Love & Bullets

By midnightbIue

118K 4.8K 1.1K

"My lips are the gun. My smile is the trigger. My kisses are the bullets. Label me a killer." Kill or be kil... More

Love and Bullets
Bullet One
Bullet Two
Bullet Three
Bullet Four
Bullet Five
Bullet Seven
Bullet Eight
Bullet Nine
Bullet Ten
Bullet Eleven
Bullet Twelve
Bullet Thirteen
Bullet Fourteen
Bullet Fifteen
Bullet Sixteen
Bullet Seventeen
Bullet Eighteen
Bullet Nineteen
Bullet Twenty
Bullet Twenty One
Bullet Twenty Two
Bullet Twenty Three
Bullet Twenty Four
Epilogue
Last Bullet
Special Bullet
Special Bullet

Bullet Six

3.9K 151 60
By midnightbIue

First

"Swerte siya at sa tagiliran lang tumama yung bala at nadala mo siya kaagad dito." Sabi nung Nurse dito sa clinic ng agency.

"Muntik pa nga akong mawala, Nurse eh. Hindi pa kasi ako familiar sa daan dito sa Davao." I sighed.

"Magpahinga ka muna, Dakota. I'm sure you're very tired, bisitahin mo nalang si Caden mamaya kapag gising na siya." Sabi naman nung Nurse sabay ngiti.

Tumango naman ako. Tumingin muli ako sa natutulog na si Caden. Pinitik ko ng mahina yung kamay niya, hoping na magigising siya but no effect.

Bumuga ako ng hangin bago nagmartsa palabas sa clinic. Napahawak naman ako sa tahi ko. Sana pala ako nalang yung nag-alis ng bala sa tagiliran niya at tinahi yung sugat. Para naman makabawi ako, siya kaya ang nag-alis ng bala at nagtahi sa sugat ko.

Lahat ng agents sa agency namin ay nagtraining din sa mga ganito. Dapat alam naming mag-alis ng bala at magtahi ng sugat.

"Torres, status report."

Bumalik ako sa katinuan nang marinig ko ang boses ni Chief.

"Chief, nasa agency ako ngayon. May tama si Caden pero naalis na yung bala. Nahuli na namin si Del Mantra at nasa isang kwarto na siya para mainterview."

"Good," Sabi niya naman. "kausapin mo kaagad yan. Kailangan may makuha ka nang impormasyon tungkol sa leader ng Red Guns. Understood?"

I sighed. "Opo, Chief."

*****

"What do you mean nakatakas si Del Mantra?!" Sigaw ko.

"P-Pasensiya na, Miss Dakota." Yumuko yung staff na nagbabantay.

"Sinabihan na kita na kapag aalis ka para magbanyo o kumain, tumawag ka ng kapalit! May earpiece ka, diba?!"

Tumango naman siya. "O-Opo."

"Yun naman pala eh!" Sigaw ko. Kinuha ko yung baril ko at kinasa, tinutok ko yun sa braso niya. "this is your fucking punishment. Sana naman ay matuto ka." Sabi ko bago siya binaril.

Napasigaw at iyak siya sa sakit. Dumudugo na yung braso niyang binaril ko. Psh, pasalamat siya at hindi sa puso eh.

Agad akong lumabas at sinabihan yung Nurse, gamit ang earpiece ko, na gamutin yung tarantadong yun.

Ayoko talaga sa mga pabaya.

"I heard a gunshot, Da. Okay ka lang ba?" Biglang sabi ni Xavi sa earpiece ko.

Bumuga ako ng hangin bago binalik ang baril ko sa belt ko. "I'm fine, may pinarusahan lang akong bobo."

"What happened?"

"Nakatakas si Del Mantra dahil napakapabaya nung nagbabantay sa kanya." I rolled my eyes.

"Seriously?!"

Pumikit ako ng mariin at sumandal sa pader. Chief is going to kill me.

"Yes."

"Patay tayo kay Chief."

"Patay ako kay Chief." I corrected him.

"Pero kasalanan naman nung nagbantay eh. I'm sure yun yung patay kay Chief."

"Xavi, ako yung assigned sa mission na ito at parte si Del Mantra dun. Ako pa rin yung malalagot dahil nakawala siya."

"Assigned din si Caden sa mission na yan, Da. Wag mong angkinin lahat, ayoko yung ikaw lang ang mapapagalitan. Tsk."

"Caden did his part, Xav. Wala siyang kasalanan, ako yung conscious dito." I said.

Narinig kong tumawa si Xavi. "Oohhlala! Bat parang prinoprotektahan mo si Caden, Da? Crush mo noh?"

Napadilat naman ako sa sinabi niya. Agad namang nag-init ang dugo ko. "What did you say, Xavi Sawyer?"

"Shet, galit na," Humalakhak siya. "biro lang po, Dakota este Autumn." Pang-aasar niya.

I rolled my eyes. "Pano mo nalaman yan?"

"In-update kami ni Misty, agent diyan sa Davao. Kilala mo yun, diba?"

"Yup," I said. "magkapitbahay lang din kami."

"I know, pinili talaga ng agency ang bahay na yon para malapit kayo sa isang agent para matulungan kayo, just in case."

Umirap ako ulit. "I don't need anyone's help."

"Pero kapag tulong ni Caden, ayos lang? Iba ka, teh!" Humalakhak siya.

"Fuck you, Xavi!"

*****

"I'm okay, Muffin." He smiled widely.

Nakahiga pa rin siya dito sa clinic at gising na gising na ang diwa. Gusto niya nang bumangon para makausap si Del Mantra. Hindi pa niya alam na nakawala pala yung hayop.

"Sure ka ba talagang okay ka na?"

"Why are you so worried?" He smirked.

I rolled my eyes. "You're my partner in crime, Caden. Shempre, mag-aalala ako." Plus, you save my life.

Umupo siya sa kama at ngumiti sakin. "I'm fine, promise."

"Promises are meant to be broken." Sabi ko naman.

"Puso mo nga, ayaw kong wasakin. Pangako pa kaya?"

Natameme ako sa sinabi niya. Shit ka, po.

"Uh, ano. Caden." Sabi ko.

"Yes, Dakota?"

"Kasi ano. Well." Ano na, Dakota?

"Well what? Come on, Muffin. Say it." He smiled, teasing me.

"Thank...you. Thank you for saving me..." I bit my lip.

Tinagilid niya ang ulo niya bago kinagat ang kanyang labi. Nabigla ako nang hatakin niya ako palapit sa kanya. He crashed his lips to mine and I was stunned.

My first kiss! My first fucking kiss!

I tried to push him away but he wrapped his arms around me, dinikit niya pa ako lalo sa kanya. Bahagya akong nakahiga sa dibdib niya dahil nga hinatak niya ako kaya napahiga ako dun.

Unti unti na siyang lumayo sakin habang nakapikit pa rin. Nang makalayo na ako sa kanya ay kumurap ng ilang beses ang mga mata ko.

"What the!" Sasampalin ko na sana siya nang mahuli niya ang kamay ko bago pa ito tumama sa kanyang pisngi.

Ngumisi siya bago hinalikan ang kamay ko. "You're welcome, sweet lips." He winked.

*****

"What?! Are you fucking serious?!" Rinig kong mura ni Caden sa loob ng meeting room.

Huminga ako ng malalim bago pumasok. May mga dala akong energy drink at nilapag yun sa lamesa.

Ang nandito sa meeting room ay ako, si Caden, yung manager at yung staff na kasali sa mission na to.

Umupo na ako sa tabi ni Caden, hindi pa nagsisimula yung meeting dahil hinihintay pa namin yung ibang staff. May kausap si Caden sa phone niya at mukhang hindi maganda ang kanilang pinag-uusapan.

"...fucking great...I'll just text my Mom...of course, I'll bring her. Kailangan ko ang tulong niya...okay....alam na ba ni Chief? Dapat malaman niya....good...see you," Bumuga siya ng hangin bago nilayo yung phone sa tenga niya at pinatong yun sa lamesa. "well done, Jenesis."

"What's wrong?" I asked.

"Uuwi si Jenesis sa Manila bukas at kailangan nandun ako." Umirap siya.

Eh, pano yung mission? "Alam ba ni Chief?"

"Yeah, siya na rin yung nagsabing bumalik ako sa Manila," Sabi niya bago tumingin sakin. "you're coming with me."

Tumango nalang ako. Hindi na ako nakipagtalo dahil wala ako sa mood.

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang ibang staff dito. Nagsimula na yung meeting kaya binigay ko ang buong atensyon ko dun.

Kaso nga lang, kapag si Caden Lacson ang katabi mo, mawawalan ka talaga ng focus.

Unti unti niyang inakbayan ang swivel chair na inuupuan ko at nilapit yun sa kanya. Napakagat ako sa labi ko nang gawin niya yun.

Naalala ko tuloy yung hinalikan niya ako. Oh, shit.

Natapos ang meeting at konte lang ang pumasok sa isip ko. Kasalanan mo to, Caden. Tangina.

"Anong oras tayo babalik sa Manila?" Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang makapasok sa loob. Umikot na siya, sumakay sa kotse at binuhay ang makina.

"Ngayon na."

*****

"Ma, si Dakota nga pala." Pagpapakilala ni Caden sakin sa Mama niya.

Napakaganda ng kanyang ina, hindi halata na may dalawa nang anak sa itsura niya. Napakaflawless ng kanyang skin at walang kapores pores! Magkamukhang magkamukha sila ni Jenesis.

"Hello po, Tita." Sabi ko sabay handshake.

"Hi, Dakota!" She kissed my cheek. Gosh, she is so sweet. "girlfriend mo ba siya, Cadenden?"

Tumawa si Caden. "I wish," Bulong niya pero di ko narinig. "nope."

"Awtsu! Bagay pa naman kayo," She giggled. "nasa Cebu pa ang Papa mo, bukas pa ata yung balik."

"Okay," Sabi naman ni Caden. "ilalagay ko lang tong maleta ko sa kwarto ko tas aalis muna kami saglit ni Dakota."

"Hay, nako. Kakauwi mo lang tas aalis ka nanaman?" She pouted.

Tita Jill, bat ang cute mo?

"Babalik naman ako, Ma." Umirap si Caden.

"Oo na, oo na. Nasa garden lang ako kung may kailangan kayo." Sabi niya bago niyakap ng mahigpit si Caden at umalis.

"Ang sweet ng Mama mo tas ikaw? Sobrang sungit?"

"Kelan pa ako nagsungit sayo?" Tumawa siya.

"Masungit ka din naman sakin minsan ah."

Habang naglalakad kami ay may nakasalubong kaming matandang babae.

"Caden, iho!" Sabi niya bago niyakap si Caden.

Tumawa si Caden bago niyakap balik yung babae. "Hi, Manang. Kamusta?" He smiled. "sya nga pala, Manang, eto si Dakota. Dakota, si Manang Lilay."

Nagmano ako sa kanya. "Hello po, Manang."

"Kegandang babae naman ito! Girlfriend mo, iho?"

"Hindi pa po." Ngumisi siya.

Wow, kapal.

Dumaan rin kamk sa agency ni Caden para iupdate si Chief. Galit na galit si Chief nang malamang nakawala si Del Mantra pero mabuti nalang at napakalma ni Caden si Chief at sinabing mahahanap muli namin yung hayop na yun.

Umuwi na ako sa condo ko gamit ang kotse ko, ihahatid niya na sana ako but namimiss ko na ring magmaneho.

Paghawak ko sa doorknob ng unit ko, natigil ako nang marealize kong bukas ito. Agad kong kinuha ang baril ko na nasa likuran na bahagi ng pantalon ko.

Kinasa ko ito bago unti unting binuksan ang pinto. Dahan dahan akong pumasok at tinutok ang baril sa harapan ko. Sinara ko ang pinto at siniguradong hindi ito gagawa ng tunog para hindi malaman nung taong nandito na nakabalik na ako.

Habang naglalakad ako papunta sa sala ay narinig kong naka-on yung tv. Aba, nakuha pang manuod sa tv ko!

Sumandal na muna ako sa pader at huminga ng malalim. In three, two, one...

Agad akong lumabas mula sa pinagtataguan ko at tinapat ang baril sa taong nakaupo sa sofa ko. May hawak din siyang chichirya.

Nabitawan niya ang chichirya sa gulat pero hindi naman ito nabuhos.

Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko kung sink yun.

"Kourtney?!" Sabi ko sabay baba ng baril ko. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Dakotiti!" She squealed. Agad siyang tumayo mula sa sofa ko at tumalon sa harapan ko kaya natumba kaming dalawa. Niyakap niya naman ako ng sobrang higpit. "I missed you so much!"

"Get off me, Kourtney!" Inis kong sabi bago siya tinulak.

Tumawa siya bagi bumangon at tinulungan din ako. Niyakap niya akong muli, niyakap ko din siya.

"Namiss talaga kita, Dakotiti." Ngumuso siya.

Eto si Kourtney, isang agent din sa agency namin. Sa Davao siya ipinanganak pero lumaki dito sa Manila. Galing to sa Iceland dahil nandun yung mission niya, walong buwan na din siya dun. Akala ko nga di na siya babalik eh.

"Namiss din kita. Hanggang ngayon yan pa rin ang tawag mo sakin?" Sabi ko sabay pitik ng noo niya.

Tumawa siya ng malakas. "Ganda kaya ng tawag ko sayo!"

Dakotiti or big dick sa bisaya. Wala kasing filter ang bibig ng babaeng to kaya ayan. Marami pa siyang tinatawag sakin pero yan ang paborito niya.

"Kelan ka lang nakauwi? San ka mananatili?"

"Kanina lang. Buhay pa naman yung condo ko kaya dun na muna ako." Sabi niya bago umupo sa sofa at pinagpatuloy yung chichirya niya.

"Eh bat ka nandito?"

"Well, namiss nga kasi kita, diba? Tsaka, nandito sakin yung pangalawang susi ng condo mo. You still have mine, right?" She asked, I nodded. "good. Hinintay nalang din kitang makauwi, tinext ako ni Logan at sinabing galing ka pa sa Davao dahil nandun yung mission mo."

I smirked. "Si Logan ang nagtext sayo?"

"Oo, kaya don't me." She rolled her eyes.

She is Xavi's ex girlfriend. Siya lang ang long time girlfriend ni Xavi, naghiwalay sila dahil ayaw ni Xavi ng long distance relationship.

Nagkwentuhan pa kami ni Kourtney hanggang sa dumilin nalang. Dito nalang siya natulog dahil makapal ang mukha niya at tinatamad na siyang magmaneho pauwi. Tss.

Kinabukasan...

Papunta na ako sa airport ngayon. Ako ang susundo kina Jenesis, nagtext na rin sakin si Caden at sinabing nakaland na ang eroplano nila.

Gamit ko na ang baby Montero Sport ko.

Hindi niya masusundo ang kapatid niya dahil may importante silang pag-uusapan ni Chief, kaya ako nalang.

Mayamaya pa ay dumating na rin ako sa airport. Nakita ko na sina Jenesis kaya pumarada ako sa harapan nila.

Bumaba na ako at nilapitan sila, nakita ko namag inalis ni Jenesis ang shades niya. Nakataas naman ang kanyang kilay.

"Dakota?"

I smiled while walking towards them. "Hey, Jen."

"Where's my brother?" Pataray niyang tanong.

"He's..kinda busy. He asked me to fetch you so yeah." Wala na rin akong choice.

Kinausap siya nun lalaking ubod ng kapogian. Napakaganda ng kanyang mga mata, gray. Boyfriend niya ba to?

Humarap na sakin si Jenesis. "Busy? Ganon ba siya kabusy na hindi niya ako kayang sunduin?"

"Ay, ikaw lang?" Sabi nung isang lalaki sa likuran ni Jenesis.

Sinuntok naman siya nung isang babae. "Tumahimik ka nga diyan."

I sighed. "Magkikita mo naman siya mamaya eh. Sumakay na kayo, babalik pa ako sa trabaho ko." Sinubukan ko talagang hindi ipahalata na naiirita ako.

Kailangan kong magpagoodshot sa kakambal ni Caden.

Sumakay na silang lahat kaya sumakay na rin ako. Binuhay ko nang muli ang makina at nagdrive paalis dito.

Ang tahimik, ha. Nakakabingi.

"Um," Tumikhim si Jenesis. "is this Caden's car?"

"Nope, sakin to." I smiled. Ganda, noh? Love na love ko to.

"Mas gusto mo pala ng malalaking kotse?" She asked.

"Yup, si Caden din."

Naikwento kasi sakin ni Caden kanina sa eroplano na mahilig talaga siya sa malalaking kotse. Marami siyang maliliit na kotse pero mas bet niya yung mga malalaki. Mas masculine daw'ng tingnan yun para sa kanya.

"Wait, si Caden din? Ang alam ko, mas gusto niya sa maliliit na kotse. Tulad nung M3 niya." She said, medyo bitchy yung tono.

Hay, Jenesis. Ayaw mo talaga sakin, noh?

I shrugged. "Ewan. Yun yung sabi niya eh."

Di nagtagal ay nakarating na rin kami sa bahay ng mga Lacson. Agad akong bumaba at binuksan yung compartment at binaba ang mga gamit nila.

Bumaba na rin sila at kinuha ang mga gamit nila mula sa kotse ko.

"Thank you!" The girl smiled. "ako nga pala si Selena, eto naman ang boyfriend kong si Theo. Yun naman sina Melissa at Wade."

I smiled. "Hello sa inyong lahat, Dakota nga pala."

Nagsipasok na sila sa mansion ng mga Lacson, ako naman ay nagpaiwan muna.

"Yo, who's up?"

"Hey, Muffin. What's up?"

Muffin. "Ikaw pala yan," I said. "naihatid ko na sila. Hinahanap ka nga pala ng kakambal mo."

Tumawa siya. "Alam ko, tinext ako bago lang."

"Okay, yun lang. Magpapaalam lang ako kina Tita Jill tas babalik na ako diyan."

"Okay, see you later, gorgeous."

Ngumuso ako para pigilan ang sarili kong ngumiti. Tinakpan ko na ang earpiece ko gamit ang buhok ko at pumasok na sa loob.

"....buti nalang at inaalagan siya ni Dakota." Dinig kong sabi ni Tita Jill kay Jenesis.

Lumapit ako kay Tita Jill at nagbeso. "Hi po, Tita."

"Hi, iha. Ikaw ba yung nagsundo sa kanila?"

"Opo." Ngumiti ako.

Ngayong magkasama na sina Tita Jill at Jenesis, mukha na silang magkakambal! Halos pareho na ang mga features nila.

"Hay nako, si Caden talaga." Napiling si Tita.

Nag-usap na silang dalawa ni Jenesis kay nagpaalam na ako. Kailangan ko na kasing bumalik sa agency.

Agad akong lumabas at sumakay sa kotse ko. Pinaharurot ko naman ito. Shet, I missed my baby Montero!

Napadaan ako sa isang coffee shop, naisipan kong bumili rin ng kape pero nakakatamad bumaba.

Habang nililibot ko ang mga mata ko ay napatingin ako dun sa isang pamilyar na lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko. Si Del Mantra!

Pano siya naabot dito sa Manila? Bat ang bilis? Alam niya bang nandito kami?

Nakita kong lumabas na siya mula sa coffee shop at sumakay sa isang puting Vios.

Para masagot ang mga tanong ko, sinundan ko siya. Shempre, lumayo ako konte para hindi niya mahalata.

Palayo na kami nang palayo sa downtown, papunta na kami sa isang mabukid na lugar.

Shit, dito na ba ang totoong hideout ng Dark Dragons? Possible kayang nandito na ang leader ng Red Guns?

"This is Torres, I found Elton Del Mantra. Nandito rin siya sa Manila! Sinusundan ko siya ngayon, hindi ko pa alam kung nasan ako ngayon."

Walang sumagot. Nagsalita ako muli pero wala talaga. Inalis ko ang earpiece ko at nakitang isang bar lang yung signal. Sobrang hina ng signal dito kaya di maabot yung mensahe ko sa agency.

Kinuha ko yung cellphone ko mula sa bulsa ko at tinawagan si Caden pero wala ring signal dito sa phone ko.

"Fuck it!" Mura ko. Binato ko ang cellphone at earpiece ko sa frontseat.

Fine, then. Mag-isa kong patutumbahin si Del Mantra.

Di nagtagal ay tumigil na rin ang sasakyan ni Del Mantra pero nasa gitna pa rin kami ng kalsada.

Fucking shit! Nahalata niya ako, tangina.

Nakita kong bumaba siya mula sa sasakyan niya at may dalang baril. Galit na galit ang kanyang mukha at tinapat sakin yung baril. Nanlaki ang mga mata ko at agad na yumuko.

Binaril niya ang glass ng sasakyan ko kaya kumulo ang dugo ko.

"Not my baby!" Inis kong kinuha ang baril ko at kinasa ito. "pagsisisihan mo to, Del Mantra!" Sigaw ko bago bumaba sa kotse ko at pinagbabaril siya.

Nakailag yung hayop at nagtago sa harap ng kotse niya. Nagtago ako sa likuran ng kotse ko at dinagdagan ng bala ang baril ko.

Huminga ako ng malalim bago lumabas muli para barilin siya. Kaso, nagkamali ako. Tumama yung bala sa braso ko kaya nagtago ako muli sa likuran ng kotse ko.

Napahawak ako sa tama ko. Wrong fucking move, Dakota.

Narinig ko namanh humalakhak si Del Mantra. "Ano ka ngayon, Dakota Torres?! Wala ang tagapagligtas mong si Lacson kaya katapusan mo na!"

Pano niya ako nakilala?! Hindi ko siya naabutan sa kwarto kung san siya hinold kaya hindi niya ako nakilala. Suot rin namin ni Caden ang mga mask namin nung gabing inatake namin sila. Eh bat niya alam yung pangalan ko?

Something is fucking fishy here.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at pinagbabaril siya. Ni isang bala ko, walang tumama. What the hell is happening to me?!

Nagtago ako muli sa likuran ng kotse ko, patuloy pa rin si Del Mantra sa pagbabaril sakin pero nakaharang yung kawawa kong kotse.

Pumikit ako ng mariin at binura ang mga iniisip ko sa utak ko. I need to empty my head and focus.

Sinilip ko si Del Mantra. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nagsidatingan ang mga tauhan niya, bumaba sila sa kani-kanilang mga sasakyan at tinutok ang mga baril nila sakin.

"Fucking hell." I whispered.

________

Bye, Dakota? HAHAHAHA!

Arisse de Santos as Kourtney Arielle Laxaviel

Trina Guytingco as Misty Aurora Williams

I STILL NEED HANDLERS FOR:

Wade (The Protector)

Jonas (The Protector)

Aubrey (The Protector)

Girls can handle the boy characters! Pm me :))





Continue Reading

You'll Also Like

884 181 44
It was finally his turn to lead the way, spill the truth and he already wanted to divulge his conclusions as the many people's rage arrayed against A...
9.2K 891 37
Lethal Call (Mycroft Detective Coalition Series 1) |Collaboration Series| A lingering sense of unease fills the air. Was it a misdialed number or a d...
56.7K 5.3K 56
Old Title: Uriel, The Doll [COMPLETED] Uriel, The Doll with the perfect build of body and face, was surrendered back to the company for some review...
22.6K 464 37
Hi Sir, Send nudes Description: Think twice before you click. But for a girl name Curdapya Sofia Bahogdagway she been thinking this crazy thing for s...