Love & Bullets

By midnightbIue

118K 4.8K 1.1K

"My lips are the gun. My smile is the trigger. My kisses are the bullets. Label me a killer." Kill or be kil... More

Love and Bullets
Bullet One
Bullet Two
Bullet Three
Bullet Four
Bullet Five
Bullet Six
Bullet Seven
Bullet Eight
Bullet Ten
Bullet Eleven
Bullet Twelve
Bullet Thirteen
Bullet Fourteen
Bullet Fifteen
Bullet Sixteen
Bullet Seventeen
Bullet Eighteen
Bullet Nineteen
Bullet Twenty
Bullet Twenty One
Bullet Twenty Two
Bullet Twenty Three
Bullet Twenty Four
Epilogue
Last Bullet
Special Bullet
Special Bullet

Bullet Nine

3.6K 160 33
By midnightbIue

Straightforward

Maaga akong nagising. 6 AM ako nagising para lumangoy. Hindi kasi natuloy ang night swimming namin ni Caden dahil dun sa nangyari.

Walang nangyari samin! Makeout lang at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang pumayag ako.

Maybe I am starting to like that guy too.

Holy fuck, this is not good. Magagalit talaga si Chief neto. Well, hindi niya naman malalaman eh.

Suot ko na ang aking rash guard, may bikini ako sa loob. Matapos kong maglagay ng sunblock ay agad din akong pumunta sa tubig.

Shit, ang lamig.

Lumangoy ako papunta sa medyo malalim na part. Binasa ko ang buhok ko at lumangoy langoy.

Napatingin ako dun sa mga bagong dating. May babaeng may dalawang anak na dala, isang babae at isang lalaki. Mas matanda naman yung babae sa lalaki.

Nag-iwas ako ng tingin. Ayokong maalala ang mga bangungot ko.

Lumangoy na ako pabalik at umupo lang ako sa buhangin. Tumingin lang ako sa mga bangka at barko na dumadaan dun sa pinakamalalim na parte ng dagat.

"Hey," May nagsalita sa gilid ko. Inangat ko naman ang ulo ko para makita kung sino yun. "ikaw ra isa?" He asked. (mag-isa ka lang?)

"Uh, tagalog ako." Sabi ko naman kahit medyo naiintindihan ko yung sinabi niya.

"Really? Ako rin," He smiled. "is it okay if I sit with you?"

Subukan mong gumawa ng hindi maganda, papatayin kita. "Sure."

Umupo na siya sa tabi ko, mabuti naman at hindi siya dumikit sakin. "I'm Ajay, Ajay Pangilinan." Sabi niya sabay lahad ng kanyang kamay.

"Autumn Medieva." Kinuha ko yun at nakipagshakehands. Muntik ko nang masabi ang totoo kong pangalan!

"Mag-isa ka lang bang pumunta rito?"

I shook my head. "Tulog pa yung kasama ko."

"At least may kasama ka." He chuckled.

"Ikaw? Are you alone?"

"Yup," He sighed. "my girlfriend broke up with me 2 days ago. I came here to forget. Gusto kong makalimot."

"I'm surprised you didn't choose alcohol." I chuckled.

"Hindi sagot ang alak, baka may magawa pa akong katarantaduhan kapag uminom ako. Mas mabuti pang magbakasyon dito sa Davao."

"Kelan ka uuwi sa Manila?"

"I don't know. Wala na ata akong balak na umuwi eh, mas gusto ko dito sa Davao," Tumingin naman siya sakin. "ikaw?"

Magsasalita pa sana ako nang may magsalita mula sa likuran ko. "Wala ka na dun."

Napatayo ako nang malamang boses ni Caden yun and he is not happy.

Tumayo na rin si Ajay at nilahad ang kamay kay Caden. "Ajay nga pala."

"Wala akong pakielam." Mariin na sabi ni Caden.

I punched him. "Pasensiya ka na dito, wala kasi siya sa mood. Caden, si Ajay. Ajay, ito si Caden."

"Boyfriend niya." Sabi ni Caden sabay akbay sakin.

"Nice to meet you," He smiled. "aalis na ako, Autumn. I'll see you around." Ngumiti siya sakin bago umalis.

Agad ko namang kinurot si Caden nang makalayo na si Ajay. "You're such an asshole, Caden!"

"I know," Iritado niyang sabi bago hinawakan ang kamay ko. "halika nga dito."

Hinila niya ako papunta sa cottage namin. Pumasok na kami at agad niyang sinara at nilock ang pinto. Nilamig ako dahil basa pa ako at naka-on pa yung aircon. Kumuha siya ng towel at binalot yun sakin. Nakasimangot pa rin siya.

"Bat mo ako iniwan? Bat di mo ako ginising? Bat ka naligo nang wala ako? Bat ka nakikipag-usap sa ibang lalaki? Bat kayo magkatabi? Bat close na kayo? Ha? Bakit, Dakota?!"

I frowned. "Calm the fuck down, Caden! Kung makatanong ka parang nagsex na kami ni Ajay dun sa buhangin ah!" Inis kong sabi.

Mas lalo ata siyang nagalit sa sinabi ko. "Don't fucking say that, Dakota! Kahit hindi yan totoo, ayokong marinig yan. Naiintindihan mo?!"

"What's happening to you?! Bat ka ba nagagalit?!" Nakakairita, parang bata! Nagalit dahil iniwan, punyemas.

"I'm jealous, okay?!"

"For fuck's sake, Caden! Bat ka nagseselos kay Ajay? Ngayon nga lang kami nagkakilala eh!"

"Pinagseselosan ko ang lahat pagdating sayo! Gusto ko, ako lang. Ako lang lagi!"

"Ang selfish mo!" Galit kong sabi.

Nabigla ako nang hawakan niya ang magkabila kong pisngi, nanghina ang legs ko sa ginawa niya. Eto ang epekto ni Caden sakin.

"I'm selfish when it comes to you, Dakota."

"You don't have to be jealous. I'm yo.." Hininaan ko ang boses ko dahil nahihiya ako.

"You're what, Dakota? You're what?"

"Alam mo na." Namumula kong sabi.

He smirked. "No, hindi ko alam."

"Alam kong alam mo na! You're smart!"

"Hindi ko talaga alam, say it."

"I'm yours." I whispered.

"What? Hindi kita marinig?" Pangbbwisit niya.

Tinulak ko siya at inirapan. "Tangina ka." Sabi ko bago lumabas sa cottage namin.

Bago pa ako makalayo nang tuluyan ay hinawakan ni Caden ang kamay ko at pinabalik sa cottage. Hindi na ako nakapagsalita dahil hinalikan niya kaagad ako.

*****

From: Logan

Namimiss ka na namin, Da.

From: Xavi

Buti ka pa, nagbabakasyon. Video call tayo mamaya, ah?

From: Kourtney

Hoy, Dakotiti! Akala ko ba nasa Manila ka?! Umuwi ka na nga, nabbwisit ako kay Xavi!

From: Misty

Hi, Dakota. Nasan ka?

Ayan, tambak na ako sa texts. Kalahati ng new messages ko ay galing kina Xavi at Logan, paulit ulit na sinasabi sakin na namimiss na nila ako.

Hapon na at ayaw pa ring bumangon ni Caden. Nakayakap siya ng mahigpit sakin ngayon habang ako naman ay binabasa ang messages sa phone ko.

"Caden, bitaw nga." Sabi ko.

Ayaw niya na akong pakawalan dahil baka magkita raw kami ni Ajay.

Seloso, punyeta.

"No." Parang bata niyang sabi.

"Hindi nga ako lalabas dito."

"No." Ulit niya.

"Babarilin talaga kita. Bitaw!" Inis kong sabi.

"Edi barilin mo, wag kang umiyak kapag nawala ako." Nakapikit niyang sabi.

"Arte mo, sa daliri kita babarilin para malayo sa bituka."

"Corny mo," Sabi niya bago hinalik halikan ang leeg ko. Nakiliti naman ako. "you smell so good."

"Wag mo nga akong landiin." Inis kong sabi habang binabasa ang text messages nina Xavi at Logan.

"Lagi naman kitang nilalandi ah." He chuckled.

"Pag ako napuno sayo.." Banta ko.

"Ano?" Mahina niyang sabi bago hinalik halikan ang leeg ko. "what, Dakota? Pag napuno ka sakin, ano?"

Kinurot ko ang braso niya kaya natigil siya sa paghalik sa leeg ko at pinakawalan ako.

"Masakit yun!" Reklamo niya nang makabangon ako.

Ngumisi ako. "Asshole."

"Mamaya ka sakin." He smirked.

*****

"Ayoko pang umuwi." I sighed.

"Me too," Sabi niya habang inaayos ang buhok niya. "pwede pa naman tayong magstay kung gusto mo eh."

"Wag na, baka magalit si Chief kapag nalaman niyang nagbakasyon tayo or whatever you call this."

"Hindi niya naman malalaman.." He grinned.

Umirap nalang ako. Kinuha ko na ang bag ko at hinintay siya sa labas ng cottage namin. Mayamaya pa ay lumabas na siya at kinuha ang mga dala namin.

Hinawakan ko na ang braso niya at naglakad papunta sa exit ng Paradise Island.

Nakatingin lang ako sa dagat habang naglalakad papunta sa bangka.

Goodbye, happiness.

Kinuha na ng mga tauhan ni Caden yung mga dala namin. Sumakay na si Caden sa bangka at inalalayan nanaman akong sumakay.

Umupo na kami at sinuot yung lifevest. Binuhay na nung driver yung makina ng bangka at inatras ito.

Tumayo ako at lumapit sa handrailing ng bangka at hinawakan yun. Tiningnan ko ang napakagandang dagat habang pabalik na kami sa kabilang isla.

Hapon namin naisipang umuwi para hindi na ganon kainit.

Lumapit sakin si Caden at pinulupot ang kanyang kamay sa bewang ko, dinikit niya naman ako sa kanya.

"You okay?"

Tumango ako. "Yes, I am."

"Sure?" He asked. Napatingin ako sa kanya at ngumiti ng tipid.

"Oo, okay lang talaga ako. Nalulungkot lang ako kasi babalik na tayo sa real world." I sighed.

"Don't be sad, Muffin. I'm here." He smiled.

Hindi ko na napigilang ngumiti balik, nakakahawa kasi ang ngiti niya. "I know."

Di nagtagal ay nakarating na rin kami sa kabilang isla. Tumayo na kaming dalawa nang tumigil na ng tuluyan ang bangka. Nabigla ako nang hawakan ni Caden ang bewang ko at kinarga ako pababa sa bangka. Dahan dahan niya akong binaba sa buhangin at sumimangot.

"Ang gaan gaan mo, kumakain ka ba ng maayos?" Kunot noo niyang tanong.

I rolled my eyes. "Of course, I need to be healthy."

"Tss, healthy ka diyan. Ang payat mo nga."

"Pake mo ba? Katawan mo, katawan mo?"

"Hindi, pero katawan yan ng babaeng gusto ko kaya may pake talaga ako."

Sinamaan ko siya ng tingin. Napakastraightforward. Such a turn on.

Hinawakan niya na ang kamay ko at naglakad papunta sa kotse niya, dala naman ng mga tauhan niya yung mga gamit namin.

Pinatunog niya na ang kotse at pinalagay sa backseat ang mga gamit. Kumuha ng isang daan si Caden mula sa kanyang pitaka at binigay yun sa kanila.

"Paghatian niyo yan ah. Salamat." Ngumiti si Caden at tinapik ang balikat nung isa.

"Daghang salamat, Sir Caden. Sige po, Ma'am." Ngumiti sila samin bago bumalik dun sa port.

Pinagbuksan na ako ng pinto ni Caden at inalalayan akong sumakay. Lagi nalang ba siyang ganito?

Umikot na siya at sumakay sa kotse. Binuhay niya na ang makina at nagdrive papunta sa exit.

Sinuot ko na ang seatbelt ko at sumandal sa upuan. Napatingin ako dun sa babae na nasa tabi ng isang pulang Honda City. Medyo malayo siya samin pero namumukhaan ko siya.

Misty?

________

Aguy.

The Protector II is here already, okay? Baka hindi pa alam nung ibang naghihintay hehehe. Check niyo nalang po yung profile ko. Thank you! :D



Continue Reading

You'll Also Like

5.6K 359 70
"I love you seven thousand."
12.9K 664 14
NOVELETTE | COMPLETED Mars Benedict Chasseur was both happy and stressed after finding out that his mate was a 7-year-old Pouvoirer-evil-Goddess-vamp...
263K 6.3K 159
That Frat Leader is my Prince (Book 1) That Frat Leader is my Ex (Book 2) That Frat Leader is my First Love (Book 3)
3.7K 414 28
Constacia Marathoñiasy thought life could not get any better because of her situations. She almost lost all her hope. She almost died staring at the...