka tumayo na. "Stay here. Bantayan mo 'yang boyfriend mo at baka maunahan ka ng iba d'yan," sabi niya habang palipat-lipat ang tingin kay Dyuswa at Tiffany.

He tapped my shoulder bago siya nagpaalam sa akin. Kaya naman naiwan akong mag-isa rito sa table ko.

Now what?

Nagtatalo pa ang isip ko kung ano ang gagawin ko. Bago pa man ako makapag-desisyon ay may lumapit na sa aking isang male model.

"Ayissha, right?" nakangiting sabi niya.

Tipid akong ngumiti sa kanya. Ang laki kasi ng problema ko. Wala talaga ako sa mood makipag-usap ngayon. Pero wala rin ako sa mood para mambastos. Saka isa pa hindi naman ako bastos eh. Maganda lang.

"I'm Stefan. Bagong recruit ng agency."

"Ah. Kaya naman pala ngayon lang kita nakita," patango-tango kong sabi.

"Okay lang ba sa'yo na tabihan kita rito? Actually, kanina pa ako gustong lumapit sa'yo kaso nahihiya ako eh. Nakakatunaw kasi ang ganda mo," sabi niya na nakahawak pa sa kanyang batok.

"Hala? Buti hindi ka natunaw ngayon?" natatawa kong sabi.

Bahagya siyang namula.

"Mas lalo kang gumaganda kapag tumatawa."

Pwedeng kiligin? Kahit slight lang? Marahan ko siyang hinampas sa balikat dahilan kaya mas lalo siyang namula.

"Ikaw naman. Alam ko. Alam ko."

"Mmm, congratulations nga pala. Ang galing mo kanina."

"Ah, hehe. Salamat."

"Boyfriend mo ba ang partner mo kanina?"

"Ah..."

"Yes. And kukunin ko na ang girlfriend ko," sabad ni Dyuswa sa likuran ni Stefan at pinagdiinan pa talaga ang salitang 'girlfriend'.

Bago pa man may makapagsalita sa amin ni Stefan ay hilang-hila na niya ako. Nakita ko pa si Miss Pia na hindi natuloy ang paglapit sa akin dahil palabas na kami ni Dyuswa.

"Dyuswa, bitiwan mo ako," pagpupumiglas ko.

Pero hindi niya ako pinakinggan. Pumasok kami sa elevator na medyo may karamihang sakay. Hindi niya pa rin ako binibitawan. Hanggang sa makalabas kami ng elevator at makalabas ng hotel ay hawak-hawak niya pa rin ako.

"Ano bang problema mo? Bitawan mo nga ako!" hindi ko na napigilan ang sigawan siya.

Nasa kalsada na kami. Sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin at hindi naman ako nabigo.

"What are you doing?" matigas na Ingles niyang tanong sa akin.

"Ano bang ginagawa ko? Wala naman di ba?" nakipagsukatan ako sa kanyang tingin.

"Bakit ka nakikipag-usap sa lalaking iyon?"

"Bakit ka ba nagagalit? At saka bakit ka nandito? Di ba sabi mo hindi ko na makikita ang hinahanap ko? Bakit nandito ka sa harapan ko ngayon?"

"Dahil mahal kita Purita!"

Natahimik ako. Pero saglit lang iyon. Mapakla akong tumawa.

"Hindi ba at hindi mo na ako mahal? Hindi ba?!" mangiyak-ngiyak kong sumbat sa kanya.

His eyebrows furrowed. Oo na. Kahit ikinaganda ko ang furrowed na 'yan ay hindi ko muna iyan iisipin sa ngayon!

"What are you talking about?"

Napabuga ako ng apoy. Char. Hay. Hangin pala. Seryoso akong tumingin sa kanya.

"What am I talking about? Seryoso ka sa tanong mo?" I asked in disbelief.

"Alam mong seryoso ako sa ganitong bagay Purita! So please, take me seriously!" ma-awtoridad niyang sabi sa akin.

"Noong nanood tayo ng sine...may tumawag sa'yo. Sinundan kita. N-narinig...narinig ko ang pinag-usapan niyo, " nanginginig ang labi kong sabi.

Hinimas niya ang kanyang noo saka nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

" At narinig kong sinabi mo na I don't love her. Alam mo ba kung gaano kasakit na marinig iyon galing sa taong akala mo ay mahal na mahal ka?"

Umihip ang malakas na hangin kaya naman malaya nitong nililipad-lipad ang aking buhok. Bahagyang kumirot ang tiyan ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"Damn. It's a misunderstanding."

"Misunderstanding-in mong puwet mo! Pakers ka Dyuswa Parker Raymundo! Manloloko ka!"

"Look. Let me explain baby..."

Sinubukan niyang lumapit sa akin kaya naman humakbang ako paatras. Patuloy pa rin siya sa paglapit sa akin kaya itinaas ko ang aking dalawang kamay.

"Subukan mong lumapit Dyuswa. Magsisisi ka talaga!"

"You're my sweetest regret Purita. I don't give a damn care sa pagsisisi na 'yan."

Hindi na ako nakaatras pa dahil wala na akong aatrasan. Not unless kung magpapasagasa ako sa mga humaharurot na sasakyan.

Saglit pa siyang ngumiti saka tuluyan nang lumapit sa akin. Ilang sandali pa ay tiningnan niya ako sa aking mga mata at kumunot ang kanyang ilong. Napabuntong-hininga ako saka yumuko.

Dilang-mother! Nakakahiya! Narinig ko ang ilang hakbang niyang papalapit sa akin. Naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa baba ko para tumingala ako at mag-lebel ang tingin naming dalawa.

"Alam kong umutot ka pero wala akong pakialam."

Palihim kong kinagat ang dila ko. Kailangan sabihin pa talaga iyon?

"Sana sinabi mo sa akin para nakapagpaliwanag ako sa'yo. Hindi na nagkakaganyan ka dahil nag-conclude ka na lang bigla."

"Eh sino pa ang pinapatungkulan mo no'n ha? Ako lang naman ang girlfriend mo!"

Mariin siyang pumikit saka nagpakawala ng malalim na hininga. Ilang sandali pa ay tiningnan niya ako.

"Si Michelle. "

" Si Michelle?" naguguluhan kong tanong.

"Nandito siya sa Maynila,"mahina niyang sabi.

Nagtataka akong tiningnan siya. "Bakit?"

"She's pregnant."

Nagulantang ako sa narinig. Buntis si Michelle? Enbelebel! Paano nangyari iyon?

Syempre Purita. Nag-ano sila. Wag ka ngang tanga. Pero kay kanino? Nakakawindang talaga ang balitang ito. May mas nakakawindang pa kayang balita kesa rito?

"And she's telling me that I am the father ng kanyang dinadala."

Ay pakers! Meron pa nga pala talaga!

"I-ikaw ang ama? Ikaw ang ama?! " paulit-ulit kong tanong sa kanya hanggang sa maramdaman ko ang paglandas ng luha sa aking mga mata.

Bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Pinilit ko siyang itulak palayo subalit wala iyong panama sa higpit nang pagkakayakap niya sa akin. Hinding-hindi ko matatanggap iyon.

"Baby, believe me. Hindi ako ang ama nang dinadala niya. I never touched her."

"Pero bakit niya sinabi na ikaw ang ama?"

"I don't know what's her motive why she did that. Pero paniwalaan mo ako, baby."

"Hindi niya sasabihin iyon kung hindi totoo, Dyuswa. Alam natin pareho kung gaano kabait si Michelle."

Naniniwala akong hindi magagawa ni Michelle iyon kung hindi rin naman totoo. Alam naman nito na girlfriend ako ni Dyuswa. She won't do anything para masira kaming dalawa. At ang pagparaya niya rati ang basehan ko kung bakit ko siya papaniwalaan ngayon.

"Mas pinapaniwalaan mo siya kesa sa akin?" may bahid ng pait niyang tanong sa akin.

Matagal kaming nagtitigan bago ako mahinang tumango. Napahawak siya sa kanyang batok.

"What do you want me to do then? Para paniwalaan mo ako na hindi ako ang ama nang dinadala ni Michelle?"

Gusto kong magsalita agad pero walang namutawi sa aking mga labi. Ang salitang gusto kong bitawan ay pilit na pinipigilan ng aking puso.

"Baby..."

"Dyuswa, okay lang din naman sa akin kung sabihin mo ang totoo eh. Huwag lang ganito. Huwag mo akong pasayahin sa kasinungalingan," may halong pagmamakaawa kong sabi sa kanya.

"I'm telling the truth, Purita."

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Iwan mo muna ako Dyuswa. Pagod ako."

Nabigla siya sa sinabi ko. "Anong ibig mong sabihin?"

Ilang sandali pa ay isa-isang pumatak ang aking mga luha. "Tinanggap ko na ang offer na inalok sa akin na maging model abroad," nahihirapan kong sabi sa kanya.

"W-what? Purita, ano bang nangyayari sa'yo? Bakit...bakit nagdedesisyon ka ng mag-isa?" gumagaralgal ang boses niyang tanong sa akin.

He looked hurt. At ayokong nakikita siyang gano'n so I looked away.

"Desisyon ko ito, Dyuswa. I'm just being practical now," naisagot ko na lang.

"By leaving me here?"

Tumingala ako para makahinga nang mabuti. Ilang sandali pa ay nakaipon ako ng lakas ng loob para harapin siya.

"It's for the best," sagot ko.

Napahilamos siya ng kanyang mukha. Napabuga ng hangin at maluha-luha akong hinarap.

"Mahal mo ako di ba?" nanginginig ang boses niyang tanong sa akin.

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi ko.

"Mahal mo ako baby, di ba?"

"Oo."

Ayokong magsinungaling. Mahal ko si Dyuswa. Pero sadyang may mga bagay lang talaga na hindi mo makuha ng sabay. We can't have it all.

"Eh bakit mo ako iiwanan?" kumislap ang mga mata niya dahil sa luhang lumalabas dito.

At iyon ang pinakamahirap niyang tanong sa akin. Parang may sumasaksak sa puso ko ngayon. Kaagad akong tumalikod at doon na nagsilabasan ulit ang aking mga luha.

Napapikit ako nang maramdamang may yumakap sa likuran ko. Damang-dama ko ang mabilis na paghinga ni Dyuswa.

"Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan. Wala akong ginawang masama sa'yo Purita. Kaya bakit mo ginagawa 'to?"

Tatanggalin ko na sana ang mga kamay niyang nakapulupot sa tiyan ko pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin.

"Baby, please. Huwag mo akong iiwan. Hindi ko kaya."

"Tigilan na muna natin ito. Mas kailangan ka ni Michelle. Ng magiging anak niyo," parang pinipilipit ang puso ko sa isiping siya ang ama ng bata.

"Purita..."

"I just realized I'm better off without you. Napapagod na akong masaktan Dyuswa. Nakaya ko naman nang iwan mo ako rati eh. At mas kakayanin ko ngayon ng wala ka," nahihirapan kong sabi sa kanya.

Mahal kita Dyuswa. Mahal na mahal. Pero hanggang kailan ako masasaktan? Paulit-ulit na lang ba? Nakakapagod na rin ang ganito. Magiging masaya ako ngayon pero kinabukasan hindi na.

Ramdam ko ang panginginig nga aking mga balikat. Parang gusto kong bawiin ang sinabi ko pero naniniwala akong iyon ang tama. Para sa ikabubuti ng lahat.

Ilang sandali pa ay dahan-dahan niyang tinanggal ang mga kamay niyang nakayakap sa akin. Sa ginawa niyang iyon ay pakiramdam ko sumuko na rin siya. Pakiramdam ko ay mawawala na siya ng tuluyan sa akin.

Pero iyon naman ang gusto mong mangyari Purita di ba? Na lumayo sa kanya. Dahil takot ka nang masaktan ulit. Kaya huwag kang gaga! Desisyon mo iyan kaya panindigan mo.

Pareho kaming napalingon sa sasakyang huminto sa tapat namin. Bumukas ang bintana ng driver's seat at dumungaw roon si tita Veronica. Halos hindi siya makatingin sa akin at hindi ko alam ang dahilan kung bakit. Lumagpas ang tingin ko papunta sa babaeng katabi nito.

Si Michelle. Tipid itong ngumiti sa akin. Muli kong naramdaman ang pag-init nang magkabilang mata ko.

"Iho..." tawag ni tita Veronica kay Dyuswa at hindi pa rin makatingin sa akin.

Walang lingon-likod na lumapit sa sasakyan si Dyuswa at sumakay roon. Habang papaliit nang papaliit ang sasakyan ay padurog nang padurog naman ang puso ko.

Kung hindi totoong hindi siya ang ama nang dinadala ni Michelle, bakit kasama nito si tita Veronica?

Ang sinungaling mo Dyuswa!

Para akong zombie na naglalakad sa kalsada ng biglang tumunog ang phone ko. Wala sa loob ko itong sinagot.

"Hello?"

"Purita!" si tita Sarah.

"Tita! Ano na pong balita d'yan?"

Humagulhol si tita Sarah sa kabilang linya kaya naman napakagat ako ng aking labi.

"Hindi pa rin siya nagigising. At hindi alam ng doktor kung kailan siya magigising. Si ate, Purita! Si ate! "

Hindi ko na alam kung paano ko pipigilan ang aking mga luha. Sa bawat pagpunas ko kasi ay mas lalong nadadagdagan lang ang lumalabas sa aking mga mata.

Habang nag-uusap kasi kami kanina ni Miss Imelda ay tumawag si tita Sarah. Binalita niya sa akin na na-stroke si inay. Malala na raw ngayon. Kaya nang binigyan ako ng offer ni Miss Imelda na maging model abroad ay tinanggap ko na. Kailangan ko ito para may ipambayad ako sa hospital at sa pagpapagamot kay inay.

At ngayon...natatakot ako na baka hindi na maagapan si inay. Ayokong maulit ang nangyari kay itay. Ngayong may trabaho na ako ay hindi ko hahayaang may mangyaring hindi maganda kay inay.

***

MICHELLE'S POV

Sobrang tahimik ng biyahe namin. Hindi ko alam kung paano ko sila kakausapin. Nahihiya akong makipag-usap kay tita Veronica kasi alam na niya ang totoo. At natatakot naman ako kay Dyuswa dahil halatang-halata sa mukha niya ngayon ang hirap at sakit.

Palihim kong hinawakan ang tiyan ko. Baby, konting tiis lang ha? Kaya natin 'to. Napabuntong-hininga ako. Muli akong sumulyap kay Dyuswa.

Anong pinag-usapan nila ni Ayissha? Nag-away ba sila ng dahil sa akin? Binabayo ako ng konsensiya pero anong magagawa ko? Ito lang ang paraang alam ko para matanggap ulit ako ng aking mga magulang.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay na tinutuluyan ko. Naunang bumaba si tita Veronica. Tiningnan ko pa muna si Joshua bago ako bumaba.

Inabot sa akin ni tita ang ilang pinamili namin.

"Ang mga vitamins mo iha. Huwag mong kakalimutang inumin. Don't stress yourself," mahinahong habilin niya sa akin.

"Salamat po tita."

Tipid lang siyang ngumiti sa akin. Sabay kaming napalingon nang bumaba si Joshua.

"Josh?" sabi ko at saka pilit na ngumiti sa kanya. "Magpapa-check up ako bukas. Samahan mo kami ng baby natin ha?"

Matalas niya akong tiningnan kaya naman nakaramdam ako ng takot. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Sobrang higpit nang pagkakahawak niya na parang bumabaon ang mga daliri niya sa akin.

"J-Josh, nasasaktan ako."

"Anak..."

"Alam kong alam mo na hindi ako ang ama niyan. Stop it Michelle dahil hindi na ako natutuwa!" galit niyang sabi.

"Josh, anak natin siya," sabi ko at umiyak na.

"Nahihibang ka na! Bakit sa akin mo ipapasa ang responsibilidad na 'yan ha?! Hindi mo alam kung sinong tumira sa'yo kaya ako itong binalikan mo?!"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa ni tita Veronica kay Joshua. Pero parang wala lang iyon sa kanya kahit namumula na ang pisngi nito sa lakas ng sampal ni tita.

"Hindi kita pinalaking bastos!"

"Pati ba kayo Ma naniniwala sa kanya?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo. Naniniwala ako sa kanya," sagot ni tita.

Tinakpan niya ang kanyang mga mata habang nakayuko.

"Okay lang sa akin na hindi mo ako paniwalaan Ma, eh. Tanggap ko 'yon. Pero ang hindi ko matanggap ay pati mismo ang babaeng pinakaminamahal ko ay naniwala rin. Ang sakit no'n Ma. Sobrang sakit!" umiiyak na sabi ni Joshua.

Napatakip ako ng aking bibig. Ngayon ko lang kasi nakita ang ganitong pag-iyak ni Joshua eh. Ang iyak na kahit sino mang makakita ay masasaktan. Pero anong magagawa ko?

"Ngayong wala na siya sa akin, hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay ko," sabi niya at naglakad palayo sa amin.

"T-Tita..."

Hinarap ako ni tita Veronica na ngayon ay naluluha na rin.

"Sinaktan ko ang anak ko. Nasaktan ko siya. Wala akong kwentang ina. Wala talaga akong kwentang ina."

Hindi ko alam kung anong sasabihin kaya niyakap ko na lang siya.

"I'm sorry tita. I'm really sorry!"

***

JOSHUA'S POV

"Miss Imelda Severano," tawag ko sa kanya right after ng fashion show.

Kanina habang nasa stage kami ay napansin ko na siya. Nagulat pa nga ako nang makita siya roon. Isa pala siyang representative ng isang international modelling agency.

Lalapit na sana ako sa kanya subalit hinarangan na ako ng dalawang bodyguards niya.

"It's okay, " sabi niya sa dalawa kaya naman binigyan nila ako ng daan papalapit sa kanya.

"Anong maipaglilingkod ko sa'yo iho?" nakangiti niyang sabi.

"May gusto lang po sana akong itanong sa inyo."

"Ano 'yon?"

"Kung pupwede po sana ay tayong dalawa lang," sabi ko sabay tingin sa dalawang guards sa tabi namin.

Tinanguan niya ang dalawang guards kaya bahagyang lumayo ang mga ito sa amin. Nakangiti pa rin siyang nakatingin sa akin. Kumuha muna ako ng buwelo bago siya tanungin.

"Ikaw si Amelia Fuentabella di po ba?"

Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. "I don't know what you're talking about," bahagyang naging mailap ang trato niya sa akin.

"Ano ang koneksiyon mo kay Veronica Raymundo?" deretso kong tanong sa kanya.

Napabuntong-hininga siya at mailap akong tiningnan. "Pinapaimbestigahan mo ba ako?"

Tipid akong ngumiti sa kanya. "May gusto lang po akong malaman tungkol sa nakaraan."

Saglit niyang pinag-aralan ang mukha ko. "Wala akong alam sa sinasabi mo iho. Kaya kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako," sabi niya at nagsimula nang humakbang palayo.

"Pinapahanap ka ni Erlinda Garcia!" pahabol ko sa kanya.

(A/N: Garcia ang apelyido ni Erlinda noong dalaga pa siya. Okay, scroll down na)

Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ako. Nagkaroon ng pag-asa ang puso ko.

"How did you know her?" gulat niyang tanong sa akin.

"I just...know," sabi ko sabay kibit ng aking balikat.

I heard her sigh. "I'll contact you soon," sabi niya at mabilis na naglakad palayo.

Hindi ko napigilan ang ngumiti. Konting tiis na lang Purita. Malalaman na natin ang tunay mong pagkatao. Mahahanap na natin ang tunay mong mga magulang. At kapag nangyari iyon, magpapakasal na tayo.

Continue Reading

You'll Also Like

18K 940 30
No secret is not revealed by midnight. Quinn Sandoval. A transferee na lumipat sa paraalang kakaunti lamang ang nakakaalam, ang Winston University. M...
1M 10.2K 7
Ivo always gets kick out from school because of his filthy attitude. He loves to fight. He smokes. He drinks. An 18-year-old delinquent who's stuck i...
348K 14.2K 61
[Epistolary] "I'm addicted to you like a powerful drug. With you by my side, you are my euphoria."
275K 2.5K 20
Best Wattpad Authors!! ... Are you new on wattpad? Are you searching stories to read? ... Here are some authors and their stories that I suggest you...